Share

Chapter Five

“Nakakatuwa naman ‘to. Alam mo bang hobby ko na magluto?” natutuwang sabi ni Sienna habang pinapasunod ako sa kaniya papunta sa kusina.

Napairap ako, nang saglit niya akong lingunin ay ngumiti ako tinaas ang dalawang kilay. “I’d like to have some cooking tips from you.”

“So did you read the contract?” She clapped her hands and spun around to face me with a huge smile on her lips.

I closed my eyes happily when I nodded. “Should have read it last night though.”

“Magaling makipag-deal si Master, sisiguraduhin niya talaga na nagiging patas siya sa’tin. Hindi ka talaga makaka-hindi sa kaniya.” She walked backwards as we entered a different room. “So ito nga pala ang kusina, alam kong napakita ko na sa’yo ‘to kahapon pero gusto kong ipakita ulit kung paano gumawi rito.”

For the second time, I roamed my eyes around the wide room and tall ceiling. I remember the kitchen being different from the whole house, the atmosphere here felt different from the other rooms. The design was very modern as well, it was an all-white kitchen except for the black kitchen islands. The floor was wood-tiled, the quartz countertop shimmered and there were floating shelves everywhere.

The cabinets were paired with modern hardware and a touch of an open shelving. There were inside plants displayed everywhere that brought light into the place. All kitchen appliances were present like the refrigerator, coffee maker and oversized stovetop. Similar to the other rooms, there was also a chandelier and more lights on the ceiling.

Iba ang ihip ng hangin sa silid na ito, sobrang bango rin at tila may pagka-feminine.

“Alam mo bang ako nagdesisyon kung paano idisenyo ang kusinang ‘to?” Nagtungo siya sa mga umiikot na stools at kumapit sa backrest nito. “Master Zaccheus let me design this, sabi niya ako raw masusunod palagi rito kasi sa’kin daw ‘to.”

Nagkibit-balikat ako, pumasok ako sa loob ng kitchen island. “Well, it’ll be mine now.”

“Okay lang sa’kin na i-share ko sa’yo ang kusina ko. Magiging asawa ka naman ni Master Zaccheus eh.”

I tried not to cringe, I pushed my hands inside the pockets of my dress. Pinaglaruan ko sa loob ng kanang bulsa ko ang maliit na bote ng drogang binigay sa akin ni Adam.

“’Diba nasabi ko naman na hindi ako marunong magluto, ‘diba?” Sumandal ako sa counter. “Pwede ba ‘kong humingi ng pabor at tulungan mo ‘ko?”

“Oo naman, Mildred.”

“But I want the other maids to join me for breakfast, including you.”

Here goes nothing…

I withdrew my hands from my pockets, I played with the tip of my hair that was draped over my right shoulder. I darted my eyes around the room to made it seem like I’m asking for her permission shyly.

“Masyadong mabilis lang ‘yong mga pangyayari. I don’t like this life but I really like what the contract is in for me. All my life I’ve been a sex worker, I don’t know anything about being a wife. Kaya gusto kong matutong magluto, gusto ko nang magsanay ngayon pa lang. And I want to get along with everyone else here.”

“Baka magalit si Master, Mildred. Para kasing ang panget na sumabay kami sa’yo na kumain, fiancé ka na niya kaya parang amo ka na rin namin.”

“I will talk it out with him. Do you have a phone?”

Nagtataka siyang tumango.

“Meron ka bang number niya?”

“Oo, pero—”

“Kakausapin ko lang namam s’ya, Sienna. I have to borrow your phone because I didn’t bring mine. Wala akong saplot na dumating ‘dito, para lang ipaalam ko sa’yo.”

Nagpakawala siya ng buntong hininga, tumango siya at saka kinuha ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. Lumapit siya sa akin at inabot ito.

How the fuck did she afford this kind of phone?

I shook my head and dismissed the thought at the back of my head. I went to her contacts, I found Zaccheus name too damn fast. I knew his caller name would be ‘Master’ here.

“Yes?” He picked up after four rings.

“I’m disappointed in you, my hubby. I thought you’ll be watching my move sa CCTV.” I twirled the strand of my hair around my forefinger.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa kabilang linya. “Mildred.”

