Share

CHAPTER 12

 Kanina pa ako tila baka na umaatungal sa loob ng kotse ni Thunder. Tumigil na rin siya sa pag-aalo sa akin, siguro ay na-sense niyang hindi ako titigil hangga’t hindi ko nailalabas ang lahat ng sama ng loob na meron ako.

Nanatili siyang nakaupo sa driver’s seat habang nasa labas—sa malayo—ang mga tingin. Paminsan-minsan niyang ipinupukpok ang index finger ng kamay niyang nakahawak sa steering wheel.

“Parang may something talaga sa kanila, ‘di ba?”

Nilingon ako ni Thunder pero wala siyang binitawang salita. Pinunasan ko ang mga natuyo kong luha sa pisngi at sinalubong ang mga tingin niya. Kumunot ang noo niya’t siya ring naunang umiwas ng tingin. Marahil iniisip niya na over acting ako at masyadong mapaghinala.

Mukha naman kasing walang matinong babae na papatol sa kaniya. Malamang hindi niya alam ‘yong pakiramdam na may ibang nagpapasaya sa taong mahal niya. Moreover, he’s a guy so he wouldn’t really know what female intuition is and how accurate it is.

Bumuntong-hinga siya at muling binuhay ang makina ng kotse.

“Ihahatid na lang kita pauwi. Kapag nagmukha kang palaka bukas, kasalanan ko pa.”

“Don’t compare me to frogs!” Narinig ko siyang natawa kaya umirap ako.

Sumilip siya sa side mirror sa gilid niya para siguro tingnan kung may paparating bang sasakyan bago siya bumalik sa highway—at meron nga. Pamilyar ang kotseng iyon na nagawa pa ngang bumusina sa tapat namin saka nagpatiuna.

“Sundan mo. Dali!”

“Why would I?”

“Basta. Sundan mo lang. Bilis!” pagpupumilit ko sabay yugyog sa braso niya. Iritado siyang sinunod ang sinabi ko.

Kapwa kami tahimik ni Thunder habang sinusundan ang kotseng sigurado akong sina Vhan at Aquinah ang sakay. Ilang minuto rin ang itinagal ng pagmamanman namin hanggang tuluyan na nga itong huminto sa harap ng isang bahay.

I’ve never been into Aquinah’s house. Siya kasi iyong tipong maraming alibi na sasabihin para lang huwag kaming pumunta sa bahay niya. Ultimo address niya, hindi niya sinasabi sa amin. Kaya madalas, apartment ni Cham ang nagiging tambayan namin.

Bumaba mula sa driver’s seat si Vhan na siya ring ginawa ni Quin na mula naman sa passenger’s seat. Nakapunta na ako sa bahay ni Vhan kaya sigurado akong bahay ito ni Quin. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na tumingin sa akin si Thunder pero agad ding umiwas at bumaling sa dalawa sa unahan.

Ginulo ni Vhan ang buhok ni Quin. Umangat naman ng ulo si Quin at nginitian si Vhan. Mas lalong nadurog ang puso ko nang halikan pa nito sa noo si Aquinah. Para silang dalawang bida sa kwento na may temang ‘against all odds.’ Iyon bang mahal niyo ang isa’t isa pero hindi niyo maisigaw sa mundo.

“Let’s go?”

“Wait lang!” pigil ko sa kaniya sabay hawak sa braso. May kung anong tumutulak sa aking bumaba at komprontahin sila subalit pinangungunahan ako ng takot.

“Masokista ka rin talaga, ano?”

Nilingon ko siya at pinakatitigan sa mga mata. “Sandali lang. Mga two minutes pa.”

“Those eyes…” napigil ako sa balak ko sanang pag-iwas ng tingin sa kaniya. “Same as those eyes that night when I met you at the bar.”

Binigyan ko siya ng pilit na ngiti nang maalala ang rason kung bakit nga ba ako napadpad sa bar nang gabing iyon.

“Aquinah… She’s that best friend that I’m talking about that night.”

“Bakit hindi mo na lang sila komprontahin?”

Umiling ako. “Hindi gan’on kadali ‘yon. Natatakot ako. Baka—baka maling hinala lang ako.”

“Are you afraid to lose a friend o takot kang malaman na totoo ang hinala mo? Look, Jehan, you are losing yourself on the process of trying to save your relationship. And that’s a total red flag!”

Padabog akong sumandal sa upuan saka marahas na pinunasan ang mga luha. Muling napako kina Vhan at Aquinah sa unahan at ngayon ay magkayakap ang aking atensyon. It’s as if Vhan was being comforted by her. Bumubuka ang bibig ni Quin, marahil ay may sinasabi siya na hindi na abot ng pandinig ko dahil na rin sa layo namin sa kanila.

“Bar?” Nakakunot ang noo ni Thunder nang lingunin niya ako. Ngumiti ako sa kaniya.

“May klase tayo bukay. Ihahatid na lang kita pauwi.” Minani-obra niya ang kotse saka tuluyan akong hinatid pauwi.

