Share

Chapter 21

ANG kulit ni Aliw-Iw. Hindi pa man ay excited na agad siya. Ang dami na agad niyang pangarap. Siguradong pag-uwi niya sa Cordillera ay magugulat ang lahat, tapos pag magaling na ang kanyang paa’y makakalangoy na ulit siya sa lawa, hindi na siya mapapatid ng mga alagang baboy sa tuwing nililinisan niya ang kural ng mga ito, hindi na siya mahihirapan magdala ng panindang rice  wine sa kooperatiba, napakarami na ulit niyang puwedeng gawin pag nakakalakad na siya.

 “At hindi lang ‘yon,” dugtong ni Guen.” makakatakbo ka na rin pag ayaw mo sa manliligaw mo!”

“Oo nga,” aniya “pero pag may dalang pinikpikan, kukunin ko muna yung mangkok bago ko siya takbuhan!”

Tawanan.

“Infairness, masarap talaga yung pinikpikan, ha!” ani Guen. “Lalo na kung si Kibaweg ang nagluto!”

“Syempre,” sang-ayon ni Aliw-Iw. “si Kibaweg pa!”

“Tse! Bakit, ipina

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status