Share

KABANATA 11: GENOPHOBIA

NAHIMATAY ako sa hotel dahil sa nangyari. Aaminin ko. Gusto ko na ulit makipag-sex. Magiging hypokrito ako kung sasabihin kong ayoko dahil hindi iyon ang laman ng aking isip. Isa pa, lalaki ako. Lalaki na may pangangailangan.

Ang masaklap, kapag naroon na sitwasyon, bigla kong naaalala ang masakit na karanasan ko habang nakikipagtalik noon.

Pinipilit ko namang labanan e. Pilit na pilit, pero wala akong magawa kapag nandoon na ako sa scenario.

Masakit pa rin. Nakakasuklam. Nakakadiri. Pilit kong ibinabaon sa limot lahat ng mapait na karanasan ko pero pinapahamak ako ng mga kaibigan ko.

Siguro... it's about time na sabihin ko na sa kanila ang mapait na karanasan ko sa poder ng aking stepmom two years ago.

Siguro kapag nalaman nila, baka matulungan nila ako. Wala rin naman akong pwedeng pagsabihan. Ayokong mag-alala sa akin ang pamilya ko sa probinsya o ang ate ko sa abroad.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status