I went to school with swollen eyes, the next day.

“Hi, babe! Nandito na ako. Stop dreaming ‘bout me.”

Umangat ako ng ulo upang harapin ang taong nagpabalik ng wisyo ko sa reyalidad. I saw Vhan looking at me with his boxy-smile. Umiwas ako ng tingin, eksakto namang nalipat kina Thunder at Xaw na palapit sa pwesto namin. Ngumiti ako kay Thunder na gumanti rin naman ng ngiti.

Dismayado akong bumaling kay Vhan nang maalalang may subject siya rito ngayon.

“M-may nangyari ba? Umiyak ka ba kagabi?” curious niyang tanong. Maging si Xaw ay na-curious din. Si Thunder naman ay tahimik na naupo sa seat niya sa tabi ko. Pumasok si Miss Jang sa room kaya nagmadaling tumungo sa kani-kanilang upuan ang iba ko pang kaklase, na siyang ginawa ni Vhan.

The class started and ended with my mind that felt like being unattached to my head. Hindi ko nga halos ma-recall kung nakapagpaalam ba si Vhan sa akin na aalis pagkatapos ng klase ni Miss Jang. Kalabit ni Liane ang pumigil sa naglalakbay kong isipan. Nag-aya siyang pumunta sa cafeteria.

“Should we invite Quin?”

“No!” medyo naging exaggerated kong pagtanggi. “M-may klase pa yata siya.”

Bumuntong-hinga siya. “Mabuti na lang!”

Tumayo ako mula sa kinauupuan nang hindi tinatanggal ang aking mga tingin kay Liane. Sa naging reaksyon niya, para bang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. Hinanap ko ng tingin si Cham at doon ko lang naalalang wala siya magmula pa sa unang subject namin. Bakit siya umabsent?!

“You don’t like her?” tanong ko sa kaniya nang maibaba na namin ang tray ng mga pagkaing binili namin sa counter ng cafeteria.

“Hindi naman sa ayaw ko sa kaniya. Feeling ko, siya itong may ayaw sa akin,” sagot naman niya referring to Aquinah na siyang pinag-uusapan namin magmula pa sa pila kanina. “Naalala mo n’ong umattend tayo ng birthday ni Rizel last week? Doon sa bar?”

Nakatitig ako kay Liane habang nagpapaliwanag siya. Masyado siyang madaldal para sa tulad ko. Napatango-tango naman ako bilang sagot sa sunod-sunod niyang tanong. Ngayon ko lang din naalala na hindi siya masyadong kinakausap ni Quin sa tuwing magkakasama kaming apat.

“May sinabi siya sa akin. I can’t remember the exact words but she sounded like she doesn’t want me to be part of your squad and to be close to you.” Kumagat siya sa sandwich na hawak niya.

As far as I can remember, nasabi rin sa akin ni Vhan na tantanan ko ang pakikipagkaibigan kay Liane. What’s wrong with being friends with her?

“Nga pala, maalala ko lang,” aniya saka sumipsip sa straw ng milktea niya. “200th day niyo ni Vhan kahapon ‘di ba? Sa motocross camp kayo nagdate, ‘no?”

Ngumiti ako nang pilit saka umiling. “Sa bahay lang kami.”

“Sus! Nakita ko kayo sa camp kagabi. Umamin ka na!” pamimilit pa nga niya.

“Promise. Wala ako sa camp kagabi! Baka ibang tao ‘yong nakita mo.” pagsisinungaling ko naman.

Muli siyang sumipsip sa milktea habang tila ba nag-iisip. “Sino ‘yong nakita ko?”

Pinili ko na lamang na manahimik. Ngayon, may isa na akong witness na talagang nagc-cheat sa akin si Vhan. Ibidensiya na lang ang kulang. Pagkatapos naming kumain ni Li ay bumalik na rin kami sa room para sa last half ng klase. Dahil si Liane lang din ang ka-close ko sa room, siya rin ang kasabay kong lumabas para umuwi.

Kahit papaano, I’m starting to like her company.

“Binigay sa ‘yo ni Kuya si Toki? For real?” nanlalaki ang mga mata niyang tanong, referring to the dog, Thunder let me to have in my custody. Huminto pa nga siya sa paglalakad para i-emphasize ang kaniyang pagkamangha.

“Are you planning to change his name?” habol niyang tanong. Mula sa pagkakanganga niya kanina ay ngumuso naman siya ngayon.

“No. I won’t. Ang cute na ng Toki at isa pa, ‘yon na ang nakasanayan niyang pangalan.”

Hindi ko malaman kung sadya bang mahaba ang mga biyas namin o sadyang hindi lang namin napansing malayo na ang nalakad namin. Malapit na kasi kaming dalawa sa entrance ng gate at may paparating na ring taxi.

“Gusto mong sumama sa bahay?”

