Share

Chapter 8

Walang imik si Patrick hanggang makarating sila sa sasakyan. Hindi rin niya narinig na nagpaliwanag si Jane. At kahit anong paliwanag ay hindi niya matatanggap. Maliwanag pa sa sikat ng araw na noon pa siya nito pinagtataksilan.

Deretso uwi sila sa condo pagkagaling nila sa klinika ng OB-Gyne. Pigil na pigil niya ang sarili na magalit dahil baka kung ano ang magawa niya sa asawa. Buntis pa naman ito ngayon. Tinungo niya ang balkonahe para huminga nang malalim dahil gustong sumabog ng dibdib niya sa matinding galit.

Naramdaman niya ang yabag ni Jane palapit sa pinto. Ayaw sana niyang lumapit ito. Ayaw niyang makipag-usap. Pero marami din siyang katanungang kailangang bigyan ng kasagutan.

"Sino ang ama ng dinadala mo?" mahina pero madiin niyang tanong.

"M-my boyfriend..."

"Your boyfriend?!" Hindi niya napigilan ang sarili na lumingon. Mataas pa rin ang noo nitong parang gusto pang magmalaki sa kanya. "Ako ang mapapangasawa mo noon pero may tinatawag kang boyfriend?!"

"O-on a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (29)
goodnovel comment avatar
Christine Manlangit Nava
shout out po ms.weng Update po please
goodnovel comment avatar
Nogan Maribel
miss weng update na po
goodnovel comment avatar
JaNe
mes weng update ka din po dito
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status