Share

KABANATA 3: MEETING KARLA

NANG sumunod na araw, mas naging excited ako para sa pagbabalik ko sa school. Pakiramdam ko, ang tagal ng dalawang araw para maghintay. Ang tagal ng araw ng Sabado para sa katulad kong sabik na sabik na makabalik sa shool at sabik na sabik na maabot ang mga pangarap.

"Hindi halatang excited ka, pre! Talagang napakaaga mong dumating dito sa bahay!" puna ni Jacob sa akin. Humihikab pa siya na parang bagot na bagot habang pinagbubuksan ako ng gate.

"Sabihin mo na lang kaya kung ayaw mong pumunta ako rito. Ang layo ng bahay niyo tapos sasalubungin mo ako ng nakasimungot pagmumukha," naiinis pero pabirong sagot ko.

Nakatanggap kasi ako ng mensahe sa kanila kanina na may pupuntahan daw kami ngayong gabi. Wala akong kaalam-alam sa mga napag-usapan nila. Basta ang sabi nila, may irereto raw silang babae sa akin. Noong una ay nainis ako sa kanila pero noong tumawag si Jeron, kinausap niya ako na agahan ko raw ang pagpunta kina Jacob at maaga rin siyang darating. Hinimok niya akong kalimutan si Sydney. May ipapakilala raw silang babae sa akin na ang pangalan ay Karla.

"Hindi sa gano'n, pre! Siyempre cocern lang ako sa 'yo. Baka tumanda kang binata o kaya malaman na lang namin isang araw, nagpapari ka na!" panghihikayat ni Jeron kanina habang nagla-lunch ako.

Kung makapagsalita ang mga ito parang ang tanda ko na.

"Pare." Narinig ko ang boses ni Dan. "Hindi naman sa bad influence ako pero lalaki rin ako, e. Binata! Alam kong naghahangad ka rin ng matinong sex life."

"Pre, kung 'yan lang ang pag-uusapan natin, matutulog na lang ako!" naiinis na sagot ko sa kanila.

"Lucas, bilang kaibigan, nakikiusap ako sa iyo!" ani Jeron. "Kalimutan mo na si Sydney at ang stepmother mo. They don't belong to your present life. Subukan mo lang si Karla. Mabait 'yon! Sigurado kaming makakalimutan mo ang lahat ng nangyari sa 'yo sa nakaraan. Proceed to the next part of your life. November na bro! Ilang buwan na lang, 2021 na."

Kaya maaga akong pumunta rito dahil sa usapan. Inaamin kong naiinggit ako kay Nathan dahil sa sex life niya. Sinong lalaki ba ang hindi maiinggit kung ang katabi niya sa pagtulog ay halos gabi-gabing naliligayahan dahil sa babae?

Pero may takot pa rin sa akin. Natatakot akong magtiwala sa babae. Baka mangyari ulit ang ginawa ni Sydney, at ng stepmother ko. Oo, may stepmom ako. Isang bayolenteng babae. Pero isa siya sa mga taong gusto ko nang ibaon sa limot.

Kailangan kong tanggapin ang hamon ng mga kaibigan ko. Kailangan kong turuan ang sarili ko para maging masaya ulit.

"Eh hindi ba kayo ang namilit sa akin na agahan ko?" dagdag ko. Naiinis na rin ako sa kanya. "Kung gusto mo uuwi na lang ako!"

"Oops! Walang uuwi!" sabi ng kararating lang na si Jeron. "Ikaw kasi, Jacob inatake ka na naman ng antok. 'Di ba nga maaga tayong aalis ngayon?"

Sinimangutan lang siya ni Jacob at pumasok na ito sa loob ng bahay. Iminuwestra naman sa akin ni Cris ang kotseng nakaparada sa labas ng gate ng bahay nina Jacob . Bumungad sa bintana ng kotse si Dan. Nakasuot siya ng shade at polo na naka-unbutton.

Ano naman kaya ang trip ng mga 'to? Naiintriga tuloy ako.

"Tara na, pre!" anito. Hot siya sa kaniyang suot.

Mabilis akong pumasok sa sasakyan na minamaneho ni Dan. Nandoon si Cris at mukhang inaantok pa siya.

"I'll talk to you later, bro! Inaantok pa ako, e!" sabi nito saka siya sumandal sa backrest at ipinikit ang mata.

Sumunod naman ang sina Jacob at Jeron.

