Share

CHAPTER 4

 {Yna's POV} 

Hindi ko alam pero umiiyak na ako. Ni hindi ko ito napansin. Parang bigla akong nawala sa sarili sa nakita kong pag-aalala ni Hace para kay Venice. Inalalayan niya'ng tumayo si Venice na halata namang nag-iinarte lamang. 

Nagitla ako nang biglang lumingon si Hace sa gawi ko. Nakatiim ang bagang at nakikita ko ang galit niya sa mga mata. Bahagya akong napa-atras nang makita kong humakbang siya papalapit sa kinaruruonan ko. Ayuko.

Ayukong saktan niya ako sa harap ng maraming tao.

Kaya naman kaagad akong tumakbo. Hinihingal na narating ko ang parte ng resort kung saan may mga matatarik na batuhan. Wala masyadong tao dito. Hilam na sa luha ang magkabilang pisngi ko. 

Bakit ang sakit? Ang sakit lang isipin na wala manlang pakialam si Hace sa'kin? Bakit hindi pa ako nasanay gayong ilang beses na n'yang 'pinaramdam sa'kin na wala talaga akong kahala-halaga sa kan'ya.

'Mula noon Yna, ni hindi ka niya kayang pakitunguhan ng maganda.

A-asa ka pa ba? Lalo na ngayon na ikaw ang sinisisi niya sa pagkawala ni Solenn. TANGA KABA?

Pero kahit anung gawin ko, umaasa parin ako. Na sana, balang araw, mamulat siya sa katotohanan.

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ko. Ang lalakeng mahal ko ay walang ibang gusto kun'di ang makita akong nasasaktan. Ang makita akong nahihirapan. Ang makita akong nagdurusa.

At hindi ako makakapayag. Ipapakita ko sa kan'yang kahit anung pananakit pa ang gawin niya sa'kin, still,

MAHAL NA MAHAL KO PARIN SIYA.

Tanga na kung tanga, pero wala akong choice kun'di ang patuloy siyang mahalin sa kabila ng mga pananakit na ginagawa niya.

Titigil lamang  sa pagtibok itong puso ko para sa kan'ya, kung sakaling tuluyan na akong mawalan ng hininga.

"How dare you to hurt Venice?!"

Napalingon ako kay Hace na ngayon ay nasa likuran ko. I take a gulp and look at him directly.

"Sinaktan din naman niya ak--" natigil ako sa kanyang malakas na sampal dahilan na napahawak ako sa kaliwang pisngi ko. 

"You deserve it! You deserve to get hurt! You know why? Dahil wala kang k'wenta Yna! Isa kang salut! Nawala si Solenn dahil sayo, and now, sinaktan mo si Venice?!"

Nakita kong halos lamunin na niya ako nang buhay. Nanginginig ang tuhod ko at mas lalong tumingala sa kan'ya.

"Mahal kita Hace, 'yan, 'yan ang rason kung bakit ayu'kong mapunta ka sa iba. Pero bakit? Huh? Bakit hindi mo ako kayang mahalin? May mali ba sa'kin? Huh?! Sabihin mo Hace," 

Hinawakan niya ako nang mahigpit sa magkabilang balikat ko. Salubong ang kilay na niyug-yog niya ako nang napakalakas.

"Wake up, Yna! Wake up! Kahit kailan, I will never be yours! Hindi kita mahal at mas lalong hinding-hindi kita mamahalin!" He gritted his teeth at napatingin  sa dib-dib ko then he painted an evil smile.

"Alam kong sinuot mo 'to para sa'kin. Para anu? Para humanga ako sayo? Tsss. Never, at kahit maghubad ka pa sa harap ko, still, b****a ka parin! Isa kang nangangamoy na kriminal, Yna! At hindi mo deserve mahalin ng kahit sino, lalong-lalo na ako!"

'Yun lang at marahas na niya  akong itinulak na s'yang dahilan kung ba't nahulog ako sa tubig.

God.

Malalim ang parte ng batuhan kung 'san niya ako itinulak. Halos 'di na ako makinga sa lakas nang paghampas ng mga alon. Plus the fact na hindi ako marunong lumangoy. Ito na ba 'yun?

