Share

EPILOGUE (PART 4)

ISANG LINGGO ANG nakalipas...

"Ate Tere, iiwan ko po muna rito ang mga anak ko, ha. Kikitain ko lang po kasi ang kaibigan ko sa bayan. Hayaan niyo, babalik po ako agad," nakangiting sabi ni Shanelle sa kasambahay nilang si Tere.

Tumango lang ito. "Makakaasa po kayo, ma'am. Aalagaan po namin sina Elvis at Erin," anito.

"Sige po, nasa kuwarto sila at natutulog."

"Sige po."

Hindi na siya nagsalita pa dahil naglakad na siya palabas ng bahay. Hindi sana siya aalis pero tinawagan siya ni Fatima at may importante raw itong sasabihin sa kaniya. Hindi niya alam kung ano iyon pero pakiramdam niya'y importante talaga ang sasabihin nito. Hindi na rin niya kailangang matakot dahil may mga nagbabantay sa kanila. Parang katulad lang din noon, kung paano siya pinabantayan ni Elvin. Oo nga pala, nasa Maynila ito at may gagawin daw na mahalaga na ilang araw ng hindi nabalik.

Nang makalabas, sinalubong siya ng dalawang lalaki. "Saan po kayo pupunta, ma'am?" tanong ng isa sa mga ito.

"Sa bayan lang at ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status