TANGHALING tapat ngunit hindi masisilayan ang araw dahil sa makapal at maitim na ulap sa kalangitan. Nagpakawala ito ng malakas na buhos ng ulan na sinabayan pa ng kulog at kidlat.
Sa kabila ng nakababahalang panahon at nakakatakot na talim na gumuguhit sa kalangitan ay tumungo pa rin si Belleza sa kagubatan. Tinawid niya iyon para humingi ng tulong sa sinumang makakatulong sa kaniya. Lumala ang pamamaga sa paa ng kaniyang ama. Sinubukan nitong gamutin ang sugat gamit lang ang mga dahon-dahon na nakikita sa paligid pero lalo lamang iyon namaga. Hanggang sa dumating sa punto na nilagnat na ito nang mataas at ngayon nga ay kinumbulsyon. Natatakot siyang baka may mangyaring masama rito. Paano na siya? Pinahid niya ang luha nang sa wakas ay nakarating na siya sa highway. Hindi siya mapakali, paroo't parito siya sa kalsada habang nag-aabang ng sasakyang dadaan doon. Kahit sino pa 'yan, hindi siya mangingiming parahin para hingan ng tulong. Pumihit ang hangin. Napayakap siya bigla sa sarili nang makaramdam ng ginaw. Sa isang malaking puno ay kumubli siya. Nilalamig na siya pero hindi siya uuwi hangga't hindi siya nakakakuha ng tulong. Mayamaya'y isang itim na magarang sasakyan ang umagaw ng kaniyang pansin. Huminto iyon, 'di kalayuan mula sa kinatatayuan niya. Kumabog ang dibdib niya sa nakikitang pag-asa. Kaagad nagsibabaan ang mga lulan. Dalawang lalaki na naka-itim na jacket, matatangkad at malalaki ang mga katawan. Sunod na lumabas sa back seat ang isa pang matangkad na lalaking nakasuot ng abuhing polo na nakarolyo hanggang siko ang mga sleeve, naka-shades at kumikinang ang suot na relong pambisig. Kahit medyo malayo mula sa kaniya ay nahahalata niya pa ring may dugong dayuhan ang mga ito. Matatangos ang mga ilong at kapansin-pansin ang mapupulang mga labi. Gwapo. Agad siyang tumakbo sa direksyon ng mga ito, nagbakasakali na makahingi ng tulong pero bigla siyang napahinto matapos makita ang isang naka-jacket na lalaking sapilitang hinahatak pababa ang matabang lalaking naka-business suit, mula sa trunk ng sasakyan. Kumurap-kurap siya at pinunasan ang basang mga mata para linawin ang nakikita. Hanggang sa unti-unti niyang napagtanto ang nangyayari. "Move!" Pinaluhod ang matabang lalaki saka tinutukan ng baril ng isang naka-jacket. Nanlaki ang mga mata niya, nanigas siya sa kinatatayuan at hindi malaman kung tatakbo ba palayo o tutulungan ang matabang lalaki. Noon pa man sa eskwelahan, mahilig na talaga siyang mangialam kapag nakikita niyang may inaagrabyado nang walang kalaban-laban. Ipinagtatanggol niya ang mga ito kahit pa masaktan siya. But the situation was different now. These guys were armed. Ano ba ang laban niya sa bala kapag pinaputukan siya? Sa huli ay napagdesisyunan niyang gumapang sa makapal na damuhan, palapit sa kinaruroonan ng mga ito. Malakas ang buhos ng ulan kaya hindi siya napansin ng mga lalaki. Sa gilid din siya dumaan, doon kung saan may mga nakahilerang punong-kahoy na nahaharangan ang paningin ng mga ito. Nagtago siya sa malaking puno. Sakto namang tumila ang ulan kaya mas nangingibabaw na ngayon ang boses ng mga ito. Rinig na rinig na niya ang lahat. "Please, Don Lionzo! Hear me out. This is all just a terrible misunderstanding!" Don Lionzo? Bakit tinatawag na Don ang lalaking naka-polo? Naningkit ang mga mata niyang nakatingin dito. Kung pagbabasihan niya ang ayos nito, masasabi niyang nagmula ito sa pamilyang may mataas na estado ng buhay. Matikas, mukhang mayaman, malinis tingnan, sopistikado at may pinag-aralan. Pero kakaiba ang tapang na makikita sa mga mata nito. Parang hayop na nakahandang manlapa ng kalaban. Kapag nakadaupan niya ng tingin ito, tiyak na siya ang unang bibitiw. Ito kasi