TAKBO BELLEZA!
Iyon ang isinisigaw ng isip niya. Pero paano pa siya makakatakbo kung naninigas na ang mga paa niya? Wala pa man ay hinihingal na siya. Parang nakikipaghabulan na siya kay kamatayan. Para nang nilulunod ang kaniyang puso ng mabilis na pagtibok no'n. Matatakasan pa ba niya ang mga lalaki? Nagsimula nang lumakad ang dalawang lalaki patungo sa direksyon niya, mabibigat ang mga hakbang na para bang sa bawat pag-apak sa lupa ay may kaakibat na kapahamakan. 'Hindi pwede 'to. Kailangan kong tumakas!' Kahit nangangatog ang mga tuhod ay sinikap niyang maihakbang ang paa paatras. Pagpihit niya ay diretso na agad siyang tumakbo nang biglang-- BANG! Parang ipinako sa lupa ang mga paa niya dahil sa putok na iyon. 'Binaril ba ako? Saan banda ang tama ko?' Nakapa niya ang sarili. "Move and the next bullet will bury in your head," sigaw sa kaniya ng isang lalaki. Brusko ang boses. Hindi iyon si Lionzo. Tiyak niyang ang kasamahan ito na siyang unang nakakita sa kaniya. Napalunok siya nang buo. 'Diyos ko! Katapusan ko na ba? Paano ang Tatang?' Hindi siya gumalaw at para nang tuod na naninigas sa kinatatayuan. 'T-tulong!' sa isip niya pero alam niyang kahit ipagsigawan niya pa iyon ay walang ibang makatutulong sa kaniya roon. Maliban nalang kung may mapadaang sasakyan ng pulis para saklolohan siya. Sana nga. Napakurap siya nang matantong napaliligiran na pala siya ng tatlong lalaki. Tumindi ang panginginig sa katawan niya sa pinaghalong takot at lamig. Lalo na nang lumapit si Lionzo, suot ang makahulugang ngiti sa mapupula nitong mga labi. Nakakatakot ang ngiting iyon. Kahit na ang gwapo nito ay natatakot pa rin siya dahil alam niya kung ano'ng kaya nitong gawin sa iba... Kaya nitong pumatay nang walang pag-aalinlangan! Isa-isa niyang tiningnan ang mga ito. At tama nga siya, hindi Pinoy ang mga ito. Parehong mistezo, mabalbon, mabalbas ang makikinis na mukha, matatangos ang mga ilong at matatangkad—sobrang tangkad. May tsokolateng mga mata ang isa, ang isa naman ay asul, samantalang itong si Lionzo ay may abuhing mga mata na puno ng misteryo at... parang magnet na nanghahatak ng kaluluwa. Sobrang diin ng titig nito sa kaniya. Hindi niya kinaya kaya yumuko siya para umiwas. "Let's kill her now, Lion," biglang sulsol no'ng brusko ang boses. Napatingala siya rito at sumalubong sa kaniya ang dulo ng baril na hawak nito. Nanginig siya lalo. "Put the gun down, Rozz. You're scaring the beautiful girl," kalmadong utos ni Lion. Basang-basa na rin ito dahil sa ulan at bakat na bakat sa basang polo nito ang malalaki nitong muscles sa dibdib at braso. Pakiramdam niya kapag nakulong siya roon ay tiyak ang pagkakapisa niya. "She witnessed everything and saw your face too, Lion! She'll just cause us trouble." Tinapik ni Lion ang balikat ni Rozz. "Easy, my man. We're only eliminating unwanted grass. And this one's a flower. A beauty like her deserves to be killed... in bed." To be killed in bed? Ano'ng ibig nitong sabihin? Nahigit niya ang hininga nang makita si Lion na humakbang nang mas malapit sa kaniya. Parang laser ang mga mata nitong pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "P-please... huwag ninyo akong saktan," pagmamakaawa