Liane is a bubbly one. Para bang wala siyang problema sa buhay kong umasta. Hindi kami naubusan ng mapag-usapan habang nasa byahe. Napailing na lamang ako nang makababa kami sa taxi at mapagtantong ito ang unang beses na nagdalawa ako ng bagong kaibigan. Mainit naman siyang tinanggap ni Nanay Dolor.

“Nabanggit ba sa ‘yo ni Kuya na ireregalo niya dapat sa kapatid niya itong si Toki?” tanong ni Liane habang nakaupo sa sofa at nilalaro si Toki na nasa kaniyang kandungan. Tumango ako na siyang ikinalaki ng mga mata niya.

“B-bakit? natatawa kong tanong.

“Ilang beses kong hiningi ito sa kaniya pero ayaw niyang ibigay sa akin! Hindi naman niya kayang alagaan.” Naalala ko tuloy si Gum. Kumusta na kaya ang asong iyon? Napapakain ba siya ng maayos?

Umiwas ako nang tingnan niya ako nang masama. “Tingin ko, alam ko na kung bakit binigay sa ‘yo ni Kuya si Toki.”

“Kailangan ba talaga may rason?” Naupo ako sa tabi niya sa sofa habang nakapako pa rin kay Toki ang aking mga mata.

“Um! I think, binigay niya sa iyo si Toki para may rason siya puntahan ka rito.” Nag-init ang pisngi ko sa narinig. “Isipin mo kasi, pumunta siya rito ng hating-gabi tapos sasabihin niyang namiss niya si Toki.”

“Ewan ko sa ‘yo!”

Kung pu-pwede ko lang ihampas si Toki sa kaniya, ginawa ko na. Naagaw ng tumunog na door bell sa labas ng gate ang atensyon namin ni Liane. Nagpresinta naman si Nanay Dolor na siya na lamang ang magbubukas. Ginapang ng kaba ang aking dibdib sa isiping baka si Thunder iyong dumating at mapatunayan ni Liane na tama ang hinala niya. Luckily, Vhan was the one who came in.

Si Vhan? As far as I can remember, may klase pa siya nang ganitong oras! Tumuloy siya papasok sa main door ng bahay. Binati siya ni Liane pero hindi niya iyon pinansin at dumiretso lang papunta sa direksyon ko.

“Hihiramin ko muna siya sandali,” ani nito sa mababang tinig at hindi ko mawari kung sino ba kina Nanay Dolor at Liane ang kausap niya.

Hinawakan niya ako sa palapulsuhan at hinila palabas ng bahay. Noong una ay maingat pa ang hawak niya pero habang tumatagal ay humihigpit na ito. Huminto kami sa harap ng nakaparada niyang sasakyan sa labas. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger’s seat at umikot naman siya papunta sa driver’s seat.

“Where’s your phone?” pambungad niyang tanong sa mababa pa ring tinig.

“My phone? Nasa bag ko yata. Bakit?” Napatalon ang pang-upo ko sa gulat nang hampasin niya ang steering wheel. Nilingon niya ako na may namumulang mga mata.

“I heck, Jehan! Kagabi pa ako tumatawag sa ‘yo. Naka-off ba ang cellphone mo o ano?”

“Oh! Sorry, the battery’s dead. Nalimutan kong i-charge kagabi.” Napahilamos siya ng kamay sa mukha saka bumaling sa unahan.

“Umamin ka nga… Buong oras sa subject ni Ma’am Jang kanina hindi mo ako pinapansin. You’re giving me cold stares and uninterested replies.”

“Anong pinagsasasabi mo?” Kunwari akong natawa.

“May problema ba tayo? May problema ka ba sa ‘kin?” Nakangiti akong umiling bilang sagot sa tanong niya at kapagka’y umiwas ng tingin. Narinig ko siyang bumuntong-hinga. Gusto kong ibalik sa kaniya ang mga tanong na iyon subalit wala akong lakas ng loob para gawin.

“You’re at the motocross camp last night. Am I right?” Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya.

Maliban sa amin ni Thunder, si Cham lang ang napagsabihan ko ng tungkol sa nangyari kagabi. Pagkauwi ko ng bahay ay agad kong i-ch-in-arge ang cellphone ko at nang magkalaman ang battery nito ay si Cham ang una kong c-in-ontact. Nabanggit ko sa kaniya ang nakita ko nang manmanan namin sila ni Thunder. Tinanong ko rin siya kung wala ba siyang napapansing kakaiba sa dalawa.

Siya ba ang nagsabi kay Vhan na naroon ako sa motocross camp kagabi?

“Anong sense na girlfriend kita at boyfriend mo ako kung naglilihim tayo pareho at tinatakasan ‘yung mga bagay na dapat ay pinag-uusapan natin? Jehan, nakakapagod na!”

“Pagod ka na pala. Bakit hindi na lang natin tapusin dito ang lahat? Siguro, siguro hindi lang talaga tayo compatible sa isa’t isa.”

“Sige na. Bumaba ka na. Salamat sa lahat.”

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status