"Kailangan mo nang magpahinga." Tumayo na siya pero bago pa siya makaalis ay tinawag ko muna siya.
"Iyong bintana, p'wedeng pasara?" I said then he nodded.
"Ano pang kailangan mo?" tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin at napalunok. Inaantok na rin naman na ako, e. Pero natatakot pa rin ako.
"Ikaw," sabi ko at ilang segundo pa ang lumipas pero hindi pa rin siya kumikibo kaya tiningnan ko na siya. Naistatwa lang siya sa kinatatayuan niya. "A-ang ibig kong sabihin, maaari bang dito ka na lang matulog? Tinakot mo 'ko, e," reklamo ko pero sana, huwag niyang bigyan ng malisya iyong request ko kasi natatakot talaga ako.
P'wede pa nga akong maniwala sa mga engkantong iyan kaysa sa makarating ako sa panahong 'to, e.
"Huwag kang mag-alala, wala akong gagawing masama sa iyo," sabi ko pa pero hindi pa rin siya kumibo. Nabigla ko yata talaga siya.
Sabagay, awkward na nga sa panahon nila na magkasama ang babae at lalaki sa labas, what more ang magkatab
"Ngunit... wala naman na talaga ang aking mga magulang," mahinang sabi ko habang pilit pinipigilang umiyak.Nasasaktan ako sa katotohanang mag-isa na lang talaga ako rito. Wala akong masandalan o masabihan ng totoo kong pagkatao. My parents were always busy with their jobs and I understand that but despite of that, they find time to guide me as well. To listen to me."Iyong mga nasa Espanya?" he asked."Hindi ko sila maalala, Lino. Hindi ko sila kilala. Ang tinutukoy kong magulang na wala na ay ang mga taong nagkupkop sa ‘kin dito sa Pilipinas. Iyong nagligtas sa ‘kin kaya ako nakarating dito. H-hindi ko nga maalala kung bakit ako nandito sa Pilipinas," natatarantang sabi ko at sana, tigilan niya na ang katatanong sa ‘kin kasi kulang na kulang pa ang alam ko kay Liwanag para panindigan itong pagsisinungaling ko.Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni Lino nang makarinig kami ng mabilis at malakas na katok sa pinto kaya sabay kaming napali
Natapos ang lunch namin at sa salas na namin tinuloy ang k'wentuhan. Wala pa naman kasing mga magpapagamot."Buti, pinayagan kayong magtungo rito?" sabi ko kina Miranda at Agustino."Hindi rin kami magtatagal," ani Agustino."Marami pa ring panganib sa paligid. Ngunit hindi naman ibig sabihin nun ay ititigil na natin ang ating buhay," nakangiting sabi ni Miranda."Maikli lamang ang buhay, hindi dapat tayo nabubuhay sa takot," sabi ko naman pero parang may mali sa sinabi ko. Ako nga 'tong takot magpakatotoo tapos ako pa 'tong may ganang magsabi ng ganun? Pero kailangan ko 'tong gawin para mabuhay."Tulad na lamang ni Binibining Liwanag. Naging makabuluhan ang kanyang buhay sa lupa kahit sa maikling panahon," ani Agustino na nakangiti kaya bahagyang natawa si Miranda."Kaunti na lamang ay iisipin ko nang may pagtingin siya kay Binibining Liwanag," ani Miranda at biglang napaubo si Lino. Inabutan ko siya ng tubig na nandito lang sa center table
"Kamusta kaya si Lolo?" I asked Lino while watching him cleaning my wound.Nandito kami sa office niya at gabi na rin. Pinahatid namin kay Berto si Lolo though kinakabahan akong pauwiin siya pero sino ba naman ako para kontrolin siya dahil lang alam kong malapit na siyang umalis? He should enjoy his last moments here. Nag-aalala lang ako na baka sabihin niya sa iba na babae ako."May ilang araw pa siguro siya. Kung susundin niya ang aking bilin, aabot pa siya ng isang buwan. Tungkol sa iyong lihim, wala siyang sasabihin," kalmadong sabi niya habang seryoso sa ginagawa niya.Napabuntong-hininga ako at napatingin sa gaserang katabi lang mismo ng sugat ko. Madilim na kasi, hindi makita ni Lino iyong sugat ko."Kamusta ang iyong pakiramdam?" he asked.Hindi agad ako nakasagot pero nagawa kong ngumiti. Nang tumigil siya sa ginagawa niya, tiningnan ko siya at nakatingin pala siya sa ‘kin."Magaan na ang loob ko," I said that made him smile.