“That’s my name,” I sang. “Can your maids join me for breakfast? Or maybe pati na rin ‘yong mga ibang tauhan mo na nakabantay sa labas? Sienna will help me to cook, gusto kong ipatikim sa kanila ang lulutuin ko.” Nasa biyahe pa lang siguro ito dahil parang may tunog ng sasakyan na umaandar sa background.

“Leave the guards alone, just the maids. Better make sure they’ll be back in their post after. I will be watching.”

“Sure, sure,” I rolled my eyes. I looked around the room to look for the camera, I found it sticking at the corner of the ceiling. “Are you watching now?”

“Don’t burn the kitchen down,” he awarned. I’ll take that as a yes then.

Ngumiti ako at kumaway sa camera. “By the way, ayoko ng mga damit sa closet ko. Hindi ako mahilig sa mga bestida, at saka need ko ring ng phone dahil mabilis akong mabored.”

“What else do you need?”

“Oh, and lots and lots of condoms, too! Just in case we’ll need it, you know,” nagbiro ako. “So iyon lang naman.” Pagkabilang ko ng tatlong segundo ay tinaas ko ang gitnang daliri ko at nilabas ang dila ko para asarin siya. Pinatay ko na ang tawag at binalik kay Sienna ang susyal niyang cellphone.

“Sa tingin mo ba bibilhan ako ni Zaccheus ng ganiyang klaseng phone? Do you think he'll spoil me?” tanong ko kay Sienna.

Nanliit ang mga mata niya. “Pinakyuhan mo siya, baka hindi na.”

Loka-loka akong tumawa at iaang beses na pumalakpak. Sa totoo lang ay hindi ko gusto na nagluluto at gumagawa ng mga gawaing bahay. Wala akong hilig sa mga ganoong bagay.

And another naked truth. I never read the contract.

“Let’s start now. Can you suggest a dish na pwedeng lutuin? Filipino dish lang sana saka yung madaling lutuin. ” Pinagpatuloy ko ang pakikipag-plastikan.

“Tapos na tayo! Hihintayin nalang nating maluto.” Hinubad ni Sienna ang apron sa katawan niya, ginaya ko siya at sabay naming sinabit ito sa rack na nakadikit sa pader.

“Mabilis lang bang maluto ‘to?”

“Mabilis lang naman, mahigit limang minuto lang,” sagot niya.

“Sienna, pwede bang pakitawag na ang lahat para tulungan tayong makapaghanda na sa lamesa?”

“Sige, babalik ako agad,” tuman niya ay lumabas na ng kusina. Hinintay ko siya na mawala sa paningin ko bago lapitan ang niluluto sa stove, binunot ko sa bulsa ang maliit na bote ng droga.

Hindi ko alam kung nanunuod pa ba si Zaccheus, sinigurado ko na tinatakpan ng katawan ko ang ginagawa ko. Binuksan ko ang takip at binuhos lahat ang laman ng bote sa niluluto. Inabot ko ang sandok at ginamit ito bilang panghalo sa niluluto.

Kunwari akong sumandok, binalik ko ang takip ng niluluto at tumabi na. Sumulyap ako sa CCTV at kunwari na hinihigop ang sabaw sa sandok sakaling nanunuod man si Zaccheus. Saka ko ito binaba at dumaan sa basurahan para itapon ang walang laman at maliit na bote. Umupo ako sa stool at matiyagang hinintay si Sienna na makabalik.

I needed this to work out, there was a slight guilt inside me for lying and toying with Sienna. I enjoyed her company while it lasted since she appeared like a nice and genuine person. But that's all there is to it. Despite her kindness, I couldn't find it in myself to want to stay and tolerate the life offered for me here.

I disliked Zaccheus, I’ve only stayed here for two days and I hadn’t interacted with him much. Hindi ko pa siya kilala at ayoko siyang makilala. Sapat na ang mga rumors na narinig ko tungkol sa kaniya para mag-alala ako para sa sarili ko at gustuhin ko na makatakas. Isa pa ay hindi ko gusto ang ganitong klaseng buhay, malayo ito sa buhay na ninanais ko.

