Tessa's POV
NAPAPITLAG ako nang marinig ang malakas na busina ng kotse sa labas ng malaking gate. Nagmamadali kong binitiwan ang hawak kong walis at dustpan at saka mabilis ang mga hakbang na lumapit sa bintana. "Si Senyorito Darius!" bulalas ko habang may malaking ngiti sa aking labi. Gusto kong tumalon sa labis na tuwa nang matanaw ang pagpasok ng kulay abong sasakyan sa gate ng Altagrasia Mansion. Si Mamang Olga pa ang nagbukas ng pinto dahil excited rin itong salubungin si Senyorito Darius. Ang totoo niyan, sa lahat ng anak ni Don Enrico, si Senyorito Darius at Ate Isabella ang pinakapaborito ni Mamang Olga. Nasa ibang bansa na si Ate Isabella, at si Senyorito Darius naman ay madalang na lang kung bumisita rito. Pero dahil nalalapit na ang kaarawan niya, umuwi ito sa Hacienda Altagrasia upang dito ipagdiwang ang kaniyang 30th birthday. Dali akong lumabas ng malaki at malawak na living room upang salubungin ang senyorito. Hindi na nga mabura ang ngiti sa mukha ko dahil sa wakas, matapos ang maraming buwan ay muli kong masisilayan ang guwapo niyang mukha. "Darius! Anak! Kumusta ka naman?" "Manang, na-miss ko po kayo!" "Na-miss din kita, anak!" Lalong natuwa ang nangungulila kong puso nang marinig ang kumustahan nina Mamang Olga at Senyorito Darius. Matagal ko rin pinanabikan marinig ang baritono at nakaka-inlab na boses ni Senyorito! Paglabas ko ng malaking pinto ng mansion, ang matinding kasiyahan at malaking ngiti sa aking labi ay mabilis na napalis. Unti-unting naglaho ang tuwang nararamdaman ko nang makita ang babaeng nakatayo sa tabi ni Senyorito Darius. Sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon lang nagsama ng si Senyorito. Maganda ito, matangkad, kutis porselana at maamo ang mukha. Maging ang pananamit nito, napakasosyal. Nanliit ako nang bumaba ang paningin ko sa aking sarili. Damit na pangkatulong lamang ang aking suot, hindi rin ako masyadong katangkaran, morena ang kutis ko at kumpara sa babaeng kasama niya, walang-wala ako. "Sino naman itong kasama mo, hijo?" Bago pa man masagot ni Senyorito Darius ang tanong ni Mamang, lumabas na mula sa malaking pinto ng mansion si Don Enrico kasama ang may-bahay nito, si Donya Magda. "Darius." "Pa!" Nakangiting lumapit si Senyorito kay Don Enrico at yumakap dito. Hindi naman niya binigyan ng pansin si Donya Magda na agad na nahalata namin. Matapos ng nangyari kay Master Daryl at maging sa anak ni Donya Magda na si Anika, malaki na ang ipinagbago ng Hacienda Altagrasia. Isa na rito si Senyorito Darius. Umiwas na ito sa pag-uwi dito sa hacienda, at kung nandito man, halata ang pagkailap niya sa donya. Hindi ko masisisi si Senyorito Darius. Kalat na sa buong Hacienda Altagrasia ang ginawang pagtutuhog ni Donya Magda sa mag-amang Altagrasia—kina Don Enrico at Master Daryl. Sa katunayan, namatay si Master Daryl nang hindi sila nagkakaayos ng don. "Ito na ba si Martha?" Lumapit si Senyorito Darius sa babaeng kasama at nakangiting inakbayan ito. "Yes, pa." Kumirot nang bahagya ang puso ko nang makita ang ngiti sa mukha ni Senyorito habang nakaakbay sa babaeng nagngangalang Martha. Lumapit si Martha kay Don Enrico at b****o rito, maging kay Donya Magda. "Mabuti naman at nakasama ka, hija." "It's a pleasure to be here, tito. Matagal ko na nga pong gustong bumisita rito. Si Darius kasi, masyadong busy sa trabaho kaya ngayon lang kami nakapunta." "Hindi bale, ang mahalaga, nandito ka para sa birthday celebration ng aking anak." Mas lalo akong nanlumo nang mapansin na parang gustong-gusto ni Don Enrico si Martha. Mukhang boto ito sa