Share

CHAPTER 14

“So, what do you like?”

“I like Cigarettes After Sex.” Kumunot ang noo ko nang mapansing nagpipigil siya ng tawa. Ano namang nakatatawa sa sinabi ko?

Hindi pa kami gaanong nakalalayo ni Thunder sa motocross camp kung saan namin iniwan si Liane. Sa katunayan ay natatanaw ko pa rin ang malawak na lupaing iyon sa likuran. Moderate lang naman kasi ang usad ng kotse—sakto lang sa tulad naming hindi naman nagmamadali.

Bago pa man kami makarating kanina ay may napagkasunduan na kaming lugar na pupuntahan but sadly, ayaw papilit ni Liane. Three is a crowd, sabi pa nga niya.

“B-bakit?” pati ako nahawa na rin ng pagpipigil niya ng tawa.

“You like cigarettes after sex?”

“Hm! Why? Haven’t heard about that band?” Doon na nga siya tuluyang natawa.

Itinakip niya ang bahagyang nakakuyom na kanang kamay sa kaniyang mga labi. Sinusubukan yatang sawayin ang sariling huwag tumawa nang malakas. Nanatili siyang naka-focus ng tingin sa unahan pero palagay ko, lumilipad na kung saan ang imagination niya.

“N-no. It’s not what I mean. I-I like cigarettes after sex, too.”

“For real? If that’s the case, anong favorite mong song—”

Nanliit ang mga mata ko nang may ma-realize ako. Napahilig ako ng ulo sa isiping iba yata ang ibig niyang sabihin. Nilingon ko siya na nagpipigil pa rin ng tawa habang nagmamaneho. Bumaling ako sa labas ng sasakyan nang bumilis ang usad nito. Namumula na nga ang pisngi niya at nakakunot na rin ang ilong.

Ano ba kasing nakatatawa sa sinabi ko?

“Don’t tell me—wait! We are talking about bands, huh? I’m pertaining to the dream pop band na Cigarettes After Sex not that ‘cigarettes after sex’ that you’re imagining!”

“Iyon nga ang ibig kong sabihin. ‘La? Ikaw yata itong marumi mag-isip!” Sus, defensive!

Bumuntong-hinga na lamang ako sa pagtatanggol niya sa kaniyang sarili. Itinuon ko ang aking atensyon sa labas ng kotse habang sinasabayan ng pagpitik ng daliri ang beat ng RNB music na naka-play. Maraming matataas na puno ng Mahogany sa daan na siyang nagsisilbing bakod. Ito rin ang nagbibigay ng lilim sa mainit at nakasisilaw na sikat ng araw. Maliban pa roon, makalat ang daan dahil sa nahulog na tuyo nitong mga dahon.

Sumagi sa isipan ko si Vhan.

“Anong favorite mong kanta ng CAS?” tanong niya rason para lumingon ako.

Napahilig ako ng ulo sa kanan at napaisip sandali. “Falling in love.”

Tumango naman siya. Bumalik ako ng tingin sa labas at nasulyapan ang side mirror. Tuluyan na kaming nakalayo sa camp. Itong daang binabaybay namin ay tila ba private property land sa countryside. Salungat ito sa ruta papunta sa bahay nina Thunder kung saan—tulad nang araw na iyon—tinakasan ko na naman ang sakit na nararamdaman ko.

Kung bakit ko pa kasi sila nakita sa gym kanina.

“Ikaw?” pagbabalik ko ng tanong sa kaniya. “Anong favorite mong kanta nila?”

Natawa siya. “Ikaw?”

Inirapan ko siya bago bumaling ng tingin sa unahan. Napipi ako sa tanawing natatanaw ko. May malaking arko roon kung saan ay nakalagay ang ‘Welcome to Blooming Memories Farm’. Tanaw ko rin mula sa kalayuan ang luntiang kabundukan. Hindi ko namalayang habang palapit kami nang palapit sa arko ay nakaawang na ang aking mga labi.

“Dee, look!” tila ba bata kong sumbong at itinuro ang tanawin sa unahan.

Sadly, hindi niya ako pinansin. Abala siya sa paghahanap ng pwesto kong saan niya maaaring i-park ang sasakyan. Nang maigarahe niya ito ay agad akong bumaba, hindi alintana ang mataas pa ring sikat ng araw.

Thunder paid our entrance fees.

Maliban sa mataas at malaking arko na nadaanan namin kanina ay mayroon pang isang arko na mas maliit kumpara sa nauna. Iyon ang nagsisilbing entrance papasok sa flower farm. Iba’t ibang kulay ng payong sa itaas ng arko ang nagsisilbi naming pandong habang naglalakad papasok.

