Nakabuntis ang boyfriend ni Zyra Bermudez kaya nakipaghiwalay ito sa kanya. Para makalimot ay inaya siya ng kaibigan sa bar at doon niya nakilala si Gaustav Ramos, isang bilyonaryo na pressured nang magkaroon ng asawa at anak. Sa sobrang kalasingan ay may nangyari sa kanila at inalok siya ng lalaki ng malaking pera at ang kapalit ay magiging asawa siya nito. Pero tinanggihan iyon ni Zyra. Ngunit kinakailangan pala niya ang tulong ng lalaki dahil nakulong ang kapatid ni Zyra. Nang puntahan niya ito may kausap itong babae na may kargang bata. Huli na ba siya para ialok ang sarili niya uli kay Gaustav?
View MoreMasayang nag-uusap sina Zyra at Lenie sa isang coffee shop malapit sa Ramirez Group of Companies. Halos isang oras na silang nakatambay doon nang biglang nakita ni Zyra ang kanyang boyfriend na may kasamang iba. Hindi agad nakita ni Jeremy si Zyra dahl malayo ang dalawa sa pinto ng coffee shop.
Gulat na gulat si Lenie nang makita si Jeremy. Agad siyang napatingin sa kaibigan dahil alam niyang ito ay boyfriend ni Zyra. Biglang tumayo si Zyra para puntahan ‘yong dalawa kaya sumunod agad si Lenie sa kanya. “Really now, Jeremy? Dito mo pa talaga dinala ang babaeng iyan sa coffee shop malapit kung saan ako nagtatrabaho? Binabalandra mo ba talaga sa akin na may iba ka?” sabi ni Zyra, nagulat naman si Jeremy nang makita ang kanyang girlfriend. “A-Ah, Let me explain, Zyra. Sinamahan ko lang si Kristine to meet her friend. Baka kasi-” hindi na natuloy ni Jeremy ang kanyang sinasabi dahil sinampal agad siya ni Zyra. Agad namang tumayo ‘yong babae para harapin si Zyra. Galit na galit ito kahit sila na ang nanakit. “How dare you! Wala namang ginagawa sa iyo si Jeremy! Isa pa, ex-girlfriend ka na niya, hindi ba? Bakit nangingialam ka pa sa amin?! Right, Jeremy?” sigaw noong babae, wala siyang pakialam kahit na nakatingin na ‘yong ibang tao sa coffee shop. “Ah, kaya pala ang lakas niyong lumabas sa public place. Iyon pala ang sinabi niya sa iyo. Oh, well. Nakikita mo naman siguro ‘yong singsing na ‘to sa kamay ko, hindi ba? Binigay lang naman sa akin ito ni Jeremy dahil ikakasal na kami!” sagot ni Zyra roon sa babae, pansin namang nagulat ito at walang alam sa sinasabi ni Zyra. “No! That is not true. He promised me na ako ang papakasalan niya! ‘Di ba, Jeremy? Ako lang ang babae sa buhay mo?” tanong noong babae pero ramdam sa kanyang boses ang pangamba. “Y-Yes. I-Ikaw lang ang babaeng papakasalan ko. Wala nang iba,” nauutal na sagot ni Jeremy. Doon na sumabog si Zyra at nasampal niya ang kanyang pinakamamahal. Pagkatapos noon ay hinila niya ang buhok noong babae palabas ng coffee shop. Nakita tuloy nang iba pang nadaan ‘yon at pinagtawanan ang pangyayari. Agad naman siyang sinundan ni Lenie. “Go, Zyra! Go! Gawin mo lang ang nararapat sa mga ganyang klase ng babae!” cheer ni Lenie. “Zyra, matagal ko nang tinapos kung anong meron tayo ‘ di ba? Alam mo iyan. ‘Yong singsing na suot mo, matagal na iyang walang bisa. Hayaan mo na kami ni Kristine na maging masaya. Please?” pagmamakaawa ni Jeremy. “Oo, alam