Nagising na lang sila noon. Parehas na walang saplot kaya gulat na gulat si Zyra. Hindi na niya maalala kung ano ang nangyari sa kanila ng lalaking katabi niya. Nagmadali siyang magbihis para makaalis na pero pilit siyang pinipigilan ni Gaustav.
“Why? Hindi mo ba nagustuhan kung ano ‘yong nangyari sa atin kagabi? I’ll admit, nagustuhan ko talaga iyon and I’m hoping another one,” deretsahang sabi ni Gaustav na labis na kinagulat ni Zyra. “Really now? Alam mo, kung ano man ‘yong nangyari sa atin, wala na iyon. Ibaon mo na sa limot dahil kahit kailan ay hindi na kita makikita pang muli. Pangako iyan,” sagot ni Zyra. “Are you sure? What if I tell you that I want to get you pregnant, Ms. Zyra Bermudez?” sabi ni Gaustav kaya agad siyang sinampal ni Zyra. “Ouch! Why? Ginusto mo naman kung anong nangyari kagabi, ‘di ba? Bakit ngayon, nag-iba yata ang ihip ng hangin?” sabi ni Gaustav, hawak pa riin niya ang kanyang pisngi dahil sa sampal ni Zyra sa kanya. “Maybe I wanted it but I will never do that again!” sigaw ni Zyra pagkatapos ay inayos na ang kanyang sarili para makaalis. “I will give you 10 billion pesos. Have a kid with me and be my wife,” malinaw na sabi ni Gaustav, sa mga linyang iyon ay para siyang nag-uutos kay Zyra. “Nasisiraan ka na ba? Kakakita lang natin kagabi sa bar, gusto mo na agad akong maging asawa? No way!” sigaw ni Zyra pagkatapos ay lumabas na siya ng condo ni Gaustav. Nang siya ay naglalakad na ay bigla namang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya iyon nang hindi natingin kaya rinig na rinig sa kabilang linya ang inis na kanyang nadarama. “Hello?! Ano ba iyon? Ang aga-aga ay tawag agad kayo nang tawag-” hindi na natapos ni Zyra ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad ‘yong tao sa kabilang linya. Takot na takot ito at iyak nang iyak. “Z-Zyra, anak? Si Leo! Hinuli ng mga pulis kagabi. Nagnakaw daw ang kapatid mo. Sinabi naman niya sa akin na hindi niya raw iyon ginawa. Niloko raw siya ng kasamahan niya sa trabaho!” sabi ni Cynthia. “Po? Paano naman po nangyari iyon? Sige, i-text niyo po ako kung saang presinto para mapuntahan ko po agad. Huwag na po kayong umiyak, ‘nay. Ilalabas natin si Leo sa kulungan. Pangako iyan,” sagot ni Zyra pagkatapos ay pinatay na ang tawag. Ang hindi niya alam ay nakikinig pala si Gaustav sa di kalayuan. Nalaman tuloy nito na kailangan ni Zyra ng pera pampyansa sa kanyang kapatid. Nagulat na lang si Zyra nang may magsalita sa likod niya. “You need money? Accept my offer. Hindi mo lang mailalabas sa kulungan ang kapatid mo. Mabibigyan mo rin siya ng magandang buhay. Pwede ko pa nga siyang bigyan ng trabaho. Humarap naman si Zyra kay Gaustav. Ang mga mata nito ay galit pa rin sa kanya. “Sa tingin mo, ganoon lang kadali ang lahat? Ibebenta ko lang ang sarili ko sa iyo, tapos okay na ang buhay ko? Ni hindi nga kita kilala. Ang alam ko lang, nagkaroon tayo ng one night stand! Iyon lang iyon. So please, hayaan mo na ako sa problema ko!” sigaw ni Zyra. “Okay, bumalik ka na lang kapag kailangan mo na ang pera ko. This is my contact number in case hindi mo ako madatnan dito sa condo ko,” sabi ni Gaustav pagkatapos ay binigay na kay Zyra ang kanyang calling card. Tiningnan lang iyon ni Zyra pagkatapos ay nilagay sa wallet. Hindi na nga niya nakuhang lingunin si Gaustav dahil gusto na talaga niyang puntahan si Leo para makausap ito. Pagdating sa presinto ay agad niyang nakita si Leo, kasama nito si Cynthia. Nakikiusap sila sa mga pulis na palayain na si Leo dahil wala naman daw itong kasalanan sa nangyari. “Nay, nandito na po ako. Ano po bang nangyari?” may pag-aalalang tanong ni Zyra sa kanyang ina. "O, anak. Bakit