niya. Lalong dumiin ang nag-aapoy na titig nito sa kabuuan niya. Bakat sa suot niyang puting bestida ang hubog ng kaniyang katawan kaya hindi nito napigilan na pagnasahan siya. Kumislap ang mga mata nito nang matuon sa mabilog at tuwid niyang dibdib. Mistula itong gutom na leon na gustung-gusto siyang kainin. Sinundan niya ang mga mata nito at nang malaman kung saan iyon nakatuon ay agad niyang niyakap ang sarili. Wala siyang bra. Hindi kasi siya nagsusuot ng ganoon kapag gabi. Kanina naman nang magising siya ay nakalimutan na niyang magsuot dahil sa labis na pagkakataranta niya sa kalagayan ng kaniyang ama. Mahina itong natawa sa pagtakip niya sa kaniyang dibdib. At 'yong tawa nito... Kakaiba. Nakakakaba pero parang ang sarap sa tainga. Bakit kaya gano'n? Hindi dapat ganoon ang nararamdaman niya sa lalaking ito. "My long-dormant sexual arousal awakened." Tumingala ito sabay pikit. "Huh... if only I could fuck you at this very moment and place! Baka kanina pa kita hinubaran." Nanuyo ang lalamunan niya sa takot. Lalo niyang niyakap ang sarili, yukung-yuko na siya habang nilalabanan ang panginginig ng katawan. Natatakot siyang baka pagsamantalahan ng mga ito bago patayin. Pero sa gwapo nito, bakit kailangan pang gumawa ng ganoong krimen? Kung tutuusin, kayang-kaya naman nitong magpatihaya ng babae sa isang ngiti lang nito. Hindi basta-basta ang itsura nito. Alam niyang bukod sa maipagmamayabang na mukha ay mayaman din ito. Kaya nitong bumili ng babae! Kaya sana ay bumili na lang ang mga ito at pakawalan siya! "What's your name, honey?" Napaigtad siya. Nakayuko na pala ito sa kaniya at sobrang lapit na ng kanilang mukha sa isa't isa. Naaamoy niya na ang mabango nitong hininga. Habang ang mga mata nito ay patuloy namang pinagpipyetsahan ang kaniyang katawan. "B-Belleza," nauutal niyang sagot. "Beautiful." Napaigtad na naman siya nang maramdaman ang mainit nitong palad sa basa at nakalantad niyang balikat. "Why did you run, sweetheart?" Mababa ang tono ng boses nito at medyo paos na. Dahan-dahan niyang tiningala ang gwapo nitong mukha at muling napalunok nang mapagtanto kung gaano pala ito katangkad sa malapitan. Para siyang nakatingala sa kalangitan na may mukha ng napakagwapong nilalang na mapanlinlang. Parang anghel na mandirigma pero sa likod ay may nakatagong buntot at malaking sungay! "What are you thinking, sweetheart?" malambing nitong tanong at idinikit ang katawan sa kaniya. Inaamin niyang naasiwa siya pero nagustuhan naman niya ang init na nagmumula rito. Nababawasan nito ang panginginig niya dahil sa lamig. "P-papatayin niyo rin ba ako?" biglang tanong niya, kumakabog ang dibdib habang alaala ang brutal na eksenang nasaksihan kanina. Tumawa ito nang mahina. "Stop asking, darling." Sabay higit sa maliit niyang beywang. Suminghap siya, mabilis na iniharang ang mga kamay dito. Dumapo ang mga palad niya sa matigas nitong tiyan. Para siyang nakahawak sa pader. Pero mas matigas iyong malaking umbok sa ilalim ng pantalon nitong bigla na lang nagising at sumundot sa kaniyang tiyan. Sumulyap siya sa dalawa nitong kasama na parehong pinanonood lang sila. Kalmado lang iyong asul ang mga mata habang blanko ang