{YNA'S POV}
Saturday ngayon kaya walang pasok si Hace sa opisina. Kagaya nang nakasanayan na ay nagluto ako ng almusal nito at iniwan na lamang ito sa hapag. Siguradong mamaya pa ang gising nito.
Tinungo ko ang hardin sa likod bahay at nagdilig ng mga halaman 'dun.
Lagpas 9 am na pala. Nagpunas ako ng pawis at tinungo ang pool. Kailangan ko na din linisin ito. May ilang dahon kasi ang lumulutang sa tubig. Tinatangay siguro ng hangin kaya napupunta dito sa pool. Kinuha ko na 'yung panlinis 'saka pilit na inaabot nito ang iilang mga dahon.
Dalawa nalang yata ang natira. Kagat labi pa ako habang inaabot ito. At hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari-- nadulas ang kaliwang paa ko at nahulog ako sa pool.
'''SPLASH!'''
Tunog ng tubig nang mahulog ako.
habol ko ang hininga habang pakaway-kaway ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng
{Hace's POV}Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagagalit. I saw Yna na malapad ang ngiti sa harap ng lalakeng 'yun. At 'nun ko lang siya nakitang ga'nun kasaya.And I hate the idea na pinapangiti siya 'nung lalakeng 'yun. Hindi niya deserve ang ngumiti. 'Yun. 'Yun nga. Nagagalit ako dahil ayu'ko na nakikita siyang masaya.Shit!I stopped the car at bumaba 'dun. Pabagsak kong isinara ang pinto at sinipa nang napakalakas ang gulong ng sasakyan sa tindi ng galit ko.How I hate the idea na masaya siya.Ilang beses pa akong huminga nang malalim bago pumasok ulit sa sasakyan at pinaharurot ito. Damn that man for making her smile."Nag-away ba kayo ni Venice?"Napahinto ako sa pagpanhik sa itaas. Kakarating lang namin sa bahay."Wala kang pakiala
{Hace's POV}Tinitigan ko ng mabuti ang babaeng nasa harap ko. Nakahiga ito sa duyan at mukhang binabangungot. Pawisan din ang noo nito. Siguro, kung ibinigay ko kay Marco ang code ng bahay ko, ay sigurado akong,Wala na s'ya ngayon.'''I love you hon, I will always love you'''Paulit-ulit na dumaan 'yun sa isip ko.Solenn. Smiling at me. At na mi-miss ko na siya. Tama. Miss na miss ko na si Solenn. Si Solenn lang ang mahal ko. Not this evil, Yna.Shit! Paanu ko ba naisip na mahal ko ang babaeng 'to? Awa! Awa lang ang nararamdaman ko sa kan'ya. 'Yun lang.I was about to walk away nang bigla nalang siyang nahulog sa kinahihigaan niyang duyan.Like What the f*!Marahas na bumuntong hininga ako at tiningnan siya na ngayon ay kukura
CHAPTER 21{Hace's POV}Hindi ko na namalayan na nanginginig na ako. Tila ba bigla akong di makagalaw.No. This can't be! Tumakbo pa ako at pinulot 'yung pares ng tsinelas na iyon."Yna."Nagpalinga-linga ako sa paligid at mukhang nakatingin sa'kin lahat ng taong nan'dun."Kamag-anak mo ba 'yun Hijo?""Naku. Kinuha na siya ng ambulansya at isinugod sa hospital."''''Hgajkls gaksgkldbag-----------''''Tila nabingi na ako. Napaupo ako sa semento. Bakit ganito kaaga?Pakiramdam ko tumigil ang mundo.At wala akong ibang naririnig kun'di.'Yna,Yna,Yna,Yna.Hindi ko alam kung 'san ako kumuha ng lakas upang tumayo. Kailangan kong makita si Yna.•••••
"Please, tama na, hi-hindi ko na kaya," nanginginig ang boses na turan ko sa lalakeng nasa harap ko.May hawak itong sinturon at akmang hahampasin na naman ako.Sobrang sakit sa pakiramdam. Hindi dahil sa pisikal na sakit, kun'di sa isiping ang lalakeng nananakit sa'yo, ay ang lalakeng buhay mo.Gusto ko nang sumuko.Sapagka't masyado na akong pagod. Pero hindi ko magawa.Naguguluhan ako. Ako daw ang may kasalanan kung bakit nagkaganito siya. Kung bakit naging demonyo siya. Dahil ako daw ang rason kung bakit namatay ang pinakamamahal niyang si Solenn.Maybe I deserved to be treated like this.Hilam sa luha ang mga mata ko nang dakmain niya ako sa leeg.Galit.Sobrang galit ang nakikita ko sa mga Mata niya. Tikom ang bibig at nanginginig sa galit."If only I could kill you matagal ko nang ginawa!"
