Signed with Lust

Signed with Lust

last updateLast Updated : 2025-09-09
By:  ChenniieeUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
5views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Hindi tinta ang ginamit nya sa kontrata, kundi isang sandata na kasinungalingan ang dala" DISCLAIMER: Ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, lugar, o pangyayari ay nagkataon lamang. Naglalaman ito ng mga tema ng pagtataksil, sakit, emosyonal na tunggalian, at sekswal na nilalaman na maaaring hindi angkop para sa lahat ng mambabasa. Ito ay nakalaan lamang para sa mga mambabasang nasa wastong gulang. Magbasa nang may bukas na isip at sariling pag-unawa. Copyright Notice: Lahat ng nilalaman sa akdang ito, kabilang ang mga tauhan, plot, at kabuuang istorya, ay orihinal na likha ng may-akda. Ipinagbabawal ang anumang uri ng pangongopya, pag-aangkin, pagbabago, o distribusyon ng akdang ito nang walang pahintulot ng may-akda. Ang paglabag ay maituturing na pagnanakaw ng intelektwal na ari-arian at maaaring humantong sa legal na aksyon. Plagiarism Warning: Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit o pagkopya ng akdang ito sa anumang anyo—printed man o digital—nang walang paunang pahintulot. Respeto sa orihinal na may-akda ang pinakamahalagang bahagi ng bawat likha.

View More

Chapter 1

CHAPTER ONE: PAALAM HACIENDA MONTIVELLE

“SIGURADO ka na ba sa desisyon mo, Anak?” Tanong ni Mommy sa akin. Tiningnan ko sya ng deretso sa mata. Alam kong ayaw nya sa gusto ko at nag aalala sya sa akin pero nakapag desisyon na ako.

“My naman. Napag-usapan na na'tin ‘to ‘diba? Alam nyung matagal ko ng gustong lumuwas ng Maynila para mag trabaho. Hayaan nyu na ako, My. Uuwi naman ako dito kapag holidays eh” sagot ko sa kanya. Malungkot syang ngumiti sa akin. Ayaw ko silang iwan kasi alam kong mamimiss ko silang lahat pero gusto kong tumayo sa sarili kong paa. Gusto kong mamuhay na hindi naka asa sa yaman ng pamilya.

“Nag-aalala lang ang Mommy mo sa iyo, Zeira. Ayaw ka naming umalis. Malaki naman ang hacienda. Pwede ka ring mag trabaho dito. Hahayaan ka namin” Tiningnan ko si Daddy at nginitian. Sya ang unang lalaking minahal, minamahal at mamahalin ko habambuhay. Kahit kailan ay hindi ko sila narinig na nag aaway ni Mommy. Siguro may tampuhan pero iniiwasan nilang marinig namin iyon ng mga kapatid ko.

“Dad, alam kong ayaw mo rin akong umalis. Unang prinsesa mo ako eh. Pero hayaan nyu po ako. Uuwi ako kapag nahirapan ako doon. Promise po” matamis ko silang ngitian dalawa. Napabuntong hininga sila saka ako sabay na niyakap. Alam kong suko na sila. Nakapag desisyon naman na ako at hindi talaga ako papapigil

“Ate, iiwan mo na talaga ako?” nilingon ko si Zariah sa likuran ko. Bunsong kapatid ko sya. Kaka desi otso nya lang noong isang buwan.

“Za, mag kikita pa naman tayo kasi luluwas ka naman ng Maynila kada bakasyon para doon manatili. Bisitahin mo nalang ako. Pwede naman siguro ‘yun ‘diba? Saka may social media naman. Pwede mo akong tawagan kapag namimiss mo ako” malambing na sagot ko sa kanya. Kahit limang taon ang agwat namin ay magkadikit kaming dalawa. Sa totoo long lahat kaming magkakapatid ay magkadikit. Bihira sa amin ang away.

“Paano sila Kuya? Hindi ka nakapag paalam”

“Tatawagan ko nalang sila. Matagal ko naman ng nasabi sa kanila ‘to kaya alam kong maiintindihan nila”

NANG araw din na ‘yon ay hinatid nila ako sa sakayan ng bus. Gusto pa sana nila akong ihatid hanggang Maynila pero tumanggi na ako. Bukod sa tatlo hanggang apat na oras ang byahe at baka mapagod lang si Daddy ay iniiwasan ko rin na kulitin nila akong manatili nalang

May sasakyan naman ako pero iniwan ko na sa mansion sa hacienda dahil bukod sa ma traffic ay agaw atensyon din ang isang Audi A6 ay wala rin akong pag paparkingan sa nakuha kong mumurahing condo unit.

Kaya nga ako luluwas ng Maynila para mag trabaho tapos dadalhin ko yung sasakyan na ‘yun?

Malungkot ako at iiwan ko ang hacienda pero desidido na akong mag trabaho para sa sarili ko. Sayang rin ang napag aralan ko kung hindi ko gagamitin. Oo, anak mayaman ako pero gusto kong gumawa ng sarili kong pangalan. Gusto kong mamuhay na hindi naka depende sa pangalan ng pamilya ko.

Nang makarating sa condo unit ay agad kong inayos ang mga gamit ko. Kahit pagod sa byahe ay pinilit kong ayusin lahat. Hindi din naman ako makakatulog kapag alam kong may trabaho pa akong hindi natapos. Ayaw ko rin ng kalat.

Matapos mag linis ay humiga na ako sa kama. Hindi kasing lambot ng kama ko sa hacienda ang kama ko dito at hindi kasing laki ng silid ko doon ang nakuha kong condo unit pero pwede na. Kailangan kong sanayin ang sarili ko kung gusto kong mabuhay mag isa.

Kinuha ko ang cellphone at binuksan ang email. Nag babakasakaling may nag reply na sa mga kompanyang pinag applyan ko

Dear Ms. Zeira ,

Good day.

We are pleased to inform you that, after careful evaluation of your application, qualifications, and interview, you have been officially selected for the position of Personal Assistant at DE Group of Companies..........

Napatalon-talon ako sa tuwa ng mabasa ko ang laman ng isang email. Marami pang kompanyang tumanggap sa akin pero ito talagang DE ang minamata ko. Sino ba naman ang mag aakalang matatanggap ako sa isa sa pinakamalaking kompanya sa buong bansa.

Nakalagay na sa email ang lahat ng kailangan kong gawin at ipasa at kung kailan ako pwedeng mag simula. And guess what! Bukas na bukas din ay pwede nang mag simula ang babae na ito.

Dahil ala una na nang umalis ako mula sa hacienda ay alas kwarto na ng hapon ako nakarating dito sa Maynila. Dalawang oras akong nag ayos ng gamit kaya gabi na ako natapos. Wala akong stocks ng pagkain dito kasi bukas pa sana ako mag go-grocery, na alam kong hindi mangyayari kasi mag tatrabaho na ako bukas na bukas din. Kaya kailangan kong lumabas para maka bili ng pag-kain.

Suot ang isang lumang t-shirt at isang maikling short ay lumabas ako ng condo dala ang perang na withdraw ko sa banko kanina bago ako lumuwas dito.

May nakita akong malapit na 7/11 dito sa condo kaya doon ko nalang balak kumain. Hindi na ako makakapag luto dahil anong oras na at kailangan kong matulog ng maaga para maaga akong magising bukas. Ayaw ko naman na ma late sa trabaho sa unang araw ko at baka ma sesante ako bigla ano.

Nang makarating sa 7/11 ay kumuha lang ako ng isang siopao at isang coke in can bago ito binayaran at umupo sa isang bakanteng upuan.

"Excuse me, can I sit here, Miss?" isang baritonong boses ang aking narinig habang abala ako sa pagngunguya ng kinakain. Nilingon ko sya at nginitian pero agad nalusaw ang aking ngiti nang makita ko ang mukha nya. Holy freaking mother! Who's this adonis? hindi ako mahilig sa mga may balbas pero kung ganito naman ka gwapo, aba! bakit hindi 'diba?

"You're not deaf, are you?" Parang natauhan ako at biglang nahiya. Bakit ba bigla bigla nalang akong natulala eh nakakita lang naman ako ng gwapo. Hindi ako madaling mahumaling pero bakit sa isang 'to? bakit ba naman kasi ang ganda ng labi, ang kinis ng balat, nakakaakit ang mata, at makapal ang kilay ng isang 'to na bumagay naman sa kanya. Nung ginawa ata sya ay pitong araw na pinaghandaan iyon ni lord.

"Ahm, sorry about that, but you can sit there. I don't own this place anyway, " buti nalang at hindi ako na bulol nang sabihin ko 'yon sa kanya. Maikli syang tumango bago umupo

"And I am sure, you dont" namula ata ang mukha ko sa sagot nya. Abay antipatiko pala 'to eh. Sayang ang ka gwapuhan at ang sama ng ugali

Hindi ko napansin na naubos ko na pala ang aking kinakain. Niligpit ko ang aking pinagkainan bago tumayo at itinapon ang basura sa malapit na basurahan

"Sayang ang ka gwapuhan, Sir" saad ko bago tuluyang lumabas doon. Abay hindi nya ako madadala sa kagwapuhan niya no.

Hindi ko nalang pinansin ang pagiging antipatiko nya at naglakad nalang ako pauwi sa condo. Wala na akong mapapala doon.

Bago pa man tuluyang makalayo ay napatalon ako sa malakas na busina ng sasakyan. Huminto ito sa harap ko at sumilip mula sa loob ang isang lalaki

"You know what, You're beautiful. Too bad you have a bad taste of fashion" napanganga ako sa sinabi nya.

EXCUSE ME?!

Bago pa man makabawi ay nginisihan na nya ako at pinaharurot ng mabilis ang sasakyan nya. Abay antipatiko na nga judgemental pa!

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status