Share

CHAPTER 13

“Jehan!”

Tumayo ako mula sa bleachers nang makita si Cham na kumakaway sa aking direksyon. She’s with Liane na palinga-linga—may hinahanap yata. Pumapailanlang ang upbeat music sa buong gym, tipong hindi naman nakabibingi pero nakatutulong upang huwag kang antokin. Inayos ko ang laylayan ng aking damit sa bandang likuran bago ako bumaba para lapitan sila.

 Today’s the university foundation day. Dalawang linggo na ang nakalilipas nang maghiwalay kami ni Vhan.

 “Anong club ang sasalihan natin?” tanong ni Liane nang makalapit ako sa kanila. Malawak ang ngiti ni Cham at kumapit sa braso ko.

 “May nakita na akong club. Kayo ba? Saan niyo gusto sumali?” pagbabalik ko ng tanong sa kanila. Nagkatinginan sina Cham at Liane.

 “Art club sana.” Si Liane ang sumagot. Natatawang bumaling sa akin si Cham. Pinanliitan ko siya ng mga mata.

 “Mahilig ka sa arts?” tanong ni Cham.

 “Not really pero balita ko kasi sa art club sasali si Kuya Thunder.”

 “Wala kaming talent sa arts. Lalo na itong si Jehan.” Binitiwan ni Cham ang braso ko saka siya humakbang palapit kay Liane at inilapit ang mukha niya sa bandang tainga nito habang nasa akin ang atensyon.

May kalakasan siyang bumulong. “Alam mo bang hinilot lang ‘yong grade niya sa art subject namin para makapasa siya?”

Pinandilatan ko siya ng mga mata para sawayin sa mga maaari pa niyang sabihin kay Liane. Umiwas ako ng tingin na para bang nagtatampo. Eksakto namang sa napagbalingan ko ng tingin ay nahagip ng aking mga mata si Vhan.

At first, I thought I was just seeing things kaya lumingon ako ulit. Nakapila siya sa harap ng Art Club booth, kasunod ng babaeng feeling ko ay pamilyar sa akin.

“Kidding aside, saang club mo ba gustong sumali, Jey?” Nilingon ko sina Cham at Liane na parehong nakatingin sa akin.

It may sound weird pero gusto ko sanang sumali sa school organization na may mga community service related projects. Something like helping those homeless kids, tree plantings and some raising funds for charity. Ganoong school organization ang naiimagine kong sasalihan noong araw na hindi ko tinanggap ‘yong offer ni Corbi na sumali sa SSC.

“Aray naman!”

Nabulabog ni Liane—na bahagyang tumulak sa akin—ang naglalakbay kong isipan. Binangga yata siya ng babaeng dumaan sa gilid niya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala kung sino ang babae.

“Paharang-harang ka kasi,” ani nito na siyang ikinaatras ni Liane. Nakakapit siya sa braso ng lalaking kasama niya. Sa pagkakataong ito ay ako naman ang napaatras nang makita ko si Vhan.

Nakababa ang buhok niyang umikli nang kaunti kompara noong huling mag-krus ang landas namin dito sa university. Sandy brown na rin ang kulay ng kaniyang buhok. Wala namang issue sa school ang kulay ng buhok pero syempre, may mga limitasyon pa rin. Dapat nasa shade lang ito ng black at brown.

“Aquinah!” pagsasaboses ni Cham sa pangalan nito.

“Oh, Cham!” nakangiti namang bati ni Quin at umamo na rin kahit papaano ang nagsusungit nitong mukha kanina. Maging si Vhan ay lumingon din sa amin kaya umiwas ako ng tingin.

Bumaling ako sa direksyon ng Art Club booth kung saan ko nakita si Vhan na nakapila kanina. Wala na siya roon. Si Aquinah ba ang nasa harap niya sa pila kanina? I know I provoked him to end everything between us but I didn’t expect it to be this painful. It’s as if my heart became a paper and Vhan tear it into pieces.

“Bumagay sa ‘yo!” puri ni Cham sa kaniya. “Dapat pala nagpakulay na rin ako.”

Nilingon ko Cham sa gilid ko. Her hair was naturally straight kaya wala akong napansing bago sa kaniya. Nanatiling nakakapit sa braso ni Vhan ang kamay ni Quin. Nagtagpo ang mga mata namin pero hindi na ako nagtangka pang makipagtitigan sa kaniya. Si Vhan naman ay tahimik lang habang sumisipsip sa lollilop na nasa bibig niya.