Ilang minuto pa ay nakabalik na si Sienna kasama ang mga ibang kasambahay na nagtatago sa likuran niya. Ilan sa kaniya ay tila nahihiya, ang iba naman ay matuwid na nakatayo na ultimong pinipilit nila na umakto ng normal sa harapan ko. Totoo ngang alam ng lahat dito kung sino ako, kung hindi ay baka tinrato na ‘ko ng lahat dito na parang basura.

“Hello,” I forced a smile. “Can you guys please help me transfer our breakfast to the dining room?”

Sabay-sabay silang sumagot ng “opo” sabay tango.

“Mauna ka na at magpahinga na muna sa hapag, Mildred. Kami na ang bahala sa paghahanda.”

Sinasabi ng utak ko na tumanggi ngunit hindi na gusto ng katawan ko na gumalaw. Wala talaga akong hilig sa pagluluto, pinilit ko lang ang sarili ko at naging matiyaga. Nakakapagod ding magpanggap kaya pumayag na lamang ako.

Nagtungo ako sa dining room, pinahiran ko ang pawis ko sa noo hindi dahil sa kaba kundi sa pagod. Hinanap ko sa silid ang CCTV camera, mapang-asar ko itong kinawayan at umihip ng halik. Umupo ako sa head seat kung saan ang pwesto ni Zaccheus para asarin pa siya.

Isa-isang inihanda ng mga maids ang mga pagkain sa lamesa. Isang dish lang niluto namin dahil mabagal daw ako kumilos sabi ni Sienna, pero sinigurado niya na kakasya daw ito para sa lahat. Kung tutuusin halos siya lang din ang kumilos, taga-abot lang yata ako ng ingredients.

“Everyone, please take your seats. Join me.” Kinapalan ko ang mukha ko at inaya sila.

Nakakatuwa na napakamasunurin nila. Bukod sa dish na niluto namin ay may iba ring nakalatag sa hapag tulad ng mga prutas, gulay at other breakfast foods like bacons, eggs and more.

Tumikhim ako. “Nagpe-pray pa ba kayo bago kumain o hindi?”

Sienna who’s sitting on my right gave me a look.

I chuckled. “I’ll take that as a no.”

Napailing siya. “Ipaghahain nalang kita, Mildred.” Tumayo siya at pinaghain ako.

I gasped, covering my mouth. She stopped at what she’s doing and looked at me, confused. “May nakalimutan pala ako sa kwarto ko, babalik lang ako saglit.”

“Oh, then we’ll wait for you—"

“No, please, hindi niyo na ‘ko kaylangang hintayin. Ipagpatuloy niyo lang ang pagkain, sandali lang naman ako eh.” I rose up, straightening my dress. “Enjoy!”

I giggled while exiting the dining room, I walked casually to the stairs. When I reached the staircase, I scurried up excitedly and ran to my room. There was no way that Zaccheus was watching, he said he was a busy man and he said he had a business transaction at the port.

Inabot ko ang baril sa ilalim ng kama, pumunta ako sa closet at naghanap ng belt na pwedeng gawing holster. I saw a perfect plain one, I put it inside my dress and wrapped the thing around my right thigh. I pushed it in between my skin and leather belt. I kept looking around the room to make sure there actually weren’t cameras in my bedroom like Zaccheus stated.

At least, he knew what privacy is.

Wala pa rin akong tiwala kay Adam. May pagdududa pa rin ako sa drogang binigay niya sa akin, kung sakaling totoong pampatatulog man ito ay hindi ko alam kung kaylan ang apekto nito.

I stayed inside the room for awhile then exited casually, I walked elegantly down the stairs. I went to the dining room, praying that Adam didn’t lie to me and that was actually a drug.

Once I entered the dining room, all heads of the maids sitting on their seats had fallen on the table. One fell on the floor, her chair stumbled. Sienna on the other hand was standing and holding onto her chair while holding her throat. Her gaze flickered to mine and anger flooded her eyes.

“You…” she whispered in disbelief.

I smiled sweetly, waving and wiggling my fingers. She opened her mouth to speak but she then lost her consciousness soon after and fell on the floor. I went to her and stole her phone, I searched for Adam’s name and called him. Surprisingly, after one ring, he picked up.

“Yes, baby?”

My eyes narrowed. “I’m not Sienna, sorry to disappoint you.”

