Arrange Marriage Gone Wrong

Arrange Marriage Gone Wrong

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-08-14
Oleh:  YhllaraBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
10Bab
5Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Babaeng tumakas sa mismong araw ng kasal dahil pinilit ito ng kanyang mga magulang kahit ayaw niya. Mas pinili na lamang niyang talikuran ang kanyang buhay at mag simula ng panibagong buhay na simple lang ngunit malaya at masaya siya. — Marianna Amythest Devera Villialon. Binatang nais makalaya sa higpit ng kanyang magulang ipinasa ang engagement sa kanyang pinsan dahil ayaw niyang mag pakasal sa taong hindi naman niya minamahal. Mapaglarong tadhana dahil sila'y muling ipinag harap. —Jaile Rode Cuiz Dela Fiña. Anong gagawin ni Jaile kapag nalamang niyang ang babaeng nakilala niya sa Zambales ay ang babaeng dapat pakakasalan niya na ipinasa niya kay Renzo na kanyang pinsan?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Runaway Bride

"Ma'am, pinapatawag na ang lahat. Mag sisimula na raw ang seremonya." 

Naka upo sa harap ng salamin si Marian. Pinag mamasdan ang kanyang sarili sa kanyang kasuotan na pangkasal. 

Hindi ito ang kanyang nais. Hindi niya kayang mag pakasal sa lalaking hindi naman niya gusto at hindi niya lubusang kilala.

 

"Susunod ako." tugon niya at ngumiti ng pilit.

Buo na ang disisyun ng dalaga. Gumawa siya ng maikling sulat para sa kanyang pamilya, pinag planuhan na niya ito simula pa lamang at hindi na siya mapipigilan ng sino man sa kanila.

 

Nag simula na ang seremonya, isa-isa nang naglakad sa aisle ang mga kasama sa abay. Habang nag hihintay ang lahat sa pag pasok ng bride nagagalak din ang kanilang pamilya sa mga nangyayari. Ngunit kabaliktaran ang nararamdaman ni Marian.

 

Habang nasa sasakyan ito papunta sa simbahan agad niyang inutusan ang kanyang driver na ibahin ang deriksyon na kanilang patutunguhan. 

 

"Sigurado po ba kayo ma'am? Tiyak magagalit ang mga magulang mo." ani ng driver. Personal driver niya ito mula pag ka bata niya kaya naman sinusupurtahan siya nito sa lahat ng kanyang ginagawa. Lahat ng palihim na lakad at takas niya alam ito ng driver dahil tinuring na rin niya itong isang ama. 

 

"Mang Kamir, ito na po ang huling beses na ipag da-drive niyo ako." Napa tingin sa salamin ang driver sa sinabi ng dalaga.

 

"Alam kong pipigain ka nila mommy lalo na ni daddy para mag sabi ka ng totoo pero nakikiusap ako sayo mang Kamir. Sabihin nyong hindi niyo alam kung saan ako paroroon. Ayukong malaman nila kung saan ako maninirahan at mas lalong ayukong mag karoon pa ng koneksyon sa kanila." pag papatuloy ni Marian.

 

"Hindi po ba delikado ang ginagawa niyo ma'am Marian? Paano ang magiging buhay mo?" tanong niya 

 

"Huwag mo akong isipin, kaya ko na ang sarili ko mang Kamir. Laking yaman nga ako pero kaya kong patunayan na hindi lang sa pera nabubuhay ang tao kundi sa kanilang kagustuhan at kasiyahan." aniya.

 

"Hindi ko gustong pilitin at lokohin ang sarili ko sa ayaw kong gawin. Pipiliin ko maging masaya sa sarili kong paraan. Kahit walang luho at pera, kahit hindi mayaman at kahit wala sila. Kakayanin ko kung gugustuhin ko." pagpapatuloy niya.

 

"Mukang hindi na kita mapipigilan sa gusto mo. Tunay na lumaki kang may pag galang at pagpapakatotoo sa sarili mo at sa ibang tao." ani ni Mang Kamir.

 Agad niyang iniba ang ruta nila, imbes patungo sa simbahan patungo na sila sa airport. 

 

"Ako na ang bahalang pagtakpan ka sa mga magulang mo." aniya.

Alam naman ng dalaga na hindi siya nito kayang pagsinungalingan dahil kailanman lagi na niya itong ginagawa kapag tumatakas siya sa kanilang bahay.

 

Patungong Zambales si Marian. Naka tanggap siya ng trabaho roon. Simpleng trabaho lamang ang maging crew sa isang coffee shop ngunit kailangan niya iyon upang makaipon din ng pera upang masimulan ang kanyang planong mag tayo ng negosyo tulad ng magulang niya.

Nakapag tapos siya sa kanyang pag-aaral sa larangan ng negosyo kaya alam na niya kung paano ito simulan ang kailangan na lamang niya ay ang magiging puhunan. Pag karating niya sa Zambales agad niyang hinanap ang kanyang uupahan na condo. 

 

Maliit lamang ito. Malayong malayo sa kanyang kinalakihan. Ang laki nito ay kasing lawak lamang ng kanilang banyo. Sakto lamang na pang isang tao ang maninirahan doon.

 

"Okay kana ba rito? Kung may kailangan ka puntahan mo na lamang ako sa baba doon sa counter. Ito ang susi. May duplicate ako niyan kasi paminsan minsan may nangyayayring hindi maganda sa loob ng kwarto kaya kung sakaling mangyari iyon mabubuksan ko at matutulungan ko sila. Pero huwag kang mag alala magagamit ko lang ang duplicate kung may permission ako sayo." Paliwanag ng land lady ng condo.

"Ayos lang ho naiintindihan ko." tugon ni Marian. 

 

Napabuntong hininga ang dalaga habang nililibot niya ang kanyang tingin sa kanyang titirahan. Kakaibang environment ang kanyang kakaharapin. Malaking pag aadjust din ang kailangan niyang gawin. 

 

Kumpleto naman na ang mga gamit roon, may mga unan sa sofa ganun din sa kwarto. May kumot at may kama na roon. Kompleto ang lahat ng pangangailangan maliban sa essential need na pang araw araw kaya kailangan niyang mag grocery muna bago makapasok sa trabaho.

 

Habang nasa grocery store napa titig ang dalaga sa hawak niya. Kailangan niyang maging maingat sa pag gastos dahil wala naman siyang sapat na pera para bilhin ang mga gusto niya. Hindi na siya tulad ng dati na waldas lang ng waldas ng pera na walang iniisip kung importante ba ito o hindi.

 

Kumuha siya ng mga can goods, easy to eat na pagkain at bottled water. Mga pangangailangan sa kusina at sa banyo lamang ang kanyang binili dahil mauubos ang pera niya kung bibilhin niya ang lahat ng kanyang pangangailangan.

 

Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang ginawa sa buong araw hindi niya parin maisip na nagawa niya ang tumakas sa kanyang pamilya ng ganoon. Tiyak labis labis ang galit nila rito. 

 

"Did she picked up her phone?" nagaalalang tanong ng mommy ni Marian. Nag tipon tipon silang lahat sa sala upang mag usap-usap at maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanilang anak. 

 

" Hindi eh, mukang naka off ang phone." tugon ng daddy nito. Labis ang kanilang pag-aalala sa anak samantalang si Mang Kamir ay nasa gilid lamang nila at nakikinig sa kanilang pag-uusap.

 

Naipaliwanag na niya ang nangyari, tulad ng pangako niya sa dalaga pinag takpan niya ito sa kanyang mga magulang. 

Ngunit ang mga magulang ay hindi mapakaling malaman ang totoong nangyayari sa kanilang anak.

 

"What will happen now? My son needs to marry your daughter until now? This shouldn't happened."

Napa tayo ang ama ng lalaking mapapakasalan sana ng dalaga. 

 

"Don Fernando, hindi na ito dapat mag tagal. Dapat na itong maayos sa lalong madaling panahon." pag tugon naman ng asawa nito. 

Nag kasundo silang lahat sa pagpapakasal ng kanilang anak ngunit hindi nila sinigurado kung nais rin ba ito ng dalawa kaya ngayon nag kakaroon na sila ng problema.

 

"Aayusin ko ito. Magpapakasal parin sila sa lalong madaling panahon." tugon ni Don Fernando.

 

Walang magbabago, itinadhana parin sila ng mga magulang nila kahit na ayaw ng dalaga. Wala siyang magagawa dahil iyon ang desisyun ng pamilya niya. Kahit pa takasan niya ang mga ito hindi niya maipapagkaila na isa siyang Montefalco na tagapagmana ng kanilang kompanya na kailangan mag pakasal sa anak ng kaibigan ng daddy niya.

 

 

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
10 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status