 LOGIN
LOGINSa mundo ng musika at pag-ibig, kilalanin si Rasselle, isang dalagang kolehiyala na may talento sa pagkanta at may pusong sensitibo. Ngunit ang kanyang buhay ay nagbago nang makilala niya si Rage Hidalgo, isang kaakit-akit ngunit misteryosong lalaki na nagdala ng bagong pag-ibig at pagkakamali sa kanyang buhay. Sa kanilang pagmamahalan, natuklasan ni Rasselle ang mga lihim na nakatago sa likod ng mga ngiti at halik ni Rage. Ang mga lihim na ito ay magdudulot ng sakit at pagdurusa sa kanilang relasyon. Habang si Rasselle ay nagpupumilit na malampasan ang mga pagsubok sa kanilang relasyon, natuklasan niya rin ang mga katotohanan tungkol sa kanyang mga magulang at sa mga dahilan ng kanilang pagtutol sa kanilang relasyon. Sa gitna ng mga pagtataksil at pagdurusa, magagawa ba ni Rasselle na patawarin si Rage at muli niya itong tanggapin pabalik sa kanyang buhay? O magtatapos na lang ba ang kanilang relasyon sa isang malungkot na paghihiwalay? Sundan ang kwento ng dalawang taong nagmamahalan sa gitna ng mga pagsubok at pagtataksil sa "The Melody of Heartbreak" ni J.C.E Cleopatra.
View More•RASSELLE
"Ano ba ang sinusulat mo sa Slam Book mo kapatid? Hanggang ngayon ba naman meron ka n'yan? Panahon pa 'to ng digmaan ng mga Kastila at Amerika. At saka hindi kana high school student." Tanong ni Chyrll sa akin. "Huwag mo na akong pakialaman dito kapatid. Ubusin mo na yang kape mo, dahil kanina pa yan sa harapan mo nag-aabang kung kailan mo siya hihigupin." Nakangiti kong sagot sa aking kaibigan, sabay turo sa kaniyang kape na naiinip na. Kung tao lang seguro ang kape, baka nagsalita na ito at nagreklamo. "Patingin nga ako, nahihiwagaan talaga ako sa sinusulat mo." Sabi nito sabay hablot sa Slam book ko. Nag-agawan kami, pero ayaw niya talagang ibalik sa akin. At marami na ding nakatingin sa amin na kapwa naming costumer dito sa Starbucks. "Akin na kapatid! Isusumbong kita kay Tito Wilson na may binabalak ka nanaman na tumakas at pumunta sa Casa Isabella! mamayang gabi" Pananakot ko, baka sakaling matakot sa pagbabanta ko. Baliw pa naman ang kaibigan kong ito. "Gusto mo samahan pa kita kay Daddy. Manhid na ako sa sermon non noh! Paulit ulit na lang ang mga litanya niya. Baka ikaw ang isumbong ko kay Tito William na may crush kana. Kaya, huwag kang madamot, babasahin ko lang eh. Hindi na ako nakipag-agawan pa sa kaibigan ko. Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya. Name: Rasselle David Nickname: Dyesebel Address: Bawal isulat, magagalit si Mommy at Daddy, baka puntahan ako ng mga manliligaw ko, kahit wala naman. Pager no. none Birthday: 03/19/2006 Age: 19 Zodiac Sign: Virgo Favorite Subject: Syempre ang paborito ng lahat, recess Books: Wala, sakit lang sa ulo. Favorite Movie : Ihuhulog kita sa puso ko. Favorite Color: Red, Blue Music: The Past Singer: Rey Parker TV Program: Sineskwela / Going Bulilit Channel: Imbestigador at Socco Dress Outfit: Fitted para sexy ako palagi Perfume: Downy Antibac para tipid. Kailangan magtipid ang mahal ng tuition f*e ngayon sa College, Pets: Tikbalang Lucky # 19 Motto in Life : What is beauty? if the brain is empty Who is your Crush? Si Bentong Duling at Bungi Define Crush: is Paghanga Who is your first kiss? Ipis at butiki. Favorite Expression: Nakanguso, duling dulingan Who is your Bestfriend? Chyrll Laitera. What is your ambition in life to become succefull? "Sa ngayon, wala pa. Landi landi mona ako ngayon. Talents? "Dance, Singing . Okay! Natutulig na tainga ko saiyo. ^The other side of me.