Share

Chapter 1

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2021-05-21 19:46:15

Mabilis ang naging hakbang ni Laura paalis ng pool. Lumingon siya para tingnan kung nakasunod ang binata sa kaniya. 

Nang makapasok sa pinto ay mabilis na tinungo niya ang hagdan at tinungo niya ang kaniyang silid. Agad na sinara niya iyon at siniguradong nakadouble lock. 

Napasandal siya ng pinto. Habol ang hininga niya. 

Kinapa niya ang mga labi. Bakit ganon nagustuhan niya ang halik ng kababata. Naghatid iyon ng kiliti sa buong kaibuturan niya. 

That was her first passionate kiss, ever. Lagi siyang ninanakawan nito ng halik noon, pero ngayon iba. Even Gael, smack lang din. Alam niyang nakainom si Astin dahil sa amoy ng hininga ng binata, pero hindi maikakailang napakabango niyon.

Napapikit siya. Baka nadala lang siya sa ginawa ni Astin. Wala siyang gusto sa kababata. Kapatid lang turing niya talaga dito. Pero bakit may bahagi ng dibdib niya na hindi lang kapatid ang turing niya dito. 

Pero mali ito, may nobyo na siya. Si Gael Malonzo. Mahal niya ang nobyo. Mag-iisang taon na sila. Sinagot niya ang binata sampung buwan na ang nakakaraan. Si Gael ang kaniyang ideal man. Maginoo at may respeto sa kanya. Masasabi niyang naging campus crush na din ito ngayon dahil bukod sa mayaman na gwapo pa ito.

Napatingin siya sa table na nasa gilid ng kama niya. Umiilaw iyon. Kung hindi siya nagkakamali may tumatawag. 

Lumapit siya at dinampot ang cellphone niya. Tiningnan niya ang pangalan ng tumatawag.

It was Gael. 

Nakonsensya siya bigla. May nobyo na siya bakit nagawa pa niyang tugunin ang halik ni Astin. Bumuntong hininga muna siya bago sinagot ang tawag nito. 

"Love, happy birthday again. I love you," bungad nito sa kaniya. 

Natigilan siya sa huling sinabi ng nobyo. 

"Thank you, Gael. I-i love you too,"

"See you tomorrow, love. Goodnight." 

Isa ito sa nagustuhan niya sa nobyo. Napakalambing at higit sa lahat, nirerespeto siya. Malayong malayo kay Astin. 

Maaga siyang nagising kinabukasan. Routine na niya ang pagtulong sa kusina kahit na pinagbabawalan siya ng mag-asawa. Ito lang ang isa sa paraan niya para makatulong man lang. 

Kasalukuyan siyang naghuhugas ng mga ginamit sa pagluluto ng bigla siyang yakapin mula sa likuran kaya napasinghap siya. Buti na lang walang ibang tao. 

"Good morning, My Laura," ngiting tagumpay na sabi ni Astin at hinigpitan ang pagkakayakap nito sa kanya na ikinainis niya lalo. 

Napatigil siya sa pagkilos nang maramdaman niya ang paghinga nito mula sa likuran. Ang sarap sa pakiramdam, hindi niya alam bakit parang nakikiliti siya. Mayamaya ay naramdaman niya ang baba nito sa balikat niya. Napapikit siya ng halikan nito ang parteng iyon. Muling rumagasa na naman ang boltaheng hindi niya maintindihan. May kung anong gumising sa diwa niya. Kaya kahit may sabon ang mga kamay niya ay pilit na tinanggal niya ang dalawang kamay na nakapulupot sa kanya.

Tumatawa lang ito. Kinurot niya ang kaliwang braso nito para mabitawan siya. 

"Ouch!" anito pero nakangiti pa rin sa kanya. 

"Bastos!" sabi niya dito at sinamaan ng tingin. 

Wait, bastos nga ba? Eh bakit parang naenjoy niya nga, anang isip niya. 

"Bastos ba yun? Nagpapraktis lang ako maging sweet husband. What do you think, papasa ba sayo, my dear Laura?" anitong natatawa. 

"Hinding hindi ako magpapakasal sayo, Astin! Never! As in N-E-V-E-R! NEVER!" aniyang iniwan ito at nagmarcha palabas ng kusina. 

"Kakainin mo din yang sinasabi mo, Laura! Tandaan mo yan!" narinig niyang sigaw nito sa kusina. 