mukha. Samantalang bakas naman sa mukha no'ng brown ang mga mata ang pagkabalisa. "A-ano po'ng gagawin ninyo sa akin?" tanong niya. Hinaplos ni Lionzo ang nakalantad niyang braso. Nagtayuan ang mga balahibo niya sa bawat hagod ng daliri nito sa kaniyang balat. "I'll make you my slave. Ano pa nga ba?" "S-slave?" utal niya habang pasimpleng umiwas sa kamay nito. Kumuyom ang panga nito sa iritasyon dahil sa ginawa niyang pag-iwas. Mariin siya nitong hinawakan sa braso at pahagis na ipinasa kay Brook, sa lalaking may asul na mga mata. "Take her to the car, Brook," utos ni Lion. 'Hindi!' Naalala niya ang kalagayan ng kaniyang ama. Hindi siya pwedeng magpabihag! Hinila siya ni Brook sa braso. Pumihit siya paharap dito at bigla itong sinipa sa pagitan ng mga hita. "Aghck!" Napabitaw ito sa sakit at pagkabigla. Agad siyang tumakbo nang walang lingon-likod. Without hesitation, she fled into the wilderness, ignoring the pain and debris in her path. Ang tanging iniisip niya sa oras na iyon, ay ang makatakas! Lumalala ang lagnat ng kaniyang ama at kailangan na itong madala sa ospital, pero heto siya't nakikipaghabulan sa kamatayan! Paano niya pa maililigtas ang ama niya kapag nagpahuli siya? "Diyos ko, tulungan Niyo Po ako!" hingal at umiiyak niyang dasal. "Hindi ako pwedeng mahuli ng mga masasamang tao na iyon, siguradong papatayin din nila ako!" "Brook, hurry! She's getting away!" Tumindi ang kaniyang nerbyos nang marinig ang sigaw na iyon. "Oh, Diyos ko! Nakasunod sila! Hinahabol nila ako!" Takbo nang takbo si Belleza, halos hindi na niya maramdaman ang mga paa niya. Sino ba naman ang hindi magkakaganito kung patuloy siyang sinusundan ng mga lalaking kani-kanina lang ay may binaril sa ulo? Ayaw niyang sumunod sa matabang lalaki na iyon! Malawak ang kagubatan, at alam niyang may mga lugar na puwedeng pagtaguan. Kaya niyang makipaghabulan at makipagtaguan sa mga ito buong magdamag. Hindi siya mapapagod, hinding-hindi siya magpapahuli! Pero ang iniisip niya ay ang Tatang niya na nag-iisa sa kubo. "Agh!" Halos mapasigaw siya sa sakit nang maramdaman ang pagtusok ng matulis na bagay sa paa niya, napahinto siya at napaluhod. "A-aray! Kaasar! Ang sakit!!!" Parang pinunit ang balat at laman niya sa paa hanggang sa binti. Gusto niyang isigaw ang sakit, pero hindi niya magawa dahil baka marinig siya ng mga humahabol. Gumapang siya patungo sa isang malaking ugat at doon nagkubli. Sumandal siya roon upang tingnan ang talampakan niya. Isang malaking piraso ng basag na bote ang tumusok sa paa niya! 'Bakit nangyayari sa akin 'to? Paano pa ako nito makakatakbo?' Mahina siyang napamura habang pinapanood ang pagdaloy ng dugo niya na humahalo sa tubig-ulan. Bumuhos na naman ang ulan, hindi niya alam kung tulong ba ito o hadlang para makapagtago siya. "Pare, parang may nakita ako kaninang babaeng nakaputi!" Napahinto siya at nanlaki ang mata nang marinig ang boses na iyon. Maingat siyang sumilip sa likod ng ugat. Nakita niya ang tatlong lalaki, hindi iyon ang mga lalaking humahabol sa kaniya kanina. Iba naman ang grupong ito. Mga pandak ngunit malalaki ang pangangatawan. Rugged tingnan dahil sa maraming tattoo sa balat, makapal na buhok at makapal na