kong nakikipaghiwalay ka na sa akin noon. Pero, nitong nakaraan lang ay nagbabalak tayong ayusin kung anong nasira natin, hindi ba? Nangako ka sa akin. Sabi mo, susubukan natin ibalik ang dati! Kaya, umasa ako Jeremy!” sigaw ni Zyra, sa pagsigaw niya ay lalo pang nahigpit ang hawak niya roon sa buhok noong babae. “Please, Jeremy. Kausapin mo siya! Ayaw kong makalbo ako sa harap ng maraming tao!” sigaw noong babae. “Zyra, alam kong mali ako roon. Hindi na dapat ako nagsabi sa iyo kung hindi ko rin naman matutupad. Pero, totoo iyon. Makikipagbalikan sana ako sa iyo kaso biglang sinabi sa akin ni Kristine na buntis siya. Pasensya ka na kung mas pipiliin ko sila kaysa sa iyo,” nakaluhod na sa harapan ni Zyra si Jeremy, naiiyak na rin siya. Napabitaw na si Zyra sa buhok noong babae nang malaman niyang buntis ito. Parang bumagsak ang kanyang mundo, hindi alam kung ano ang isasagot niya kay Jeremy. “B-Buntis siya? I-Ilang buwan?” nauutal na tanong ni Zyra. “Tatlong buwan na, Zyra. Kaya, nakikiusap ako. Hayaan mo na kami ni Kristine na maging masaya. Promise, hindi na ako magpapakita sa iyo kahit kailan. Basta, huwag mo lang siyang patulan ngayon,” sagot ni Jeremy. Wala nang sinabi si Zyra noon. Sinampal na lang niya nang sinampal si Jeremy. Tinanggap naman iyon noong lalaki dahil alam niyang siya ay nagkamali. Dahan-dahan na inalalayan ni Jeremy ‘yong babae. Kitang-kita naman na inis na inis ito sa mga taong nadaan. “What? Ngayon lang ba kayo nakakita ng dalawang babae na nag-aaway? Oo na, kabit kung kabit! Masaya na kayo?!” sigaw noong babae. “Hey, umalis na tayo rito. Ang dami nang nakatingin sa atin. Hindi ka ba nahihiya?” sagot ni Jeremy. “Ikaw, hindi ka ba nahihiya na pinagsabay mo kami? You told me na nakipaghiwalay ka na sa kanya bago mo pa malaman na buntis ako! Tapos malalaman ko ngayon na gusto mo palang ayusin ‘yong relasyon na meron kayo?!” sigaw noong babae. “Ikaw na nga ang pinili, ‘di ba? Let’s go! Sa bahay na tayo mag-usap dahil stressed na ‘yang bata sa tiyan mo!” sigaw ni Jeremy. Iyak na iyak si Zyra nang pumasok sa coffee shop para kunin ang gamit niya. Sumunod naman si Lenie sa kanya. Hindi niya lubos maisip na ‘yong lalaking limang taon na niyang kasama ay mapupunta pala sa iba. Hindi na tuloy niya alam kung paano ulit magsisimula. “BFF, kalma ka lang. Babalik pa tayo sa RCG. Hindi pwedeng makita ka nilang ganyan. Mamaya mo na lang iiyak ang lahat, ha? Mag-iinom tayo mamayang gabi! Treat ko!” sabi ni Lenie. “Lenie, kaya ko rin namang mabuntis, ‘di ba? Bakit hindi na lang ako ang binuntis niya? Sa iba pa talaga! Tapos, sabi niya tatlong buwan na raw ‘yong bata sa tiyan, eh dalawang buwan pa lang kaming hindi nagkakaintindihan!” sabi ni Zyra, ni hindi pinansin ang sinabi ni Lenie. “Alam mo, hindi ko rin iyan masagot. Noong niloko ako ni Dexter, nawala rin ako sa sarili. Feeling ko, may kulang sa akin. Iyon pala, hindi lang talaga siya marunong makuntento,” sagot ni Lenie. “Hay. naku. Buti na lang talaga dahil may Alexis Ramirez na sumalo sa iyo. Ako, kailan kaya? Wala naman