Share

KABANATA 2: PAGLABAS NG KAPILYUHAN NI NATHAN

CURIOSITY encouraged me to wake up at 4:00 in the morning to watch what Nathan was doing. Baka sa pagkakataong ito, makita ko siyang magsuot ng uniporme, sa ganoong paraan ay malalaman ko kung ano ang kaniyang trabaho.

Hindi nga ako nagkamali sa paghihintay dahil bumangon na siya at nag-inat-inat ng kamay habang humihikab. Pagkatapos ay nag-push ups saglit. After mag-push ups, pumunta na siya sa lababo at naghilamos ng mukha tapos kumuha ng towel at sinabit iyon sa kanyang balikat bago pumasok ng cr.

"Matulog ka nga, Lucas! Stalker ka ba?!" bulong ko sa sarili ko. "Pero hindi, tama itong ginagawa ko. Baka mamaya may masamang-loob pala siya, tapos wala akong kamalay-malay. Tsk."

Tumagilid ako ulit nang lumabas siya ng cr.

Anak ng...

Muntik na akong maubo at mapabalikwas nang lumabas siyang walang saplot. Walang damit pantaas, at obvious, walang takip sa maselang parts!

Kalma lang, Lucas, kalma!

Pinilit kong kumalma at hindi gumalaw.

Nagtagal siyang nakaharap sa akin kaya hindi na ako makatiis. Gusto ko nang tumalikod para iwasan ang nakikita ko. Umagang-umaga naman kasi at galing sa malamig na shower, pero bakit tirik na tirik si Nathaniel? Bakit hindi na lang siya nagparaos doon? At pwede namang magbalot siya ng tuwalya sa katawan. Paano niya naaatim na maglakad na nakahubad?

Naglakad na siya papunta sa kanyang kabinet. Narinig ko ang pag-spray niya ng pabango sa katawan.

Wow. He smells good.

Tapos narinig ko ulit ang foot steps niya papunta sa may salamin. Pumito pa siya nang marahan sa harap no'n bago umalis.

Noong tumunog na ang pinto ay kunwari akong gumalaw para makita kung ano ang uniform niya pero ang likod niyang malapad na lang ang nasilayan ko, kasabay niyon ang pagsara ng aming pintuan.

Umupo ako pagkaalis niya at napailing.

"Shorts at sando tsaka white shoes? Saan siya pupunta?"

Napabuntong-hininga ako bago ako tuluyang bumaba sa kama.