ang tipong kahit nakatayo lang doon ay mangingimi kang abalahin ito. He exudes a strong presence that commands fear, respect, hesitant, much like an alpha wolf that others wouldn't want to cross. Lumapit ang matabang lalaki kay Lionzo at akmang hahawak sa polo nito pero mabilis itong nahila ng isang naka-jacket at itinulak patungo sa damuhan, sa mismong harap ng punong pinagtataguan niya. Napasinghap siya sa kaba sabay uko. Natatakot siyang makita. Pero malabo dahil napalilibutan naman siya ng matataas na damo. "Don Lionzo! Please don't do this!" Nanginginig na ang boses ng matabang lalaki. "Have mercy! Please! Forgive me! I promise, I will make things right! Just don't kill me! I have a family, please! I beg you! Forgive me!" Dahan-dahan siyang sumilip at nakita niya ang gwapong lalaki, si Don Lionzo. Sobrang lapit na nito sa kinaruroonan niya at kitang-kita niya na nang mas klaro ang bawat anggulo ng mukha nito. Mas mapula pala ang mga labi nito sa malapitan at ang ilong ay ang ganda ng kurti; manipis at patulis. Perpekto ang panga nito, lalaking-lalaki. Ang mga pilikmata naman nito ay mahahaba at makakapal. Bagay na bagay sa mga mata nito. Nakita niyang hinugot nito ang pakete ng sigarilyo mula sa bulsa ng pantalon ng matabang lalaki, kumuha ito ng isang stick at swabeng sinindihan iyon. Pagkatapos ay dahan-dahan na yumuko sa matabang lalaki saka ibinuga sa mukha ng huli ang usok. Naubo ang matabang lalaki. "Mr. Tiongzon, I'm afraid apologies won't be enough. You know the consequences." Malalim, matigas at malamig ang boses ni Lionzo. Nakakapanindig balahibo. First time niyang makarinig ng ganoong boses at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit may kakaiba itong epekto sa kaniya. Sumilip na naman siya at tinitigan ang kalmadong mukha ni Lionzo. Posible palang magsanib-pwersa ang malaanghel na kagwapuhan at ang malahalimaw na boses? "No! No, please... I have a family! I have a daughter, Don Lionzo. Please don't kill me!" Nagsimula nang humikbi si Mr. Tiongzon habang nakaluhod sa harap ni Don Lionzo. "Don't worry. I'll make your daughter an offer she can't refuse: a bright future." "No! No, please... Not my daughter! Please, Don Lionzo! Parang-awa mo na! Huwag ang pamilya ko!" hagulhol ni Tiongzon. Nagpang-abot na ang sipon at luha nito. Muling humithit ng sigarilyo si Lionzo. Naiinis siya sa mga lalaking naninigarilyo pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, gustung-gusto niyang pinapanood ito kung pa'no nito ilagay sa bibig ang stick gamit ang mahahabang mga daliri, kung paano ito humithit at swabeng bumuga ng usok. "You should have thought that before betraying me, Mr. Tiongzon." "Give me a chance! I'll do anything! Anything, Don Lionzo! Just don't harm my family... Please... Please... I'm begging you!" Muling humithit ng sigarilyo si Lionzo at ipinukol ang upos sa mukha ni Mr. Tiongzon. Pagkatapos ay inilahad nito ang kamay sa isa sa mga naka-jacket na agad namang nilapagan ng baril. Napaatras si Mr. Tiongzon sa pagkasa ni Lionzo ng hawak na baril. Pati siya ay halos hindi na rin humihinga sa tindi ng kaba. Ano'ng gagawin nito? Higit sa lahat, ano ang gagawin niya? Sisigaw ba siya para pigilan ang mga ito sa binabalak kay Mr. Tiongzon? Pero ayaw naman niyang madamay! "Don Lionzo... No! No please, have mercy!" "Beg all you want, but your fate is sealed." Itinapat nito ang dulo ng baril sa noo ni Mr. Tiongzon. Napatayo siya. Hindi pwede! May anak raw si Mr. Tiongzon. Hindi ba ito maaawa sa lalaki?! Nakahanda na siyang sumigaw pero nalunok niya ang sariling boses nang mabilis na umalingawngaw ang malakas na putok at sa harap mismo ng mga mata niya, kitang-kita niya ang pagsabog ng dugo mula sa ulo ni Mr. Tiongzon. 