Masyado tayong nasasanay sa bagay na kinamulatan na natin at takot tayo sa pagbabago ng mundo. Alam nating may mali pero natatakot tayong sumugal upang baguhin ang nakasanayang mali. Kaya minsan, matagal maging progresibo ang isang komunidad.Natatali tayo sa kultura at sa relihiyong gawa-gawa ng mga Kastila upang bilugin at kontrolin ang isip ng mga Pilipino. Natatakot silang mag-alsa ang mga Pilipino laban sa kanila. Takot sila sa atin. Takot sila sa mga Pilipinong edukado. Kaya miski edukasyon, nililimitihan nila. Miski babae ay hindi nila pinakukuha ng mabibigat na kurso dahil takot din sila sa mga kababaihan. Takot sila na mawasak ang patriarchy kasi sila-sila rin naman ang makikinabang balang araw.Kaya nga hanga ako kay Third. Supportive siya sa ‘kin plus hindi seloso despite of having the idea that I liked his twin brother before and we were classmate pa in law school. Mahal niya lang talaga ako at may tiwala siya sa ‘kin. All he wants is the best f
"Pero bagay naman sa ‘kin," biro ko gamit ang panlalaking boses na tinawanan na lang namin. "Bakit ba tayo nandito?" I asked in a low voice so I guess, he didn't heard that kaya tumahimik na lang kami.Maingay kasi ang karwahe. May parte rin sa ‘kin na ayokong marinig ang sagot niya. Oo, hindi ko siya pinipigilan sa nararamdaman niya kasi umaasa akong kusang mawawala iyon. Baka kasi kapag pinigilan ko, magaya lang kay Third. Habang tinutulak palayo, mas lumalakas ang hatak palapit. Baka makasakit na naman ako. Natuto na ako, gusto ko lang i-apply ang natutunan ko.Huminto kami sa malawak at patag na lupain. Napapaligiran ng iba't-ibang halaman at damo. Maraming nagsisiliparang ibon sa himpapawid. May mga paru-paro. Napapalibutan kami ng puno. Wala akong ibang makita kundi pananim, hayop at langit."Ang ganda!" sabi ko pagkababa ko sa karwahe. Ngayon lang ako nakarating sa ganitong lugar. Alam kong maraming tahimik na lugar sa panahon na 'to pero ngay
"Ayoko, e." Pinilit kong matawa para hindi masyadong mabigat ang paligid namin at bumalik na rin ako sa ginagawa ko. Hindi na rin kumibo si Lino kasi hindi rin naman ako makikinig. Kung matigas ang ulo niya, mas matigas ang sa ‘kin.Nang matapos kami ay nagtungo na kami sa dining area at nakahanda na nga sila. Every night na lang, para kaming may candle light dinner sa bahay dahil sa dami ng kandila sa paligid. Hindi naman sila mainit kasi presko sa bahay na ito. Sa laki ba naman ng mga bintana nila?"May sulat galing sa Villaluna," tugon ni Berto sabay bigay sa ‘kin ng letter. Iaabot ko sana kay Lino. "Para sa iyo, Mon," dugtong niya kaya napalunok ako at tiningnan muna si Lino.Alam kong selos na selos na siya kay Catalina pero malabong magkagusto ako sa kapwa ko babae. Lalo na kay Catalina. I know to myself na straight ako. Well, p'wede pa kay Miranda coz I like her personality at hindi siya malandi unlike Catalina na total opposite niya."
"May hinahanap ka?" tanong ni Miranda nang mapansing ginagala ko ang tingin ko.Umiling na lang ako at maingat na inenjoy ang party. Hinahanap ko iyong mga Prayle pero hindi ko na sila makita. Hinanap ko rin ang parents nina Miranda at Agustino pero wala sila. Ang dami kasing tao rito. Baka naghahanapan na kami."Batiin natin si Catalina," ani Miranda kaya tumango na lang ako. Hindi pa namin siya nababati ng personal kasi ang dami niyang kausap na tao. Ang daming nakakakilala sa kanila. Akala ko, mas mayaman na sina Miranda--iba pa pala ang Villaluna.Ganito siguro kapag sakim sa lupa ang pamilya. Charot. Villar yern?"Maligayang kaawaran, Catalina," bati namin sa kanya at mukhang nabigla siya nang makita kami rito. Parang pagod na siya kakaentertain sa mga bumabati sa kanya pero bakas sa mga mata niyang masaya siya."Miranda Valencia at Agustino Valencia, tama ba?" nakangiting sabi niya at tumango naman sina Miranda."Alam kong hindi tayo m
"Dito tayo sa gilid," tugon ko sa kanya.Birthday niya today so hindi p'wedeng gumawa siya ng eksena dito. Ang daming tao. Baka kung ano pa ang mangyari kapag nakita nilang umiiyak sa harapan ko si Catalina.Sabi ko, sa gilid lang kami pupunta pero nakarating kami sa labas ng bahay nila kung saan walang katao-tao. Bigla siyang naupo sa damuhan kaya naupo rin ako sa harapan niya sabay bigay sa kanya ng panyo. Kinuha niya ito at pinunasan ang sarili."Salamat, Mon," she said."Ayos ka na ba? Gusto mo ikuha kita ng tubig?" nakakagaan kasi 'yun ng loob. Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang dulo ng damit ko kaya napabalik ako sa kinauupuan namin. Ang laki ng gown niya kaya nauupuan ko ang dulo nito."Hindi na. Nais ko lamang makalayo sa kanila," malungkot na sabi niya.Ngayon ko lang siya nakitang malungkot. Usually nagsusungit siya o kaya'y nakangiti. Gusto kong itanong kong anong nangyari pero magkikwento naman siya kung komportable siya.