Share

Chapter 10

Saturday, August 28, 4:33 PM

Hindi pa rin tumitila ang ulan nang marating ni Gunther ang opisina ng kanilang himpilan ngunit humina na ito. Bahagya siyang nabasa nang suungin niya ang manaka-naka na lang na tagaktak nito para makapasok sa lobby ng kanilang building mula sa parking lot na nasa likod nito.

Pagkapasok niya ng double glass doors patungo sa main lobby ay naabutan niya ang janitor nila na nag-mo-mop ng basang sahig na gawa ng mga basang sapatos na dumaan dito. Tinanguan niya ito nang batiin siya nito at saka siya dumiretso sa main office sa first floor kung saan bumungad sa kanya ang kinasanayan niyang tanawin at mga ingay na normal tagpo sa kanilang pang-araw-araw. 

Background noise na ang ingay ng mga nag-tatayp ng statements at transcripts, pati na rin ang paglilipat ng mga pahina ng m

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status