Sa magkabilang gilid ng daan papasok ay may dalawang matataas na butterfly houses—na noong una ay inakala kong lalagyan ng mga patutubuing bulaklak. Tinawan pa nga niya ako sa kaignorantehan ko. Since we haven’t had lunch yet, Thunder invited me to eat at the farm’s food court.

Simple lang ang outfit ni Thunder; plain white long sleeve polo shirt, black jeans, gray sneakers at black baseball cap. Nakabukas hanggang sa ikatlong button ang polo shirt niya at naka-roll ang sleeve nito hanggang sa ilalim ng siko niya. Ano kayang ikinababali ng leeg ng mga tao sa direksyon namin? Hindi naman siya ganoon kagwapo.

Thunder ordered Bulalo, a couple cup of rice, lavender cupcakes—with real lavender flower on top—and two lemon flavored soda. Dala na rin siguro ng gutom ay agad naming nilantakan ang pagkain nang mailapag na ito sa mesa. Napaso pa nga si Thunder ng mainit na sabaw ng Bulalo.

“I found my favorite CAS song!”

Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nasamid nang magsalita siya. Bumahing pa ako para tanggalin ang kanin na napunta sa ilong ko. Maluha-luha akong umangat ng tingin para tingnan siya nang masama. Nakangiti siyang tumayo at inilagay ang isang pares ng earpod sa tainga ko. Tumango-tango siya habang sinusundan ang beat ng kantang Don’t Let Me Go.

“Tigilan mo ako!” Tinanggal ko ang earpod at ibinalik sa kaniya. “Ngayon mo lang nalaman na nag-e-exist ‘yang bandang iyan.”

Pilit siyang ngumiti sa akin, admitting the truth. Bumalik na rin siya sa upuan niya. “Paano mo sila nakilala? I mean, that band.”

“Vhan introduced them to me. Sounds weird pero nakikinig ako ng mga kanta nila kapag hindi ako makatulog.” Namimilog ang mga mata niyang nakatitig sa akin. I assumed that he wants to know the whole story kaya nagpatuloy ako sa pagkukwento.

“Madalas kasi akong nahihirapang matulog, lalo na kapag nakabukas ang ilaw. Hindi rin naman ako makatulog kaagad kapag dim ang ilaw o patay ito.”

“Hirap ka pa rin bang matulog hanggang ngayon?”

Nakangiti akong umiling. “Nope. May iniinom na akong gamot.”

Yumuko siya at ipinagpatuloy ang pagkain. Ganoon rin ang ginawa ko. “Simula ngayon, kapag hirap kang matulog, tawagan mo ako. I’ll sing a lullaby for you.”

I lost my appetite after hearing his words.

Nakatitig lang ako kay Thunder habang inuubos niya ang natitirang sabaw ng Bulalo. Habang hinihintay na umusog pa pakanluran ang araw ay tumambay muna kami sa wooden terrace ng food court. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang braso niyang pumatong sa balikat ko.

“B-bakit?” Sa halip na sagutin ang tanong ko ay ngumiti siya sa akin.

Iginala ko ng tingin ang paligid kung saan ay nahagip ko ang dalawang babae na ilang metro lang ang layo sa amin. Matatalim ang tingin ng mga ito sa akin na ginantihan ko naman ng masamang tingin. Tumalikod ang mga ito’t padabog na naglakad palayo.

“May practice ako sa camp by five o’clock.” Ibinaba niya ang brasong nakapatong sa balikat ko. Sinipat niya ang oras sa screen ng hawak niyang cellphone saka tumayo nang maayos. “Gusto mong mag-ikot-ikot muna bago umuwi?”

Nakangiti naman akong tumango bilang tugon sa tanong niya.

Akala ko iikutin na namin ang farm nang umalis kami sa food court pero heto ako at nakatayo sa harap ng isang souvenir shop. Ayaw ko na sanang pumasok pero tinawag ako ng matandang babae at ipinagtulakan papasok. Naabutan ko si Thunder na tila ba may hinahanap sa hanay ng mga summer hats. Isang straw hat na may thin floral cloth ang kinuha niya at ipinatong sa ulo ko.

Magrereklamo pa sana ako nang pagtingin ko sa matandang babaeng nagbabantay ng shop ay ngumiti siya sa akin at nag-thumbs up pa. Hinawakan ako ni Thunder sa magkabilang balikat saka iniharap sa malaking salamin na naroon. Bumagay naman ang hat sa sa vintage long sleeve denim dress na suot ko.