"Never!" inis na sigaw niya din. 

Napalingon sa kanya ang lahat na nasa hapagkainan. Nasapo niya ang ulo ng mapagtantong kompleto nga pala silang lahat ngayon na kakain. 

"Anak, ang aga naman ng banghayan niyong dalawa," natatawang lumapit na sabi ni Tita Kendra. 

"Kasi si Astin, Tita-" hindi na niya natuloy ng sumingit si Andy. 

"I'm sure may ginawa na namang kalokohan si Kuya kay Ate Laura, Ma!" pasaring ni Andy. 

Tumpak! Gusto niya sanang isatinig. 

"Pagpasensyahan mo na lang si Astin, Anak, ha? Ako na humihingi ng dispensa," Mayamaya ay bumaling ito kay Tito Kent na mukhang natatawa. "May nakakatawa ba Kent? Alam mo na ang dapat mo gawin," makahulugang sabi nito sa asawa. 

"Yes, wifey. Takot ko lang sayo," ani ni Tito pero hindi mapigil ang tawa.

"Halika na kumain ka na baka malate pa kayo ni Andy," ani ng ginang sa kanya. 

Nagmadali siyang nag-ayos ng sarili para pumasok. 9 am pa naman ang schedule niya ngayong araw pero may kailangan lang siyang gawin sa library. Mabilis na tinungo niya ang kuwarto ng mag-asawa at nagpaalam na papasok na pagkuway lumabas na ng bahay. 

Napatigil siya sa paghakbang ng makita ang binata na nakasandal sa sasakyan nito, mukhang hinihintay siya. Ngumiti ito sa kanya. Mabilis na binuksan nito ang pinto at lumingon sa kanya. 

"Ako muna maghahatid sayo mahal ko dahil kasama ni Papa si Mang Vincent. Isinabay na din si Andy," anito. 

Parang kinilabutan siya sa paraan ng pagtawag nito sa kaniya. Naguguluhan na siya kung ano-anong endearment ang ginagamit nito sa kaniya. 

"May magagawa ba ako?" aniya at mabilis na sumakay sa shotgun seat. 

Nagtaka siya dahil hindi pa nito sinasara ang pinto kaya hinawakan niya ang pinto ng sasakyan para isara. Pero nagulat siya ng kabigin siya nito at siniil siya ng halik. Hindi agad siya nakahuma, naramdaman na lang niyang gumalaw ang dila nito sa loob ng bibig niya kaya agad na itinulak niya ito ng malakas. 

"Sweet!" anitong natatawa. Kinagat pa ang pang-ibabang labi nito bago isinara ang pinto. 

Nanggagalaiti siya ginawa nito. Kaninang umaga pa ito ganon sa kanya. Hindi man lang siya nito nirerespeto bilang babae. 

Hindi niya ito pinansin hanggang makarating ng unibersidad. Hindi na niya hihintaying ipagbukas siya nito kaya siya na ang magbubukas ng pinto para sa sarili. Pero hindi niya mabuksan ang pinto ng sasakyan kaya lumingon siya dito na nakatitig sa kaniya.

"What? Wala ka bang balak na pababain ako dito?" asik niya. 

"Relax, My Laura! Masyado ka namang nagmamadali,"

Bigla itong nagseryoso kaya napakunot-noo siya. 

"I'm leaving, Laura. Don't worry isa or dalawang buwan lang naman. Kailangan ko lang tutukan ang business expansion sa Hawaii," malungkot na saad nito. 

Tinaasan niya lang ito ng kilay. "So what?" sabi niya na ikinadilim ng mukha nito. 

"Hindi mo ba ako mamiss?" 

"Hindi, bakit naman kita mamimiss? Boyfriend ba kita? I'm sorry, Astin pero may nagugustuhan na akong iba. Kaya 'wag mo ng ipagpilitan ang sarili mo sa akin,"

Natigilan ito sa sinabi niya. 

Sinubukan niyang buksan ang pinto, bumukas na iyon marahil ay pinindot nito ang button para ma-unlock. 

Hindi siya lumingon at dere-derechong lumakad papuntang gate. Narinig niya ang pagharurot ng sasakyan nito kaya nilingon niya ito. 

Parang nakaramdam siya ng awa sa binata. Parang gusto niyang bawiin ang sinabi. 

