Mesaiyah's Point of View
Lumakad na ako papasok ng aming bahay at pagkabukas ko ng pinto, lahat sila nakatingin sakin.S-sino sila?Umagaw sakin ng pansin ang isang babae na naka black dress kasama ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa kalagitnaang edad na at nakasuot din siya ng itim. Mag-asawa siguro sila atsaka siguro sila din ang may-ari nung mga sasakyan sa labas. Pananamit palang nila, mayaman na."Andito na ang ating mahal na prinsesa." hah?Mahal na prinsesa?Tiningnan ko ang apat na lalaki na nakasuot din ng black subalit ang isa ay nakabonnet. Teka? Parang familiar sila sakin. Sila ba yung mga lalaki na humarang samin ng bestfriend ko sa daan nung isang araw? At ano pati ang sinasabi nung isang lalaki na mahal na prinsesa daw? Tiningnan ko sila na parang nagtatanong."Mr. and Mrs. Shatsune, this is my daughter Mesaiyah, the wife of prince Anhiro."O__________OA-anong s-sabi ni papa? Wife? Hindi ba ako namamali ng dinig? Speechless ako. Hindi ko alam ang aking sasabihin."Hello, beautiful lady. I'm Hana Shatsune and this is my husband, Yohgee Shatsune." nilahad nung lalaki ang kanyang palad sa akin para makipag shakehands subalit nakatayo lang ako na parang hindi alam ang nangyayari."A-ano bang sinasabi niyo? Bakit wala akong maintindihan?" ang bilis ng tibok ng puso ko at kahit anong oras pwede na itong sumabog. Hindi ko magets ang sinasabi nila."Binili ka ng aking anak sa iyong mga magulang para magpakasal sa kanya.""H-HAH? A-ANOO? B-BAKIT? WAG NIYO NGA AKONG BIRUIN, HINDI KAYO NAKAKATUWA.""Hindi sila nagbibiro. Bukas na bukas din po pwede niyo na siyang kunin dito." napaharap ako kay papa. Napatulo nalang ang luha ko dahil sa pagkabigla. Lumapit ako kay ate na ngayon ay umiiyak."ATE?A-ANO BANG SINASABI NILA?" tanong ko at hinawakan ang magkabila niyang balikat."Tama, ang narinig mo. Ibinigay kana ni papa sa lalaking 'yan." Sagot ni ate sabay turo sa lalaki. Ngumiti siya sa akin nang tingnan ko siya."Nagdala sila ng maraming pera at mga regalo para sa kabayaran mo." pinunasan niya ang kanyang luha at tumalikod siya sakin. Lumapit naman ako kay mama at papa habang umiiyak."Papa, mama. Totoo ba ang sinasabi ni..ate? Ayoko sa kanila. Wag niyo po akong ibigay sa kanila..Please." halos pumiyok na ako dahil sa pagsusumamo."HINDI KA PARTE NG PAMILYA NAMIN KAYA KUNG ANONG GUSTO NAMING GAWIN SAYO, SUSUNDIN MO! KUNG GUSTO KA NAMING IPAGBENTA, GAGAWIN NAMIN YUN AT WALA KANG MAGAGAWA KUNDI SUNDIN ANG GUSTO NAMIN. MALIWANAG?" sigaw sa akin ni papa."Ang laog-laog mo kasi kaya ka namin ipinagbenta, lagi mo nalang kasama si Angelo at isa pa wala ka rin namang pakinabang dito kaya mas maige pang ipagbenta ka ng may pakinabang ka naman samin." Dagdag ni mama.Totoo nga. Totoo. Ampon lang ako. Ampon lang. Lalo akong naiyak at napaupo nalang sa sahig. Kaya pala ganito nila ako itrato, parang ulilang hayop na hindi alam ang pupuntahan, isang ulilang sisiw na basang-basa sa ulan na naghahanap ng masisilungan subalit walang nagmamalasakit na pasilungin ako."Maswerte ka kilalang tao at mayaman ang bumili sayo." dagdag pa ni mama."Kaya bukas na bukas din, magpapakasal ka sa kanya. Whether you like it or not magpapakasal ka sa kanya." sabi ni papa subalit wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak nalang.Hinawakan ko ang kanyang tuhod habang nagmakaawa para hindi na matuloy 'yun subalit hindi kumibo ang aking ama. Isa lang siyang statwa na nakatitig sa akin."PAPA..NAGMAMAKAAWA AKO! PLEASE. WAG NIYO AKONG IBIGAY SA KANILA. PLEASE PAPA." halos hindi na maintindihan sahil sa iyak ko."Ang lahat ng ito, ang lahat ng mga ginagawa namin sa'yo ay para sa ikabubuti mo! Para sa iyong future ang ginagawa namin sa'yo. Para hindi kana mahirapan pa." sagot ni papa habang inaalis ang pagkakahawak ko sa kanyang tuhod.Is that what they call good future? Ipinagbebenta ang anak or should i say AMPON LANG NA ANAK sa hindi kilalang tao? Ipinagbebenta ang anak kapalit ang yaman? Yun ba ang sinasabi nilang magandang kinabukasan para sakin?"Sige. Ibenta niyo po ako kung diyan kayo masaya pero hindi sa kanila. Ayoko sa kanya. Hindi ko siya kilala." sigaw ko na halos