Share

CHAPTER THREE

Author: AmiorGracia
last update Last Updated: 2021-10-29 09:21:09

ISLA’S POV

“Excuse me po?” Napabitaw ako sa yakap kay Adam nang tawagin ako ng nurse na tumingin kay Papa. Hindi na ako umiiyak pero ramdam ko ang bigat at pamumugto ng dalawang mata ko. 

“Papirma na lang po ito Miss.” Inabot niya sa akin ang papel na hawak niya. Bakit ba atat na ata ang mga tao na ito sa bayad? Oo, mahirap kami pero hindi naman kami tatakbo! Kita na nilang may nag-aagaw buhay pera pa rin iniisip nila! Tinignan ko siya ng matalim na tingin at pahablot na kinuha ang inaanot niyang papel. Muntik na akong matumba sa laki ng babayaran! Pero pera lang ito, mas importante pa rin si Papa. Kung kinakailangan kong ibenta itong katawan ko para makabayad ay gagawin ko! Pinirmahan ko ang papel. 

“Ano pa?” tanong ko sa nurse na halatang kabado. Malamang nakita niya iyong ginawa ko kanina sa kasama niyang nurse. Umiling siya at saka umalis. 

Martin Hospital ang pangalan ng hospital, ito iyong isa sa pinakasikat na hospital dito malapit sa amin. Napakalaki ng bill! Napasabunot ako sa buhok ko. Feeling ko ay mababaliw na ako sa kakaisip. Naalala ko ang kalagayan ni Mama. Potek naman! 

“Adam, may gagawin ka ba? Pwede bang dito ka muna? Pupuntahan ko lang si Mama at bibilinan ko lang ang mga kapatid ko.” Tumayo siya sa bench na nasa sa labas ng operation room. Inayos niya ang nagulong salamin at saka tumango-tango. 

“O-oo, ayos lang. Wala pa naman akong gagawin. Mag-iingat ka.” sabi niya. Nagpasalamat ako at saka umalis. Ngayon ako pinaka kailangan ng pamilya ko kaya hindi ako pwedeng maging mahina ngayon. Tinawagan ko si Sasa para sabihin ang nangyari. 

“Syet! Kaya ka pala nawala. Oh, sige! Ako na bahala sa mga professors natin.” Ramdam ko ang lungkot at awa sa kanyang tono. 

“Hindi ko alam kung saan ako magnanakaw ng pera.” 

“Sira ulo ka ba?! Sasama ako! Hindi pwedeng ikaw lang ang makukulong kung sakali ‘no! Dapat kasama rin ako. Aba! ‘Till death do us part na ito, bakla!” Kaya willing akong ipagtanggol siya sa lahat ng nambabastos sa kanya dahil alam ko na kapag sa akin nangyari iyon ay ganoon din ang gagawin niya. Maswerte pa rin ako dahil kahit papaano ay mayroon akong mga kaibigan na pwede kong takbuhan anytime. 

“Biro lang! Mas sira ulo ka, Sasa,” sabi ko sa kanya na ikinatawa niya. 

“Siya nga pala, akin na iyang plates mo. Patapos mo naman ‘di ba? Ako na magtatapos at magpapasa.” Nagpasalamat ako at sinabi ko na idadaan ko na lang mamaya. 

Kakababa ko ng Jeep at naglakad na ako papunta sa bahay namin. Makipot ang daan, maraming mga tambay sa labas pero mababait naman sila kahit papaano. Mas mababait pa sila kaysa sa mga mayayaman na nakapagtapos ng pag-aaral! Kami-kami lang naman ang nagdadamayan at nagkakaintindihan dito. 

“Hoy, Isla!” Napatingin ako sa likod ko nang may tumawag sa akin, si Apeng pero mas kilala sa pangalang Sweetie. Bakla siya at isa siyang bugaw. 

“Ano? Napag-isipan mo na ba iyong inaalok ko sa iyo? Sayang ang ganda ng mukha at katawan mo kung hindi mo rin naman pakikinabangan. Sigurado akong malaki ang kikitain mo!” Napaubo ako sa pagbugso niya ng usok ng sigarilyo sa mukha ko. 