sigurong bilyonaryo na magkakamali sa akin,” sagot ni Zyra, natatawa pa. Alam ni Lenie na sobrang hirap noon para sa kaibigan. Bukod kasi sa engaged na ito kay Jeremy ay buntis pa ‘yong babaeng pinalit sa kanya. Sobrang bigat talaga ng sitwasyon ni Zyra. Pagbalik nila sa RCG ay inayos ni Zyra ang kanyang sarili. Ayaw din naman kasi niya na maging topic ng mga chismosa roon. Sinabihan niya si Lenie na kung maaari ay huwag na sanang kumalat pa kung ano man ang nangyari roon sa coffee shop.Dahil nga inis na inis si Cynthia kay Vilma ay nag-isip ito ng magandang plano laban kay Vilma. Sasarilinin dapat niya iyon pero naisip niya na kung siya lang ang gagawa nito ay hindi niya kakayanin. Agad niyang sinabi kay Leo ang kanyang balak. Noong una pa ay ayaw ni Leo dahil binigyan nga siya ni Vilma ng pagkakataon para makapag-aral sa magandang eskwelahan. Pero, pinilit pa rin ni Cynthia ang kanyang anak dahil sa sobrang galit na kanyang nararamdaman kay Vilma. "Seryoso ba kayo, nay? Parang ang hirap naman po ng gusto niyong mangyari. Isa pa, ang bait sa akin ni Tita Vilma. Parang hindi ko naman kaya 'yan." "Aba, at ikaw pa ang nagiging mabait sa kanya ngayon? Bakit? Hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang magkapera tayo? O, ito na. Gagawin na natin. Okay lang ‘yon, mayaman naman sila. Tiyak na makakabili ulit sila ng panibagong alahas kapag nagnakaw na tayo sa kanila,” sagot ni Cynthia, todo ngiti pa sa kanyang anak. “Pero nay, magnanakaw talaga tayo sa kanila? Paano ku
Agad na kinausap ni Zyra ang kanyang ina pagkatapos ng awayan noong dalawa. Hindi na nga natapos ang kanilang pagkain dahil nawalan na sila ng gana. "Nay, ano? Hindi na ba talaga kayo magiging maayos ni Tita Vilma? Sa tuwing magkikita ba kayo ay mag-aaway na lang kayo? Nay, paalala ko lang, kayo po ang sumama kay Gaustav noon at nagsabing gusto niyo pong tumira rito, hindi po ba?" Ramdam na ramdam ni Cynthia ang galit ng kanyang anak sa bawat salitang binitawan nito. Hindi niya alam kung maiinis siya o masasaktan dahil sa sinabi ni Zyra. "Paano ba naman kasi, mapapel 'yang Vilma na iyan eh! Nananahimik ako tapos kung anu-ano ang sasabihin? Hindi tuloy ako nakakain ng maayos dahil sa kanya. Nakakainis!" sagot ni Cynthia, walang pakialam sa sinabi ng anak kanina. "Nay, kahit ganoon po siya, hindi mo naman kailangan na itulak siya palayo. Siya pa rin po ang may ari nitong mansion kaya please, respetuhin niyo po siya, kahit para sa akin na lang po, nay," may lungkot sa mga mata ni
Simula noon ay nagpapaligsahan na sina Vilma at Cynthia sa harapan ni Zyra. Kung ano ang gusto ng dalaga ay binibigay nila kaya litong-lito na si Zyra kung ano ang nangyayari sa kanila. "Ito, Zyra. Baka gusto mo. Masarap 'to, luto ito ni Yaya Frida. Pinaluto ko ito para talaga sa'yo," nakangiting sabi ni Vilma. Ngumiti naman si Zyra sa kanya. Sobrang thankful niya kay Vilma pero may lungkot sa mga mata ni Zyra dahil naisip niya na baka magselos si Cynthia kapag nalaman na todo ang effort ni Vilma sa kanya. "Thank you po, Tita ha? Don't worry