babaeng iyon para kay Senyorito Darius. Nakagat ko ang labi ko sa narinig. Hindi naman siguro sila magkasintahan? Oo, maganda si Martha, pero hindi siya magugustuhan ni Senyorito Darius. Mailap si Senyorito sa mga babae at ayaw niya sa mga masyadong maarte. Tumango-tango ako sa naisip. Umaasa ako na hanggang ngayon, hindi pa nakakatagpo si Senyorito Darius ng kasintahan. Matagal akong naghintay sa pagbabalik niya. Siguro ngayon, magagawa ko nang maipagtapat sa kaniya ang tunay kong nararamdaman. "Siya nga pala, Manang Olga, ito pala si Martha, ang nobya ko." Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ang mga katagang iyon mula kay Senyorito. Lumakas ang pintig ng puso ko at habol hiningang nagpabalik-balik ako ng tingin kay Senyorito Darius at kay Martha. Kahit si Mamang Olga ay natigilan at napatingin sa akin. Alam kasi niyang matagal ko nang lihim na minamahal si Senyorito Darius. Buong akala ko ay wala nang mas sasakit pa sa nalaman ko ngayon, pero ang sumunod na sinabi ni Don Enrico ang tuluyang nagpawasak ng puso ko. "Sa gabi ng kaarawan mo, iaanunsyo ko na rin sa lahat ang nalalapit ninyong pag-iisang dibdib!"Tessa's POVMALAPAD ang ngiti sa mukha ko habang sakay ng bridal car at nakatingin sa aking wedding bouquet. Sa wakas, matapos ng apat na buwan, ikakasal na kaming muli ni Darius.Theo wants my wedding to be grand, kaya kinuha nito ang pinakamalaking simbahan sa Pilipinas, nag-hire ng limang magagaling na wedding planner, nagbayad ng isang dosenang kilalang chef, at kinuha ang pinakamahal na designer para sa aking wedding dress.He wanted the wedding to be in Canada, pero ang gusto namin ni Darius ang nasunod na dito na lang sa Pilipinas. Ang honeymoon naman ay sa Maldives. Iiwan namin si Maddy sa pangangalaga ni Theo at ng stepmother ko na ex-wife nito. I think they're rekindling their love.Tumigil ang kotse sa harap ng malaking simbahan. Maraming tao sa labas, pero karamihan ay security. Nagtataka ako nang mapansin na parang nagkakagulo sila.Maya-maya pa ay patakbong lumabas si Darius kasama si Theo. May hawak silang cellphone sa kani-kanilang kamay."Darius, what's happening?""T
Darius' POVSINUNDAN ko si Tessa hanggang sa makalabas ito ng banquet hall at maabot ang lobby ng hotel. She's with her driver. Inaalalayan nito si Tessa. Kaya nang mapansin kong parang hindi maganda ang pakiramdam niya, lalo kong binilisan ang paglalakad para lapitan siya."Sweetheart!"Natigilan ako nang pumasok sa entrance ng hotel si Theo Afeconciado. Kumuyom bigla ang mga kamao ko nang lumapit dito si Tessa at yumakap dito.Bigla na lang nagdilim ang aking paningin. Parang nawala ako sa sarili at mabilis silang nilapitan."I heard about what happened. And it's all over the news—"Hindi na natapos ni Theo ang sinasabi niya nang makita ako. Kinuwelyuhan ko siya gamit ng isang kamay at malakas na sinuntok sa mukha."Oh my God!" tili ni Tessa."Don't you dare lay your hands on my wife, you sick bastard!"Biglang pumagitna sa amin si Tessa at gulat na gulat na tumingin sa akin."What's wrong with you, Darius! Bakit mo iyon ginawa!"Sa pagkakataong iyon ay nilapitan na ako ng driver ni
Darius' POVNABALING kay Martha ang paningin ng mga tao sa loob ng event. Tumayo siya at namimilog ang mga matang umiling.I was about to grab her arm to get her to sit again, but she was furiously screaming like a mad maniac. Mabilis itong umakyat sa stage at galit na nilapitan si Tessa."Liar! Liar!"May lumapit sa kanilang mga security. Tumayo na rin ako para kunin si Martha pero sinenyasan ni Tessa ang mga security na hayaan ito kaya wala akong nagawa kundi tumigil sa kinatatayuan ko."What? Owner of Golden Rose? Are you fucking kidding me?" Tumawa si Martha nang malakas. "Paano ka magiging may-ari ng jewelry brand na ito kung isa kang dukha, mangmang at cheap! Ah! Isa ka nga palang dakilang kabit! Kailangan mo pang pumatol sa mga lalaking may pera para mabili ang gusto mo!"Nagtagis ang bagang ko. "Martha!"Bumaling sa akin si Tessa at ngumiti. "It's okay, Darius.""Stop calling my husband's name! Ang kapal ng mukha mo! Kilala na kita! Kumabit ka sa matandang mayaman na negosyant
Tessa's POVMABILIS akong kinumutan ni Darius at itinago ako sa likuran niya. I wrapped the white blanket around my body and turned to looked at Martha's angry face."That's why you're not answering my calls!" Isang malakas na sampal ang ibinigay nito kay Darius na noo'y nakahubo't hubad pa rin. "Kaya ka pala nanlalamig sa akin dahil sa iba ka na nag-iinit! At kung hindi pa ipinadala sa akin ni Sheena ang litrato n'yo, hindi ko pa malalaman na niloloko mo na ako!""Enough, Martha," mahinahon na saad ni Darius, pero lalo lang nalukot ang mukha ni Martha. "You don't have the right to tell me what to do! How dare you cheat on me! At sa katulong pa!"Dinuro niya si Darius bago bumaling sa akin. Bigla itong natigilan nang makita ako."T-Tessa?" Nanlaki ang mga mata niya na parang hindi siya makapaniwala sa nakikita. Animo'y isa akong multo na nagpakita sa araw ng undas.Sa pagkakataong iyon ay tumayo na ako at taas-noo. Nakapulupot pa rin ang kumot sa katawan ko.Nagpabalik-balik ang ting
Tessa's POV"Tessa, what's that?"Dali-dali kong pinasok ang mga dokumento sa loob ng bag ko at saka humarap kay Darius. Nginitian ko ito bago inilingan."Wala lang ito. N-nasaan si Maddy? Tuloy ba tayo?""Yeah." Lumapit siya sa akin at pinatong ang kamay sa isa kong balikat. "I want to make it up to her. I realized I was wrong for treating her the way I did.""I-I'm happy na naisip mo iyan.""Puwede mo ba akong tulungan bumawi kay Maddy?"Matagal ko siyang tinitigan sa tanong niya. Hinanap ng mga mata ko si Maddy at nakita ito sa passengers seat na nakaupo at nakatanaw sa amin. Agad na sumilay ang ngiti sa labi nito nang makita ako."Oo naman. Let's go? Gusto ko na rin mag-malling."Pumunta kami sa pinakamalaking mall sa pinakamalapit. Lahat ng ituro ni Maddy, binibili ni Darius. Ako naman ay panay abot din ng matipuhan ng mga mata ko.Darius offered to pay my stuff, but I didn't let him. May pera ako at kaya ko nang bayaran ang lahat ng gusto ko. Kahit naman noon pa, hindi ko inaasa
Tessa's POVNAGULAT ako nang sa pagbukas ng pinto ng silid ni Maddy, pumasok si Darius at bigla akong hinalikan sa mga labi.Agad akong kumawala sa mga halik niya dahil alam kong nakikita kami ni Maddy. "Ano ka ba? Ang anak mo, nakikita tayo.""Hindi iyan." Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palabas, pero pinigilan ko siya.I can see the longing in his eyes. Ako rin naman, nananabik na makasama siya. Nananabik akong magawa ang plano ko sa kanila."Ngayon pa lang kita masosolo, Tessa. I missed you." Hinapit niya ako sa baywang at niyakap. "Kahit kasama na kita sa iisang bubong, parang hindi pa rin sapat."I forced a smile before distancing myself from him. "Darius, I want to tell you something."Lalapitan niya sana ako pero umatras ako. He stood in front of me, smiling. Namumungay ang mga mata niya."It's about Maddy."Nang marinig niya ang pangalan ng anak niya, parang nawawalan ng gana na nagbuga siya ng hangin"That can wait."Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. "This is im