Hindi nakaya ni Laura ang mga sumunod na oras. Parang siyang nakalutang sa ere. Ngayon lang siya nakainom ng ganoon kadami. Parang mabibiyak ang ulo niya sa sakit. Yung tipong gusto ng pumikit ng mata mo pero di magawa dahil may trabaho pa. Antok na antok na talaga siya.
Iginiya niya ang sarili sa loob ng opisina ni Andy. Hindi na niya kaya. Nagpaalam siya dito na mag-undertime. Pumayag ito nang makita ang mga mapupungay na mata. Ipinahatid siya nito sa company driver. Nakatulog naman siya sa biyahe sa sobrang antok.
Nagtaka pa ang ginang ng makita siya. Nagpaalam siya dito kaagad pagkatapos sabihing masama ang pakiramdam. Nag-alala ito kaya hinatiran siya nito ng gamot. Napatingin siya sa hitsura niya sa salamin. Medyo namamaga ang mukha niya, lalo ang mga mata niya. Ibig sabihin, kanina pa ganito ang mata niya? Nakakahiya sa mga nakakita.
Halos magkasabay sila ni Darryl na dumating. Kakauwi lang nito galing opisina. Ito ang una niyang nakitang naka business suit ito. Sabagay, bihira siyang pumunta sa bahay ng mga ito kapag weekdays. “Hi,” anito ng bumaba sa sasakyan nito. “Hello,” tugon niya dito. “Nabalitaan kong uuwi ka na ng probinsya. For good?” Tumango siya dito. “Whoah. Okay lang ba kung sasabihin kong, mamimiss kita?” natatawang sabi nito. “Nasabi mo na po,” sagot niyang natatawa din. “Gusto mong sumama?” pagkuway tanong niya na ikinatigil nito. Tumingin ito sa kaniya. "Saan?" "ZL Lounge,"
Isang buwan na ang nakalipas nang umuwi siya ng Caramoan. Bago pa man mag-birthday si BK ay nakalabas na ang ama niya. Kaya naging matapang siyang harapin ang bukas. Lahat ng atensyon niya ay binuhos niya sa ama. Isa naman talaga ang Daddy niya sa rason, kung bakit hindi siya sumuko sa buhay. Kahit wala na si Astin sa buhay niya. Nariyan pa ang ama niya. Na walang sawa sa pagpapramdam kung gaano siya nito kamahal. Kahit may kasama pa rin itong nurse, ay siya pa rin ang nag-aasikaso kapag free time. Hindi niya inaasa ang lahat sa nurse. Dahil walang tumatao sa bahay ng Tita Kendra niya ay doon siya umuuwi kapag abala sa resort, at hindi maka-uwi ng centro. Ang ama naman niya, sa dating bahay nila nakatira na nasa poblacion o centro kung tawagin. Hindi niya ito mapilit na sa sumama sa kaniya sa resort. Iyon ang gusto ng Tita Kendra niya. Kumuha na lang siya ng taga-alaga at taga-luto sa bahay nila. Malaki n
Dahil sa kabang naramdaman, isinara niya ang sliding door. Pagkasara ay bumalik siya sa higaan niya. Napasandal siya sa headboard ng kama. Ang bilis ng tibok ng puso niya pakiramdam niya, totoo ang nangyari sa panaginip. Pero napaka-imposible. Wala namang magtatangkang gumawa noon sa kaniya. Isa pa may mga sundalo sa paligid at tauhan ni ng mga Madrid. Napahawak siya sa labi niya. Hindi siya nakatulog ng mga sumunod na oras kaka-isip sa panaginip na iyon. Pabaling-baling siya sa higaan. Bumaba siya ng kama at tinungo ang pinto. Makakatulong sa kaniya ang pag-inom ng gatas. Bumaba siya at nagtimpla na lang ng gatas. Doon na lang din niya ito inubos. Pagkatapos ay umakyat siya at nahigang muli sa kama. Pinilit niyang matulog nang mahiga. Nakapikit lang siya, pero ang diwa niya ay gising. Mayamaya ay nakaramdam na siya ng antok. Tumingin muna siya sa