“Oh! Ito, calling card at address nang sinasabi ko sa iyo. Puntahan mo na lang ako doon kung magbago man ang isip mo.” Tinitigan ko ang maliit na papel sa kamay ko. Nilukot ko at nilagay sa bulsa ng pantalon ko. 

Pinagluto ko ng pagkain ang mga kapatid ko para mamayang pag-uwi nila ay mayroon na silang kakainin. Nag-iwan na lang ako ng sulat kasi pupuntahan ko pa si Mama sa presinto at ibibigay ko ito ng pagkain na niluto ko. Hindi ko nga alam kung paano ko siya haharapin nang hindi naawa. 

Sumakay ulit ako ng Jeep para makarating sa presinto. Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok. Nagtanong ako sa pulis na nasa harap.

“Isla! Anak!” Napatingin ako nang bigla akong tawagin ni Mama. Nagpasalamat ako sa pulis at lumapit sa kulungan. 

“Anong ginagawa mo rito? Kamusta ang Papa mo? Gising na ba siya? Pauwi na rin ba siya? Kasama mo ba?” sunod-sunod na tanong ni Mama habang nakatingin sa likod ko, kung saan aako pumasok kanina. 

“Hi-hindi, ‘Ma. Nasa operasyon pa lang po si Papa pero huwag po kayong mag-alala dahil sisiguraduhin naman daw po ng Doctor na maayos si Papa,” sabi ko. Napatigil siya sa sinabi ko. 

“Ga-gano’n ba? Ah, ‘di bale anak at maghahanap ako ng paraan para makalabas agad dito.” Napa-iwas ako ng tingin sa sinabi ni Mama. Alam naman namin na imposible pa iyon. 

“Pa-pasensya ka na, anak. Wala man lang akong magawa, dumagdag pa ako sa iisipin mo.” 

“Ano ka ba, ‘Ma! Huwag kayong mag-alala, ilalabas ko po kayo dito. Ako pa ba? Konting tiis lang po ‘Ma.”

“Unahin mo ang Papa mo, anak. Ayos lang naman ako dito… muna.”

“Ako na po bahala. Ito pala ‘Ma, pinagluto kita.” Pag-iiba ko ng usapan. Inabot ko ang supot na dala ko na may laman na baunan. Nagpasalamat siya sa akin at nagawa pang ngumiti. Mas lalo akong nadudurog. Pinaikot ko ang paningin ko sa mga kasama niya habang abala siya sa pagkain na binigay ko. Naghalo ang mga babae at lalaki sa loob. Hindi pwedeng magtagal si Mama dito, hindi ko siya kayang tignan at isipin na dito siya magpapalipas ng ilang araw… o buwan. 

Dumaan ako sa tinutuluyan ni Sasa at iniwan ang plates ko. Wala pa siya dahil hindi pa tapos ang klase namin. May duplicate rin ako ng susi niya dahil welcome raw ako kahit kailan ko gustong pumunta rito. Mag-isa lang siya rito sa apartment niya dahil nasa ibang bansa ang mga magulang niya. Hiwalay na pero suportado naman nila parehas si Sasa. Napangiti ako nang makita ang malaking larawan namin na naka-display sa loob ng kwarto niya. 

Sabi niya ay ako lang daw ang nakatagl at nakatiis sa ugali niya. May mga naging kaibigan na raw siya noon pero lahat sila ay iniwan siya at niloko. Nalaman niya kasi na kasama ng ex niya at mga kaibigan niya noon ang nagpakalat ng video scandal nila. Wala rin naman na akong naging ibang kaibigan bukod kay Adam. Nag-iwan din ako ng sulat at idinikit sa refrigerator niya. 

Bumalik na ako sa hospital pagkatapos ko kay Mama. Pagdating ko ay may kausap na Doctor si Adam. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Nag-alala naman ako dahil baka may nangyari na kay Papa. 