“Sabi ko naman sa ‘yo, ‘di ba? Libre ko naman! Sayang ‘yong oras ng paghihintay mo sa akin sa salon kahapon.”

Kahapon? Magkasama sila kahapon? Kaya ba hindi sinasagot ni Cham ang mga tawag ko sa kaniya kahapon?

“Masyado na akong maraming utang sa iyo.”

“Siya nga pala! Pinapapunta ka ni Papa sa Sabado. Alam mo na…” Tumaas-baba pa nga siya ng kilay habang nakangiti kay Cham. Tila ba naging invisible kami ni Liane sa paningin nila.

“Oo nga pala! Birthday ni Tito Arc sa Sabado. Muntik ko ng makalimutan.”

“Naku, magtatampo ‘yon sa ‘yo kapag hindi ka pumunta.” Nahihiya namang tumawa si Cham. Why do I feel like I’m an ultimate outcast here?

“Eh? Hindi ko talaga alam kung tama bang bumalik ako sa bahay niyo after kong magkalat ng icing sa living room kung saan siya nadulas.”

Hindi makapaniwala akong bumaling kay Cham. Nakapunta na siya sa bahay nina Quin? Isang araw lang kaming hindi nagkita pero ang dami ng nangyari. Pabiro siyang hinampas ni Quin sa braso saka sila nagtawanan na para bang walang ibang tao sa paligid. Bago tuluyang nagpaalam ay nahuli ko pang umismid si Quin sa gawi ni Liane.

“Niyaya ako ni Quin sa bahay nila kahapon. Dinaanan kita sa bahay niyo pero sabi ni Nanay D, umalis ka raw kasama si Liane.” Tunay na magkasama kami ni Liane kahapon. Nagpasama kasi ako sa kaniya para dalhin sa vet si Toki at bumili na rin ng mga kakailanganin nito.

“Hanla, nalimutan nating tangunin kung saang club sila sumali!” Sa wakas ay nagsalita na rin si Liane. Ganoon pa man, nanatiling nakasunod sa papalayong sina Quin at Vhan ang mga mata ko.

I cleared my throat before speaking. “Sa Arts Club sila sumali.”

“Oh? Ano pang hinihintay natin? Mag-art club na rin tayo!” masiglang saad ni Liane pero agad ko siyang kinontra.

“Kayo na lang. May nakita na akong ibang sasalihan.”

Sa ipinapakita nina Quin at Vhan, parang ipinapamukha talaga nila sa akin na totoo ang mga hinala ko tungkol sa kanila. Idagdag na rin natin ang pagpunta ni Cham sa bahay nila sa pagkakataong hindi na kami nagkakausap. I don’t think it’s a coincidence. Hindi niya ako niyaya sa bahay nila sa Sabado. Kung hindi niya ako iniiwasan, anong tawag doon?

“Thank you for joining on our club!”

Tiningnan ko lang ang mga officers na nag-aasist sa Community Service Organization booth. Siniko ako ni Cham pero tinitigan ko lang din siya. Maraming palaisipan ang lumilipad sa utak ko. Charmaine and I succesfully joined the Com-Ser Organization. Si Liane naman ay mas pinili sa Home Economics club.

“An’yari? Ba’t ang moody mo?” nakakunot ang noo na tanong ni Cham. Pinakatitigan ko siya nang mabuti. Siya lang ang napagsabihan kong pumunta ako sa motocross camp bago iyon nalaman ni Vhan. She and Quin seems to hang out frequently nowadays. Hindi kaya kasabwat siya ng dalawa?

“Alam niyo, gutom lang ‘yan. Cafeteria?” paanyaya ni Liane.

“Sakto! Si Vhan ang taya ngayong araw!” Hinawakan ako ni Cham sa braso buong lakas kong iwinaksi. Muntik pa nga akong masubsob.

“Nananadya ka ba? Ano? Usapan niyo bang ipagmukha sa akin na hindi ako kawalan?” Hindi ko naiwasang pagtaasan siya ng boses. Magkatagpo ang mga kilay niyang tumitig sa akin.

“Anong pinagsasasabi mo?” Maging si Liane—bakas sa kaniyang mukha ang pagtataka.

“Vhan and I are over, if that’s what you want to hear.”

“Ha?” Natawa ako sa panlalaki ng kaniyang mga mata. Nagawa pa nga niyang takpan ang kaniyang bibig gamit ang dalawang kamay. “Hanla! Bakit? I mean, kailan pa?”

“Hindi mo alam? Ikaw ‘tong nagsabi kay Vhan na nahuli ko siyang kasama si Quin sa motocross camp, ‘di ba?”