bigute at malalaking tiyan. "Sigurado ka? Baka hayop lang," sagot ng isang pandak na may malaking dragon tattoo sa braso. "Hindi, pare! Babae talaga! Mukhang bata pa nga at ang puti!" "Tara, hanapin natin! Sakto, para sa malamig na panahon! "Sakto rin, tigang na ako!" Tawanan ang mga ito. Nangilabot siya. Paano na siya ngayong dalawang grupo na ang naghahanap sa kaniya? "Diyos ko, ano'ng gagawin ko?"She thought fate's favor was hers, she thought Lion was within her grasp... But now, a haunting truth slaps her in the face. Nagkamali pala siya ng akala. "Bakit nga pala hindi mo kasama sina Rozz at Salvatore?" biglang tanong niya. Nahinto sa pagpupunas ng towel si Lion. Katatapos lang nitong mag-shower at himala na hindi nito isinabay si Belleza sa banyo gayung gustung-gusto nito iyon at nakasanayan na nga sa paglipas ng mga araw. "Walang magbabantay sa iyo," tipid nitong sagot sa tanong niya. Kumunot ang kaniyang noo. Maraming beses na itong umalis ng mansion na laging kasama ang dalawa. Bakit ngayon lang siya nito pinababantayan? Nag-init agad ang kaniyang ulo. Hindi siya kumbinsido. At kung bakit bigla na lang kumulo ang kaniyang dugo ay hindi niya rin maintindihan ang sarili. Hindi na lamang siya sumagot at tumagilid sa pagkakahiga, patalikod sa gawi nito. Calmness eluded her, yet she had no right to be jealous. Or was she? Wala naman siyang basehan para makaramdam
Patay-malisya siyang umupo sa tapat ng dalawang lalaki at tumitig kay Rozz na ngayon ay abala na sa kaharap na laptop, as if he's really focused pero ang totoo'y nakikiramdam lang. Sumulyap ito sa kaniya. Kitang-kita niya ang paghigpit ng mga panga nito nang malamang nakatitig siya. She's amused by the anger and frustration that danced in his beautiful brown eyes. Gumuhit ang sarkastikong ngiti sa kaniyang mga labi. "You know, Rozz, being young isn't permanent. Lilipas din 'yan kaya maiging mag-settle down na kayo habang malakas pa ang pangkambyo ninyo. Huwag ka nang magalit sa planong pagpapakasal ni Lion sa akin. Huwag niyo siyang idamay sa pagiging matandang binata." Salubong ang mga kilay nitong tumingin sa kaniya. Tinawanan naman niya ito, na lalo nitong ikinaasar. Samantalang si Salvatore ay pasimpleng tumikhim at kunwaring walang pakialam pero nakikinig. "What are you talking about, bitch?" "Hindi mo ba ako naiintindihan, Rozz? Kailangan ko pa bang i-translate sa Englis
NATULOG lang buong maghapon si Belleza sa kwarto ni Lionzo. Wala siyang ganang bumangon. Mabigat ang pakiramdam niya, sa tuwing pinipilipit niya ang sarili ang nanlalabo ang paningin niya at nahihilo. Ilang araw na nga bang siyang ganoon. Hindi niya matandaan kung kailan nagsimula ang ganoon, basta nagising na lang siya isang araw na masama ang pakiramdam. Tumunog ang kaniyang tiyan, biglang nangasim. Kumikislot siya sa gutom na nararamdaman kaya naman ay pinilit na niya ang sariling bumangon. Pag-ahon niya mula sa kama ay bahagya siyang gumeywang. Kumapit siya sa bedside table, sapo ang kaniyang noo at pinalipas ang sandaling pag-ikot ng kaniyang paligid. Para siyang malulula. Pati balakang niya ay nangangalay na rin. Humugot siya ng hininga at kinompos ang sarili. Kailangan niyang maglakad-lakad. Siguro nga kaya nakakaramdam siya nag panghihina dahil ilang buwan na siyang nakakulong sa mansion. Aktibo ang kaniyang katawan dati at sanay sa mga gawain, sanay sa paglalakad nang ma
