Share

Chapter Thirty-Six

Olivia

Makalipas ang isang araw na na-confine si Daddy ay pinayagan na rin naman siyang makauwi ng mga doktor. Buti na lang at hindi ganoon ka-lala ang nangyari kay Daddy kaya hindi na siya pinag-stay pa ng matagal sa ospital.

Pumayag rin si Daddy Richard na dito na muna tumuloy sa amin si Daddy para na rin maalagaan ko siya. Buti na lang talaga at pumayag siya dahil para na rink ay Daddy ang gagawin kong pag-aalaga sa kaniya.

“Olivia,” narinig kong tawag ni Daddy Richard sa akin.

Tulog na rin naman at nagpapahinga si Daddy kaya’t iniwan ko muna siya saglit upang puntahan si Daddy Richard. Pinapasok niya ako sa kaniyang opisina at doon kami nag-usap.

“Nanggaling akong muli sa building ng Daddy mo kanina. Tinignan ko kung anong pwedeng maging lead para malaman ang sitwasyon niya, o kung ano ang nangyari sa kaniya ngunit sa kasamaang palad ay nag-malfuction ang CCTV sa opisina ng Daddy mo noong mga or

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status