LOGIN"Uuwi na ako. Pumapayag na akong magpakasal sa anak ni Mr. Elizondo.” Mahal na mahal ni Rory ang kaniyang fiancé. Buong akala niya'y nahanap na niya sa piling ni Dale ang wagas at totoong pag-ibig. Ngunit sa pagbalik ng kaniyang pandinig, natuklasan niya ang isang masakit na katotohanan— mali pala siya ng pagkakakilala sa lalaki. Mananatili siyang pangalawa sa buhay nito dahil mas prioridad ni Dale ang adopted sister nitong si Samantha. Dalawang taon siyang nagtiis, nagpatawad, at naging maunawain. Ngayon na alam na niya kung sino ang mas mahalaga para kay Dale, panahon na rin siguro na unahin niya ang kaniyang sarili. Sa kaniyang pagbabalik sa Manila, napilitan siyang magpakasal kay Aeros Elizondo, isang makisig, guwapo ngunit malupit na CEO. Wala siyang ibang maramdaman para rito kung hindi kaba. Kahit na napakagwapo ng lalaki, mabigat naman ang presensya nito kaya't malaki ang kaniyang pag-aalinlangan. Paano nila malalampasan ang mga pagsubok bilang mag-asawa gayong tila napilitan lang din silang magsama? Ano ang kahinanatngan ng kanilang pagsasama? Posible kayang mahulog sa kaniya ang lalaki kahit na substitute bride lamang siya? Magmamahal kayang muli ang nasawi niyang puso kahit na marami siyang pag-aalinlangan? Ano ang mangyayari kung sa hindi inaasahang tagpo at pagkakataon, mahanap nila ang isa't isa na nahuhulog na sa kasunduang pagsasama?
View More“Totoo ba na nakauwi na ng Cagayan ang kapatid mo, Dale?” Kuryusong tanong ng isang boses na sadyang nagpatigil kay Rory sa harap ng nakasiwang na pinto.
“Hindi ka ba natatakot na baka magalit si Rory kung sakaling malaman niyang nakauwi na si Samantha?” Nanlamig agad ang sikmura ni Rory nang banggitin ang pangalan na ’yon. “Kung walang magsasabi sa kaniya, hindi niya malalaman na nakauwi na si Sam. And I warn you, all of you, don’t you dare tell her…” Mahinang tawa ang sumunod. “Kahit sabihin namin, hindi naman kami maririnig ni Rory. She’s deaf, right?” Mapanuksong saad ng boses ng babae. Mas lalo lamang na nag-ugat ang mga paa ni Rory sa kaniyang kinatatayuan. Isang taon na siyang hindi makarinig dahil sa nangyaring aksidente noon. Alam niyang pinag-uusapan at kinukutya siya ng ilan, pero hindi niya naisip na kahit sa harap ng kaniyang boyfriend— fiancé— na si Dale ay nagagawa siyang pagtawanan ng mga kasama nito. Lalo lamang siyang nagdalawang-isip na pumasok sa loob ng private room kung saan nagkakasiyahan ang mga kaibigan ni Dale. Kahit paano’y gusto niyang marinig kung ipagtatanggol ba siya ng lalaki, o sasawayin ang mga kaibigan nitong pinagtatawanan ang kaniyang kapansanan Ngunit lumipas na lamang ang ilang minuto ay wala siyang narinig. Napakagat-labi siya. Kanina lamang ay tuwang-tuwa siya, hindi na siya mapakali, gustong-gusto na niyang tawagan si Dale sa telepono at sabihin ang magandang balita. Nakakarinig na siya. Hindi na siya bingi. Hindi na niya kailangan ng hearing aid para makarinig at masundan ang usapan ng mga taong nasa paligid niya. Ang saya at kagalakan ay unti-unting napawi. Napalitan iyon ng kaguluhan at sakit na hindi niya maipaliwanag dahil sa kaniyang mga naririnig. Sa tuwing magkasama sila ni Dale, pinapanatag nito palagi ang kaniyang loob. Palagi nitong sinasabi sa kaniya na magiging maayos din ang lahat at maibabalik din ang kaniyang pandinig. Hindi nito hinahayaan na insultuhin siya ng ibang tao. Ayaw nitong kinukutya siya. Pero bakit… kapag ang mga kaibigan nito ang tumatawa at ginagawang biro ang kaniyang kapansanan ay wala itong kibo? “Isang taon pa lang si Samantha sa Canada, hindi ba?” Tanong ng isang boses. “Hindi na yata makatiis, miss na miss na yata si Dale kaya nagpumilit nang umuwi.” Mas malakas na tawanan ang sumunod. At hindi kagaya kanina, narinig niya ang saway ni Dale sa tawanang iyon. “Don’t initiate something! Kapatid ko si Samantha.” Pagalit na saad ng lalaki. Kaysa na matakot sa pagtaas ng boses ni Dale, mas lalo lamang nagtawanan ang mga tao sa loob ng private room. “May kapatid din naman akong babae, Dale… pero hindi mo kami kailanman naabutang naghahalikan—” “F*ck off, Caleb!” Sigaw ni Dale, halatang naiinis lalo. “But what’s wrong with that? Hindi naman sila magkadugo ni Samantha, ampon lamang siya ng pamilya