"Gaano ba kahaba ang neckline na gusto nyo, ma'am Belleza?" magalang na tanong ng designer na nagsusukat sa kaniya.Narito sila ngayon sa isang high-end fashion boutique para magpasukat sa kilalang designer.Nagtagumpay si Belleza. Buong akala niya noong una ay hindi papayag si Lionzo sa gusto niyang mangyaring pagpapakasal pero bigla na lamang itong nag-yes. Tuwang-tuwa pa nga at agad na ipinaasikaso ang lahat ng kakailanganin para sa kasal nila. "Sakto lang," mahina niyang tugon sa babaeng designer. "Sapat na makita ang cleavage. Yung hindi malaswa pero sexy tingnan," dagdag niya.Pangiting tumango ito.Pagkatapos siyang sukatan ay lumabas na agad siya para tawagin si Lionzo."This is ridiculous! Why marry her, Lion? Women are mere playthings to you. Si può sempre trovare un'altra." (makakahanap ka ulit ng iba)Nagpanting ang tainga niya sa sinabi ni Rozz.Sumunod pala ito sa kanila.Hindi man niya naintindihan ang iba pang sinabi nito gamit ang ibang lenggwahe, alam niyang pinagta
BANG!Isang masipang putok ang nagpatulos kay Lionzo sa kinatatayuan. Binalak niyang pigilan si Belleza sa tangkang pagpapakamatay nito pero hindi niya inaasahang ililipat nito sa kaniya ang dulo ng baril at walang pag-aalinlangang ipinutok."Sir Lionzo!" Aligagang nagsilapit kay Lion ang kaniyang mga tauhan.Mabilis na inagaw ng isa ang hawak na baril ni Belleza. Saka nito hinatak palabas ang babae."Let her go!" sigaw niya.Agad namang binitiwan ng kaniyang tauhan si Belleza ngunit nalugmok lamang ang dalaga nang mawalan ito ng suporta. Bumagsak ang nangangatog nitong mga tuhod."Belle—-!" Akma niya itong dadaluhan nang biglang kumirot ang kaniyang kaliwang balikat. Tiningnan niya iyon at napabuga ng hangin nang makita ang pagdaloy ng dugo roon."Fuck!" Nadaplisan siya ng bala nang hindi niya namalayan, at no'n niya lang naramdaman ang pagsigid ng sakit sa kaniyang sugat dahil sa biglaan niyang paggalaw."Sir Lionzo! Ok lang po kayo?" Puno ng pag-aalala ang mukha ng kaniyang tap
Sabik na si Belleza na makita ang kaniyang ama. Papunta na sila sa lugar kung saan ito itinago ni Lionzo. Sakay sila ng Mercedes-Benz S-guard, ang armored car na madalas gamitin nito, sa mga lakad. Masaya siya at hindi na makapaghintay pa, ngunit kalakip no'n ang pagbundol ng hindi niya maipaliwanag na kaba.Si Lion naman ay tahimik lang sa kaniyang tabi. Seryoso, walang kibo mula pa sa bahay hanggang ngayong malayo na ang binyahe nila. Nasa malayo lagi ang tingin nito at tila lunod sa malalim na pag-iisip. Hindi niya ito matanong, ayaw niya itong kulitin dahil baka mapikon at biglang magbago ang isip nito.'Tang, magkikita na rin tayo, sa wakas!' bulong niya sa isip. Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Lionzo na kumuha ng kaniyang buong atensyon. Sa unang pagkakataon, nakita niya sa malalalim nitong mga mata ang tila takot at pag-aalala. Hindi niya natiis at hinawakan ito sa kamay. Napatingin si Lionzo sa kaniya at nang makita nito ang kaniyang matamis na ngiting nagpap