Am I going to die here?

No!

Halos hindi ko na mahabol ang hininga ko. Panay din ang hampas ng malalaking alon.

'Save me, please. '

Bulong ng isip ko. Then I felt something na humawak sa bewang ko. 'Yun lang at tuluyan na akong nawalan ng alam sa mga nangyayari.

{SOMEONE'S POV}

I grab her waist at inahon siya sa tubig.

God.

She's lifeless.. My hand was shaking as I lay her down to the sand. Tiningnan ko 'yung mga mata niyang nakapikit. I need to do something for her to wake up. I opened her mouth and start giving her air. 

But God! Wala talaga. I pumped her chest, hoping her to wake up but still, she's unconscious. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko. Why? Is she important to me?

Hindi ako sumuko at ilang ulit ko siyang pi-nump, when finally, I heard her Gasp! 'Yun lang at agad akong tumakbo at nagtago sa kung saan.

{Yna's POV}

Lumabas ang napakaraming tubig na nainum ko. Pakiramdam ko ay biglang guminhawa ang dib-dib ko.

Habol ko parin ang hininga habang nakaupo sa buhanginan. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala man'lang akong nakitang ibang tao.

But how come? Paanu ako nakaligtas?

Akala ko ay mamamatay na ako nang mga oras na 'yun.

"Hace."

Sambit ko nang ma-alala ko ang pagtulak niya sa'kin sa batuhan. Is he really that desperate to kill me? To drown me?

Alam niya. Alam niyang di ako marunong lumangoy pero tinulak niya parin ako. Tumayo ako at bumalik sa cottage. Mistulang basang sisiw ako habang naglalakad sa dalampasigan. Napapatingin din sa'kin ang mga lalakeng nadadaanan ko, pero wala na akong poise.

Nakayuko lang ako habang naglalakad. Hindi ko alam kung anu ang mararamdaman nang mga oras na 'yun. Galit? Sakit? O disappointment? Hindi ko mawari.

Narating ko ang room ni Hace na bahagya pang naka-awang. I just entered there without even knocking only to see him with his fling. Kissing like there's no tomorrow.

Tumiim ang bagang ko sa nakita. He managed to flirt with the thoughts that I am drowning. How dare him!

Hinawakan ko ang door knob at isinara nang malakas ang pinto.

There, I caught their attention.

Mukhang nagulat pa si Hace sa nakita.

Hindi ba niya ina-asahang makakaligtas ako? I smirked and grab's Venice hand's and slapped her so hard.

Nakita ko naman ang biglang pagsalubong ng kilay ni Hace. Maybe galit na naman.

But who cares? Handa akong harapin kung anu na namang parusa niya.

Nasasanay na din ako sa ga'nun.

Pero nagulat ako nang hinila niya si Venice at inakay palabas ng silid na 'yun.

Pabagsak niyang isinara ang pinto nang bumalik sa loob at walang anu-anong hinalikan ako. Nanatiling nakadilat ang mata ko habang siya ay uhaw na uhaw sa kakahalik sa labi ko.

I was surprised. Little did I know,

I'm kissing him back. Pumalibot sa batok niya ang dalawang braso ko.

Gasping for breath. I feel his hand on my back. Gently caressing it.

Hanggang sa naramdaman kong napunit ang brassiere ko.

"You want more? Huh?"

Itinulak niya ako sa kama. Panay ang iling ko nang sumampa siya sa kama.

"Ito ang gusto mo 'di ba? Pagbibigyan kita!"

Muli niya akong sinunggaban ng halik sa leeg. At nakakaramdam ako ng sakit sa bawat pagpisil niya sa katawan ko.

He's a sadist. O baka sa'kin lang.

My body was shaking when someone's knocked the door.

Natigilan naman si Hace sa ginagawa.

Lihim akong umusal ng pasasalamat.

Yeah.I love him. But not this way. 'Coz it hurts, so much.

•••••

"Shit!"

Napamura si Hace at mukhang natauhan sa ginagawa. Tila diring-diring pinunasan nito nang ilang ulit ang labi nito pagkuwa'y tumayo at tinungo ang pinto upang pagbuksan ang sinumang kumatok.

