Share

Chapter 8

Saturday, August 28, 2:25 PM

Tinanaw ni Gunther ang paglalagay sa katawan sa loob ng body bag, at ang mga miyembro ng forensics team na nagkukumahog na makakuha ng clues sa lugar kung nasaan kanina'y nakahiga ang bangkay. Maaaring may isang hibla ng buhok, o may fingerprint mula sa isang bagay na naiwan ng killer. Bawat detalye ay mahalaga.

Sa ilang oras na nakalipas ay marami pa ang dumagdag sa kanilang imbestigasyon subalit hindi lahat ng kanilang katanungan ay nagkaro’n agad ng kasagutan. 

‘Sana ay may makuha pang kapaki-pakinabang ang mga ito.’ tahimik niyang hiling.

Isang kidlat ang tila'y bumitak sa parte ng langit na nasa itaas nila, na nasundan muli ng mas malakas na kulog.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status