“Fuck! Mildred?”

“I drugged the maids. Where’s Zaccheus right now? Is he watching?”

“He left me here to deal with the transaction. Fuck, he must be on his way. Get the fuck out of there right now.” Pinatay ko na agad ang tawag, binaba ko ang phone at iniwan ito sa lamesa.

Well, I’m fucked.

Pumunta ako sa kusina at hinanap ang maliit na bote ng droga sa basurahan. Kahit isang patak lang siguro ang kakaylanganin ko.

Lumabas na ako ng mansyon, dalawang guwardya ang nagbabantay sa labas ng gate mula sa kalayuan. Taas ang noo akong naglakad palapit sa ilalim ng tirik na tirik na araw. Pinatakan ko ang daliri ko at saka binitawan ang bote. Nakita ako ng isa at lumapit sa akin, ngumiti ako at sinalubong siya ng halik.

Naramdaman ko siyang nanigas habang patuloy ko siyang hinahalikan. Unti-unti ako humiwalay, dinilat ko ang mga mata ko. Tinitigan ko siya sa mga mata at binaba ito sa labi niya.

I touched his bottom lip with my drug coated finger, I pushed my thumb inside his mouth. I looked at the other guard behind him on the left, his mouth was wide open while watching us.

“I’m bored, Zaccheus doesn’t want to sleep with me.” I pouted, I looked at the man in front of me and pulled my finger away from his mouth. I pushed his chin up to close his lips. “You guys want to have a threesome with me?”

“’Tol, hindi pwede. Magiging asawa ‘yan ni boss, malilintikan tayo.” Pagpipigil sa kaniya ng kasama niya.

“Huwag ka nang KJ, naiinggit ka lang yata eh.” Inirapan ko ito. “Hindi mo ba narinig? I said threesome, kasali ka na duon.”

Tumikhim siya at umiling. “Bumali ka na sa loob, Miss Mildred.”

“You guys are boring,” I moved away from them. “Everyone here is boring.”

“Paano ka nakalabas, Miss Mildred? Binilinan ni boss ang mga katulong na huwag kang palalabasin.”

Binaliwala ko ang turan niya.

“Come on, we can do it somewhere around here. Sandali lang.” Tinaas ko ang dress ko, nakanganga siya habang pinapanood ako.

Bumagsak ang lalaking hinalikan ko sa lapag, wala nang malay. Nilapitan siya ng kasama niya, umupo sa gilid niya at niyugyog ito. Mabilis kong kinuha ang baril sa hita ko at tinapat ito sa kaniya.

Narinig ko siya na nagmura, tiningala niya ako at tangkang kukunin ang baril niya pero kinasa ko ang akin at binaril ang kamay niya. Napasigaw ito sa sakit at napahiga sa lapag habang hawak ang kamay niyang dumudugo.

Pumunta ako sa guard house, may isang makina rito na may mga lever at buttons. Kung ano-ano ang pinindot ko hanggang sa bumukas ang gate, nanatiling nakatutok ang baril ko sa tauhan ni Zaccheus hanggang sa makatakas na ako at kumaripas ng ng takbo.

Walang mga sasakyan na dumadaan sa daanan sa labas ng gate, tumakbo lang ako nang tumakbo at tumitingin sa paligid para maghanap ng mga kabahayan na maaaring pagtaguan pero mga puno lang at patag na damuhan ang makikita.

Sa kalayuan ay may sasakyan ako na nakita, napahinto ako sa pagtakbo at kinilatis nang mabuti ito. Hindi iyon ang sasakyan na ginamit nila Adam paalis ng mansyon, kulay asul din ito at hindi mukhang sasakyan ng mga mayayaman. Nakahinga ako ng maluwag, kumaway ako gamit ang dalawa kong kamay sa ere, ang isa ay may hawak na baril.

“Tulong!” sumigaw ako.

Naging mabagal ang pagtakbo ng kotse, unti-unti itong huminto sa harap ko. Kumapit ako sa dalawang tuhod ko, hingal at pagod na. Bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas ang nagmamay-ari nito.

You got to be kidding me!

“No!” I screamed, raising my gun and pointing it at Zaccheus. Just what the fuck!?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status