Kinuha ko 'yung tuwalyang nakapatong sa kama 'saka ibinalot ang katawan ko na ngayon ay sobrang nanginginig.

Hindi ko alam pero ni hindi kona magawang umiyak. Tila naubos na ang luha ko. Hindi ko na alam kung sinuman 'yung kumatok bagkus ay napaupo ako sa isang sulok.

Yakap-yakap ang sarili habang nakatulala. Isa lang ang nasa isip ko nang mga oras na 'yun.

"Gusto ko nang mamatay.'Siguro magiging masaya na siya pag nawala ako.' Bulong ng isang bahagi ng isip ko.

'No Yna! Kaya mo pa. Kayanin mo. Darating din ang araw na lalambot ang puso ni Hace sayo, mamahalin ka niya Yna. Mamahalin ka'din niya.'

Nagtatalo ang isip ko nang mga oras na 'yun ngunit mas nanaig ang katangahan ko. Still, I choose to fight and love him even more.

'Kunti pa Yna. Malapit na.'

Pagpapalakas ko sa loob ko. Tumayo ako at hinalungkat ang backpack na dala ko pagkuwa'y naghanap ng ma'susuot. Ni hindi ko na napansin ang paglabas ni Hace sa silid na 'yun.

'Hace, kung masaya kang nasasaktan ako, nahihirapan, pagbibigyan kita, hahayaan kita, at ipinapangako ko na kahit anung pananakit ang gawin mo, hindi na kita pipigilan pa.'

You're free to hurt me, anytime you want, at wala kang maririnig na kahit anong reklamo mula sa'kin. Masaya kong tatanggapin ang bawat pasakit mo, ang bawat sampal mo, dahil alam ko, sa bawat sakit na nararanasan ko, ay siyang kaligayahan mo.'

LUNCHTIME

Nakaupo sila Hace sa round table kung saan tanaw ang napakalawak na dagat. Habang ako?

Ito,

Nakatayo sa likuran 'nung mga kasama niya. Nasa harap ko naman siya na ngayon ay todo alalay sa pagkain ni Venice.

Hindi ako p'wedeng sumabay sa kanila sapagka't kulang na daw 'yung upuan. Samantalang nakita ko nung ipinakuha ni Venice ang isang upuan nang sa ga'nun ay wala na akong mauupuan pa.

Hinayaan naman ito ni Hace at mukhang masaya pa sa ginawa ng ka fling niya. Maya-maya ay napatingin si Hace sa gawi ko at agad na nawala ang ngiti sa labi nito. Agad naman akong umiwas ng tingin at naglakad palayo. Nagmumukha na kasi akong kaawa-awa habang nakatunga-nga lang sa pagkain nila.

Gustohin ko mang kumain pero wala naman akong pera. Sinigurado ni Hace na wala ako ni sinkong duling para daw mas mahirapan ako. Pinili kong maupo sa nakausling ugat ng isang punong kahoy sa dalampasigan.

Wala akong nararamdaman nang mga oras na 'yun kundi lungkot. Sana bigyan pa ako ni lord ng lakas upang patuloy na lumaban.

"Mag isa ka yata."

Napakislot ako nang marinig ang boses na 'yun pagkuwa'y lumingon.

It was him. The stranger. Nanatili akong tahimik habang papalapit siya.

"P'wedeng maupo?"

Nakangiting turan nito. Tango lang ang isinagot ko dito.

"I saw you kanina, did he hu-- uhm,, are you okay?" Tila nalilitong tanung nito.

"Okay lang naman ako." Tipid na sagot ko.

"Wait. Pang-ilang beses na nating pagkikita 'to but still, hindi natin alam ang pangalan ng isa't-isa, by the way, I'm Theron."

Sabay lahad ng kanang kamay na sambit nito. Saglit ko itong tinignan at akmang tatanggapin ang pakikipag-kamay nito nang may magsalita.

"What are you doing here, slut?!"

Sino pa? 'Di si Hace. Nagulat ako nang biglang tumayo si Theron at nagsalita.

