Share

Perdonami

Author: Rose Gale
last update publish date: 2026-04-23 23:58:50

"You're pregnant. But the baby's gone."

Natulala si Belleza. Hindi n'ya malaman ang sasabihin, ang gagawin lalo na ang mararamdaman.

Inaabangan naman ni Rozz ang magiging reaksyon niya pero ilang segundo na ay nanatili pa rin siyang walang imik.

"Belleza," tawag ni Rozz.

Hindi niya ito pinansin, ni hindi niya nilingon.

"Alam kong galit ka. Kahit anong paliwanag ko, I know you wouldn't listen. Pero gusto ko pa ring malaman mo, hindi sinasadya ni Lion ang nangyari. Wala siya sa sarili nang ga
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dhenz
yon ay kung papayag cya s gusto mo pano kung nagbago ang isip nya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Slave to His Slave   Promises

    Biglang tumahimik si Lion pagkatapos ng mga sinabi ni Belleza. Hindi niya alam kung pumayag ba ito o hindi. He just went silent. Then he hugged her. "Rest for now. You need it," bulong nito. Umatras si Belleza. Bigla siyang natuliro. Bakit hindi ito makasagot nang direkta? Nagbago ba ang isip nito? Dahil ba sa nangyari? O dahil napagtanto nitong hindi naman talaga siya nito mahal? Dahil si Caliste... Ang babaeng iyon naman talaga ang mahal nito! Tiningnan niya si Lionzo sa mga mata at pilit na hinahanap ‘yung sagot. "Ayaw mo?" kabado niyang tanong pero sinikap niyang magmukhang matigas. Lion didn't answer. Sa halip, hinalikan lang siya nito sa sentido. Magaan. Masyadong marahan.

  • Slave to His Slave   Perdonami

    "You're pregnant. But the baby's gone." Natulala si Belleza. Hindi n'ya malaman ang sasabihin, ang gagawin lalo na ang mararamdaman. Inaabangan naman ni Rozz ang magiging reaksyon niya pero ilang segundo na ay nanatili pa rin siyang walang imik."Belleza," tawag ni Rozz. Hindi niya ito pinansin, ni hindi niya nilingon. "Alam kong galit ka. Kahit anong paliwanag ko, I know you wouldn't listen. Pero gusto ko pa ring malaman mo, hindi sinasadya ni Lion ang nangyari. Wala siya sa sarili nang gawin niya sa iyo iyon. May sakit siya, Belleza." Nanatili siyang nakatingin sa kawalan, sa labas ng salaming bintana ng hospital. Walang emosyon ang mukha. Walang kibo."Belle, k-kung pwede, huwag mo sanang isumbat sa kaniya ang nangyari sa anak ninyo. Hindi niya sinasadya. Please, baka lumala lang ang sakit niya." Natigilan si Rozzwell nang bigla siyang tumawa. Tawang malakas na umaalingawngaw sa loob ng silid, pero walang laman, walang emosyon. Naluluha na siya sa katatawa. Nag-aalala namang

  • Slave to His Slave   Reyalisasyon

    Continuation🔞Trigger Warning: ⚠️ The following scene depicts intense physical violence, sexual assault, and non-consensual acts."I'm sorry, mom... I'm sorry... I'm sorry..."Tahimik siyang humahagulgol habang yakap ang ina. Walang ibang naririnig na ingay ng mga sandaling iyon kundi ang mga paghingos niya at ang mabibigat niyang paghinga.Mayamaya ay isang demonyong halakhak ang kumudlit sa katahimikan at bumasag sa pandinig ni Lion. Parang kutsilyong tumatarak sa utak niya ang bawat hagikgik nito. Paglingon niya ay tumambad ang leader na nanginginig ang balikat sa katatawa at kumikislap ang mga mata sa tuwa na para bang isang nakaaaliw na palabas ang nasasaksihan."Hahaha! Good job! Good job!" Pumalakpak pa ito. Mayamaya'y tumigil ito sa pagtawa at nagtatagis ang bagang na tumitig sa kaniya. "How foolish! Just like your father! Did you really think I'd let either of you walk out of here alive?" Ipinitik nito ang mga daliri, saka naman kumilos ang lalaking may hawak sa kaniyang