^ What is love? "Hay naku! 'Wag mo nang ipaalala. Ayaw ko ng balikan 'yan. Next question pls! Who is your first love? "Pati ba naman 'yan babalikan pa natin? Wala bang ibang tanong? Yes! Kaya nga tinawag na 'slam book' eh Ang dami mong reklamo. "Nakakaloka! Nangangatwiran ang slam book. Sasagot ka ba o hindi? " Ok! Fine! Hulaan no na lang para may thrill! Hindi yong puro ka lang tanong diyan. Kaloka ka, wala kang ibang ambag kundi ang magtanong lang. Malaki ba siya? "Hellllo! Lahat naman ng crush ko, sa tingin ko ay malaki 'di ba? Walang small. Walang toothpick, Lahat sila... Patola size! Hay naku! Hindi na dapat tinatanong yan, matic na malaki ang lahat sa kanila. Even Enchong Dee,? "Crush ko ba 'yon? Parang hindi naman. Hindi ko na-feel. Mukhang maliit yong kanya. Malaki pa yata ang okra ng middle east sa kanya. Message mo sa crush mo, seguro naman meron ka non? "Alam mo, sa dami mong tanong yan lang ang nagustuhan ko. Syempre meron, yan paba mawawala. Magsusulat na ako ha, tama na ang madaming tanong. Okay! Natutulig na tainga ko saiyo eh. "Dear Crush, Una sa lahat, at hindi sa huli. Crush ko ang tatay mo- Charot -Malamang ikaw yon. Hindi naman ako disperada para maging sugar Daddy ang tatay mo, at ayaw kong makalbo ng nanay mong pakialamera- na mala Anabelle Rama at Carmina Villaruel -Charot ulit." Basa ng aking kaibigan. "Pwede ba, hinaan mo lang yang pagbabasa mo! Pinagtitinginan na nila tayo." Saway ko sa aking kaibigan. "Oo na, huwag ka ng makulit. Para kang sira sa sinusulat mo. Yong tatay ang crush mo, kadiri ka naman kapatid." Tumatawang sabi pa nito sa akin, at kunwari pang nandidiri sa akin. "Akin na nga kasi yan. Para ka ding sira diyan eh. Slum book for myself ko 'yan eh. "Hindi pa ako tapos, teka lang. Inilayo pa nga n'ya sa akin ang Slum Book ko. Napapatakip na lang ako ng palad sa aking mukha, at talagang nilalakasan pa niya ang kaniyang boses habang nagbabasa. Kaunting patalastas lang, gusto kong patawanin ka, hanggang sa sumakit ang tiyan mo at mapaebak ka sa short mo, hehehe. Sege na nga. Sisimulan kona kung bakit sumulat ako saiyo. Ganito kasi 'yan, wala akong magawa ngayon, gusto ko lang bulabugin ang nananahimik mong mundo, hehe, piece. Charot ulit. Nakakailang Charot naba ako? Pangtatlo konaba? Kulang pa, dagdagan ko pa ha. Sumulat ako dahil may bagong bili akong papel at ballpen galing Canada. Last na to pangako. Ehem... Alam mo crush kita, kahit alam kong duling ka at bungi ka. Hindi crush ng eroplano ha, kundi crush sa puso, hindi din puso ng saging ha, kundi puso ng tao. Alam mo kung bakit? Kung sakaling lukohin kita, hindi mo ako masisisi dahil alam mo na ang sagot dahil pangit ka, dahil nagsawa na ako saiyo at naghanap na ako ng gwapo. Alam mo, iniisip ko, hindi tayo tao, kundi bagay tayo, hehehe. Ang talandi ko ba? Shit! Kinikilig ako, para akong kinukuryenteng isda ngayon