hindi maintindihan dahil sa iyak pa rin ako ng iyak."Wala kang magagawa dahil desisyon namin ito." sabi ni mama."Pasensya na po sa mga pangyayaring ito pero bukas na bukas din po, pwede niyo na siyang kunin siguro in trauma palang siya dahil sa biglaang pangyayaring ito. Prince Anhiro..." hindi ko alam kung anong sinabi ni papa kay Anhiro daw na 'yun.Wala na akong ibang nagawa kundi umiyak ng umiyak. Hinding-hindi ako titigil sa pag-iyak hangga't hindi nauubos ang aking luha. Hinding-hindi."Sorry." my father whisper in my ear. Umalis na silang lahat at napatingala ako sa lalaking nakalahad ang palad sakin. Nakabonnet siya at ito siguro ang sinasabi ni papa na Prince Anhiro. Tumayo ako at tinulak lang siya."HINDI KO KAILANGAN ANG KAMAY MO KAYA UMALIS KANA! AYOKO SAYO!" sigaw ko at napaupo na ulit ako sa sahig. Naramdaman ko namang lumapit sa kanya si ate Terra."Umalis kana muna. Hindi pa niya matatanggap ito sa ngayon, bigyan mo siya ng panahon para magkapag-isip." sabi ni ate at umalis naman yung lalaki."Mesaiyah, Sorry. Sorry." sabi ni ate Terra habang inaalis ang nakaharang na buhok sa aking mukha upang makita niya ako."I don't need your sorry kaya pwede ba umalis kana. Hindi kita kailangan." Sabi ko at ipinagtabuyan siya."Sorry." sabi niya na umiiyak."Sorry? Ganun na lang ba yun? Tinuring pa naman kitang tunay na Ate. Napakasinungaling mo! Sinungaling ka! Sinungaling!""Sasabihin ko na sana sa'yo pero hindi ko magawa. Sorry kung wala akong nagawa bilang ate mo.""Wala akong pakialam! Sinungaling ka pa rin! Sinungaling! Iwanan mo nalang ako pwede? Gusto kong mapag-isa.""Magpapaliwanag ako! Sasabihin ko sayo ang lahat-lahat.""Hindi. Sinungaling ka ate kaya iwanan mo nalang ako. Hindi ko kailangan ang paliwanag mo so just please go away, don't talk to me and leave me alone!""O-kay." Ate terra replied and she leave as I said.San na ako lalagay? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Saan ako pupunta? Wala na akong kalalagyan. Wala na! Kay bestfriend. Tama. Kay Angelo ako pupunta. Lumabas ako ng aming bahay para pumunta kay Angelo at habang naglalakad ako papunta sa bahay niya, patuloy pa ring tumutulo ang aking luha. Andito na ako sa harap ng bahay ni angelo. Huminga ako ng malalim at pinunasan ko ang aking luha. At pinindot ang doorbell.///////Thank you sa lahat ng nagbasa at magbabasa palang. Here is your guide to my book para di kayo malito.She Married the Stranger Book 1The Last Day of Summer Book 2Saving my Last Goodbye Book 3Destiny's Choice Book 4Thank you, thank you, thank you. Wag niyo po kakalimutang mag comment at makipag interact sa akin. Sana nagustuhan niyo ang makulit at nakakainis na story ni Mesaiyah at Anhiro.This is just the beginning. I have more to offer to you and I need you to be with me 'til the end of my journey. and also I have an account in wattpad "yoursjulieann" din ang pen name. You could follow me there if you have wattpad because that's where I started building my writing journey and now, I'm sharing it with other platform because I hope someday, I won't regret pursuing this passion.Youtube Channel: yoursjulieannInstagram: yoursjulieannFacebook: Julie Ann LingaI love you. ❤
Mesaiyah's Point Of ViewIminulat ko ang aking mga mata. Gumuhit sa aking labi ang ngiti. Kanina parang naging manhid ako dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari pero nararamdaman ko na ngayon ang kamay niyang nakayakap sa tiyan ko. Humarap ako sa kanya at pinagmasdan ang natutulog niyang mukha. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Parang kahapon lang.Nakikita ko ang eiffel tower. Ang bintana ay natatabunan ng hamog na dulot ng malamig na paligid. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin. Naku! Gising ang lalaki na ito."Nagugutom na ako. Gumising kana." Sabi ko. Minulat niya ang kanyang mata. Ngumiti siya sakin."I love you. Forever and always." He said."I love you. Forever and always." I repeat and he kissed my forehead.Pagkatapos naming kumain. Napagdesisyunan naming libutin ang buong Paris. Isinuot niya sa akin ang makapal na leather jacket na kinuha niya sa cabinet. Sa tuwing pinagmamasdan ko siya, bumabalik lahat ng ala-ala ko. Nung araw na una kaming nagkakilala at nagkita. Nu