  • Slave to His Slave   Bangungot ng nakaraan

    ***"Belleza! What have you done?!" "S-sabi mo akin ka lang. Kaya akin ka lang dapat, Lion... Hanggang kamatayan!" Napaawang ang mga labi ni Lion at marahas na tinulak si Belleza palayo sa kaniya. Bumagsak ang babae na kaagad na bumaluktot sa sahig habang hawak ang sariling leeg at tiyan. Hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin at kaagad na dinaluhan si Caliste."Caliste!" "L-Lion..." Niyakap niya ito nang mahigpit. Nang dumaloy sa kaniyang kamay ang sariwang dugo mula sa sugat nito sa tiyan ay unti-unting nagbago ang expression ng kaniyang mukha. Biglang nanginig ang mga kamay niya."Aiuto!" Humigpit ang paghinga ni Caliste habang nakakapit sa roba ni Lion. "Lion, aiutami, per favore! Help me!" Help...'Help...''Help! Lion, aiutami, per favore!'Umalingawngaw sa tainga niya ang daing nito, paulit-ulit na parang sirang plaka. Napapikit siya at sa isang iglap ay tila bigla na lamang siyang nilunod sa kawalan at hinila ng malakas na pwersa patungo sa bangungot ng kaniyang nakaraa

  • Slave to His Slave   Lost Control

    MALALIM na ang gabi, tahimik at madilim. Mahimbing na ang tulog ni Belleza nang maulinigan niya ang ingay mula sa ibaba. Pupungas-pungas siyang bumangon. Wala si Lionzo sa kaniyang tabi at bukas ang pinto ng silid. Nasaan na naman kaya ito? Kinuha niya ang kaniyang manipis na roba at isinuot bago lumabas. Sa hagdan pa lang ay sumalubong na sa kaniya ang boses ng babae na tila lasing na nagwawala. "Lionzo, you promised me! You swore you'd only marry me! And now you're suddenly engaged to someone else?! Sabi mo, lalayo ka lang saglit at aayusin ang sarili mo, and I believed you! But why did you replace me?! Sei un bugiardo! Bugiardo!" (You're a liar! Liar!) Kumunot ang kaniyang noo. Kaagad na binalot ng katanungan ang kaniyang isip kung sino ang babaeng maingay na iyon. Bukod sa kaniya at sa kaniyang personal maid, wala nang ibang babaeng nakakapasok doon. Baka naman drama lang iyon sa TV. Baka nanonood si Salvatore. Pero tinawag nito ang pangalan ni Lion! Dahan-dahan siyang nagpatu

  • Slave to His Slave   Past or Present

    "Kneel, Belleza," maawtoridad na utos ng matangkad na lalaking nakatayo sa harap niya. Nasa loob na sila ng silid. Sa pagpasok pa lang ay nabalot na agad iyon ng tensyon sa pagitan nila. Bakas sa gwapong mukha nito ang pagkadismaya nang husto sa ginawa niya kanina sa harap ng ibang tao kaya gusto siya nitong parusahan. Gusto siya nitong turuan ng leksyon upang magtanda. He is Lionzo Mancini. Dominant and aggressive, feared and known by enemies as ruthless and heartless. Pero imbes na matakot ay taas-noo niyang sinalubong ang abuhing mga mata nitong parang punyal kung makatingin. Hinding-hindi siya yuyuko, ni luluhod sa harap nito, gaya ng iniutos nito sa kaniya."Don't make me say it twice." Nagtagis ang bagang ni Lion nang hindi pa rin siya sumunod. His piercing gray eyes locked onto hers, reminding her who was in control between the two of them. But she's not even threatened."Know your place, woman! Kneel!" asik nito.Sa halip na sundin ito ay isinampa niya ang sariling pwetan

  • Slave to His Slave   Forever yours

    She thought fate's favor was hers, she thought Lion was within her grasp... But now, a haunting truth slaps her in the face. Nagkamali pala siya ng akala. "Bakit nga pala hindi mo kasama sina Rozz at Salvatore?" biglang tanong niya. Nahinto sa pagpupunas ng towel si Lion. Katatapos lang nitong

  • Slave to His Slave   Banta

    Patay-malisya siyang umupo sa tapat ng dalawang lalaki at tumitig kay Rozz na ngayon ay abala na sa kaharap na laptop, as if he's really focused pero ang totoo'y nakikiramdam lang. Sumulyap ito sa kaniya. Kitang-kita niya ang paghigpit ng mga panga nito nang malamang nakatitig siya. She's amused

  • Slave to His Slave   Nausea

    NATULOG lang buong maghapon si Belleza sa kwarto ni Lionzo. Wala siyang ganang bumangon. Mabigat ang pakiramdam niya, sa tuwing pinipilipit niya ang sarili ang nanlalabo ang paningin niya at nahihilo. Ilang araw na nga bang siyang ganoon. Hindi niya matandaan kung kailan nagsimula ang ganoon, basta

  • Slave to His Slave   Hukom

    "Gaano ba kahaba ang neckline na gusto nyo, ma'am Belleza?" magalang na tanong ng designer na nagsusukat sa kaniya.Narito sila ngayon sa isang high-end fashion boutique para magpasukat sa kilalang designer.Nagtagumpay si Belleza. Buong akala niya noong una ay hindi papayag si Lionzo sa gusto niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status