'Hindi!' Napatakip siya sa kaniyang bibig. Binaril talaga nito ang matabang lalaki! Mga walang awa! Walang konsensya! Lalo na ang Lionzo na iyon! Halimaw ito! Kriminal! Wala man lang bahid na pagsisisi sa mukha nito habang ibinabalik ang baril doon sa lalaking naka-jacket. Nanginginig siyang napasandal sa puno. 'Nagkamali ako. Akala ko sila na ang makatutulong sa akin. Masasamang tao pala sila! Ano pa ba ang ginagawa ko rito? Baka makita pa nila ako at ako ang isunod! Dahan-dahan siyang gumapang palayo sa pinagtaguan niya. Sinisikap niyang maibalanse ang nanginginig niyang katawan. Bigla na lang kasi siyang nanghina, naluha, natakot dahil sa nasaksihang krimen. Sana hindi na niya nakita, sana pumikit na lang siya. Sana umalis na lang siya bago nangyari ang lahat. "Andiamo." (Let's go) boses iyon ni Lionzo. Muli siyang kinilabutan, parang may maliliit na karayom ang biglang gumapang sa kaniyang balat. Tumayo siya sabay hakbang nang malaki nang hindi sinasadyang naapakan niya ang tuyong sanga. Naglikha iyon ng malutong na ingay dahilan para makuha niya ang atensyon ng tatlong lalaki. Napalingon ang isa. "Cazzo! C'è qualcuno che ci ha visti!" (Fuck! Someone saw us!) Lumingon din sa kaniya si Lionzo at nang makasalubong niya ang abuhin nitong mga mata ay tuluyan na siyang nanigas. Nagmistula siyang mahinang paru-paro na sinakop ng matalim nitong titig. "Get her!"She thought fate's favor was hers, she thought Lion was within her grasp... But now, a haunting truth slaps her in the face.Nagkamali pala siya ng akala."Bakit nga pala hindi mo kasama sina Rozz at Salvatore?" biglang tanong niya.Nahinto sa pagpupunas ng towel si Lion. Katatapos lang nitong mag-shower at himala na hindi nito isinabay si Belleza sa banyo gayung gustung-gusto nito iyon at nakasanayan na nga sa paglipas ng mga araw."Walang magbabantay sa iyo," tipid nitong sagot sa tanong niya.Kumunot ang kaniyang noo. Maraming beses na itong umalis ng mansion na laging kasama ang dalawa. Bakit ngayon lang siya nito pinababantayan?Nag-init agad ang kaniyang ulo. Hindi siya kumbinsido. At kung bakit bigla na lang kumulo ang kaniyang dugo ay hindi niya rin maintindihan ang sarili.Hindi na lamang siya sumagot at tumagilid sa pagkakahiga, patalikod sa gawi nito. Calmness eluded her, yet she had no right to be jealous. Or was she? Wala naman siyang basehan para makaramdam ng ganoon.Na
Patay-malisya siyang umupo sa tapat ng dalawang lalaki at tumitig kay Rozz na ngayon ay abala na sa kaharap na laptop, as if he's really focused pero ang totoo'y nakikiramdam lang. Sumulyap ito sa kaniya. Kitang-kita niya ang paghigpit ng mga panga nito nang malamang nakatitig siya. She's amused by the anger and frustration that danced in his beautiful brown eyes. Gumuhit ang sarkastikong ngiti sa kaniyang mga labi. "You know, Rozz, being young isn't permanent. Lilipas din 'yan kaya maiging mag-settle down na kayo habang malakas pa ang pangkambyo ninyo. Huwag ka nang magalit sa planong pagpapakasal ni Lion sa akin. Huwag niyo siyang idamay sa pagiging matandang binata." Salubong ang mga kilay nitong tumingin sa kaniya. Tinawanan naman niya ito, na lalo nitong ikinaasar. Samantalang si Salvatore ay pasimpleng tumikhim at kunwaring walang pakialam pero nakikinig. "What are you talking about, bitch?" "Hindi mo ba ako naiintindihan, Rozz? Kailangan ko pa bang i-translate sa Englis