Hindi mawala-wala sa isip ni Laura ang napag-usapan nila ni John. Ibig sabihin magkikita na sila ng misteryosong CM na iyon? Pero bakit silang dalawa lang? Pasalampak na naupo siya swivel chair at hinarap ang mga papeles. Monday ngayon, marami-rami siyang gagawin para sa nagdaang linggo. Hindi pa man nag-iinit ang puwet niya ng makatanggap ng tawag sa mismong telepono niya. Unknown number kaya hinayaan niya lang hanggang sa mamatay iyon. Ilang sandali pa ay nakatanggap siya ng mensahe na nagmumula sa numerong iyon. Napa-angat siya ng kilay ng mabasa ang pangalan na inilagay nito sa dulo ng mensahe. Love, CM. Natawa siya ng mahina. Seriously? Mukhang pinagloloko siya nito. Binasa niya ang buong mensahe nito. Napangiwi siya sa banta nito sa kaniya. Hahalikan daw siya nito kapag nalaman nitong nag-jogging siya na ganoon ang suot. Namalayan na lang niya ang sariling nakangiti na naman. Parang masarap sa pakiramdam na may nagbabawal sa kani
Halos hindi niya magalaw ang pagkain dahil busog pa talaga siya. Talagang gutom nga ito, gaya ng sabi ni John."Hindi mo ba gusto ang nakahain? Magpapaluto ako," anito habang ngumunguya."Gusto ko, kaso busog na nga talaga ako," aniya."Ah, okay. Take out natin para makain mo mamaya,""May ulam sa bahay, 'wag ng i-take out,"Nalukot ang guwapo nitong mukha."Sinong nagsabi sayong uuwi ka sa bahay? Sasama ka sa akin." Nagpunas ito sa bibig pagkuwan. Tumitig pa ito sa kaniya."Ano? Nababaliw ka na ba? Hindi puwede. Nasa bahay niyo si Daddy, kaya uuwi ako. Papagalitan niya ako kapag hindi ako umuwi ng bahay," mahab
“You’re beautiful, Laura. Always,” anito sa paos na tinig. Titig na titig din ito sa kaniya.Bigla niyang itinakip ang mga kamay sa hubad na parte niya. Pero pinalis nito iyon.“Don’t, Sweetie,” anas nito. Bakas ang kakaibang kislap sa mga mata nito.“Astin,” nahihiyang sabi niya.Tumingin ito sa kaniya. Kakaiba ang nababanaag niya sa mga mata nito. Pagnanasa. Iyan ang nakikita niya.Hinawakan ng magkabilaang kamay nito ang mukha niya at iginiya palapit sa mukha nito. Mapusok siyang hinalikan nito kapagkuwan. Bumaba pa ang isang kamay nito para hapitin siya. Napahawak siya sa dibdib nito para hindi magkadikit ang kanilang katawan. Iba na ang nararamdamn niyang init ng mga sandal
Mabilis na binuksan ni Laura ang shower pagkapasok. Pero napatigil din siya ng maalala ang nangyari kanina. Napalabi siya. Kinapa niya ang damdamin niya. Masaya siya sa rebelasyon nito sa kaniya. Sana tuloy-tuloy na ang sayang nararamdaman ngayon.Siya pa rin talaga ang mahal ng binata. Although, nakaramdam siya ng matinding selos kay Barbie. Normal na reaksyon lang iyon. Malay ba kasi niya. Pero gusto niyang magtiwala kay Astin. Na siya nga ang gusto nitong pakasalan. Na parte lang ito ng misyon nito. Hindi niya alam kung anong organisasyon ba ang sinasabi nito. At bakit kasi kay Barbie pa? Pero susubukan niyang magtiwala sa binata. Mahal niya, eh.Napatigil siya sa pagsabon sa sarili ng maramdaman ang kaunting kirot. Hindi naman niya una ito, pero nakakaramdam pa rin siya ng kirot. Pero kahit ganoon, masaya siya. Kasi sa binata lang niya naibigay ang sa
Ganadong nagtrabaho si Laura maghapon. Dahil hindi siya kumain ng almusal, pinahatiran siya nito ng pagkain, na galing sa kubo. At espesyan na putahe pa ang pinaluto nito para sa kaniya. Panay din ang kumusta nito sa kaniya. Kung kumain na ba siya ng tanghalian o merienda. Napapailing siya sa mga mensahe nito.Yung totoo ngayon lang sila nagdalaga’t binata?Late na siya umuwi ng gabi dahil tumawag pa siya kay Andy tungkol sa sales report nila para sa nakaraang buwan. Hindi rin siya nakaligtas sa tanong nito. Kung okay na sila ng kapatid nito. Ang sabi niya lang, nagkakamabutihan na. Halatang kinikilig si Andy nang makausap niya. Saka lang nagsync-in sa isip niya, na wala nga pala silang label. Hindi nga siya nito niligawan.Hanggang sa pag-uwi nasa isip niya ang huling pag-uusap nila ni Andy. May nangyar