“Adam! Anong nangyari?!” 

“Isla?!” Gulat na tanong niya. “Kanina ka pa ba?” 

“Hindi, bakit may nangyari ba kay Papa?”

“Ah, wala. May sinabi lang si… Doc.” Napahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Napatingin ako kay Doc. Gwapo, malaki ang katawan at maganda ang kanyang mukha. Mukha lang siyang mas matanda sa amin ng dalawang taon. 

“Sige, mauna na ako.” Nagpaalam siya at saka kami tinalikuran. 

Nagpaalam na rin si Adam na aalis dahil kailangan na raw siya ni Tita Amy. 

Kinapa ko ang bulsa ko, balak ko sanang bilangin iyong natirang pera ko. Napatitig na naman ako sa nilukot kong papel kanina na bigay ni Sweetie. 

Lumingon ako sa dulo ng hallway kung nasaan ang rebulto. Pakiramdam ko ay ako ang tinitignan Niya at alam Niya na ang balak kong gawin at sinasabi niyang hindi tama ang binabalak ko. 

Hindi bale na, wala na akong alam na ibang paraan. Kayo na ang bahala sa amin at sa akin. Tumulo ang aking mga luha. Ayos lang sa akin na ako ang magdusa. Huwag lang sila, kakayanin ko ang lahat ng hirap at… kahihiyan maging maayos lang ang lagay nila. 

Hindi ko naman kailangang maging tama at mabuti sa paningin ng ibang tao. At hindi ko rin kailangan ang kung anong tingin sa akin ng mga tao. Ang importante sa akin ngayon ay ang buhay ni Papa at makalabas si Mama. Nakapagdesisyon na ako, alam kong hindi magugustuhan ng mga magulang ko pero ito na lang ang paraang alam ko. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER SEVENTY

    ISLA’S POV“Sh*t.”Ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan kong iminulat ‘yong mga mata ko at napansin kong wala ako sa kwarto ko, hindi rin pamilyar sa akin ‘yong lugar. Na saan ba ako?Nagulantang ako nang luminaw ang paningin ko. “Anak ka ng tatay mo, Isla. Nasaan ako? May kumidnap na naman ba sa akin?”Bakit wala akong maalala. Nagulo ko ‘yong buhok ko at pilit na inaalala ‘yong nangyari kagabi. Ang huling naalala ko ay ‘yong pinipilit ko si Adam na umalis na kami sa party.Oh my god! Nabaliktad ba? Nalasing ako? Ngayon na lang ulit ako nalasing! Nakakahiya na naman mga nagawa ko! Napasapo ako sa noo ko.Napatingin ako sa katawan ko at iba na rin ‘yong suot ko, hindi na ako na-long dress.“Good morning.” Halos mapatalon ako nang ma

  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER SIXTY-NINE

    ISLA’S POV“Napakaganda mo, anak. Kamukhang-kamukha mo ang Mama noon. Kaya nga niya ako nakuha eh.” Natawa ako sa pagbibiro ni Papa. Nandito siya sa loob ng kwarto ko ngayon. Nagbibihis na ako para sa party ko mamaya. Birthday party at celebration daw dahil sap ag-uwi ko.Nasa hotel na ‘yong mga bisita.Napangiti ako sa pagbibiro ni Papa. Look at their love. Kung hanggang saan inabot ng kanilang pagmamahal sa isa’t-isa. They fought for it kahit na sobrang hirap ng mga pinagdaan nilang dalawa. They stayed strong and still in love with each other.They deserved each other.May binuksan siyang isang maliit na box at pinakita niya sa akin ‘yong laman. “Sa wakas, anak. Kaya ka ng bilihan ni Papa ng mga ganitong alahas na babagay sa ‘yo. Late man pero at least, ‘di ba?”I

  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER SIXTY-EIGHT [PART 3]