habang sinusulat ko itong liham na'to para saiyo. Huwag kang maingay ha, atin atin lang 'to. Kapag pinagsabi mo, matic break na agad tayo, kahit hindi pa nagiging tayo. Kaligayahan mo ay kaligayahan ko din, ang kalungkutan mo ay kalungkutan ko din. Ang tagumpay mo, syempre tagumpay ko din. Ang kamatayan mo, aba! Sulohin mo noh!!! Ano ako stupida para sumama saiyo? No way, ano ka sinuswerte, may pangarap pa ako sa buhay, at pangarap ko pang makapag asawa ng afam na mayaman. Okay ito na talaga, hindi kona pahahabain pa, baka abutin pa tayo dito ng sagala. At alam kong hindi kana natutuwa sa mga pinagsasabi kong nonsense. Nakikita kona rin kung gaano kalaki ang butas ng ilong mo, kasing laki ng butas ng kalabaw ni Yaya Aning sa Probinsya. Sumulat nga pala ako saiyo, dahil gusto ko lang ipaalala saiyo na may kulang ka pa na limang peso sa akin ng mangutang ka sa akin ng sinabi mo na ililibre mo kami ng aking kaibigan na si Chyrll sa Starbucks, Kilala mo naman siya diba? S'ya yonh kaibigan ko na mahilig umakyat sa puno ng mangga kapag gusto naming tumakas at pumunta sa bar, o tanda mona. Iyon pala ay wala kang dalang pera. Akala mo, hindi na kita sisingilin sa halagang limang peso? Bayaran mo ako kapag nabasa mo ang sulat kong ito. Kapag hindi mo ako binayaran, tutubuan ko ang limang peso na kulang mo, araw araw. At huwag mong kakalimotan na magpasalamat sa kalapati kong alaga, dahil napagod siyang lumipad, maihatid lamang ang sulat ko para saiyo. Hanggang dito na lang Ang DYOSA SA UNIVERSE Rasselle Naniningil Hanggang sa matapos ni Chyrll ang pagbabasa ng slum book ko, ay tawa lamang ito ng tawa. "Ano, tapos kana?" Nakairap kong tanong. "Ito na," Tumatawa pa din ng ibalik nito sa akin ang pinakaiingatan kong Slum book -noon at hindi na ngayon dahil may pakialamera akong kaibigan. "Mabuti naman binalik mona, akala ko iuuwi mo pa. Nakakainis ka alam mo ba 'yon? Tingnan mo sila nakatingin sa atin at pinagtatawanan nila ako. "Paano ba naman ako hindi tatawa? Puro kabaliwan yang sinusulat mo sa Slam Book mo, tapos para ka lang nakikipag-usap sa sarili mo." Malukong sagot ni Chyrll. "Ewan ko saiyo, palibhasa ampalaya yang lovelife mo. Walang lalaking nagkakamali saiyo." Ganti kong pang-aasar sa aking kaibigan. Ganito kami palagi, mahilig kaming magkaibigan na tumambay sa kapihan. Kahit may sarili na kaming Coffee shop na dalawa. Gusto parin namin ang ganitong eksena. Gusto pa kasi namin madagdagan ang kaalaman sa pagbebenta ng mga kape. Umingos ito ng nguso sa akin. Alam ko na kapag ganito ang kaibigan ko, napipikon na ito sa akin. Nalulungkot ako sa kaibigan ko, buhat ng umuwi ito dito sa Pilipinas ay nagkaroon ito ng sakit na amnesia sa hindi ko malaman na dahilan. Dahil kahit mismo siya ay hindi alam ang naging dahilan. Pinagdarasal ko na lang na sana isang araw ay mag miracle. Bumalik ang alaala niya. Tanging naalala na lamang nito ay ang mapait na nakaraan, sa mag inang Tita Rochelle at Carlyn. "Umuwi na nga lang tayo, magpahinga mona tayo ngayon bago tayo tumakas mamayang gabi." Pag-aya na lang nito sa akin. At akmang tatayo na ito. "Kapatid, paano kung huwag na lang kaya tayo umuwi. Ganun din naman, mapapagalitan din tayo kapag tumakas tayo mamaya." Pigil ko. Nag-isip ito saglit, at maya maya ay lumiwanag ang mukha nito. "Good idea yan kapatid. Takasan natin ang mga body guard mo. Pagkatapos, maghanap tayo ng hotel na pansamantala nating pagtatambayan." Masayang turan nito. Dahil sa tuwa namin ay nag high five kaming dalawa. Nagmamadali kaming tumayo sa aming inuupuan. Sinilip mona namin ang aming bodyguard sa labas. Nagkatinginan kaming dalawa na magkaibigan. Alisto ang dalawa. Nakabantay sa exit door. "Paano tayo makakatakas kapatid kung bantay sarado tayo ng mga bugok na ito? "Ako ang bahala, kapatid. Kumalma ka lang diyan. Lumapit sa amin ang dalawang bodyguard. "Ma'am Rasselle, uuwi na po ba tayo?" Tanong sa akin ni Jerome. "Hindi pa, gusto ko lang sabihin sainyo na matatagalan kami dito. Kung gusto n'yong umorder ng kape, pumili lang kayo, at ako na ang bahalang magbayad." Sabi ko Nahihiya naman na ngumiti ito sa akin. "Hindi na po Senyorita Rasselle, trabaho po namin na bantayan kayo dito, kahit magtagal pa po kayo ni Senyorita Chyrll." Magalang na sagot ni Jerome. Tumango tango ako ng aking ulo. "Pero, kapag nagbago ang isip nyo, pumunta lang kayo sa counter, okay!" Sabi ko pa. Tumalikod na nga kami ng aking kaibigan sa dalawang bodyguard ko. "Akala ko ba ikaw ang bahala? Bakit wala kang ginawa?" "May naisip na ako kapatid, kaya humanda kana. Sumunod kana sa akin sa comfort room. "Ano naman ang gagawin natin sa Cr? Hindi naman ako naiihi. "A, basta. Sumunod kana lang sa akin. Huwag ng marami pang tanong, kapatid. Gusto mong sumama sa akin magbar diba? "Oo," Sagot ko na may kasama pang pagtango ng ulo. "Yon naman pala eh. Sumunod kana lang sa akin. Okay! Sumunod na nga lang ako sa likuran ng aking kaibigan. Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng c.r ay kinandado ni Chyrll ang pinto. "Kaya mo bang umakyat diyan sa bintana kapatid?" Tanong sa akin ni Chyrll. "Parang oo, parang hindi kapatid." Kinakabahan na sagot ko. Ang hirap talagang tumakas sa bodyguard ko kapag ganitong may ginagawa kaming kalokohan. "Para ka talagang sira. Halika, tingnan natin. Hindi naman seguro masyadong mataas ang tatalunin natin." Sabi pa nito na hindi mo makikitaan ng takot. Pikit mata na lang akong sumampa sa inodoro. Pareho kaming nakasampa at sabay din naming sinilip ang labas ng bintana. Malaki naman ang bintana, kasing laki ito ng pangkaraniwang bintana sa bahat, at magkakasya kaming dalawa kapag sabay kaming umakyat. "Ano, game?" Tanong sa akin ni Chyrll. Agad naman akong tumango ng ulo. "Sege, pero mag pray mona ako. Baka ito na ang huling sandali ko sa lupa. "Huwag na, pampatagal lang 'yan. "Sege na nga, kontrabida ka talaga. Sabay na nga kaming sumampa sa pasimano ng bintana. Yakap yakap ko pa ang Slam book ko. Hindi ko pwedeng iwan ito, kahit ano pa ang mangyari. Kahit mamatay pa kaming dalawa ng aking kaibigan sa gagawin naming pagtalon sa bintana ng C.R. Mukha na kaming butiki na kapit na kapit ang pagkakahawak sa bintana. "Kapatid, handa kana ba? Mauna na akong tatalon, sumunod kana lang sa akin. Tumalon nga ang aking kaibigan sa hindi kataasan na bintana. Sumunod naman ako. "Ayos, kapatid. Nagawa natin!" Masaya kong sabi. At parang bata na pumapalakpak pa ako. "Ang galing natin." Masaya ding ani ni Chyrll at nag aper pa kaming dalawa. "Mga kuya, ayon po sila. Ang hinahanap po ninyo!" Rinig naming sabi. Pareho kaming napalingon at nagkatinginan pa kaming magkaibigan "Senyorita Rasselle, Senyorita Chyrll! Bumalik po kayo dito!" Tawag sa amin ni Jerome at Lander. "Kapatid, takbo!" Sambit ko.