po, kakainin ko ito. Mukha pong masarap, sure ako mauubos natin ito," nakangiting sagot ni Zyra. Agad niyang chineck kung lumabas na ba si Cynthia sa guest room. Nang makita niyang wala ay masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na niluto ni Yaya Frida. Nang tikman na nga ni Zyra ang ulam ay naging masaya siya. Masarap ang niluto ni Yaya Frida. "Hala, oo nga po 'no? Ang sarap pala talaga magluto ni Yaya Frida. Salamat po dito ah," nakan
Nang makauwi na sila ay hinintay ni Vilma na makapunta sa kwarto si Cynthia. Gusto kasi niyang kausapin si Zyra tungkol sa pagsisinungaling niya roon kanina sa school. "Zyra, pwede ba tayong mag-usap? Gusto ko lang sanang magpaliwanag kung bakit ko ginawa 'yong kanina. Kung okay lang?" hindi makatingin ng deretso si Vilma kay Zyra dahil nahihiya siya. "Ah, actually, gusto ko na nga rin po kayong makausap tungkol doon. Aaminin ko po, hindi ko rin nagustuhan ang sinabi niyo pero umaasa po ako na may dahilan kayo kung bakit ganoon po ang ginawa niyo kanina." Umupo si Zyra sa sofa at sumunod naman si Vilma sa kanya. Ilang minuto pa silang naging tahimik bago tuluyang magsalita ni Vilma. "Zyra, I'm really sorry. Ginawa ko lang naman iuon dahil alam kong hindi makakapasok si Leo kapag hindi ako nagsinungaling. Alam mo na, I have to use my connections para maayos natin ang requirements niya. Kaya iyon, naisip ko na magpanggap na ako ang nanay ni Leo." Tumango-tango naman si Zyra,
Napatigil sina Cynthia at Leo. Napangiti naman ang binatilyo dahil sa totoo lang ay gusto niya talaga na roon pumasok. Ayaw na niyang bumalik sa dati nilang buhay. Nang lumapit na si Vilma sa kanila ay agad nitong tinanong kung ano ba ang naging problema nila. "Ano bang problema rito? Naririndi ako sa sigawan niyo," inis na sagot ni Vilma. "Mrs. Ramos, sinabi po kasi niya na siya po ang nanay noong enrollee. Mukhang yaya naman po siya," sagot noong babae. Sa isip-isip ni Vilma ay gusto na niyang matawa dahil sa narinig. Tiningnan niya si Cynthia, mukha nga naman itong yaya sa suot nito. "I'm his mother. Totoo, yaya talaga siya ng anak ko," sabi ni Vilma kaya nanlaki ang mga mata ng lahat. Hindi makapaniwala sa kanilang narinig. Muli na naman tuloy nag alburoto si Cynthia. Alam niyang iniinis talaga siya ni Vilma. Kaya, hindi niya napigilan ang kanyang sarili. "Vilma, ano bang sinasabi mo? Alam natin na anak ko ito! Palibhasa, mayaman ka kaya ang lakas ng loob mo na gawi
Umalis na nga sila papunta sa magiging bagong school ni Leo. Ang buong akala ni Cynthia ay siya lang ang kasama pero nagulat siya nang makitang pati si Vilma ay sumakay ng kotse. Hindi tuloy niya naiwasang hindi magtanong sa anak kung bakit pati si Vilma ay nandoon. "Zyra, talaga bang pati siya ay kasama? Akala ko, tayo lang tatlo ni Leo ang pupunta roon?" Sasagot na sana si Zyra pero dahil narinig iyon ni Vilma ay siya na lang ang sumagot. "Ah, balae, sasama ako sa inyo para mas madali ang process ni Leo sa bago niyang school. Kaibigan ko kasi ang head doon, baka makatulong ako." Kumunot naman agad ang noo ni Cynthia. Balae? Paano naman naging balae ang tawag ng ginang kay Cynthia e hindi pa nga ito kasal kay Gaustav? "Balae? Hindi pa naman kasal ang mga anak natin, hindi ba?" sabi ni Vilma, hindi na niya napigilan ang kanyang sarili sa pagtatanong. "Ah, balae na ang itatawag ko dahil ikakasal naman ang mga bata. Hindi nga lang ngayon pero in the future. Pwede naman sig
