Share

Chapter 6

Penulis: Saphenous
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-28 08:56:07

"What's wrong, Dr. Gutierrez? Do you have a problem?"

Gusto ko na lang kurutin ang sarili ko!

Nagkatinginan kami ni Douglas nang bigla niyang tinanong iyon. Kumunot ang kanyang noo sa akin. Kinurap ko naman ang mata bago umiling sabay ngiti.

"Nothing, sir... I'm just checking your eyes?"

Tumitig muna siya sa akin sandali bago niya iniwas ang tingin saka ulit kinausap ang nasa tablet.

"What? Wala akong babae, Diana. I was talking to my private doctor earlier. Got to hang up now. Keep safe. Just keep on updating me."

Pinatay niya ang tawag. Ako naman maraming katanungan sa isipan ko batay doon sa Diana na yun.

Siya kaya iyong babaeng nasa wallpaper ng laptop niya na nakita ko doon sa kuwarto niya? Girlfriend niya kaya ang babaeng iyon?

"You done?"

Napaatras ako ng ulo nang biglang magtanong si Douglas. We looked at each other's eyes again before I nodded my head. Para akong napaso sa titig niya pa lang sa akin. Hirap na akong makahinga. He's really intimidating.

"Yes, tapos na. Kung may iba pa kayong ipagawa sa akin, just call me through the intercom. Nasa kuwarto lang ako, sir."

Inayos ko na ang mga gamit para ibalik sa lalagyan.

"Tomorrow is weekdays. Are you going to work in the hospital?" he asked.

"Yup... iyon ang napagkasunduan natin, sa hospital ako tuwing weekend. Sa Lunes na ako babalik rito. Pero kapag may urgent, you can contact me through my phone. Pupunta agad ako rito." Tumayo na ako at binitbit ang medical kit.

Pinaandar na rin nito ang kanyang wheelchair pabalik doon sa elevator. Bago iyon may pahabol pa siyang sinabi.

"Make sure... my surgery will be successful. Kapag gumaling na ako, you are free. Kailangan kong makabalik sa trabaho. My work needs me. That's why I need your full attention after my surgery."

Nang mawala na siya sa paningin ko, huminga ako nang malalim. Ngayon ko lang napansin na kanina ko pa pala pinigilan ang paghinga ko habang kaharap siya.

Bakit bigla ko na lang naramdaman iyong tensyon sa katawan ko?

Hindi ko naman ito ramdam noong unang dating ko rito. Kasalanan talaga ito noong box na iyon. Sana hindi ko na lang iyon nakita para wala akong malaman.

Pumunta na ako sa kuwarto ko saka pinagpatuloy na lang ang pag-scroll sa social media. Binalikan ko iyong last conversation namin ni Asher na iniwan ko sa ere. Ni-reply-an ko ang mensahe nito until his messages popped up again.

From: Asher Echavez

I can't wait to see you around, Penelope. I'll update you kapag nakauwi na ako ng Pinas.

Napanguso ako sa mensahe niya. Hindi na rin ako makapaghintay na makita siya. Kabatch ko siya noon. Sabay kaming grumaduate. Pati sa internship six years ago, we were both in the same hospital during our intern days.

He didn't know that I secretly had a crush on him. Bukod sa gwapo siya, sobrang talino pa. Mabait rin si Asher, he's very gentleman. Halos lahat ng batch namin na babae o bakla, may gusto sa kanya noon. Isa na rin ako sa nagkagusto sa kanya, ang kaso tinago ko lang iyon.

While continuing scrolling my social media accounts, naisip ko bigla na i-stalk ang buong pangalan ni Douglas. Bigla akong naging curious kung sino ba si Diana. Baka makita ko sa account niya.

Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang account nito sa social media. He is using his full name kaya nahanap ko agad. I saw his profile picture wearing a formal attire.

Years ago pa ang picture na ito. Nakaupo siya sa isang black leather couch. He was sitting cross legs, showing his wrist watch. Kita ang matipuno niyang dibdib dahil ang suot nitong polo shirt ay nakabukas ang tatlong butones. Nasa arm rest ang dalawa niyang braso.

Napunta ako sa comment section. I couldn't believe na maraming nagnanasa kay Douglas na babae. He had a lot of reactions. I saw a lot of girls commenting on his photo. Ngunit may familiar na pangalan ang nag-comment roon.

While reading her name, I got really curious.

Diana Montereal: I miss you so much.

Sa daming nagco-comment sa profile picture niya, nakita kong doon sa Diana lang nag-reply si Douglas. Nothing else.

Douglas Severin: I miss you more. I'll come back. As soon as possible. Just wait for me.

Kumunot ang noo ko sa nabasa. Sino ba talaga itong si Diana?

Out of curiosity again, pinindot ko ang pangalan noong Diana. But her account was private, pero iyong profile picture niya pwede kong makita. I clicked her photo and there I saw her face. Siya nga iyong babaeng nakita ko doon sa laptop ni Douglas. She's really pretty. She's like a model.

Binalikan ko ang profile picture ni Douglas. I stalked his account again. Konti lang ang picture niya sa account niya. Mayroon siyang mga solo pictures pero nasa lima lang iyon.

Pagkatapos mayroon siyang litrato na nagpatanga sa akin. Kilalang-kilala ko ang kasama niya sa litrato.

Iyong crush ko na si Asher. Magkasama silang dalawa. Magkaakbay sila sa bawat picture, and they were laughing. It looked like they were so close to each other. Nasa club ang litrato. Sa kanilang likuran maraming mga babaeng nagsasayawan.

"T-Teka... magkakilala... silang dalawa?" I murmured to myself.

I read all the comments. Mas lalo akong nawindang sa mga nababasa ko. Nalaman ko na magpinsan pala silang dalawa.

Seryoso?

The heck! Is this coincidence? Or fate? O baka kahihiyan na talaga ito? Mukhang sobrang close pa naman ng dalawa sa mga pictures nila.

Kuwinento kaya ni Douglas kay Asher na may naka one-night-stand siya na babae? At ako iyon?

This is really frustrating now! Mas nadagdagan yata ang problema ko!

Sana talaga hindi na maalala ni Douglas na ako iyong babaeng nagbigay ng virginity ng kusa. Ayaw kong malaman ni Asher na isa akong babaeng pariwara lalo na't may gusto pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Baka hindi na siya lumapit sa akin dahil dismayado sa pagkat pinatulan ko ang pinsan niyang si Douglas.

Lord, bakit naman ganito!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Sleeping with the Billionaire General   Chapter 30

    Ilang beses akong sumulyap sa gawi ni Douglas sapagkat hindi ko talaga matanggal ang tingin ko sa dalawa. Kahit anong focus ko sa aking kaharap na si Lorenz, napapalingon pa rin ang atensyon ko sa kinaroroonan nina Douglas at Diana.Nakita ko talaga kung paano nagseryoso si Douglas. He is giving full attention to Diana. He is very manly and very passionate the way he talks to that woman. The way he breathed deeply and the way he responded, he seems very invested in their topics.Ibang-iba ang pinakita niyang emosyon ngayon kumpara doon kay Andrea. I get curious on what I see right now.Sino ba talaga si Diana sa buhay niya? Bakit araw-araw din silang magkausap?Sa kalagitnaan ng pagtingin ko sa gawi nito, bigla siyang tumingin sa akin. And this is the first time he looked at me since he came inside the restaurant. Bahagya pa akong nagulat.Nangunot ang kanyang noo nang mapansin ang tingin ko sa kanya. Pero wala siyang emosyon. I couldn't figure out

  • Sleeping with the Billionaire General   Chapter 29

    Siraulo talaga ang lalaking ito!Ang bilis niyang mag-judge ng pagkatao ko without researching everything. Kung makapagsabi siya sa akin na malandi ako, it seems like he knows me a lot.Parang ang hirap lunukin ng lahat ng iyon. Masakit pero ayaw ko nang isipin kung paano niya inapakan ang pagkatao ko bilang isang kagalang-galang na doctor.Ako ang mas nakakilala sa sarili ko. Hindi ako dapat magpaapekto sa matabil niyang dila.He only judged based on what he saw. He doesn't know me at all. No need for me to take it seriously... though it really hurts.The days went so fast. Weekends na rin sa wakas. Finally, hindi ko na makakaharap ang Douglas na iyon. Hindi madali ang pag-iwas ko sa kanya nitong mga natirang araw bago ako nakapagpahinga.Nandito ako ngayon sa hospital. I'm currently handling other patients. Katatapos ko lang sa operasyon. Tinanggal ko ang suot na surgical mask after washing my hands. Sunod, tinanggal ko ang tali ng buhok k