“I think, there’s a little misundertanding here…” singit ni Liane pero hindi ko na lamang siya tinapunan ng pansin.

“W-wala akong binanggit kay Vhan. Alam mo namang hindi kami close n’on.” Natawa ako ng mapakla. “I swear, Jey!”

She’s right, Vhan and her were kinda awkward with each other. Total opposite siya ni Aquinah na halos magmukha ng girlfriend ni Vhan. But what if? What if lang naman na mas pabor siya kay Quin kaysa sa akin? Tinalikuran ko si Cham na bakas pa rin sa mukha ang pagkagulat sa nalaman.

“Ah—ah,” awkward na ngumiti sa akin si Liane. Halos mawala sa isip ko na kasama pala namin siya. Sinubukan kong ngumiti sa kaniya para kahit papaano ay maging komportable naman siya.

“Li!” Napatalon kaming pareho sa gulat nang may sumulpot na lalaki sa pagitan namin. It’s Thunder. Tumayo siya nang maayos saka umakbay sa amin ni Liane. Nilingon ko si Cham sa likuran na mistulang shocked pa rin.

“May gagawin pa ba kayo? Labas tayo?”

“Saan naman tayo pupunta?” Si Liane ang nagtanong—nitong mga nakalipas na araw na si Liane palagi ang madalas kong kasama, masasabi kong close nga talaga sila ni Thunder. “Gusto mong sumama, Jey? Wala namang klase ngayong araw.”

“Sure!” Bumaling ako kay Cham. “Pumunta ka na sa cafeteria. Hinihintay ka nila roon.”

Humakbang ako paalis, ganoon din si Thunder. Si Liane naman ay kumaway pa kay Cham na nag-response naman ng isang pilit na ngiti sa kaniya. Somehow, I’m getting used to Thunder’s presence this passed few days. Hindi na ako natatakot o nag-iisip ng masama tungkol sa kaniya. Sa katunayan pa nga, pakiramdam ko, safe ako ‘pag kasama ko siya.

“So, saan tayo pupunta?” pag-uulit ko ng tanong ni Liane na hindi nasagot kanina.

“Motocross camp?” suggestion ni Liane.

“Na naman?” sabay naming reklamo ni Thunder at kapagka’y natawa nang mapagtanto iyon.

“Ayaw niyo ba?” Nanlabi si Liane na siyang ikinaasim ng mukha ni Thunder.

“Mag-motocross ka mag-isa!” Tinanggal ni Thunder ang pagkakaakbay niya sa aming dalawa at saka ako hinawakan sa palapulsuhan at hinila ako papunta sa parking area.

Sapo ang aking tiyan at naluha na rin ako katatawa habang nakaupo sa passenger’s seat ng kotse ni Thunder. Paano ba naman kasi noong hilahin ako ni Thunder para tumakbo ay tumakbo rin si Liane papunta sa ibang direksyon—akala yata ay may humahabol sa amin. Ngayon pa lamang siya tumatakbo papunta sa direksyon namin.

“Kuya naman, ‘e!” himig nagtatampo niyang sabi bago binuksan ang pinto sa backseat.

Pagkapasok na ni Liane ay binigyan niya ng pabirong hampas sa ulo si Thunder na siyang ikinatawa nito habang inaayos ang buhok. Ilang segundo matapos buhayin ang makina ay umusad na paalis ang kotseng kinalulugdan namin. Liane and Thunder’s closeness is on another level. But unlike Aquinah and Vhan, their closeness doesn’t make me feel uncomfortable.

Sabagay, hindi ko naman boyfriend ang sino man sa kanila para mailang.

“Seryoso na talaga. Saan niyo ba gustong pumunta?” bakas ang kaseryosohan sa boses ni Thunder na nakatutok sa daan ang atensyon. Nilingon ko si Liane na nasa akin rin pala ang atensyon.

“Sa camp nga kasi ako. Kung ayaw niyo, idaan niyo na lang ako roon at bahala na kayo kung saan niyo gustong pumunta.” Sinipat niya ang kaniyang cellphone at nakangiting umangat ng tingin.

“May motocross class ako maya-maya,” dugtong pa nga niya.

“You’re taking motocross class?” Pakiramdam ko nagniningning ang mga mata ko sa pagkamangha.

“Sus. Maniwala ka riyan!” Pambabara sa kaniya ni Thunder. Pinandilatan naman niya ito ng mga mata.

“Sige,” ngumiti ako sa kanilang dalawa, “ihatid na lang natin si Liane sa camp.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status