Lloyd
Pagkatapos kong tapusin ang lahat ng mga gawaing binigay sa akin ni Daddy kahapon at idagdag pa ang ‘di matapos-tapos na ‘di mapag-kaunawaan namin ni Francheska’y bigla tuloy sumama ang pakiramdam ko kaya hindi na ako nakauwi pa’t nagpalipas na lang ng gabi kina Francheska.
Hanggang ngayon ay iniinda ko pa rin ang kirot sa ulo ko na hindi naman mawala-wala kahit na uminom pa ako ng gamot.
“Aalis ka na kaagad?” tanong ni Francheska sa akin habang nakatagilid ang pwesto sa kama’t nakalagay ang kaniyang palad sa kaniyang ulo bilang suporta.
“Kailangan ko nang umuwi dahil kapag nalaman ni Daddy na dtto ako nagpalipas ng gabi at hindi sinamahan si Olivia sa pagbabantay sa Daddy niya, baka ako pa ang malintikan kaya mas mabuti na ‘yung nakakasigurado.” Wika ko naman habang kasalukuyang sinusuot ang long-sleeves na white polo ko.
Nang matapos ako sa pagbibihi
LloydPagkatapos kong pagmasdan si Olivia noong mga sandaling iyon ay lalabas na sana ako nang bigla akong nakaramdam na may tumapik sa balikat ko. Dahan-dahan ko iyong nilingon at tumambad sa akin si Daddy na nakatayo sa likod ko. Nakita ko sa gesture niya na nagsasabing lumabas ako kaya dali-dali akong lumabas.Sinabihan niya ako na lumayo kami sa guest room dahil baka makaisto kami kaya’t napag-desisyonan na lang namin na sa opisina na lang niya sa second floor kami mag-usap. Kinakabahan man, lakas loob akong naupo sa harapan ni Daddy kagaya ng sinabi niya.“Wala ka pa rin bang balak magtino, Lloyd? Uwi ba ng matinong asawa ang umuwi ng umaga? For sure galing ka na naman do’n sa exx girlfriend mo.” Aniya habang seryoso ang tingin sa akin.Nagbuntong hininga ako at inihanda ang aking sarili dahil mahabang pakikipag-usap na naman ang aking haharapin sa pagitan namin ni Daddy.“alam ko na inii
OliviaNagising ako mula sa aking pagkakahimbing dahil sa hindi malaman na dahilan. Hindi ko alam kung bakit pagkamulat na pagkamulat ko ng aking mga mata’y kaagad kong ibinaling ang tingin sa pintuan. Para bang may nagmamasid sa akin kahit na wala naman.Kaya’t kaagad akong tumayo mula sa aking kinauupuan at lumabas ng kwarto upang tingnan kung mayroon nga bang tao ngunit wala naman. Paglabas na paglabas ko pa lang nang kwarto’y rinig na rinig ko ang padabog na pagsasarado ng pintuan sa office ni Daddy Richard sa second floor at nakita kong si Lloyd ang nagsara noon.Bakit kaya tila mainit ang ulong nilisan ni Lloyd ang opisina ni Daddy Richard? Hindi kaya pinagalitan siya nito? ‘O baka naman may hiningi siyang hindi ibinigay ni Daddy Richard? Imposible rin naman kasing walang nangyari samantalang tila nagngangalit sag alit si Lloyd.Habang iniinip ko iyon ay nakatayo pa rin ako sa harapan ng pintuan ng guest room kung saan naroon si Daddy at nagpapahinga habang ang tingin ay nasa op
OliviaMatatapos na kami sa pagkain nang marinig kong magsalita si Daddy.“Nasaan nga pala si Lloyd? Bakit hindi natin kasabay ang anak mo sa pagkain?” tanong niya.Nang marinig ko iyon ay nagkunwari pa rin akong walang pakialam kahit na sa loob ko’y gusto kong marinig ang paliwanag ni Daddy Richard ukol doon. Sa totoo lang, wala naman dapat akong pakialam kay Lloyd, ‘e.Asawa ko siya ngunit hindi ko dapat pinagtutuunan ng pansin ang lalaking ‘yon pero kung hindi ko gagawin ‘yon, sino ang gagawa no’n para sa kaniya. Matigas ang puso ni Lloyd ngunit alam kong may kaunti pang tiyansa na magbago siya.Sa sandaling panahon na nakasama ko si Lloyd, may tinatago siyang tamis at minsan ko nang naramdaman iyon. Kaya’t kung ang maiayos ang buhay ni Lloyd ang solusyon upang makalaya ako sa kasal namin ay gagawin ko ang lahat para lamang maisakatuparan iyon.Alam kong mahirap ngunit kailangan kong gawin iyon. Kailan kong gawin ang lahat upang mangyari ang nais ni Daddy Richard na mangyari sa ana
OliviaDahil nandito rin naman sa bahay si Daddy, nagpasiya si Daddy Richard na ikansela ang lahat ng kaniyang meeting at engagement ngayong araw upang ipaghanda si Daddy ng isang maliit na salo-salo.Nag-request pa siyang iluto ni Yaya Tess yang lahat ng paborito nitong pagkain para sa tanghalian. Maging ang swimming pool nila na matatagpuan sa likod bahay ay ipinalinis din.“May gusto ka pa bang ipaluto, Olivia? Mga favourite food mo.” Tanong ni Daddy Rchard habang diretso ang tingin sa akin.“Wala na po, Daddy Richard. Marami na po ‘yang ipinahahanda ninyo. Sapat na po iyan.” Sagot ko naman sabay ngiti.“Sgurado ka ba? How about some dessert? Ice cream? Salad? What do you want, huh?”“Wala na po talaga, Daddy Richard. Okay na po ako doon sa lahat nang ipinahahanda ninyo.”“Okay,”Pagkatapos niyang sabihin iyon ay muli siyang humarap kay Yaya Tessy na nakatayo lamang sa kaniyang tabi habang hawak-hawak ang isang papel na tila listahan ng kaniyang mga bibilhin.Nang matapos sabihin n
