Share

Chapter Eighteen

Lloyd

Nang makarating ako sa bahay nina Alex ay natagpuan ko siyang nakaupo sa harapan ng kaniyang bahay habang hawak-hawak ang kaniyang cellphone at nakataas ang kaniyang kaliwang paa. Binusinaan ko pa siya no’n.

Hindi kagaya namin, simple lang buhay na mayroon sina Alex. Noong nag-aaral pa lamang kami ay working student na siya hanggang sa maka-graduate kami ng college. Palagi kaming magkasama sa lahat ng bagay. Kahit na ganito ang estado ng buhay nina Alex, komportable ako na kasama siya at higit sa lahat, alam kong tunay siyang kaibigan.

Tumayo na si Alex at naglakad palapit sa akin. Pinakbuksan ko naman siya ng pinto. Pagkatapos niyang sumakay ay sinabihan niya ako na dumretso sa supermarket hindi kalayuan sa kanilang lugar. Nang makarating kami ay ipinarada ko lang ang kotse ko at saka pumasok sa loob.

Kumuha lang siya siya ng isang basket sa bungad ng supermarket. May bitbit rin siyang listahan at nakalagay kung magkano ang bawat isa no’n.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status