°°°Rage. Bukod sa galit litong lito na ako. Hindi kona alam ang gagawin ko ng malaman kong umalis si Rasselle dito sa Pilipinas. Gusto kong malaman kung saan bansa siya ngayon pumunta ngunit walang matinong impormasyon akong nakukuha sa taong inutusan ko. Malawak ang koneksyon ko ngunit baliwala lang ang lahat ng ito. May taong makapangyarihan ang humaharang sa akin at nagbibigay ng protekta kay Rasselle. Napadaan ako sa isang church at napahinto ako dahil sa kantang narinig ko. Who am I, that the Lord of all the earth would care to know my name? Would care to feel my hurt? Who am I, that the bright and morning star would choose to light the way For my ever wandering heart? Not because of who I am But because of what you've done Not because of what I've done But because of who you are I am a flower quickly fading Here today and gone tomorrow A wave tossed in the ocean (ocean) A vapor in the wind Still you hear me when I'm calling Lord, you catch me when
°°°Rasselle. Kumakabog ang dibdib ko ng hindi ko inaasahan na makita ko ulit si Rage. Muling bumalik ang galit ko sa kanya. Ayaw ko na s'yang makita kahit kailan, baka hindi kona mapigilan pa ang aking sarili ay bumigay nanaman ang puso ko sa kanya, sa dalawang buwan naming hindi nagkita, siya parin ang lalaking tinitibok ng puso kong ito. Gusto ko ng bumitaw, ngunit ayaw pa ng puso ko. Naguguluhan na ako. Hindi kona alam ang gagawin ko. Tama nga si Mommy Clarabelle, mas nakakabuti sa akin ang umalis na mona dito sa Mandaluyong upang maghilom ang bakas ng sugat na ginawa sa akin ni Rage. At mali ang aking desisyon na manatili dito habang sariwa ang sugat dito sa puso ko upang makalimot. Nakasulat na ang mga gusto kong gawin sa aking pag alis. 1. Una gusto kong sumali sa art exhibit. Gusto kong iguhit ang isang babae na nag asam at nagmahal ng isang lalaki, ngunit niloko lamang ito. Pero ganun pa man, hindi ito nagpatalo sa bugso ng damdamin, ng galit. Nagpakatatag ito para sa mu
•••Rage Umaga ngayon at nandito ako ngayon sa tapat ng coffee shop nila Rasselle. Dito ko siya aabangan upang makausap muli, kung galit parin ba siya sa akin, o ako parin ang nag iisang laman ng puso niya. Hindi nagtagal ay may dumating na sasakyan na hindi sa akin pamilyar, bumaba ang sakay nito mula sa driver seat. Napatayo ako ng tuwid ng si Rasselle ang nakita ko. Ang laki ng pinagbago niya, nag-iba ang estilo ng kanyang pananamit, lalo siyang gumanda sa paningin ko. Pero ang dating Rasselle parin ang gusto ko dahil sa ganun ko siya minahal. "Rasselle!"Tawag ko sa kanyang pangalan. Lumingon ito sa akin. Halatang nagulat ng makita niya ako. "Rage!" Mahina ngunit basa ko sa pagbuka ng kanyang bibig na binigkas niya ang pangalan ko. "Rasselle!" Tawag kong muli sa kanya, "Pwede ba tayong mag-usap na dalawa? Alanganin ko pang sabi, naiilang ako dahil biglang nangunot ang kanyang nuo, pero maganda parin. "P-Pasensya na busy ako ngayon, marami akong gagawin ngayong araw! Maram