“Stay there, kukunan kita ng picture.”

“Ha? Huwag na. Ayoko! Nakahihiya!”

Hindi namin naikot ni Thunder ang buong farm, tulad ng inaasahan ko. Masyado kasing malawak ang farm at limitado ang oras namin. Idagdag pang panay ang paghinto namin para kumuha ng pictures.

Kasalukuyan kaming nasa gitna ng naggagandahang kulay dilaw na Celosias. Sa kabila naman matatagpuan ang mga kulay pink at sa bandang kaliwa ang mga kulay pula—ilang metro rin ang layo mula roon sa nagtataasang mga sunflowers.

“Jey,” rinig kong tawag ni Thunder sa akin. Nalingunan ko ang camera ng cellphone niyang nakatutok sa akin. Umiwas na lamang ako ng tingin.

“Wow! Jey, ako lang ‘to. Wala kang dapat na ikahiya.” Iwinasiwas ko ang aking kamay sa ere.

“Hindi ako maganda. Pagtatawanan mo lang ang magiging picture ko.”

“Ah!” Natahimik siya. “Bulag pala ako? Ngayon ko lang nalaman.” Muli ko siyang nilingon. Naabutan ko siyang sinusubukang kunan ng picture ang sarili.

“Amin na. Kukunan kita ng picture,” pag-vo-volunteer ko.

Humakbang palapit sa akin si Thunder. Hinawakan niya ako sa kanang balikat habang ang isang kamay naman niya ang may hawak sa cellphone. Sa pagkakaalala ko, inaalok ko siyang kuhanan ng picture. Hindi ko sinabing sasali ako sa picture.

Ibinaba ni Thunder ang rayban na nakapatong sa cap para ipatong sa ilong niya. Nabili niya iyon sa souvenir shop kanina, kasama ng hat na suot ko. Umusog siya nang mas malapit sa akin at halos magbanggaan na ang mga siko namin. Mas lalong naging proud ang ilong niya dahil sa rayban na nakapatong doon.

“Pwede na ba kitang kunan ng picture?”

“Para saan ba kasi?”

“To prove that angels do really exist!”

“Puro ka naman kalokohan.”

“Hindi naman kita pipilitin kung hindi ka komportable.”

“Fine, fine, para matapos na! Tch.”

We took a photo afterwards. Halos mapunit na nga ang labi niya sa lawak ng ngiti habang pinagmamasdan ang picture namin sa cellphone niya. Hindi na kami pumunta ni Thunder sa hilera ng mga sunflower at nagkasundong babalik na lamang sa susunod kasama si Liane.

Palabas na kami sa exit ng farm nang abutan ako ng receptionist ng isang tangkay ng white rose. Hindi na ako nagtanong pa kung para saan iyon at hinabol si Thunder na tuloy lang sa paglalakad papunta sa pinag-parking-an niya ng kotse.

“Jehan, hoy, we’re here!” rinig kong pukaw niya sa akin.

Hindi naman ako nakatulog sa byahe at nanatili lang na nasa labas ang atensyon. Alam kong nakarating na kami pero parang ayaw ko pang umuwi. Umupo ako nang maayos saka siya nilingon.

“Kumusta na pala si Toki? Pinapakain mo pa rin ba ‘yong anak ko?”

“Anak mo? Pinaampon mo na siya!”

“Nga pala, gusto mong manood ng motocross championship?” pag-iiba niya ng topic.

Muli na namang lumipad sa kawalan ang isipan ko. Dumaan sa isipan ko ‘yong gabing pumunta ako sa camp na iyon at nakita sina Quin at Vhan. Napalingon ako sa gate ng bahay nang bumukas ang gate at lumabas mula roon si Lali. Ngumiti ako kay Thunder saka tinanggal ang seatbelt.

“Jey,” pigil niya sa balak kong pagbukas sa pinto ng kotse. “May facts ako about roses.” Napayuko ako sa hawak kong rose na galing sa receptionist sa flower farm kanina.

“Kapag daw humarap ka sa salamin hawak ang isang rose, dalawang pinakamagandang bagay ang makikita mo. Try mo.”

Napailing na lamang ako sa kalokohan niya. Pansin ko ang pagtataka sa mukha ni Lali nang makita akong bumaba sa kotseng nakaparada. May kakaiba sa mga ngiti niya na hindi ko mawari kung masaya ba siya na makita ako o hindi. Narito na ba si Mommy?

“Mabuti naman at nandito ka na.”

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status