Hindi na din niya nakita ang binata ng araw na iyon. Ayon kay Andy ay umalis na ito papuntang Hawaii. Nakaramdam siya ng lungkot. Hindi na rin siya nagpapa sundo kay Mang Vincent dahil isinasabay siya ni Gael sa pag-uwi. 

Dalawang buwan na ang nakalipas pero hindi pa rin bumabalik ang kababata. Marahil ay marami pa itong inaaaikaso. 

Tatlong araw mula ngayon ay birthday na ng Tita Kendra niya. Parang nakaramdam siya ng excitement nang mabanggit ng mag-asawa na uuwi na ang panganay ng mga ito na si Astin. 

Magkakaroon lang ng kaunting salu-salo kasama ang malalapit na kaibigan at kamag-anak ng pamilya Hernandez. 

Isang casual button dress with short sleeve ang napili niya na hindi aabot sa tuhod. Kulay rust ang kulay na bumagay sa maputi at makinis niyang balat. 

SA KABILANG BANDA. Lulan si Astin ng sasakyan ng makatanggap ng tawag sa inuupahan niyang magbantay kay Laura. May mga senend din itong mga litrato at videos pagkatapos. Ngayon niya lang kasi hiningi ang report nito dahil naging abala siya sa expansion ng kanilang hotel. 

Kinuyom niya ang kaniyang kamao nang makita ang litratong hinahalikan ng lalaki si Laura sa labi. Lagi rin itong nakaakbay sa kababata. Nalaman niyang hindi rin ito nagpapasundo sa family driver nila dahil ang lalaking ito ang naghahatid sa dalaga. Base sa mga kuha at video ay magkasintahan na nga ang dalawa na ikinangitngit niya. 

"No!" sigaw niya at itinapon ang hawak na ipad sa upuan ng kanyang sasakyan.

Hindi siya makakapayag na mapunta lang sa wala ang paghihintay niya sa kababata. 

Sa kanya lang si Laura! Sa kanya!

Sa sobrang galit ay sinuntok niya ang bintana ng kanyang sasakyan. Hindi niya napansing dumugo na pala ang kaniyang kamao. Kinapa niya ang bulsa niya na may lamang maliit na kahon. 

Napatingin sa kanya ang assistant na si Romel na kasalukuyang nagmamaneho. Ito na ang pinasundo niya sa airport dahil paniguradong busy si Mang Vincent sa bahay nila dahil sa gaganaping birthday ng kanyang Mama. 

Mayamaya ay itinigil ni Romel ang sasakyan. May kinuha ito sa likod na first aid kit at pumuwesto sa likod para gamutin ang kamao niya. Hinayaan niya lang ito sa ginagawa. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya. 

Nagising siya sa mahinang tapik ni Romel.

"Sir, we're here," 

Sinipat niya ang labas. Nakapasok na sila sa bakuran nila. Maraming mga sasakyan kaya nasa bungad lang sila nakapark. Napatingin siya sa kamaong may benda. Saka niya lang naramdaman ang sakit. 

Sumunod sa kanya si Romel na noo'y hila-hila ang maleta niya. 

Hindi pa man siya nakakapasok ng bahay ay may mga ingay na siyang naririnig. Dumerecho siya sa dining kung saan nagmumula ang ingay ng mga taong nagkakasiyahan. 

Napangiti siya ng matanaw ang ina na mag-iistima ng mga bisita niya. Napakaganda pa rin ng Mama niya, kaya siguro hanggang ngayon patay na patay ang kanyang Papa sa ina. Napuno ang mahabang mesa nila. 

Kompleto sila, nanjan ang lolo at lola niya, sila Daddy Sebastian at Mommy Nikki, Tita Diane at Ninong Ezekiel at iba pang kaibigan ng kaniyang mga magulang. Kompleto din ang mga tito at tita niya sa side ng kanyang ina. 

"Can I join?" Malakas na nakangiting sabi niya na ikinalingon ng lahat sa kanya. 

"Kuya Astin!" sigaw ng chubby at cute na kapatid niya na si Andy na pinakamalakas ang boses kaya napalingon ang lahat ng bisita. 

"Anak!" ang Mama niya na naiiyak na akala mo naman ilang taon silang hindi nagkita. Mahigpit na niyakap siya nito pagkuway bumitaw ito. 

Nginitian lang siya ng ama. at tinanguhan. 

"Hey, walang iyakan, Ma! Papangit ka niyan sige ka," aniyang pinapahid ang luha ng ina. 

"Eh kasi namiss kita anak. Akala ko hindi ka na makakaabot sa birthday ko. Magtatampo na talaga ako sayo," malambing na sabi ng ina. 

Inakbayan niya ang ina at hinanap ng kanyang mga mata ang kanyang mahal na si Laura. Katabi nito si Andy nakangiti habang si Laura ay seryoso lang na nakatingin sa kanya. 

Wala na siyang choice kundi gawin ang hindi pa dapat. He was about to wait for her, to respond to his feelings but he can't take it anymore. Lalo pa't nobyo na yata ng kababata ang lalaki ang kaklase nito. Alam niyang malaki ang utang na loob ng dalaga sa kanila at malaking puntos iyon para sa kanya. 

Nginitian niya ng matamis si Laura nang maupo siya sa tabi nito. Ngumiti na lang din ito sa kanya, parang pilit pa.

Sanay na siya sa ganoong trato ng kababata sa kaniya. Inilapit niya ang kanyang mukha sa tenga ni Laura at binulungan ito. 

"Namiss kita, Mahal ko!" aniyang nakangiti at akmang hahalikan niya ito sa pisngi ng pigilan siya ng kamay nito. 

"Sayang!" sabi niyang napalakas pala ang boses niya dahilan para matuon ang atensyon ng mga bisita sa kanila. 

Halos nakangiti ang mga bisita nila sa kanila. Alam kasi nila kung gaano niya kagusto si Laura. Hindi siya nahihiya sa mga ito. Napilitang ngumiti si Laura sa mga ito. 

Parang ito na ang tamang pagkakataon. Kinakabahan siya sa gagawin niya. Mayamaya ay kinuha niya ang maliit na kahon sa bulsa. 

Hinawakan niya ang kamay ng dalaga na nakangiti pero nawala din agad ng tumingin sa kamay nilang pinagsiklop niya. Napatingin ito sa kanya na parang nakikiusap na tanggalin ang mga kamay niya. Pero nanatiling nakahawak siya sa kamay nito. Pinatigas niya ang paghawak dahil pinipilit nitong tanggalin. 

Naramdaman niya ang pagtusok ng kuko nito sa mga palad niya pero matamis na nginitian pa rin ito. Nangungusap pa rin ang mga mata ng dalaga. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (9)
goodnovel comment avatar
H i K A B
Ay mali para sa “My Secretary Owns Me” ang comment na ito hehe
goodnovel comment avatar
H i K A B
At nakarating na rin ako dito sa Great Grandparents ni Halina sina Kent&Kendra galing sa kwnento nila ni Goddy na Ongoing as of this time. From comsec natrace ko meron din palang Ayeisha&King, Austin&Laura, Thunder&Grazie.. currently halos puro umpisa pa lang ako & all of them got me hooked! :)
goodnovel comment avatar
Jheng Zurikutoji Buenaflor
sobrang pagka-miss mo ata Astin, bakod ng Malala agad agad .........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Special Chapter: Kiarra and JM

    Bandang alas-tres sila nakarating ng asawa sa EL Nido. Hindi niya akalaing may sariling airport doon ang Daddy niya. Alam niyang may resort ito dito, pero hindi niya alam kung saan iyon banda. Kakagising lang din ng asawa niya kaya kaagad na bumiyahe sila papunta sa private beach house nila mula sa private airport ng mga Madrid. Pitong araw silang mamalagi ng asawa dito. Sisiguraduhin niyang mag-eenjoy dito ang asawa. “Malayo pa ba?” Napabaling siya sa asawa nang marinig ang boses nito. “Malapit na, Sweetie. Siguradong mag-e-enjoy ka doon. I already saw it on video,” “Talaga?” Yumakap ang asawa niya sa kan’ya. “Hmmn,” Wala pan

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 72: Astin's Pov-2

    Saka lang nag-sync-in sa utak niya na nakidnap na pala ang asawa niya.Nang mahimasmasan siya.Kaagad na tinawagan niya ang mga kaibigan niya sa militar, sakto namang kakabalik lang ng mga ito mula sa mahaba-habang misyon. Ito ang unang beses na humingi siya ng tulong mula sa mga ito pagkatapos niyang magretiro ng maaga. Maging si Ian at ang Papa niya ay nasabihan na din niya. Pinagsamang pulis, militar at mga tauhan ng Daddy Sebastian, nailigtas nila ang asawa niya. Pero hindi niya akalaing makikita sa loob si Thunder. Muli na namang nabuhay ang sama ng loob niya ng makita ito doon. Walang malay noon ang asawa nang iwan niya kay Thunder. Hindi pa siya handang harapin ang asawa sa sobrang sama ng loob niya. Alam niyang hindi ito pababayaan ni Thunder, gusto niyang mag-isip kahit sandali lang. Naguguluhan siya sa resulta.