•••Rage. Gusto ko pa sanang manatili dito ng ilan pang buwan dito sa private property ko dito sa El Nido Palawan, ngunit sa mga nababalitaan ko tungkol sa aking kambal kung ano ang ginagawa nitong pangungulit kay Rasselle ay hindi ko na pwedeng i extend at baka pagsisihan ko pa ng habang buhay. "Mag-iingat ka hijo saiyong pag-alis! Sana sa susunod na pagbalik mo dito ay kasama mona ang dati mong nobya, alam kong magkakaayos pa kayo kaya sana huwag kayong mainip ha! At huwag na maghanap ng iba. May dahilan ang panginoon kung bakit binibigyan kayo ng pagsubok, malalampasan n'yo din yan na dalawa. Huwag na huwag kayo padadaig sa tukso, dahil yan ang tuluyan na sisira saiyong relasyon at mawawala ang inyong pagmamahal sa isa't isa. Nawa ay gabayan kayo ng poon may kapal sa kalangitan." Payo sa akin ni Manang Tinay. Isang yakap na mahigpit at may pagmamahal bilang anak ang ginawad ko sa kanya. "Hayaan mo po Manang Tinay, palagi ko pong tatandaan ang mga payo mo sa akin. At sana sa dal
•••Rasselle Dalawang buwan ang lumipas buhat ng maghiwalay kami ni Rage. Hindi na ito nagpaparamdam sa akin, kahit ang anino nito ay hindi kona nakikita. Si Regie na walang katapusan na panliligaw sa akin. Halos araw araw kong nakikita ang pagmumukha sa aming coffee shop ni Chyrll, araw araw ding sira ang araw ko. Si Anessa naman, simula ng gabing yon ay hindi na nagpakita pa sa akin, pero hindi ako nagpapakampanti, alam kong halang ang bituka ng babaeng yon. May lahi pa naman na kabote yon, sumusulpot na lang bigla sa harapan ko, katulad ni Regie. Katulad na lang ngayon, sira nanaman ang araw ko. "Hindi mo ba ako titigilan Regie? Wala kang mapapala sa akin, kaya umalis kana dahil masisira nanaman ang araw ko dahil saiyo!" Pagsusungit ko. "Hindi ako titigil sa panliligaw ko saiyo. Kahit araw araw mo pa akong sinusungitan ay babaliwalain ko. Ganyan kita ka mahal Rasselle my love so sweet. Napairap na lang ako sa kawalan. Ang korne niya talaga, tumatayo ang balahibo ko sa aking
•••Rasselle. "Alam mo pinsan, maganda ka kaso wala kang taste sa lalaki. Puso ang pinapairal mo, hindi ang isip mo. Nagpakatanga ka ng mahabang panahon sa isang lalaki, tapos wala pang isang buwan na magkasintahan kayong dalawa ay niloko kana agad." Naiiling na wika ni kuya Joaquin. "Ang kagandahan ko nanaman ang nakita mo kuya Joaquin." Nakairap kong sabi. "Bakit pa kasi sumama kayo dito sa Probinsya, kung aasarin n'yo lang ako?" Sabi ko pa. "Sinasabi ko lang kung ano ang napapansi ko sayo, pinsan. Sinasayang mo ang talino mo sa lalaki. Matalino ka pero pagdating sa pag-ibig nagiging bobo ka, at ang malala pa nagiging tanga kapa." Sabi pa nito sa akin. "Sumama lang ba kayo dito, para pagsabihan ako? Napipikon na ako!" Kunwari na galit kong sabi. "Sino bang lalaki na matino ang pwede kong gawing boyfriend? Wala naman akong makita, kahit kayo hindi naman kayo loyal sa mga naging kasintahan ninyo. -Ops kuya Jacob, huwag ka ng magsalita! Kilala kita kaya huwag mo din akong paandar






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments