Share

SPECIAL CHAPTER 3 (PART 2)

Naglalakad lang siya nang mabagal nang may mapansin siya sa hindi kalayuan. Tumigil siya at nakakunot-noong sinipat ang isang lalaking nakaluhod sa isang puntod. At ilang segundo pa ang nakalipas, napanganga na lang siya dahil sa napagtanto. Ang lalaking iyon ay wala iba kundi si Levin— hindi, si Elvin ito dahil hindi siya naniniwalang patay pa ang kiniig. Naiiling na lang siyang naglakad patungo rito at nang makalapit, ni hindi yata siya naramdaman nito dahil hindi man lang ito gumalaw, nakaluhod pa rin.

"Elvin!" aniya.

Hindi tumugon ito.

Kahit si Levin ito, tatawagin niya pa ring Elvin.

"Elvin!" sabi pa niya.

Ngunit katulad ng nauna, hindi ito tumugon.

"Levin!" wika niya.

"Le—"

At natigilan na lang siya nang umangat ang ulo ng lalaki sa kaniya at kaagad na nagsalita.

"¿quién eres tú?" sabi nito sa lengguwaheng hindi niya maintindihan. Who are you?

Napailing siya. "A-anong sinasabi mo?" naguguluhan niyang sabi.

May ngisi sa labing tumayo ang lalaki. "¿quién eres tú?" ulit nito.

"Puwed
VERZOLAKRAM02

Elvin is alive!!!

| 1
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status