Makaraan ang ilang linggo, dahil nga hindi na pumasok sa RCG ay dinalaw na lang siya ni Lenie sa mansion. Pinagbuksan siya ng gate ni Yaya Frida kaya tinanong na rin niya rito kung nasaan si Zyra. "Ay, Yaya Frida, nasaan po pala si Zyra? Pakisabi naman po na dumalaw ako sa kanya." "Sige po, pasok po muna kayo at umupo rito. Nasa kwarto pa si Zyra, nag-aayos. Aalis po yata sila mamaya," sagot naman ni Yaya Frida. Tumango na lang siya. Pagkapanhik ni Yaya Frida ay naiwan si Lenie sa living room. Pagkaraan ng ilang minuto ay nagulat na lang si Lenie nang makita si Cynthia sa mansion. Kakalabas lang nito sa guest room. "O, Aling Cynthia. Nandito na po pala kayo. Ibig sabihin, okay na po kayo ni Zyra?" tanong ni Lenie, kumunot agad ang noo ng matanda. Nagtaka tuloy si Lenie at napatanong sa kanyang sarili. 'May nasabi ba akong masama?'
Pagkatapos makipag-usap ni Cynthia kay Zyra ay bumalik na ulit siya sa guest room at kwinento kay Leo kung ano ang pinag-usapan nila ng kanyang panganay na anak."Hay naku, ang bilis naman pala niyang mapaniwala. Konting yakap lang, konting luha, okay na agad siya. Naniwala na agad na okay kami. Ano ba namang klaseng mga tao 'to?" natatawa pa si Cynthia pagkatapos sabihin iyon."Sabi ko naman sa'yo nay, konting lambing mo lang ang kailangan ni Ate Zyra. Titiklop agad iyan. Kaya, umarte lang tayo nang umarte, ha? Sigurado ako, maniniwala siya na okay na talaga tayo sa kanya. Kunwari, mabait pero may ibang pakay pala," natatawang sagot ni Leo."Kunwari? E, mabait naman talaga ako. Sadyang nainis lang talaga ako sa Ate Zyra mo. Hindi sumusunod sa akin. Kung sumusunod naman siya, hindi ko na sana siya peperahan pa. Wala, eh. Makulit siya!" sagot naman ni Cynthia."Nay, kalma ka lang. Ibaba mo ng konti ang boses mo at baka marinig ka nila. Sige
Pagkatapos kumain mg merienda ay agad na kinausap ni Zyra si Gaustav. Hindi pa rin rumerehistro sa utak niya na nasa mansion na ang kanyang ina at kapatid. "Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ang buong akala ko, bibisita lang sila sa akin, tapos malalaman ko ngayon na rito na sila titira? Aba, ibang klase ka rin naman kung magdesisyon!" sabi ni Zyra pagpasok nila sa kanyang kwarto. "Zyra, pwede bang tanggapin mo na lang? Kahit ako, nagulat din sa naging desisyon nila eh. Pero, ano bang magagawa ko? Gusto nilang sumama sa akin at tumira raw dito," may inis na rin ang boses ni Gaustav. "Okay sana kung totoo ang intensyon nila sa akin. Pero, sa nakita ko kanina? Parang may mali eh. Hindi ko pa alam kung ano iyon pero ramdam ko, may mali talaga," sagot naman ni Zyra. Hindi na maintindihan ni G
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments