Share

CHAPTER SIXTY-FOUR

Author: ChubbyChickk
last update Huling Na-update: 2022-11-05 20:21:59

Olivia

"Buti naman at makakalabas na rin ako sa wakas! Sumakit ang katawan ko dahil sa ilang araw na paghiga ko." Sambit ni Matthew habang iginagalaw ang kaniyang balakang, saka siya umupo sa wheelchair.

Kaya naman niyang maglakad. Sa katunayan nga'y malakas na siya. Para ngang walang nangyari, 'eh, pero bilin kasi ni Daddy Richard na ganito ang gawin kay Matthew. Siguro'y dahil na rin sa pag-aalala kaya ganoon na lang ang pag-aalala niya kahit na sinabi na ni Matthew na maayos na siya.

Habang tulak-tulak no'ng nurse ang wheelchair kung saan nakaupo si Matthew, si Zander naman ay dala-dala ang lahat ng gamit ni Matthew habang ako naman ay naglalakad lamang sa likod nila. Tahimik lamang akong pinakikiramdaman sila hanggang sa mapansin kong pinigilan ni Matthew ang nurse kaya't napahinto ito.

"Olivia," aniya sabay hawak sa kanang kamay ko.

Tiningnan ko lamang siya't hinintay ang kaniyang sasabihin. Hanggang sa ilang sandali pa'y nagsalita na rin siya.

"Puwede bang huwag na akong mag-wh
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rosie Li
good morning kareaders...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Sold for a Billionaire's Son   Chapter One Hundred Twenty: Last Chapter

    Nagpatuloy si Lloyd sa panliligaw niya kay Olivia, kasabay ang unti-unti niyang pagbuo sa kanilang pamilya. Alam ni Lloyd na hindi madaling ibalik ang tiwala ng dati niyang asawa pero handa siyang gawin ang lahat para lamang bumalik ito sa kaniya. Bawat araw, pinaparamdam ni Lloyd kung gaano niya kagustong mabuo sila. Lahat ng alam niyang paraan ay ginagawa niya. Halos araw-araw niyang binibigyan ng bulaklak si Olivia. Araw-araw niya itong niyayayang lumabas at higit sa lahat, bumabawi siya sa kanilang anak. Mas marami nang pasanin si Lloyd. Malaki na ang responsibilidad na pasan pasan niya sa kaniyang balikat. May sarili na siyang pamilya at hawak pa niya ang kanilang kompanya.Pero kaya ito ni Lloyd. Kakayanin niya dahil pinatatag si Lloyd ng mga pagsubok na pinagdaan niya kaya alam niya na kakayanin niya ang lahat. Ngayon pa na bumalik na ang taong hinihintay niya. Ngayon pa na nagkaayos na sila't nagkalapit na ng kapatid niya. Marami na ring nangyari sa pagdaan ng panahon. Noo

  • Sold for a Billionaire's Son   Chapter One Hundred Nineteen

    LloydMakalipas ang tatlong taon...Matapos kong malaman na hindi pala ako ang ama ng dinadala ni Francheska, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Para akong nakahinga ng maluwag.Ginusto kong muling bumalik kay Olivia. Ginusto kong suyuin siya ulit ngunit napag-alaman ko na umalis na pala siya kina Matthew. Umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. Dumating ang pinakamalaking dagok sa buhay ko. Para akong nalulunod sa patong-patong na problema. Hindi ko matanggap na nagawa ni daddy na makipagsabwatan kay Francheska para sirain kami ni Olivia. Hindi ko alam na kinaya niyang lunukin lahat ng sinabi niya laban sa ex-girlfriend ko para lamang sirain kami ng babaeng ipinakasal niya sa akin.Ginusto kong sumuko. Ginusto kong bumitaw na lang at isuko na ang lahat dahil wala na rin namang saysay. Wala na si Olivia. Wala na ang babaeng pinakamamahal ko pero 'yong mga panahong sukong-suko na ako at gusto ko nang bumitaw, pinatatag ako ng pagmamahal ni Matthew para sa akin bilang

  • Sold for a Billionaire's Son   Chapter One Hundred Eighteen

    Olivia"I-I'm sorry, Francheska... p-pero hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang lokohin ang best friend ko. Ang sarili ko. Ang lahat. Kaya magsasalita na ako." Tumikhim si Alex at nakita ko na may pumatak na luha sa mata niya ngunit kaagad niya itong pinunasan."Alex—Alex, please... tell them na si Lloyd nga ang ama ng dinadala ko. Please, Alex, I'm begging you.""No! Tama na ang pagpapanggap. Napapagod na rin ako. Hindi ko na kaya 'tong dalhin pa kaya magsasabi na ako ng totoo. Sasabihin ko na sa kanila ang dapat nilang malaman.""Ano pang hinihintay mo, Alex? Sabihin mo na ang nais naming marinig." Ani Matthew. Tiningnan siya ng masama ni Francheska."Manahimik ka, Matthew. Bakit mo ba pinagpipilitan?""Bakit hindi, Francheska? Niloloko mo ang kapatid ko. Pinagmumukha mo siyang tanga. Alam mo, ang kapal ng mukha mong ipa-ako sa kaniya ang batang hindi naman sa kaniya.""Wala kang alam kaya manahimik ka na lang. For sure naman, sinasabi mo lang 'yan para mapunta sa akin ang sisi. Pali

  • Sold for a Billionaire's Son   CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTEEN

    OliviaKanina pa ako naghihintay dito sa parking lot ng building na pag-aari ng mga Montero. Iniwan kasi ako dito ni Matthew dahil gusto niyang komprontahin ang nakatatandang kapatid niya patungkol sa ginawa nitong pamumwersa sa akin noong nasa resort pa kami. Inawat ko siya at ginusto ko rin namang sumama sa kaniya pero talagang inayawan niya kaya wala akong magawa kung hindi ang maghintay na lamang dito sa sasakyan.Makalipas ang ilan pang minuto, dahil sa labis nang pagkainip ay naisipan ko nang lumabas ng sasakyan. Akmang bababa na sana ako nng biglang dumating si Matthew kaya muli akong bumalik sa loob. "Kumusta? Nakausap mo ba si Lloyd? Anong sabi niya? Humingi man lamang ba siya ng dispensa sa 'yo?" sunod-sunod ang mga tanong ko pero wala ni isa doon ang sinagot ni Matthew. "Matthew, naririnig mo ba ako?!" Dahil nanatili pa ring walang imik si Matthew. Hinampas ko na ng mahina ang braso niya, dahilan para muli siyang makabalik sa ulirat. "Ayos ka lang ba? Kanina pa ako salit

  • Sold for a Billionaire's Son   Chapter One-Hundred-Sixtine

    Chapter 116LloydSa resort kami nagpalipas ng tatlong araw. Sa tatlong araw na iyon, walang oras na hindi ginugulo ni Olivia ang utak ko.Habang abala ako sa paggagawa ng report patungkol sa napag-usapan noong meeting, ramdam kong may pumasok sa pinto ng opisina ko. Paglingon ko, bumungad sa akin si daddy."Kanina ko pa hinahanap si Francheska pero hindi ko siya makita. Nasaan ba siya?""Bakit sa akin mo siya hinahanap, dad? Mukha ba akong tanungan ng nawawalang sekretarya?""Pilosopo ka, ha?! Nasaan na iyong summarize report ng napag-meeting-an sa resort? Inabot ba sa iyo ni Francheska?""Inabot? Hindi naman siya gumawa. Ni hindi nga siya dumadalo sa meetings namin dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi bantayan ako.""Oh, eh nasaan na iyong report?""Tinatapos ko pa, dad. Ilalagay ko na lang sa table mo pagkatapos.""Bilis-bilisan mo ng kaunti ang paggawa niyan dahil kahapon ko pa iyan hinihintay."Hindi na ako sumagot pa kaya tumalikod na si daddy. Ngunit makalipas lamang ang i

  • Sold for a Billionaire's Son   Chapter One Hundred Fifteen

    Olivia"What is going on here?" tanong ko matapos makitang tila nagtatalo si Matthew at si Francheska sa hindi kalayuan.Sabay na lumingon si Matthew at si Francheska at bakas sa kanilang mukha ang labis na gulat."Gabi na, ah?! Bakit nasa labas ka pa rin, Francheska? Hindi mo ba alam na delikado sa buntis ang lumabas kapag gabi? Mag-ingat ka. Baka mapahamak ang baby mo.""H-hindi ko kailangan ng opinyon mo, Olivia. Alam ko ang ginagawa ko kaya pwede ba, manahimik ka na lang?" Inikot niya ang kaniyang mga mata matapos niyang magsalita. Saka siya naglakad paalis at binangga pa ako gamit ang kaniyang balikat. Samantala, pagkaalis na pagkaalis ni Francheska ay nilapitan kaagad ako ni Matthew."Ayos ka lang ba? Bakit ba sumunod ka pa dito sa labas? Tinarayan ka pa tuloy ng babaeng 'yon!""Wala akong pakialam sa kaniya. All I care is her baby. Iniisip ko lang naman iyong bata sa sinapupunan niya." Dahil sa sinabi ko, ngumiti ng pagkalaki-laki si Matthew. "Grabe talaga 'yong ugali mo, ano

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status