Pagkaupo ko ay dinalaw rin ako ng antok kaya ipinikit ko ang mata ko hanggang tuluyan akong nakatulog. Inaantok din ako dahil hindi ako nakatulog nang maayos sa dalawang gabing dumaan. Bukod sa excited ako sa school days, hindi ako makatulog dahil sa ginagawa ni Nathaniel. Magdamag na dilat ang mata niya. Not literally. Hindi siya natutulog nitong nakaraang dalawang gabi. Panay ang labas niya sa bahay tapos may kakausapin siya sa phone saka ulit lalabas. Natutulog siya kapag alas-kwatro na.

Naiilang akong matulog lalo na kung ganoon ang kasama ko sa iisang kwarto. Para bang abalang-abala at may binabalak gawin. Hindi ako sanay na natutulog na bukas ang ilaw. Mas nasanay akong ang lampshade lang ang nakasindi at hindi lahat ng ilaw sa kwarto.

Kaya nga pagkagising ko kaninang umaga ay sinikap kong makaalis kaaagad ng bahay.

Mabuti na lang at hindi ako ginising ng mga kaibigan ko. At Least pagkagising ko sa biyahe, nakaramdam ako ng lakas kumpara kanina.

Pero nasaan nga ba kami?

"Kapag kinakausap ka ng babae, 'wag suplado ha. 'Wag kang magpapahalata na takot ka sa kanila," paalala sa akin ni Jeron bago kami pumasok sa isang napakalaking bahay.

"Gago, hindi ako takot sa babae no!" sagot ko naman.

"Asus, hindi raw! Eh bakit simula noong nag-break kayo ni Sydney, hindi ka na ulit nagka-gf? Aminin mo na, pre, takot ang bayag mo. Pfft. Bwahahaha" tawa ni Cris.

Tiningnan siya nang masama nina Dan, Jeron at Jacob.

Sa totoo lang ayaw ko nang maalala ang tungkol kay Sydney. Ayaw ko nang maalala na minsan akong nanakot at nakasakit ng babae. Kaya nga simula noong iniwan ako ni Sydney ay hindi na ako nakipag-ugnayan pa sa babae. Ayaw ko nang maalala lahat. Gusto ko nang ibaon sa limot ang mga nangyari two years ago at mabuhay nang normal... Na walang kinatatakutan.

"Next time Cris, pag-isipan mo muna ang sasabihin mo," mapambantang paalala ni Jeron sa kanya.

"Okay, sorry na Lucas. Hindi ko sinasadya. Pasensiya na. Akala ko joke lang e!" paghingi niya ng paumanhin at tumango lang ako.

Ang sama ng tingin sa kanya ng mga kaibigan ko kaya naman sumingit na ako.

"Okay lang, mga pre! Tara na."

Sinunod nila ang sinabi ko at pumasok na kami sa malaking bahay. Hidi pa man kami nakakapasok, naririnig ko na ang malakas na hiyawan sa loob. Hindi ko tuloy maiwasang hindi magtanong sa kanila.

"Anong meron sa loob?"

"Malalaman mo pagdating natin doon," nakangiting sabi ni Dan. "Kung anuman ang makikita mo, huwag kang matakot. Kasama mo kami!"

Hindi ako kumibo bagkus ay sumunod na lang ako sa kanila. Pagdating sa loob, nawindang ako sa nakita ko. Napakalawak na libangan. May mga naglalaro ng billiards, bowling, may section na kung saan may nagbo-boxing. At kung anu-ano pang libangan. Pero ang umagaw sa pansin ko ay ang section kung saan may nagsasayaw na mga babae.

Nginitian ako ng mga babae roon. Kinabahan ako. Napahawak ako sa damit ng mga kasamahan ko.

"Lihim ang lugar na 'to pero maraming naglilibang dito. Lalo na kami. Dito kasi maraming chix." Napangisi si Jeron habang nakatingin sa isang babae. "Alam mo 'yang nagsasayaw na 'yan? Hindi lang yan basta nagsasayaw. That's their way to attract men."

"Bakit ganito ang set up ng ilaw? Para tayong nasa bar!"

Nagkatinginan silang apat pagkatapos ay lumapit sa akin si Cris at inakbayan ako nito. "Nasa bar nga tayo, pre."

Napatingin ako sa kanila at kunot-noong tinanong.

"Bar? Bakit parang sugalan?"

Nagsimula akong maglakad papunta sa second floor. Kung sa baba ay may mga babaeng parang mga cheerleaders, dito naman sa taas, talagang mga pokpok na ang nagsasayaw. May stage doon kung saan may mga babaeng nagsasayawan at sa baba ay mga audience, kalalakihan na mukhang hindi mapapagkatiwalaan. Mga nagbabaga ang kanilang sigarilyo sa bibig at may mga table sila kung saan napakaraming inumin.

