Share

CHAPTER 58:

Thunder’s POV

Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad yakap ang unan na nadampot ko sa kama bago ako nagpasyang lumabas ng kwarto. Ilang oras na ang lumipas mula nang dumating kami rito sa bahay galing sa maghapong driving lesson.

Jehan is a fast learner. Maliban pa roon ay may kaunti na siyang kaalaman sa pagda-drive kaya hindi ako nahirapan. Huminto ako sa paglalakad nang marinig ang tunog ng pagpihit ng knob. Bumukas ang pinto at bahagyang napatalon sa gulat si Jehan nang makita ako. Katulad ko ay naka-pajamas na rin siya.

“Gising ka pa?” tanong niya nang makabawi. Humakbang siya palabas ng kwarto. Lumapit ako sa kaniya at itinapon ang bitbit kong unan sa direksyon ng kama niya. Mabuti na lang at hindi iyon gumulong at nahulog sa sahig.

“Hindi pa ako inaantok.” Nginitian ko siya. Ngumiti rin siya pabalik at tuluyan na ngang sinara ang pinto.

“Magtitimpla ako ng gatas. Gusto mo rin ba ng gatas?”

“Hm?” Tinaas
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status