ba hindi ka umuwi kagabi? Anong nangyari sa iyo? Hindi kita matawagan. Dinadakip na nga itong kapatid mo tapos nawawala ka pa. Para na akong mababaliw!” sabi ni Cynthia. “A-Ah, nakitulog po kasi ako sa isang kaibigan. E, na-lobat po ang phone ko kaya kanina lang po nagbukas. Pasensya na po kayo kung ngayon lang ako dumating,” sagot naman ni Zyra, inis na inis siya sa kanyang sarili dahil kailangan pa niyang magsinungaling sa kanyang ina. “Anak, kapag ganoon naman ay maki-text ka sa kaibigan mo ha? Para hindi doble-doble ang pag-aalala ko sa inyo nitong si Leo. Pero, anak. Paano ito? Mukhang ayaw talaga nilang maniwala na walang kinalaman ang kapatid mo roon sa nakawan,” sabi ni Cynthia, iyak na ito nang iyak. “Nay, gagawa po ako ng paraan ha? Alam kong kailangan muna nating magtiis pero gagawan ko ito nang paraan. Ako pa ba? Hindi ko naman pababayaan si Leo,” sagot ni Zyra. “Salamat, anak. Napakabait mo talaga. Ang swerte ko dahil ikaw ang kapatid ni Leo,” sagot naman ni Cynthia sa kanyang anak pagkatapos ay niyakap itong mahigpit. Pilit na ginawan ng paraan ni Zyra ang pagkakakulong ni Leo. Humiram pa nga siya sa lahat ng kanyang kaibigan, unang-una na si Lenie pero hindi pa rin iyon sapat dahil lahat ng pagnanakaw na ginawa noong katrabaho ni Leo ay siya ang sumalo. Patong-patong tuloy ang kaso sa kanya.Dahil nga inis na inis si Cynthia kay Vilma ay nag-isip ito ng magandang plano laban kay Vilma. Sasarilinin dapat niya iyon pero naisip niya na kung siya lang ang gagawa nito ay hindi niya kakayanin. Agad niyang sinabi kay Leo ang kanyang balak. Noong una pa ay ayaw ni Leo dahil binigyan nga siya ni Vilma ng pagkakataon para makapag-aral sa magandang eskwelahan. Pero, pinilit pa rin ni Cynthia ang kanyang anak dahil sa sobrang galit na kanyang nararamdaman kay Vilma. "Seryoso ba kayo, nay? Parang ang hirap naman po ng gusto niyong mangyari. Isa pa, ang bait sa akin ni Tita Vilma. Parang hindi ko naman kaya 'yan." "Aba, at ikaw pa ang nagiging mabait sa kanya ngayon? Bakit? Hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang magkapera tayo? O, ito na. Gagawin na natin. Okay lang ‘yon, mayaman naman sila. Tiyak na makakabili ulit sila ng panibagong alahas kapag nagnakaw na tayo sa kanila,” sagot ni Cynthia, todo ngiti pa sa kanyang anak. “Pero nay, magnanakaw talaga tayo sa kanila? Paano ku
Agad na kinausap ni Zyra ang kanyang ina pagkatapos ng awayan noong dalawa. Hindi na nga natapos ang kanilang pagkain dahil nawalan na sila ng gana. "Nay, ano? Hindi na ba talaga kayo magiging maayos ni Tita Vilma? Sa tuwing magkikita ba kayo ay mag-aaway na lang kayo? Nay, paalala ko lang, kayo po ang sumama kay Gaustav noon at nagsabing gusto niyo pong tumira rito, hindi po ba?" Ramdam na ramdam ni Cynthia ang galit ng kanyang anak sa bawat salitang binitawan nito. Hindi niya alam kung maiinis siya o masasaktan dahil sa sinabi ni Zyra. "Paano ba naman kasi, mapapel 'yang Vilma na iyan eh! Nananahimik ako tapos kung anu-ano ang sasabihin? Hindi tuloy ako nakakain ng maayos dahil sa kanya. Nakakainis!" sagot ni Cynthia, walang pakialam sa sinabi ng anak kanina. "Nay, kahit ganoon po siya, hindi mo naman kailangan na itulak siya palayo. Siya pa rin po ang may ari nitong mansion kaya please, respetuhin niyo po siya, kahit para sa akin na lang po, nay," may lungkot sa mga mata ni