Parang bar nga talaga. Ang pagkakaiba lang, napakalaki nito.

Napakalakas pa ng music! Bakit ba nila ako isinama rito? Akala ko ba may irereto silang babae sa akin?

"Ayoko na mga tol! Gusto ko nang umuwi."

Akma akong aalis at pababa ng hagdan pero pinigilan ako ni Jacob.

"Sandali lang, tol! Hindi ako papayag na tuluyan kang kainin ng takot sa babae. Kaya ka namin dinala rito sa maraming babae para gamutin ka. Kailangan mo nang kalimutan ang nakaraan mo at magfocus sa ngayon. Kaibigan kita, Lucas. Sana tanggapin mo ang tulong ko."

Tumigil ako sa paglalakad at bumaling sa kanila. Lahat sila nakatingin nang seryoso sa akin at nababakas ko nga ang concern sa kanilang mga mata. Alam ko ang iniisip nila. Gusto nilang bumalik ang loob ko sa mga babae para maging masaya ako ulit.

Lahat naman ng lalaki gusto ng sex. Isa 'yon sa pangangailangan ng lalaki para maging masaya.

"Hindi ko kailangan ng babae para maging masaya. Kaya kong i-handle ang sarili ko. Kaya kong paligayahin ang sarili ko kahit wala sila!"

"Pre naman!" Kumakamot sa ulo si Dan habang naiiritang nakatingin sa akin. "Wag mong sayangin ang effort namin. Tsaka kung makapagsalita ka parang ang tingin mo sa mga babae, lahat sila mga manloloko. Ilan na ba ang naging girlfriend mo? Ilan na ang minahal mo?"

Nagkatinginan sila ulit.

Pakiramdam ko, hindi sila tunay na kaibigan dahil kung kaibigan sila, hindi nila ako dadalhin dito para ireto sa babae at sa bagay na ayaw ko sa lahat. Hindi nila ako ipapain sa babaeng kasama ni Jeron.

"Lucas, this is Ms. Karla, ang babaeng magpapainit ng gabi mo kapag nandito tayo sa bar ni Chinoy!" sabi ng kararating lang na si Jeron.

Tiningnan ko ang babaeng kasama niya. Siya yung tipo ng babae na magpapatayo sa pagkalalaki mo kapag nakita mo ang mga hita niya. Makinis ang kanyang balat! Ang kanyang hubad na pusod gawa ng maikling damit at palda ay parang nangungusap na galawin siya.

Itinaas ko ang tingin mula sa kanyang paa hanggang sa dibdib. Labas na labas ang hubog na parang ang natatabunan lang ay ang kanyang utong.

Napalunok ako. Kinakabahan, nanginging. Hindi ko kaya!

Tiningnan ko ang babae pero hindi ko ito nakilala. Nakasuot kasi ito ng maskara at naka-wig. Pero pamilyar ang mata nya. Marami akong naaalala sa titig niya sa akin.

"Tama na ang titigan, mga katropa!" ani Cris. "Ituloy na sa kama 'yan."

Tiningnan ko ang mga kaibigan ko at napakalawak ng mga ngiti nila. Parang nagdidiwang sila dahil nagkakilala na kami ni Karla.

"Miss Karla, ikaw na ang bahala sa kanya. Dalhin mo siya sa langit. Alam kong tigang na tigang 'yan dahil dalawang taon nang hindi nakatikim."

Nagtawanan sila at saka nag-high 5 ulit. Kinaladkad nila kami sa isang kuwarto sa loob. Dala ni Jeron ang susi ng room at binuksan niya iyon pagkatapos ay itinulak kaming dalawa ni Karla sa loob.

"Good luck, Lucas. Magpaka-wild kayong dalawa."

Pagkatapos ay malakas nilang isinara ang pinto. Kumalabog ito. Kinabahan ako dahil babae ang kasama ko. Alam kong nakahanda siyang makipagtalik, patunay noong hawakan niya ang aking dibdib at hinimas-himas.

"Mag-eenjoy ako dahil makakasex kita ulit, Lucas. Namiss ko 'to." Hinawakan niya ang pagkalalaki ko. "Ikaw ba?" Hinawakan niya ang kamay ko at itinapat sa maselang bahagi ng babae. "Namimiss mo na rin ba 'to?"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vhinx Laviña
interesting
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status