{Yna's POV}"Damn it!"Napasinghap ako nang tumilapon sa harap ko 'yong pagkain na 'niluto ko para kay Hace."How many times do I have to remind you na ayaw ko ng ma-alat?!""Sakto lang naman 'yung-" naputol ang anu mang sasabihin ko nang tumayo ito sa harap ko at ibinuhos sa'kin ang isang basong tubig. Natigagal ako. Parang pinipiga ang puso ko pero ayaw ko'ng umiyak.Magtataka pa ba ako?Hindi.Nasanay na ako na lagi siya'ng naghahanap ng dahilan para magalit sa'kin. Para masaktan ako. Hobby na yata n'ya ang saktan ako nang paulit-ulit.Pero wala ako'ng magawa kun'di ang tanggapin ang anu'mang pasakit na ibibigay niya. Ang mahalaga ay makasama ko s'ya."Kahit kailan napakatanga mo talaga!""I'm sorry," nakayukong saad ko.
{Yna's POV}•••••ISANG malaking back pack ang in inihagis ni Hace sa harapan ko.Nagtataka man ay pinulot ko iyon at dahan-dahang napatingin sa kan'ya.Akmang magtatanung ako nang magsalita siya."We need to go somewhere. 'Yung tayong dalawa lang."Ma-awtoridad na sabi niya na mas lalong nagpalalim ng gitla sa noo ko."A-anung ibig mong sabihin H-hace?"Kinakabahan ako sa ngayo'y nakikitang ngiti sa labi niya. Ngiti na para bang may binabalak siya."Hindi mo ba ako narinig? O nagbibingi-bingihan kalang?! Sabi ko may pupuntahan tayo! Kaya iligpit mo 'yung mga damit na dadalhin ko, tanga!"Napaurong ako. Ayan na naman siya. Lumalabas na naman ang mga sungay niya. Pero hindi ka dapat matinag Yna. Hayaan mong isipin niyang hindi ka takot masaktan ulit.
{YNA'S POV} Napabalikwas ako ng bangon, hapong-hapo na kinapa ko pa ang dib-dib na ngayon ay sobrang bilis sa pagtibok. Panaginip. IT WAS JUST A DREAM. Hinawakan ko ang kaliwang pisngi ko nang maramdaman ang mainit na likido na nagmumula sa mga mata ko. Umiiyak ako dahil sa napakasamang panaginip na 'yun. Bahagya kong pinakalma ang sarili pagkuwa'y luminga-linga sa paligid. Maliwanag parin ang buwan. Nayakap ko ang sarili ko nang tumama sa'kin ang napakalamig na simoy ng hangin. "Pstt" Napalingon ako nang marinig 'yung tumawag sa'kin. Ngunit wala akong makitang tao sa likuran ko bukod sa punong nan'dun. Tumayo ako at 'nun ko naramdaman ang pagkalam na naman ng sikmura ko, pero in- ignore ko 'yun at sa halip ay dahan-dahang lumapit sa puno kung saan narinig ko 'yung tila tumatawag sa'kin.
{Yna's POV}Hindi ko alam pero umiiyak na ako. Ni hindi ko ito napansin. Parang bigla akong nawala sa sarili sa nakita kong pag-aalala ni Hace para kay Venice. Inalalayan niya'ng tumayo si Venice na halata namang nag-iinarte lamang.Nagitla ako nang biglang lumingon si Hace sa gawi ko. Nakatiim ang bagang at nakikita ko ang galit niya sa mga mata. Bahagya akong napa-atras nang makita kong humakbang siya papalapit sa kinaruruonan ko. Ayuko.Ayukong saktan niya ako sa harap ng maraming tao.Kaya naman kaagad akong tumakbo. Hinihingal na narating ko ang parte ng resort kung saan may mga matatarik na batuhan. Wala masyadong tao dito. Hilam na sa luha ang magkabilang pisngi ko.Bakit ang sakit? Ang sakit lang isipin na wala manlang pakialam si Hace sa'kin? Bakit hindi pa ako nasanay gayong ilang beses na n'yang 'pinaramdam sa'kin na wala talaga akong kahala-halaga sa kan'ya.