Maysel Point of ViewNakaupo ako ngayon sa damuhan sa ilalim ng mangga. May nakasapak sa tenga ko na earphone. Nakikinig ng kanta at napamulat ang pikit ko na mata nang may tumabi sakin. Si Razec yun, sino pa ba? Humarap ako sa kanya at kumanta."So, it's gonna be forever? Or it's gonna go down in flames. You can tell me when it's over...nah..nah..nah..nah..cause we're young and we're reckless. We'll take this way too far. It'll leave you breathless or with a nasty scar. Got a long list of ex-lovers. They'll tell you I'm insane. But I've got a blank space baby. And I'll write your name." Kanta ko at inuntog ko ang noo ko sa noo niya pero pinisi niya lang ang ilong ko."Ano naman 'yang kinakanta mo?" Tanong niya."Blank space ni Taylor Swift. Nakaka LSS kasi." Sagot ko at ibinigay sa kanya ang isang pares ng earphone. Parehas na kaming nakikinig ng blank space. Umusog ako ng konti sa tabi niya at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Parehas naman kaming nakatingin sa ulap.Nasa loo
Kerk Point of ViewAndami ng nangyari. Sobrang dami na ng nangyari. Kamusta naman tayo? Eto, napag-iiwanan.Si Prince at Mesaiyah kasal na. Si Anthea at Denstah kasal na din at ang Promises are meant to be broken ni Maysel at Razec ay napatunayan nga nila. Tayo? Meron pa bang tayo? O nag-iisa nalang talaga ako.Hawak ko ang kamay ni Terra na araw-araw kong ginagawa. Hinalikan ko ang palad niya at pinainit ito sa aking pisngi. Sa tuwing tinititigan ko ang kanyang mukha, naiimagine ko ang anak namin. Sayang lang talaga dahil nawala, lecheng buhay eh eh. Bakit kasi nawala pa?Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa upuan na katabi ng kama ni terra. Kinuha ko ang aking jacket at isinuot ang bonette at bago ako lumabas ng room ay hinalikan ko muna siya sa noo."Aalis lang ako sandali Terra. Iiwan na muna kita dito. Lalabas lang ako saglit at gusto ko pagbalik ko, mulat na ang mapupungay at chinita mong mata. Mahal na mahal kita Terra." Sabi ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Habang naglalakad pa
"Prince si mesaiyah." wika ni Kerk mula sa kabilang linya."Ano?""Kagagaling niya lang dito sa hospital.""A-ano? Totoo ba yang sinasabi mo?""Oo Prince." Sagot ni Kerk. Napabuntong hininga ng malalim si Anhiro. Sinabi na nga ba babalik siya. Wika niya sa kanyang sarili sabay ngumiti."Babalik ako sa Pilipinas." Sagot ni Anhiro at ibinaba na ang cellphone pero lalabas na sana siya sa kanilang bahay nang hampasin siya ng kanyang lolo sa magkabilang tuhod. Bumagsak siya sa sahig dahil sa sakit."Wag na wag ka ng aalis hangga't wala akong sinasabi." Galit na sabi ng kanyang lolo. Tinawag ng matanda ang iba pa niyang tauhan."Gawin niyo ang sinabi ko.""Hai!" Sagot ng mga tauhan. Binuhat nila si Anhiro at dinala sa isang kwarto na tambakan ng mga gamit. Nakalumpasay ito sa sahig at iniinda ang sakit ng kanyang tuhod habang masamang nakatingin sa mga tauhan na nasa harap niya.Walang magawa ang mga tauhan, kung hindi nila susundin ang utos ng boss nila ay sila ang mamamatay. Yumuko muna a
2 years later ***There is no permanent thing in this world, the only permanent thing we can have from being alive to death is LOVE. When we die, we leave our memories and promises on earth but the love will always remain in our heart.Everything has changed after the lost of Mesaiyah's memories. But she can put them back together, she can put her memories into the right place because her love for Anhiro is still alive in her heart and mind.Magtatapos kaya ang storya niya sa and they lived happily ever after katulad ng sa fairytale? O katulad lang ng sa movie ang magiging end nito? Walang happily ever after, walang forever pero merong true love.True love ang sagot sa mga taong hindi naniniwala sa forever and happily ever after dahil ang true love, magkalayo man kayo, marami mang tutol sa pagmamahalan niyo, marami mang ayaw sa inyo, pagtatagpuin at magtatapos ang storya na kasama mo ang iyong true love. Makakatuluyan kaya ng prinsesa ang true love niya para masabing and they lived ha