Share

Chapter 2

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2021-05-21 20:01:15

"May I have your attention, please?" Malakas na sabi niya para makuha ang atensyon ng lahat sa hapagkainan. Natahimik bigla ang bisita at sa kanya muli natuon ang atensyon. Nginitian niya ang mga ito. Ang ina naman ay naguguluhan nang tumayo siya na may hawak n maliit na kahon. 

"Oh my, parang alam ko ang laman niyan Kuya! Let me guess-" Mukhang mauunahan pa siya ng chabita niyang kapatid. He used to call Andy as chabita. Cute kasi nito kasi biglang tumaba kaya namumutok ang mga pisngi nito. 

"Stop it, Chabita!" Agaw niya sa sasabihin nito. Sinamaan niya ito ng tingin dahil ang daldal nito. Lagi pa naman siya nitong pinapahamak pagdating kay Laura. 

"Andy naman 'wag mong pangunahan ang kuya mo. Let him speak first, okay?" Anang Papa niya at kinindatan siya. Ito ang gusto niya sa Papa niya suportado siya sa lahat. 

"Hmmp!" Humalukipkip na lang si Andy. 

Nagtawanan naman ang lahat sa inakto ng kapatid. 

Binalik niya ang tingin kay Laura na naguguluhan. Tumingin pa ito sa kahon na hawak niya. 

Naghiyawan ang mga nasa hapagkainan ng lumuhod siya sa dalaga. This is it. Wala ng bawian. Pasalamat siya kasi pinapalakas ng mga nakapaligid ang kanyang loob. 

Bumuntong hininga muna siya bago magsalita. Hinigit niya ang kamay ng dalaga at hinalikan. Naramdaman niya ang pagsinghap ni Laura. 

Matamis na nginitian niya ang dalaga at saka sinimulang ipahayag ang nais niya. 

"I know it's not the right time mahal but I can't take it anymore. Hindi na ako makapaghintay. I love you so much, my Laura. You know that, right? Hindi ko kayang may iba pang lalaking lumalapit sayo. I want you to be my wife, I want you to be, my Mrs. Hernandez… Hindi naman siguro ako mahirap mahalin. Pangako gagawin ko ang lahat-lahat, pakasalan mo lang ako," aniyang kinakabahan. 

Tumitig pa siya sa dalaga na noo'y gulatpa rin dahil sa sinabi niya. Kinakabahan na siya sa maaaring sagutin nito. 

"Marry me, please? My Laura? Please?" pakiusap niya at binuksan ang kahon na naglalaman ng singsing. Kumikinang iyon. Kaya narinig niya ang pagkamangha ng mga nakasaksi. Isa iyong Marquise diamond na singsing na binili niya pa sa U.S. 

Natigilan lang si Laura sa mga sinabi niya. Hindi alam ang sasabihin kaya kabado na siya. Tumitig ito sa saglit sa kaniya na naguguluhan at tumingin ito sa kanyang magulang maging sa mga taong nakapalibot. Nakangiti ang mga ito maliban sa kaniyang ina na nag-aalala hindi niya alam kung naaawa ba sa kanya o hindi. 

Alam niyang suntok sa buwan, pero ito lang ang paraan niya sa ngayon. Hindi pwedeng maunahan siya ng lalaking iyon. 

"Astin," si Laura na noo'y nakatitig na sa kanya.

'Yon lang wala ng ibang sasabihin?

Mukhang mauuwi lang sa wala. Parang gusto na niyang tumayo ang tagal bago ito sumagot.

Lahat nakatunghay at nag-aabang sa sagot ng dalaga. Napabuntong-hininga siya. Naramdaman niya ang pagkirot ng dibdib niya. Akmang tatayo siya ng pigilan siya ng dalaga.

Pumikit muna ito saka tumitig sa kanya at blangko lang ang ekspresyon. "Yes, Astin. Pumapayag ako sa gusto mo," parang labas sa ilong nitong sagot. Walang sincerity siyang naramdaman sa boses nito. Pero 'yon naman ang mahalaga sa binata ang pumayag ito. 

Napatingin sila sa ina ng magsalita ito. 

"Laura, anak hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo kay Astin. Diba lagi kong sinasabi sayo, wag kang mapepressure kay Astin. Alam mo namang padalos dalos lagi ang anak ko. Kung dahil ito sa pagtira at pagpapa-aral namin saiyo. Tulong iyon, okay. Ikaw na ang itinuturing kong pangatlong anak. Hindi mo kailangang tanggapin ang alok ng binata ko," ang kanyang ina. 

"Ma-" Hindi na niya natuloy dahil pinutol ng ina ang mga sasabihin niya. 

"Tigilan mo ang kalokohan mo Astin. Hindi basta basta ang pagpapakasal-"

"Okay lang ako, Tita. Papakasal po ako kay Astin. Tinatanggap ko po ang anak niyo. Hindi naman po mahirap mahalin si Astin," seryosong sabi ni Laura sa ina. 

Sa narinig ay niyakap niya ang dalaga at mabilis na hinalikan sa labi. Nagpalakpakan naman ang mga taong nakatunghay sa kanila. 

Gusto ng ina si Laura sa kaniya pero lagi nitong pinapaalala sa kanya na baka masaktan lang siya. Alam kasi ng kanyang ina na wala namang pagtingin ang kababata sa kanya. 

"Kung yan ang gusto mo hija, sige. Mabait naman ang anak ko kahit makulit at alam kong ikaw lang talaga ang gusto niyan noon pa man kaya hinding hindi ka sasaktan ni Astin, Laura. Basta ang mga Hernandez hija, kapag sinabi nilang mahal ka, totoo yan walang halong pagsisinungaling. Proven na yan," pagkuway tumingin ito sa kanyang Papa na noo'y matamis ang ngiti sa kanyang ina. 

"Welcome to the family, Laura," mayamaya ay sabi ng ina at mahigpit na niyakap ang dalaga.

Nginitian siya ng ina ng balingan siya nito. "Congratulations anak, nagbunga na ang pangungulit mo!" anitong natatawa. 

Sa narinig ay napuno ng tawanan ang kanilang dining area. 

Mabilis na isinuot niya ang singsing sa babaeng mahal. Hindi niya akalaing mapapa-oo ito. Wala siyang pakialam kung napilitan lang ito. Ang mahalaga sa kanya ito magpapakasal at hindi sa lalaking kasama nito sa litrato. 

SA KABILANG BANDA pilit na ngumiti si Laura nang hawakan ni Astin ang kamay niya.

Hindi siya makapaniwala na mag popropose ang binata sa harap mismo ng maraming tao. Kung hindi siya nagkakamali may hinala ang binata na may nobyo siya. 

Pagkatapos ng dinner ay nagpasyang mag-inuman pa ang ibang bisita sa pangunguna ng ama ni Astin na si Tito Kent, double celebration nga daw. Nandito sila ngayon sa pool kasama ang buong pamilya ni Astin. Nagsidatingan din ang mga kaibigan ng ginoo. 

Napabuntong hininga siya. Nalungkot siya para sa sarili. Naipit lang siya sa ginawa ni Astin kanina. Sumabay lang siya sa agos. Kitang-kita niya ang saya ng mga nakapaligid sa kanila, lalo na ang mag-asawang Hernandez. Marahil ito na nga ang kabayaran sa lahat ng utang nilang mag-ama sa pamilya Hernandez. 

Maraming sana sa buhay niya. Sana buhay pa ang mommy niya. Sana kasama niya ang daddy niya. Sana bumalik na sa dati ang buhay nilang mag-ama. Sana wala siya sa alanganing sitwasyon ngayon. 

Hindi naman mahirap mahalin ang binata. Mabait naman si Astin, kaso makulit lang talaga. Kung sa physical na anyo naman, guwapo naman. Nagka-crush na siya dati sa kababata, kaso bata pa siya noon. Papansin kasi masyado at mayabang pero nabawasan naman ata nang minsan pinagsabihan niya. Kaya mas lamang ang inis niya sa kababata. Lagi din nitong ipinagduldulan sa kanya ang kaguwapuhan kaya siguro nagsawa siya. Miyembro ata 'to ng GGSS. Guwapong, guwapo sa sarili. 

Bagay na bagay din ang skin tone ng binata na tan. Kung sa kisig man lang, hindi ito magpapatalo sa mga modelo dahil sa flat and a toned stomach nito. Lagi ring laman ng gym ang binata. Isa rin sa mapapansin agad sa binata ang makapal na kilay na bumagay sa matang mapang-akit maging ang natural na pagkapula ng labi. 

Napakaraming nagkakandarapang babae sa binata pero hindi nito pinapansin. Tinitilian din sa tuwing nasa court, kasi mahilig magpacute sa mga babaeng nanunuod, dating varsity player kasi ang binata ng unibersidad nila. Minsan na ding inalok ng mga modeling agency pero wala itong hilig doon.

Ngayon, ilang sekretarya na nito ang pinapaalis dahil laging nagbibigay ng motibo at mahaharot daw. Alam kasi sa buong kompanya nito na dating sekretarya ang kanyang Tita Kendra. Kaya nagbabakasakali sigurong masungkit ang binata. Pero ngayon ang pagkakaalam niya maliban sa sekretarya nito ay may personal assistant pa ito imbes na sa binata nagrereport ang sekretarya ay sa PA na nito pinapareport. 

Napapitlag siya nang muling nagvibrate ang kanyang cell phone na nasa bulsa. Ilang beses ng nagvibrate iyon pero hindi niya tinitingnan. 

Sigurado siyang si Gael iyon. Hindi pa niya alam kung paano sasabihin sa nobyo. Mahal niya si Gael. Alam din ni Gael na wala siyang nararamdamang espesyal sa kababata, kapatid lang ang turing niya kay Astin. Pero baka hindi maintindihan ng nobyo bakit pumayag siya sa alok na kasal ni Astin. Kaya dapat makagawa siya ng paraan. 

Gusto niyang kausapin ng masinsinan si Astin tungkol sa kanila ni Gael pero naghahanap pa siya ng tiyempo dahil nakikipag-inuman ito. Susubukan niyang sabihin na 'wag na ituloy ang kasal. 

Nang ihatid siya ng binata sa kuwarto niya ay kinausap niya ito ng masinsinan sa kanyang silid mismo. 

"Bakit mo ginawa 'yon, Astin? Alam kong alam mo na napilitan lang ako. Sa totoo lang, ayaw ko lang mapahiya ka pati ang magulang mo kaya napa-oo mo ako," seryosong sabi niya. 

"I know, Laura. Pero ito lang ang tanging paraan ko para maging akin ka. I know, I'm selfish, Laura. Pero hindi ko kayang makita kayo ng lalaking iyon na magkasama! Damn! Akin ka nga lang eh, hindi mo ba naiintindihan? Hindi mo ba ako kayang mahalin? Diba sabi ko sayo akin ka lang?" gigil na may kasamang galit na sabi nito. 

Bigla na naman siyang nainis sa mga sinabi nito kaya napataas ang boses niya. 

"Wala kang karapatang angkinin ako, Astin. Hindi ikaw ang mahal ko, si Gael. Kaya dapat magising ka na sa katotohanan na hindi tayo pwedeng ikasal. Malapit na kaming mag-isang taon ni Gael ka-"

Biglang nagdilim ang guwapong mukha ng binata. Kaya napatigil siya sa pagsasalita.

Halatang nagulat din sa sinabi niya. Yes, malapit na ang anibersaryo nila ng nobyo.

Mayamaya ay napalitan ng galit ang mukha ni Astin. Mabilis itong humakbang papalapit sa kanya at marahas na hinila siya nito para kabigin. Makikita mo sa mga mata nito ang galit. Nasaktan siya sa ginagawa nito ng diinan nito ang pagkakahawak sa beywang niya. Ito ang unang beses niyang nakitang nagalit ito ng ganun. 

"So, hinintay mo lang pala akong makagraduate para magawa mo ang gusto mo?" sarkastiko nitong sabi.

"Oo! Kaya magising ka sa katotohanang hinding hindi kita magugustuhan! Kabaliktaran mo si Gael! Ibang-iba siya sayo! Siya ang gusto kong pakasalan at hindi ikaw!" sigaw niya sa binata na lalong ikinagalit nito. 

Mas lalong pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya. Nararamdaman na niya ang mabilis na paghinga ng binata. Naamoy na niya ang hininga nito na kahit amoy alak ay mabango pa rin. 

"Astin, nasasaktan na ako sa ginagawa mo, ano ba! Bitawan mo nga ako! Ayokong sabing magpakasal sayo!" aniyang pilit na kumawala sa pagkakayakap nito.

Pero nanlaki ang mata niya nang marahas siya nitong hinalikan. Alam niyang galit na ito dahil sa paraan ng pag-angkin nito sa labi niya. Hindi niya nagustuhan kaya pilit siyang kumawala. Naging mapusok lalo ang halik nito habang tumatagal. Pero may parte ng pagkatao niya na nagsasabing gusto niya ang halik ng binata sa kanya. 

Naging banayad na kasi ang paghalik ni Astin sa kanya. Parang gusto na niyang pumikit at tugunin iyon. Naging malikot ang mga kamay nito na ngayoy hinahaplos sa likod niya at pababa sa pang-upo niya nanjan na naman ang parang kuryenteng dumadaloy sa buong katawan niya. Pakiramdam niya ay may gumagatong sa katawan niya. Malamig ang kuwarto niya pero parang naiinitan siya. Aminin niya man sa hindi gusto ng katawan niya ang ginagawa ng binata sa kanya ngayon. 

Hindi niya maintindihan ngayon kung bakit parang nagugustuhan na niya ang paraan ng paghalik at paghaplos ng binata sa kanya. Nagsimula ito noong hinalikan siya nito noong birthday niya. Ganitong ganito ang nararamdaman niya noon. Naguguluhan na siya. Hindi siya pamilyar sa ganitong pakiramdam. Parang gusto niyang higit pa doon ang mangyari sa kanila. 

Bago siya tuluyang madala sa kakaibang pakiramdam na gumagapang sa kanya ay kinagat niya ang labi nito dahilan para mapabitiw ito. Dumugo naman ang parteng kinagat niya. Hinawakan pa ng binata ang mga labi nito at pinunasan ng daliri ang dugo. Pagkuway tiningnan ito. 

Bigla siyang nakaramdam ng konsensya nang makita ang pag ngiwi nito. 

Pero mayamaya ay natawa naman ito ng pagak kaya nakaramdam na naman siya ng inis. 

"Akin ka lang, Laura. Hinding hindi ako makakapayag na walang kasalang magaganap. Kaya simulan mo ng magpaalam sa lalaki mo! Sabihin mo lang kung hindi mo kaya para ako mismo ang kumausap sa Gael mo," Galit na sabi ng binata sa kanya at binitawan na siya nito. 

Akmang bubuksan nito ang pinto ng kanyang silid nang lingunin siya ito. 

"Ihahatid sundo na kita simula bukas. Ayokong malaman na nakikipag-kita ka sa lalaki mo. I have my own eyes, remember! Tandaan mo rin na umo-o ka sa harap ng magulang ko kaya panindigan mo ang mga sinabi mo," Madiing sabi nito sa kanya saka tuluyan ng lumabas. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (10)
goodnovel comment avatar
H i K A B
Laura binigyan ka naman ng pagkakataon ni Mommy Kendra na umayaw pero umooo ka pa rin. Yung unconcious feeling mo siguro kc gusto naman talaga. Astin, be gentle naman kasi.
goodnovel comment avatar
Jheng Zurikutoji Buenaflor
oh no!!! napilitan ka nga lang ba Laura???
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Bakit Kasi Nag yes ka Laura kung ayaw mo Naman pala Kay Astin . thank you Author..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Special Chapter: Kiarra and JM

    Bandang alas-tres sila nakarating ng asawa sa EL Nido. Hindi niya akalaing may sariling airport doon ang Daddy niya. Alam niyang may resort ito dito, pero hindi niya alam kung saan iyon banda. Kakagising lang din ng asawa niya kaya kaagad na bumiyahe sila papunta sa private beach house nila mula sa private airport ng mga Madrid. Pitong araw silang mamalagi ng asawa dito. Sisiguraduhin niyang mag-eenjoy dito ang asawa. “Malayo pa ba?” Napabaling siya sa asawa nang marinig ang boses nito. “Malapit na, Sweetie. Siguradong mag-e-enjoy ka doon. I already saw it on video,” “Talaga?” Yumakap ang asawa niya sa kan’ya. “Hmmn,” Wala pan

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 72: Astin's Pov-2

    Saka lang nag-sync-in sa utak niya na nakidnap na pala ang asawa niya.Nang mahimasmasan siya.Kaagad na tinawagan niya ang mga kaibigan niya sa militar, sakto namang kakabalik lang ng mga ito mula sa mahaba-habang misyon. Ito ang unang beses na humingi siya ng tulong mula sa mga ito pagkatapos niyang magretiro ng maaga. Maging si Ian at ang Papa niya ay nasabihan na din niya. Pinagsamang pulis, militar at mga tauhan ng Daddy Sebastian, nailigtas nila ang asawa niya. Pero hindi niya akalaing makikita sa loob si Thunder. Muli na namang nabuhay ang sama ng loob niya ng makita ito doon. Walang malay noon ang asawa nang iwan niya kay Thunder. Hindi pa siya handang harapin ang asawa sa sobrang sama ng loob niya. Alam niyang hindi ito pababayaan ni Thunder, gusto niyang mag-isip kahit sandali lang. Naguguluhan siya sa resulta.

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 71: Astin's POV-1

    Unang araw pa lang niya sa trabaho mukhang pinapakulo na naman ng paligid ang ulo niya. Wala man lang sumasagot kung nasaan si Romel. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan sa opisina kundi si Romel lang. Ang aga-aga niyang nakapameywang sa labas ng opisina niya. Hindi pa nale-late si Romel kahit noon pa man. Nakailang-ulit pa siyang tanong pero wala talagang makasagot ng matino sa mga tanong niya. God! First day niya, tapos ganito agad ang ibubungad sa kan'ya! Lalong uminit ang ulo niya nang makitang may bagong kasama si Lesha at sinabi nitong may bago siyang sekretarya. Kailan pa siya tumanggap ng babaeng sekretarya? Kailan pa? Pero natigilan siya nang marinig ang boses ng bagong sekretarya niya. Nanaginip ba siya? Bakit boses ng asawa niya ang naririnig niya? Bakit kasinglambing ng boses nito ang namayapa niyang asawa? Pinaulit niya ito ng dalawang beses para lamang kumpirmahin. Hindi nga s

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 70: Surprised

    "I love you," wika ng asawa bago ito tuluyang lamunin ng antok. "I love you too..." sagot niya dito. Mukhang hindi na nito narinig ang sinagot niya. Napatitig siya sa asawa. Nakatulog na nga ito pagkatapos ng maiinit nilang tagpo. May ngiti ito sa labi. Hindi niya maiwasang haplusin ang mukha nito. Unti-unting bumabalik ang sigla ng mukha nito no'ng bumalik sila sa buhay nito. Ano kaya ang gagawin nito kapag nalaman nitong wala naman pala talagang nangyari sa pagitan nito at ni Elisa? Napabuntong-hininga siya. Ano ba ang kasalanan nila, bakit sila pinarusahan ng ganito? Wala naman silang inagrabyado na tao. Lalo na kay Elisa, wala silang kasalanan dito bakit nito sinira ang pami

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 69: The Truth

    Sa sobrang inis ni Laura. Umahon siya sa tubig at dere-derechong umakyat ng silid. Pagkatapos maligo ay binisita niya ang mga bata. Tulog na pala ang mga kababaihan. Pinatay niya ang mga nakabukas na TV. Pero pagpasok niya sa kuwarto nila King. Gising pa ang mga ito, naglalaro pa. Kaagad na binitawan ni King ang hawak na telepono at niyakap siya. "Happy?" Tumango naman ito. "Sana lagi silang pumunta dito, Nanay para may mga kalaro ako." Ginulo niya ang buhok nito. "Hayaan mo, sasabihan ko ang Daddy mo, na lagi silang papuntahin dito. Okay?" Marahan itong tumango. Bumalik na ito kapagkuwan kaya lumabas na siya. Sinilip niya ang mga kaibigan, naliligo pa rin ang mga ito. Nak

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 68: Tease

    Kagaya ng napag-usapan nila ni Astin, pagdating ng Manila hindi sila magkatabi matulog. Pinapalitan niya ng sofa bed ang nasa silid nila para doon ito matulog.Bumawi ito sa anak niyang si Gabriel pero kay King nahihirapan ito. Kaya minsan tinutulungan niya si Astin para mapalapit ang dalawa. Ginawaan din ni Astin si King ng maliit na court sa likod ng bahay. Alam niyang natutuwa ang anak pero magaling itong magtago ng emosyon.Araw ng sabado noon. Tinanghali siya ng gising.Napakunot-noo siya ng makita ang isang bulaklak sa side table niya. Isa iyong pink na Camellia. Inilinga niya ang paningin, nakaligpit na ng higaan si Astin. Wala na ring kaluskos sa banyo. Hinigit niya ang bulaklak at inamoy iyon. Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status