Bakit ba ako nag-aabalang i-check ang kanyang damit? Pakialam ko ba sa kanya. Tch.

~~~~~ *** ~~~~~

SABADO ngayon at dapat sana ay nagpapahinga ako. Pero kailangan kong pumasok para makapag-resign sa trabaho dahil full time iyon. Maghahanap ako ng part time job.

"So you really want to quit?" tanong sa akin ng boss ko noong nagpaalam ako.

"Opo, sir. Mag-aaral na po ako next week eh. Sorry po, sir! Hindi ko na po kaya ang full time job."

"Okay lang Lucas." Nagbuntong-hininga ito. "Kung sa tingin mo yun ang tama, gawin mo."

Si sir Mike ang dahilan kaya naging permanente ako sa trabaho ko. Regular customer ko siya noon sa pinagtatrabahuhan kong fast food. Isang araw ay nagipit ako at dahil palagay ang loob ko sa kanya ay nag-open ako tungkol sa problema ko. Tapos isang araw, inalok niya ako ng trabaho sa sarili niyang kompanya na hindi ko naman tinanggihan.

Bata pa si sir Mike kumpara karamihang negosyante. Kagaya ko, wala rin siyang gf dahil bigo sa babae. Pinerahan. Pagkatapos ay iniwan. Hindi madaling mabuhay na mahirap pero hindi rin madaling mabuhay kapag mayaman ka. Minsan nasa iyo na ang lahat pero hindi ka masaya. Iyong tipong nasa taas ka na, titingala ka pa rin at maghahangad ng bagay na magpapasaya sa iyo.

"But you can stay, if you want?"

"A-no pong ibig ninyong sabihin?" tanong ko.

"Pwede ka namang maging agent, kahit nasa bahay ka lang... Online job! At kapag may oras ka lang. Hindi kailangang buong araw kang nasa opisina or nasa labas at nag-aalok ng products. As long as you can sell online. 10k a month with commission!"

"S-sir, okay lang kayo?" nagtatakang tanong ko.

Hindi ko naman sure kung makakabenta ako ng products ng company niya lalo na at wala naman akong fanbase.

"I mean, hindi mo kailangang umalis sa kumpanya para lang sa pag-aaral mo. Mas mabuti kung sasamantalahin mo ang pagkakataon, lalo na ngayong umaangat tayo. Sinabi ko naman sa iyo dati, 'di ba? Maraming opportunities sa company dahil papaangat pa lang tayo. Yes, I know. Pwedeng hindi maganda ang simula mo, pero malay mo, mas maging magaling ka pa kina Lester at Randolph!"

Sina Lester at Randolph ang pinakamagaling na agents sa company. Hindi ko alam kung paano nila nakukuha ang loob ng mga customer na hindi nakikipag-meet sa kanila. Magagaling sila sa online marketing system.

"P-pero sir..."

"Kung ayaw mo, pwede kitang gawing personal assistant, Lucas. Ikaw na lang ang pinagkakatiwalaan ko."

Magkaharap kaming nakaupo sa mesa ng kanyang office. Ang mata niya ay tila nangungusap na huwag akong umalis sa company, bagay na naiintindihan ko dahil close naman talaga kami ni sir Mike. Madalas niya akong yayaing uminom at lumabas. Nag-oopen up siya tungkol sa struggles na kinakaharap ng company at iba pang problema sa labas ng trabaho.

Hanga ako sa kanya. Hindi halatang may pinagdadaanaan siya dahil kaya niyang i-handle ang problema at sinisiguro niyang hindi maapektuhan ang trabaho.

"Sir, alam niyong hindi ko kailangan ng kahit na anong promotions."

Pero kahit kailangan ko ng trabaho, ayaw kong pag-isipan kami ng mga tao. Na kumakapit ako sa kanya para lang ma-promote.

"Kung gusto mo, tagalinis sa bahay? Basta huwag ka lang lumayo."

Tumayo na siya na parang gusto niya akong hawakan pero hindi niya iyon tinuloy dahil tumayo na rin ako para magpaalam.

"Magki-quit lang po ako sir, bilang isang empleyado niyo. Hindi po ibig sabihin nun e nagki-quit na rin ako bilang kaibigan." Nginitian ko siya. Masyadong oa ang reaction niya sa pagbitaw ko sa trabaho. "Nandito lang ako, sir. At sa pagkakatanda ko, nagpasa ako dati ng resume, nandoon lahat ng contacts ko at ang kumpletong address. Puntahan niyo lang ako o kontakin. Isang tawag lang, sir... darating ako para sa inyo!"

Napangiti si sir Mike sa sinabi ko. Ang bata niya pa. Kung lagi lang siyang nakangiti, siguradong makakahanap siya agad ng babaeng makakasama niya sa buhay dahil lumilitaw ang kagandahan-lalaki niya sa kanyang ngiti.

"Pero Lucas, binibigyan pa rin kita ng opportunity na magtrabaho. Hindi kailangan full time. Mamili ka na lang sa mga nabanggit ko. O kahit anong gusto mo, malakas ka sa akin, e!"

Nagtawanan kami saglit pagkatapos ay nagpaalam na ako para umuwi. Gabi na rin at sasakay pa ako ng jeep.

Pagkarating ko sa apartment namin, nandoon na si Nathan. Nakaupo siya sa sofa at nakatulala sa kawalan. Naagaw ang pansin ko ng dumudugo niyang labi at mukha na may mga galos.

Tumakbo papunta sa kanya.

"Nathan, anong nangyari sa mukha mo?" Hinawakan ko ang kanyang mukha para suriin ang galos. "Saan mo nakuha ang ganiyang galos at sugat?"

Nabitawan ko naman siya dahil tiningnan niya ako nang masama at saka humagalpak siya ng tawa pagkapos ay pinunas niya ang dugo sa kanyang mukha at labi. Namimilipit na siya sa kakatawa habang ako naman ay hindi maintindihan kung bakit ganoon siya maka-react.

"May nakakatawa ba?" Yumuko ako para tanggalin ang sapatos ko saka nilagay sa shoe box organizer. "Naglagay ka ng katsup sa mukha mo tapos bigla kang tatawa na parang tanga?"

"Prank lang, ito naman oh."

Tumayo ito at lumapit sa akin habang pinupunas ang katsup sa kanyang mukha gamit ang likod ng kanyang palad pagkatapos ay itinulak niya ako sa sofa dahilan para mapadiin ako roon. Dumiin din siya sa sofa kaya ang tendency, nagkalapit ang mukha naming dalawa. Naglalaro ang kapilyuhan sa kanyang mga mata at labi habang nagsasalita.

"Sinubukan ko lang kung may pakialam ka sa akin, at mukha namang,"

He even moved his face closer to mine as he evilly grinned.

"... Tama ako!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status