ni Dale kaya—” “Stop it.” Putol ulit ni Dale sa isa pang nagsalita. “Samantha is not just an adopted child for me. Kapatid ang turing ko sa kaniya, totoong kapatid. At isa pa, ‘yong naabutan mo, dahil lang ‘yon sa lasing siya. Inaalalayan ko siya dahil hindi makalakad ng maayos dala ng kalasingan. Hindi ko alam na hihilig siya sa akin at magtatama ang labi namin!” “Mukhang hindi aksidente ang nakita ko no’n.” Dipensa ng kausap ni Dale. Parang nahulog sa bangin ang puso ni Rory. Naalala niya bigla kung bakit galit na galit sa kaniya si Samantha at kung bakit nagawa nitong saktan siya. Napahigpit ang hawak niya sa maliit na velvet box na kaniyang dala. Sa loob no’n ay isang bago at mamahaling singsing. Kahit na simple lamang ang design, hindi maipagkakamaling malaki ang halaga nito. Bago siya pumunta rito sa club, napadaan siya sa isang jewelry store at bumili ng singsing na balak niya sanang iregalo kay Dale bilang pasasalamat sa mga nagawa nitong sakripisyo para sa kaniya at para na rin maging opisyal nang muli ang kanilang engagement. Bigla’y may nalasahan siyang pait sa dulo ng kaniyang dila. Isang taon na ang nakalipas simula nang napag-usapan nila ni Dale na magpakasal na, pumayag siya kahit na hindi naman ito nagpropose o lumuhod para makuha ang matamis niyang “oo”. Basta’t pumayag siya nang banggitin nitong magpapakasal na sila, pinangakuan siya nitong isasapubliko ang kanilang engagement party kung saan doon din nito ibibigay ang pangakong singsing. Ngunit bago ang araw ng kanilang engagement party, isang aksidente ang naganap. Sadya siyang sinagasaan ng isang itim na sasakyan habang papatawid ng kalsada. Dahil sa nangyari, kinailangan siyang isugod sa ospital para magamot lalo’t marami siyang sugat at galos sa buong katawan. Sa lakas ng pagkabangga sa kaniya ng sasakyan, ilang araw siyang walang malay at isang buwan din siyang nanatili sa ospital. Ang pinakamalala pa, nawala ang kaniyang pandinig dahil sa aksidente kaya’t isang taon siyang bingi’t umaasa lamang sa pag-sa-sign language kapag may kausap. Pagkatapos ng imbestigasyon, napag-alaman ng pulisya na ang lalaking nakabangga sa kaniya ay binayaran pala ni Samantha. Nagalit ang pamilya ni Dale kaya’t nagpasya silang parusahan si Samantha at ipatapon sa Canada. Naalala niyang kinausap siya noon ni Dale, huwag na raw siyang magsampa ng kaso laban kay Samantha dahil ang pamilya na lamang nito ang bahalang umayos sa gulo. Sa awa kay Dale dahil sa pakiusap nito, lumambot ang kaniyang puso at pinagbigyan ang lalaki. Akala niya’y habang-buhay na si Samantha sa Canada, ngunit isang taon pa lang nakabalik na agad ng Pilipinas ang babae. At talagang umuwi pa ito ng Cagayan de Oro. Nasaan ang pangako ni Dale sa kaniya na ito ang magbibigay hustisya sa ginawa ni Samantha sa kaniya? “Bakit hindi mo na lang sabihin kay Rory na nakauwi na si Samantha? Mukhang mabait naman si Rory, siguro napatawad na niya si Samantha kaya hindi niyo na kailangan itago sa kaniya na nakauwi na ang kapatid mo.” “I doubt that.” Maagap na tugon ng panibagong boses ng babae. Mas mahinhin ang boses, mas malamya. “Kung ako ang nasa sitwasyon ni Rory, mahihirapan akong patawarin si Samantha. She’s deaf now because of what happened. Kung ako ‘yon…” “Sam is only twenty. What do we expect? She’s still childish.” Pagtatanggol ni Dale. Napaawang ang bibig ni Rory. Childish? That's what you call it? Nag-agaw-buhay siya dahil sa ginawa ni Samantha. Hindi man ito ang sumagasa sa kaniya, hindi maitatanggi na si Samantha pa rin ang nagplano no’n. Hindi na iyon pagiging isip-bata kung may plano ka nang patayin ang isang tao. Iniangat niya ang kaniyang kamay, gusto nang itulak ang pinto para tumambad sa harap ng mga taong pinag-uusapan siya, pero napatigil din siya agad nang maramdaman ang sunod-sunod na vibration galing sa suot na pants. Kinapa niya ang kaniyang cellphone sa bulsa ng pants at nang makita ang sunod-sunod na mensahe galing sa kaniyang Mommy ay tuluyan siyang napaatras. Kumunot ang kaniyang noo at wala sa sariling lumayo sa pinto ng private room nila Dale. Sa isang sulok ay tumayo siya para makapagpokus sa pagbabasa ng mahabang mensahe ng kaniyang ina. Ngunit bago niya pa masimulan, isang panibagong mensahe ang lumitaw sa screen at napatigil ang kaniyang mundo. Mommy: Please, do this for me. For us. Marry the Elizondo’s heir.Kabanata 5Nagising si Rory na sobrang sakit ng katawan, lalo na ng kaniyang balikat na binalot na ng gauze. Sinubukan niyang bumangon, nahihilo siya at alam niyang ilang minuto na lang ay siguradong aakyat na ang asido sa kaniyang lalamunan. Nasapo niya ang kaniyang noo na mayroon din palang gauze. Inilibot niya ang tingin at nakitang walang ibang tao sa loob ng silid kung hindi siya lang. Noong una’y hindi niya pa alam kung nasaan siya, ngunit nang maalala ang huling pangyayari bago siya tuluyang mawalan ng malay ay saka niya napagtanto na posibleng nasa ospital siya at nakaconfine.Sinubukan niyang ibaba ang mga paa sa gilid ng higaan, ngunit bago pa tuluyang makatapak sa tiled floor ay narinig na niyang bumukas ang pinto. Wala sa sarili siyang napalingon at nang makita ang pamilyar na doktor ay napaawang ang bibig.Dr. Tuscano.“Where are you going?” Nagtaas ng kilay ang lalaking doktor nang makita siya sa gilid ng higaan.Ibinuka niya ang bibig, ngunit wala pa ring boses na lum
Agad na nagmarka sa kaliwang pisngi ni Samantha ang kaniyang palad. Hindi agad nakakilos ang babae sa pinaghalong gulat at pagkalito sa nangyari.Ngunit ilang sandali lang, napabaling ito ng tingin sa kaniya. Buong mukha nito ang agad na namula at ang mga mata nito’y napuno ng galit at poot.“Walanghiya ka!”Iniangat ni Samantha ang kanang kamay para gumanti ng sampal ngunit masyadong mabagal ang babae kaya mabilis niya iyong nahuli sa ere. Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan nito na agad na nagpalukot ng mukha ni Samantha.Sinubukan nitong bawiin ang kamay, binitiwan niya naman iyon at muntik pa itong mawalan ng balanse. Ngunit bago tuluyang makabawi, muli niyang sinampal sa kabilang pisngi ang babae.Agad na bumaling sa kabilang direksyon ang mukha ni Samantha at ang mahaba at medyo makapal na kulot na buhok sa gilid ng mukha ay sumabog at tinakpan na ang buong mukha nito.Hindi makagalaw ang mga taong nanonood sa kanila. Lahat sila ay nagulat sa unang sampal ni Rory. Ngunit sa
Ilang beses nang naimagine ni Rory ang muli nilang pagkikita ni Samantha. Sa kaniyang imahinasyon at gawa-gawang senaryo, sa pagkikita nilang muli ni Samantha ay lalapit ito sa kaniya at hihingi ng tawad sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. May luha pa sa mga mata ng babae habang inaamin nito ang lahat ng nga pagkakasala at hihingi ito ng tawad upang maging maayos na silang dalawa.Ayaw niya mang makitang muli si Samantha, alam niyang parte pa rin ng pamilya ni Dale ang babae. Ayaw niyang ipagdamot kay Dale ang karapatan nitong makasama ang kapatid kahit na malaki ang naging kasalanan nito sa kaniya.Ngunit sa mga sandaling ito, naunawaan niyang hindi pa rin pala talaga nagbabago si Samantha.Gusto niyang pumihit paharap sa babae, pero pinigilan niya ang sarili.Humakbang palapit si Dale sa kaniya at sinubukang hawakan ang kaniyang braso. Para bang gusto nitong ilayo siya kay Samantha. O baka gusto nitong ilayo si Samantha sa kaniya.“Samantha, you should go. Habang hindi ka pa napapans
Ilang segundo na tinititigan lamang ni Rory ang mensahe ng kaniyang ina.Kaya siya lumayo at nagpokus sa pagbabasa ng mensahe nito dahil akala niya’y may nangyaring masama rito.Simula noong umalis siya ng Manila at piniling manirahan dito sa Cagayan de Oro ay hindi na sila gaanong nag-uusap ng kaniyang ina. Alam niyang nagtatampo ito sa kaniyang pagrerebelde kaya’t mas pinipiling maging malamig sa kaniya.Muli niyang binasa ang mga naunang mensahe galing sa kaniyang ina.Nalulugi na ang kompanya ng kaniyang Tito Christian— ang bagong asawa ng kaniyang Mommy— at ang tanging paraan para maisalba ang kompanya sa mabilis nitong pagkakalugmok ay isang arrange-marriage sa mga Elizondo. Kapalit ng pagpapakasal ng anak ni Christian Rodrigo ay tutulong ang mga Elizondo na mabawi muli ang kompanya sa pagkalugi nito.Napakunot-noo siya. Hindi siya isang Rodrigo. Isa siyang Del Real, hindi niya pinabago ang kaniyang apelyido kahit noong nakiusap ang kaniyang ina na baguhin iyon noong pinakasala












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.