    ISLA'S POV"Anong sabi mo? Ulitin mo nga 'yong sinabi mo," muling sabi mo ni Sasa sa akin kasabay ngmalakas niyang tawa. Kanina pa siya tawa nang tawa. Kwinento ko 'yong nangyari kanina saamin ni Adam pati na rin 'yong tungkol sa kanila ni Amiah.Wala naman akong sinabing nakakatawa para tawanan niya ng ganito kalakas.Sinamaan ko siya ng tingin. Iniwan niya na nga ako kanina. Tsk. Kasalanan niya talaga 'to.Kanina ko pa sinasabunutan 'tong buhok ko sa tuwing maaalala ko 'yong nagawa ko. Hindi koalam 'yong ginagawa ko kanina.Naitulak ko suya pagkatapos ng nangyari at saka ako nagmadaling umalis sa loob ng opisinaniya nang pulang-pula ang mukha ko."Oh my god, that is so funny!" Muli ko siyang binigyan nang matalim na tingin. Nilagok ko 'yong alak ko at tumayo. Iniwan ko siya sa counter.Uuwi na ako. Hindi ako pwedeng mag-inom nang madami dahil bukas na

  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER SIXTY-EIGHT [PART 2]

    ISLA’S POV“Ithiel baby, come here muna. Daddy has a meeting, baby. He needs to work, anak,” malumanay na usal ni Amiah sa bata na para bang maiintindihan naman no’ng bata.Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan si Amiah habang sa ibang direksiyon siya nakatingin. She cut her hair short, she looks so matured. Kung hindi mo siya kilala ay hindi mo maiisip ‘yong ginawa niya sa akin noon… sa amin rather.Kahit sa maikling panahon ko pa lang siya ulit nakikita ay ramdam ko na ang kakaibang aura niya sa noon at ngayon. Ibang-iba na siya. Kita ko rin ang labis na pagmamahal niya sa anak niya.Napanguso ‘yong bata at kumurap ng ilang beses, tila nagpapa-cute sa kaniyang ina, na hindi ko naman maitatangging cute talaga.Kita ko na may binulong si Adam sa bata na ikinalaki at ikinalawak ng mga ngiti nito.

  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER SIXTY-EIGHT [PART 1]

    ISLA’S POVFLASHBACKS.“How’s Mr. Martin, Architect Davina? He bought my company in a great deal. He tripled the price. I don’t even know why he was so very interested at my company,” kibit balikat niyang usal sa akin nang makabaw ako sa pagkakatulala sa kanilang dalawa nang mapapangasawa niya. “Excuse me?”Anong sabi niya? Mr. Martin? Sinong Mr. martin ‘yong tinutukoy niya? Iisang tao lang ‘yong kilala ko. Iisang tao lang din ba kami ng iniisip?“Yes, he is your new CEO, Sir Adam. So how is he?” tanong niya ulit na mas nagpanginig sa akin. Siya ang bumili ng kompanyang pinagtatrabahuan ko?Nagkunwari akong alam ko ‘yong sinasabi niya hanggang sa matapos kami at nagpaalam na rin ako.

  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER SIXTY-SEVEN [PART 3]

    ISLA’S POVNagulat siya na makita ako pero mas nagulat ako sa mga nasasaksihan ko. Hindi ko talaga inaasahan ‘to. Matagal pa kaming nagkatitigan bago ako napalingon sa batang lalaking hawak na ngayon ni Adam.Hindi maikakailang anak ito ni Amiah, kamukhang-kamukha niya ang batang lalaki.Sa akin nakatingin si Adam, mariin ang pagkakatitig niya. Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, wala akong maintindihan.Malinaw kong narinig ang tinawag sa kaniya ng batang lalaki kanina. Daddy?Napakurap muna ako ng ilang beses bago ako tuluyang makabawi sa pagkakatulala sa kanila. Kusang nag-iwas ang mga mata ko at kusa ring kumilos ang mga kamay ko para kunin ‘yong mga gamit ko. Nagpaalam ako sa kanila at tuluyan na nga akong lumabas sa loob ng kaniyang opisina.Nagmadali akong lumayo sa kanila nang mari

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status