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 71: Astin's POV-1

    Unang araw pa lang niya sa trabaho mukhang pinapakulo na naman ng paligid ang ulo niya. Wala man lang sumasagot kung nasaan si Romel. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan sa opisina kundi si Romel lang. Ang aga-aga niyang nakapameywang sa labas ng opisina niya. Hindi pa nale-late si Romel kahit noon pa man. Nakailang-ulit pa siyang tanong pero wala talagang makasagot ng matino sa mga tanong niya. God! First day niya, tapos ganito agad ang ibubungad sa kan'ya! Lalong uminit ang ulo niya nang makitang may bagong kasama si Lesha at sinabi nitong may bago siyang sekretarya. Kailan pa siya tumanggap ng babaeng sekretarya? Kailan pa? Pero natigilan siya nang marinig ang boses ng bagong sekretarya niya. Nanaginip ba siya? Bakit boses ng asawa niya ang naririnig niya? Bakit kasinglambing ng boses nito ang namayapa niyang asawa? Pinaulit niya ito ng dalawang beses para lamang kumpirmahin. Hindi nga s

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 70: Surprised

    "I love you," wika ng asawa bago ito tuluyang lamunin ng antok. "I love you too..." sagot niya dito. Mukhang hindi na nito narinig ang sinagot niya. Napatitig siya sa asawa. Nakatulog na nga ito pagkatapos ng maiinit nilang tagpo. May ngiti ito sa labi. Hindi niya maiwasang haplusin ang mukha nito. Unti-unting bumabalik ang sigla ng mukha nito no'ng bumalik sila sa buhay nito. Ano kaya ang gagawin nito kapag nalaman nitong wala naman pala talagang nangyari sa pagitan nito at ni Elisa? Napabuntong-hininga siya. Ano ba ang kasalanan nila, bakit sila pinarusahan ng ganito? Wala naman silang inagrabyado na tao. Lalo na kay Elisa, wala silang kasalanan dito bakit nito sinira ang pami

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 69: The Truth

    Sa sobrang inis ni Laura. Umahon siya sa tubig at dere-derechong umakyat ng silid. Pagkatapos maligo ay binisita niya ang mga bata. Tulog na pala ang mga kababaihan. Pinatay niya ang mga nakabukas na TV. Pero pagpasok niya sa kuwarto nila King. Gising pa ang mga ito, naglalaro pa. Kaagad na binitawan ni King ang hawak na telepono at niyakap siya. "Happy?" Tumango naman ito. "Sana lagi silang pumunta dito, Nanay para may mga kalaro ako." Ginulo niya ang buhok nito. "Hayaan mo, sasabihan ko ang Daddy mo, na lagi silang papuntahin dito. Okay?" Marahan itong tumango. Bumalik na ito kapagkuwan kaya lumabas na siya. Sinilip niya ang mga kaibigan, naliligo pa rin ang mga ito. Nak

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 68: Tease

    Kagaya ng napag-usapan nila ni Astin, pagdating ng Manila hindi sila magkatabi matulog. Pinapalitan niya ng sofa bed ang nasa silid nila para doon ito matulog.Bumawi ito sa anak niyang si Gabriel pero kay King nahihirapan ito. Kaya minsan tinutulungan niya si Astin para mapalapit ang dalawa. Ginawaan din ni Astin si King ng maliit na court sa likod ng bahay. Alam niyang natutuwa ang anak pero magaling itong magtago ng emosyon.Araw ng sabado noon. Tinanghali siya ng gising.Napakunot-noo siya ng makita ang isang bulaklak sa side table niya. Isa iyong pink na Camellia. Inilinga niya ang paningin, nakaligpit na ng higaan si Astin. Wala na ring kaluskos sa banyo. Hinigit niya ang bulaklak at inamoy iyon. Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status