"Have enough respect to her! Don't you have a little bit manners?!"

Pasigaw na sabi ni Theron. Napatayo na'din ako nang biglang nagsuntukan ang dalawa. Nakita kong susuntukin ni Theron si Hace kaya agad akong humarang.

Dumako sa dib-dib ko ang kamao ni Theron na ngayon ay nabigla at mukhang nag-alala. Pansamantalang natigil ang paghinga ko.

{Hace's POV}

Bastard! How dare him para ipagtanggol ang babaeng kinasusuklaman ko?

Hindi na ako nakapag-timpi at agad ko siyang sinugod ng suntok. Gumanti s'ya ng suntok ngunit nakailag ako.

Isang malakas na upper cut ang pinakawalan ko at natamaan siya.

Akmang susuntukin niya ako pabalik nang humarang si Yna.

Nakita ko kung paanu tumama sa dib-dib ng b'wesit na babaeng 'to ang suntok na pinakawalan ng lalakeng 'yun.

Napasandal si Yna sa dib-dib ko at mukhang ininda talaga nito ang sakit.

Well, dapat lang sa kan'ya 'yun.

Ilang saglit akong nakatayo lang habang ang lalake ay tarantang dinaluhan si Yna na ngayon ay lupay-pay na napadaus-dos sa dib-dib ko at napasandal sa paanan ko.

Hindi ko alam kung anung gagawin ko. Me'rong parte na natutuwa ako.

Pero,

F*ck!

Napamura ako. Naguguluhan ako.

Nanginginig? Pero bakit? Siguro dahil sa galit sa lalakeng ngayon ay todo alalay kay Yna.

"God! I'm sorry, I didn't mean it."

Hindi mawari ang pag-aalala sa boses ng lalakeng 'yun. Bakit? Bakit gan'yan nalang siya mag-alala sa walang k'wentang babaeng 'to?

Tsk.

P'wes bahala sila sa buhay nila.

'Wag na 'wag niya lang ipagtatanggol ang babaeng to sa'kin dahil hindi ko siya sasantuhin.

Pinili kong iwanan sila sa dalampasigan nang makita kong okay naman pala ang lintik na babaeng 'yun. Wala akong pakialam masaktan man siya.

Ngunit di pa ako nakakalayo nang husto ay may biglang humawak sa kamay ko dahilan kung ba't ako napatigil sa paglalakad at lumingon.

Tss. Bitch.

"Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?"

Bakas sa boses nito ang matinding pag-aalala. Tanga nga talaga. Siya 'tong nasaktan pero ako pa ang tinatanung kung okay lang ako.

Disgusting.

Desperate.

Iwinaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Don't you ever dare ,touch me, slut!"

I saw her gulped.

"Pa-pasensya kana kay Theron, sa sinabi niya hindi niya lang kasi---"

"So you knew his name. Tell him to stay away from you! From us!"

'Yun lang at tinalikuran ko na s'ya. Tsk. Hindi ko alam kung ba't ko nasabi 'yun. Pero mabigat talaga ang dugo ko sa Theron na 'yun o kung sinumang hinayupak 'yun.

{Yna's POV}

Naiwan akong nakatulala habang tanaw ang papalayong si Hace.

Nag-alala ako na baka nasaktan siya.

Pero balewala parin sa kan'ya. Nasapo ko ang dib-dib ko na medyu masakit parin pagkuwa'y huminga nang malalim at naglakad pabalik sa cottage.

Naabutan ko si Hace na nakabusangot habang nakaupo sa kama. Pagkakita niya sa'kin ay agad siyang umiwas ng tingin. Mabagal ang hakbang na tinungo ko ang kinaruruonan niya.

"Ga-galit ka ba?"

Kusang lumabas 'yun sa bibig ko.

"Tanga ka talaga eh no? Nakalimutan mo na ba? Matagal na akong galit sayo, napakawalang k'wenta mo talaga!"

Pagkuwa'y lumabas na naman ito.

Pero nagulat ako nang bigla itong bumalik at inihagis sa'kin ang isang plastic bag. Maang na tinignan ko s'ya pero sinamaan lamang ako ng tingin.

--DEEJEESAI

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status