OliviaHalos isang oras lang yata ang inabot namin sa pamimili ng mga sangkap na gagamitin para sa lulutuin ni Yaya Tessy mamaya. Hindi na rin naman kami nagtagal dahil baka kulangin sa oras ng paghahanda si Yaya.“Olivia, catch!” sigaw ni Matthew sabay bato sa akin ng isang mansanas na pulang-pula.Wala na tuloy akong nagawa kung hindi sambutin iyon dahil kung hindi ko gagawin, saying ‘yong prutas.“Para saan ba ‘to, Matthew? Siraulo ka talaga. Tara na. Ibalik mo na ‘to do’n.” Sigaw ko sabay abot sa kaniya ng mansanas na hawak ko.Akma niyang inaabot ang kaniyang kamay sa akin nang bigla niyang iiwas ang kaniyang kamay kaya’t bigla akong napasalubong ng kilay. Ilang sandali pa’y dumukot siya sa kaniyang bulsa at kinuha ang kaniyang wallet na may design pang spongebob.Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil sa tanda niyang iyon ay spongebob ang design ng wallet niya, o matutuwa dahil hanggang ngayon ay gamit niya pa rin iyon. Binili niya kasi iyon four years ago, noong mga freshmen
OliviaHalos tatlong oras din silang naghanda para sa tanghalian. Inilabas lang lahat ng pagkain sa bandang swimming pool area upang doon kumain habang nagtatampisaw sa ilalim ng mainit na araw.Habang pinapanood ko sila, ang saya-saya nila. Para bang walang mga iniindang problema. Habang tinitignan ko sila, biglang pumasok sa isip ko si Lloyd. Ang kaniyang mukha bago siya umalis ng bahay.Bigla ko tuloy naisip, nasaan nga kaya si Lloyd sa mga oras na ‘to? Hindi ko alam kung nasa opisina siya kasi parang imposible naman na nandito sa bahay si Daddy Richard at nagsasaya habang wala ang panganay na anak niya.Kasalukuyan akong nakaupo sa may gilid ng swimming pool habang ang mga paa ko’y nakalublob sa tubig. Komportable akong dahan-dahang iginagalaw ang mga paa ko habang nag-iisip nang kung ano-ano.Habang nakaupo ako at nag-iisip, hindi ko namalayang tumabi pala sa akin si Matthew. Naupo siya sa bandang kanan ko at inilagay din ang kaniyang mga paa sa tubig.“Mukhang malalim yata ang i
OliviaPasado alas otso na ng gabi no’ng magpasiya kaming umahon sa pool. Malamig na rin kasi ang tubig kaya’t minabuti naming magbanlaw na at magpahinga. Busog na rin naman ako kaya’t niyaya ko na si Daddy na umakyat na sa kwarto upang magpahinga.Kasalukuyan akong nakaupo sa upuan na malapit kay Daddy habang siya naman ay nakahiga na sa kama. Hinihintay ko lang siyang makatulog para makabalik na ako sa kwarto ko ngunit ang papikit nang si Daddy ay muling ibinukas ang mata at tsaka nagsalita.“Nak, salamat, ha?”biglang sambit niya.Bahagya akong napatulala habang napasalubong ang dalawang kilay dahil do’n.“Bakit po kayo nagpapasalamat?” magkasalubong ang dalawang kilay na tanong ko habang diretso ang tingin sa kaniya. Kinuha niya ang aking kamay na nakapatong sa kama gamit ang kanang kamay niya. At tsaka dahan-dahang niyakap ito sa ibabaw ng kaniyang dibdib.“Salamat kasi, kung hindi dahil sa sakripisyo mo, baka hindi ko naranasan ang nangyari ngayong araw na ‘to. Baka hindi sana k
OliviaKasalukuyan akong nakaupo sa gilid ng pool habang ang mga paa ko ay nakalublob sa tubig. Nakatingin ako sa repleksiyon kong unti-unting nawawala sa tuwing nakikita kong pumapatak ang luha ko dito.Ewan ko ba. Hindi ko alam kung bakit iniiyakan ko na naman ito samantalang mag-iisang buwan na rin buhat ng magpakasal kami ni Lloyd.Sa kalagitnaan ng pag-eemote ko nakaramdam ako na para bang may naupo sa tabi ko. Dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko at tsaka dahan-dahang lumingon sag awing kanan ko. Pagtingin ko’y bumungad sa akin si Matthew na bahagyang nakatungo sa tubig.“A-anong g-ginagawa m-mo dito?” garalgal ang boses na tanong ko at pagkatapos ay nagbuntong hininga ng napagkalalim.“Obvious ba? Para samahang kang mag-emote.” Mahinang sagot niya.“Samahan? O, para ipaintindi sa akin kung gaano ako ka-walang kwentang anak.” “Dahil ba ‘to sa pagsigaw mo kay Tito Oliver kanina?”Nilingon ko siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Napapalunok ako habang nakatingin sa kaniya. It