Simula noon ay nagpapaligsahan na sina Vilma at Cynthia sa harapan ni Zyra. Kung ano ang gusto ng dalaga ay binibigay nila kaya litong-lito na si Zyra kung ano ang nangyayari sa kanila. "Ito, Zyra. Baka gusto mo. Masarap 'to, luto ito ni Yaya Frida. Pinaluto ko ito para talaga sa'yo," nakangiting sabi ni Vilma. Ngumiti naman si Zyra sa kanya. Sobrang thankful niya kay Vilma pero may lungkot sa mga mata ni Zyra dahil naisip niya na baka magselos si Cynthia kapag nalaman na todo ang effort ni Vilma sa kanya. "Thank you po, Tita ha? Don't worry po, kakainin ko ito. Mukha pong masarap, sure ako mauubos natin ito," nakangiting sagot ni Zyra. Agad niyang chineck kung lumabas na ba si Cynthia sa guest room. Nang makita niyang wala ay masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na niluto ni Yaya Frida. Nang tikman na nga ni Zyra ang ulam ay naging masaya siya. Masarap ang niluto ni Yaya Frida. "Hala, oo nga po 'no? Ang sarap pala talaga magluto ni Yaya Frida. Salamat po dito ah," nakan
Nang makauwi na sila ay hinintay ni Vilma na makapunta sa kwarto si Cynthia. Gusto kasi niyang kausapin si Zyra tungkol sa pagsisinungaling niya roon kanina sa school. "Zyra, pwede ba tayong mag-usap? Gusto ko lang sanang magpaliwanag kung bakit ko ginawa 'yong kanina. Kung okay lang?" hindi makatingin ng deretso si Vilma kay Zyra dahil nahihiya siya. "Ah, actually, gusto ko na nga rin po kayong makausap tungkol doon. Aaminin ko po, hindi ko rin nagustuhan ang sinabi niyo pero umaasa po ako na may dahilan kayo kung bakit ganoon po ang ginawa niyo kanina." Umupo si Zyra sa sofa at sumunod naman si Vilma sa kanya. Ilang minuto pa silang naging tahimik bago tuluyang magsalita ni Vilma. "Zyra, I'm really sorry. Ginawa ko lang naman iuon dahil alam kong hindi makakapasok si Leo kapag hindi ako nagsinungaling. Alam mo na, I have to use my connections para maayos natin ang requirements niya. Kaya iyon, naisip ko na magpanggap na ako ang nanay ni Leo." Tumango-tango naman si Zyra,
Napatigil sina Cynthia at Leo. Napangiti naman ang binatilyo dahil sa totoo lang ay gusto niya talaga na roon pumasok. Ayaw na niyang bumalik sa dati nilang buhay. Nang lumapit na si Vilma sa kanila ay agad nitong tinanong kung ano ba ang naging problema nila. "Ano bang problema rito? Naririndi ako sa sigawan niyo," inis na sagot ni Vilma. "Mrs. Ramos, sinabi po kasi niya na siya po ang nanay noong enrollee. Mukhang yaya naman po siya," sagot noong babae. Sa isip-isip ni Vilma ay gusto na niyang matawa dahil sa narinig. Tiningnan niya si Cynthia, mukha nga naman itong yaya sa suot nito. "I'm his mother. Totoo, yaya talaga siya ng anak ko," sabi ni Vilma kaya nanlaki ang mga mata ng lahat. Hindi makapaniwala sa kanilang narinig. Muli na naman tuloy nag alburoto si Cynthia. Alam niyang iniinis talaga siya ni Vilma. Kaya, hindi niya napigilan ang kanyang sarili. "Vilma, ano bang sinasabi mo? Alam natin na anak ko ito! Palibhasa, mayaman ka kaya ang lakas ng loob mo na gawi
Umalis na nga sila papunta sa magiging bagong school ni Leo. Ang buong akala ni Cynthia ay siya lang ang kasama pero nagulat siya nang makitang pati si Vilma ay sumakay ng kotse. Hindi tuloy niya naiwasang hindi magtanong sa anak kung bakit pati si Vilma ay nandoon. "Zyra, talaga bang pati siya ay kasama? Akala ko, tayo lang tatlo ni Leo ang pupunta roon?" Sasagot na sana si Zyra pero dahil narinig iyon ni Vilma ay siya na lang ang sumagot. "Ah, balae, sasama ako sa inyo para mas madali ang process ni Leo sa bago niyang school. Kaibigan ko kasi ang head doon, baka makatulong ako." Kumunot naman agad ang noo ni Cynthia. Balae? Paano naman naging balae ang tawag ng ginang kay Cynthia e hindi pa nga ito kasal kay Gaustav? "Balae? Hindi pa naman kasal ang mga anak natin, hindi ba?" sabi ni Vilma, hindi na niya napigilan ang kanyang sarili sa pagtatanong. "Ah, balae na ang itatawag ko dahil ikakasal naman ang mga bata. Hindi nga lang ngayon pero in the future. Pwede naman sig