  • Sleeping with the Billionaire General   Chapter 28

    Nagkibit-balikat ako pagkatapos kinausap ko na si Kuya Patrick kung ano'ng order niya. Habang busy kami sa pag-uusap ng kuya ko rito sa lamesa, ramdam ko talaga ang nanlilisik na titig ni Douglas sa unahan.Ginawa ko talaga lahat para hindi magkatagpo ang tinginan naming dalawa. Nag-focus lang ako sa pakikipaglaro sa pamangkin ko saka kay Kuya Patrick.Sometimes I laughed so hard whenever my kuya reminisced about our epic moments before.Hanggang sa dumating na nga ang order namin at kumain kami habang nag-uusap pa rin nang kung anu-ano. We also talked our plans sa birthday ni Lola na gaganapin sa susunod na buwan. Malapit na din iyon."Kahit kailan talaga para ka pa ring bata. Ang tanda mo na! Napakadungis mo pa rin kumain."Hindi na ako nagulat nang pinahiran ni Kuya Patrick ang gilid ng labi ko gamit ang tissue. Natawa naman ako ng sobra sabay napa-iling."Hindi na ako bata!" I rolled my eyes."You're still a child for me, Penelope

  • Sleeping with the Billionaire General   Chapter 27

    Nag-order muna ako ng pagkain ko. Sakto, lunch na rin kaya ramdam ko ang gutom.Habang naghihintay ng order, nag-scroll muna ako sa aking social media accounts na kadalasan kong ginagawa sa tuwing wala akong gagawin.Bigla kong nakita na sunod-sunod ang pag-pop-up ng mensahe ng family group chat namin. Ang kabago lang na china-chat ni Kuya Patrick ang nakita ko.From: Kuya PatrickI've been with my kids. We're here at Robinsons.Mabilis naman akong nagtipa ng reply nang makita na narito sila ng mga pamangkin ko.Ako:I'm also here at the mall. Puntahan niyo lang ako rito sa restaurant. Mag-isa lang ako rito. I want someone to talk, kuya. Gusto ko rin makita ang mga pamangkin ko.Binigay ko ang exact name ng restaurant kay Kuya Patrick.Wala pang limang minuto, natanaw ko na agad ang pigura nilang tatlo sa glass wall ng restaurant. Hindi ko na hinintay na makapasok sila rito, agad akong lumabas para salubungin sila.

  • Sleeping with the Billionaire General   Chapter 26

    Balik normal ang pag-aalaga ko kay Douglas. Pansin kong medyo um-okay na rin ang lagay niya. Naigagalaw niya na rin ang kanyang paa kahit paano, ngunit hirap pa rin siyang makalakad. I take care of him. Hindi ko na rin siya masyadong kinakausap.Hindi ko na rin masyadong dinibdib ang pang-insulto niya sa akin noong nakaraang mga araw. Baka dagdag stress lang sa akin. Ako lang din ang kawawa.Wala na ngang pakialam ang antipatikong lalaking inaalagaan ko sa akin, tapos iisipin ko pa iyong sinabi niya na wala lang ako sa kanya.I should have felt insulted about it... Totoo naman talaga iyon. I'm just nothing to him, and he is nothing to me. We're just living in the same roof because I'm his private doctor and he is my patient. Hindi ko na dapat dalhin sa isipan ko iyong nangyari sa amin noon."Penelope!"Natigil ako nang tinawag ako ni Douglas dito sa may swimming pool area. Kasalukuyan akong nagre-review ng spreadsheets sa aking laptop nang bigla ni

  • Sleeping with the Billionaire General   Chapter 25

    Huminga na lang ako nang malalim saka tinikom ang bibig. Tinaas ko rin ang kamay bilang pagsuko. Hindi ko talaga maiiwasang makuryuso sa babaeng sinusundan namin ngayon, pero tila wala naman siyang planong sabihin sa akin kung sino ito. Wala rin akong magawa.Siya ang boss eh!Napanguso na lamang ako. Tumingin na sa harapan kung saan ang babaeng doctor na tumawid sa kabilang kalsada. Mukhang pupunta yata sa isang convenience store."Stop the car for a meantime. Let's wait here."Dahil ayaw ko ng gulo, sinunod ko pa rin ang utos niya. Ginawa pa akong driver ng lalaking ito. Dinamay niya pa ako sa pagiging stalker niya doon sa babae."She's coming out. Open the window, Penelope. Para mas madali niya akong makita."Ako naman si sunod-sunuran. Ginawa ko nga ang utos nito. Binuksan ko ang dalawang bintana namin. Tiningnan ko naman ang babae sa convenience store na kabago lang sa paglabas. May dala itong plastic.Tumawid ulit siya pabalik.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status