NATULOG lang buong maghapon si Belleza sa kwarto ni Lionzo. Wala siyang ganang bumangon. Mabigat ang pakiramdam niya, sa tuwing pinipilipit niya ang sarili ang nanlalabo ang paningin niya at nahihilo. Ilang araw na nga bang siyang ganoon. Hindi niya matandaan kung kailan nagsimula ang ganoon, basta nagising na lang siya isang araw na masama ang pakiramdam.Tumunog ang kaniyang tiyan, biglang nangasim. Kumikislot siya sa gutom na nararamdaman kaya naman ay pinilit na niya ang sariling bumangon. Pag-ahon niya mula sa kama ay bahagya siyang gumeywang. Kumapit siya sa bedside table, sapo ang kaniyang noo at pinalipas ang sandaling pag-ikot ng kaniyang paligid. Para siyang malulula. Pati balakang niya ay nangangalay na rin.Humugot siya ng hininga at kinompos ang sarili.Kailangan niyang maglakad-lakad. Siguro nga kaya nakakaramdam siya nag panghihina dahil ilang buwan na siyang nakakulong sa mansion. Aktibo ang kaniyang katawan dati at sanay sa mga gawain, sanay sa paglalakad nang malayo,
"Gaano ba kahaba ang neckline na gusto nyo, ma'am Belleza?" magalang na tanong ng designer na nagsusukat sa kaniya.Narito sila ngayon sa isang high-end fashion boutique para magpasukat sa kilalang designer.Nagtagumpay si Belleza. Buong akala niya noong una ay hindi papayag si Lionzo sa gusto niyang mangyaring pagpapakasal pero bigla na lamang itong nag-yes. Tuwang-tuwa pa nga at agad na ipinaasikaso ang lahat ng kakailanganin para sa kasal nila. "Sakto lang," mahina niyang tugon sa babaeng designer. "Sapat na makita ang cleavage. Yung hindi malaswa pero sexy tingnan," dagdag niya.Pangiting tumango ito.Pagkatapos siyang sukatan ay lumabas na agad siya para tawagin si Lionzo."This is ridiculous! Why marry her, Lion? Women are mere playthings to you. Si può sempre trovare un'altra." (makakahanap ka ulit ng iba)Nagpanting ang tainga niya sa sinabi ni Rozz.Sumunod pala ito sa kanila.Hindi man niya naintindihan ang iba pang sinabi nito gamit ang ibang lenggwahe, alam niyang pinagta
BANG!Isang masipang putok ang nagpatulos kay Lionzo sa kinatatayuan. Binalak niyang pigilan si Belleza sa tangkang pagpapakamatay nito pero hindi niya inaasahang ililipat nito sa kaniya ang dulo ng baril at walang pag-aalinlangang ipinutok."Sir Lionzo!" Aligagang nagsilapit kay Lion ang kaniyang mga tauhan.Mabilis na inagaw ng isa ang hawak na baril ni Belleza. Saka nito hinatak palabas ang babae."Let her go!" sigaw niya.Agad namang binitiwan ng kaniyang tauhan si Belleza ngunit nalugmok lamang ang dalaga nang mawalan ito ng suporta. Bumagsak ang nangangatog nitong mga tuhod."Belle—-!" Akma niya itong dadaluhan nang biglang kumirot ang kaniyang kaliwang balikat. Tiningnan niya iyon at napabuga ng hangin nang makita ang pagdaloy ng dugo roon."Fuck!" Nadaplisan siya ng bala nang hindi niya namalayan, at no'n niya lang naramdaman ang pagsigid ng sakit sa kaniyang sugat dahil sa biglaan niyang paggalaw."Sir Lionzo! Ok lang po kayo?" Puno ng pag-aalala ang mukha ng kaniyang tap
Sabik na si Belleza na makita ang kaniyang ama. Papunta na sila sa lugar kung saan ito itinago ni Lionzo. Sakay sila ng Mercedes-Benz S-guard, ang armored car na madalas gamitin nito, sa mga lakad. Masaya siya at hindi na makapaghintay pa, ngunit kalakip no'n ang pagbundol ng hindi niya maipaliwanag na kaba.Si Lion naman ay tahimik lang sa kaniyang tabi. Seryoso, walang kibo mula pa sa bahay hanggang ngayong malayo na ang binyahe nila. Nasa malayo lagi ang tingin nito at tila lunod sa malalim na pag-iisip. Hindi niya ito matanong, ayaw niya itong kulitin dahil baka mapikon at biglang magbago ang isip nito.'Tang, magkikita na rin tayo, sa wakas!' bulong niya sa isip. Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Lionzo na kumuha ng kaniyang buong atensyon. Sa unang pagkakataon, nakita niya sa malalalim nitong mga mata ang tila takot at pag-aalala. Hindi niya natiis at hinawakan ito sa kamay. Napatingin si Lionzo sa kaniya at nang makita nito ang kaniyang matamis na ngiting nagpap