Share

Chapter 4

10:00 AM ako nagsimulang mag ayos ng sarili ko. I wore a blue long sleeve polo and a red pencil cut skirt saka ko tinali into ponytail ang buhok ko. Mainit din kase at isa pa, para kaaya ayang tingnan.

Nagpaalam ako kay Mommy at Daddy at sinabi ko na sa labas nalang uli ako kakain for lunch dahil sure ako na aabutin ng lunch time yan. Ewan ko ha.

Kinuha ko na ang bag at folder ko saka h*****k kay Mommy at Daddy. Pagkalabas ng bahay, muli akong huminga ng malalim.

"You can do it, Venice"

Nadatnan ko na andito na den yung mga applicants na natira kasama ko kahapon. Kumpleto na nga yata kami.

Tahimik akong naupo at pilit kinakalma ang sarili ko. Don't be nervous, Venice. Isipin mo nalang na makakatulong ito sa Mommy at Daddy mo.

Hindi ko maiwasang di mapangiti ng mapait ng maalala ko ang nangyari non.

Hindi inaasahan ang biglang pagbagsak ng kumpanya namin. Our company went down in an instant dahil napabayaan ito.

Si Daddy noon, dahil nga madaming pera, nahumaling sa pagka casino. While si Mommy, puro gala at shopping with her friends ang inatupag non. Kampante kasi sila sa kumpanya namin.

I don't know but, back then, kahit wala akong alam sa business, ramdam ko na napapabayaan na yun. Yung chains of hotels namin na di kalaunan, bumagsak.

And that's what happened years ago.

Ilang ari arian din namin ang nakasangla sa Bangko ngayon at etong mansion nalang ang naiwan samin. Wala na din kaming kasambahay dahil kapos sa budget.

I never imagine na masasabi ko yung word na KAPOS when it comes to my family. I never imagine na eto ako, nagko commute at naghihintay ng ilang oras matanggap lang sa trabahong a-applyan.

"Hey.." Napatingala naman ako para harapin ang tumawag sakin.

"Oh, hi Tanya" sambit ko saka ngumiti.

Ngumiti din sya sakin saka ginala ang paningin.

"Hi, Venice. Nag aapply ka den pala" sabi nya. "You know what? I think that job is suitable for you. I mean, ngayon palang, nakikita ko na may alam ka sa business and you have a time management skill na kelangan ni Jerwin" sambit nya na ikinakunot ng noo ko.

Ganun ba lahat ng employee dito? Jerwin lang ang tawag sa CEO nila?

"Salamat" nasabi ko nalang ng biglang may lalaking lumapit samin.

"Tanya, what are you doing here?" Salubong nya saka bumaling sakin. "Hello there, Venice" tanging ngiti nalang ang naisagot ko dahil nahagip ng mata ko ang paglabas ng isang babaeng aplikante and she's crying! I guess, she didn't make it.

"Oh, may ia-abot lang sana ako kay Jerwin but, look, busy pala sya. Muntik ko nang malimutan na may job hiring nga pala as a secretary nya" sambit ni Tanya.

"Wala kang flight?"

Ayoko sanang makinig sa usapan ng may usapan pero, nakatayo kasi sila sa harap ko so, I can't help but to hear what they're talking about.

"Until next week, wala. Jerwin suggested na magpahinga daw muna ako so, I could gain my energy. Medyo malayong bansa din kase ang schedules flight ko next week" sagot ni Tanya.

"Ms. Venice Ocampo?" Halos mahulog ako sa kinauupuan ko.

Hala, ako na pala!

Dahan dahan akong tumayo habang yakap ang folder ko na naglalaman ng resume.

"Hey, Venice, Goodluck!" napalingon ako Kay Tanya na nakangiti sakin kaya nginitian ko din sya.

"Maraming salamat" sabi ko at napalingon kay Yohan na nakangiti din sakin.

"Goodluck, Venice. Kaya mo yan" sabi nya.

Ngumiti ako at tumango bago tumalikod at huminga ng malalim.

You can do it, Venice.

Kumatok muna ako bago sumilip sa medyo nakaawang na pintuan.

"Come in" dinig kong boses kaya napalunok ako.

Here it is!

Pumasok na ko ng tuluyan at naglakad papunta sa tapat ng mesa ng CEO.

"Good morning Sir" bati ko nang di sya tinitingnan.

"Good morning. Take a seat" nakayuko akong naupo sa upuan sa tapat nya.

Ilang sandaling katahimikan ang bumalot samin. Napakunot naman ang noo ko.

Di ba nya ako i-interview hin?

"Venice Lauren Ocampo" napalingon ako sa kanya habang binabasa nya ang folder ko pero napatigil ako.

He looks familiar.

"Venice.." Bulong pa nya saka pumikit at huminga ng malalim bago ibaling ang mata sakin na ikinagulat ko kaya nag iwas ako ng tingin.

Nakakahiya! Nahuli nya Kong tinititigan sya. But, tinititigan ko lang naman sya just to confirm something. Familiar na familiar kasi sya e and the way my heart beats. Familiar.

"You're hired"

Napamaang ako saka bumaling sa kanya pero tumayo na sya at kinuha ang coat nya bago umikot sa table nya at naglakad papunta sa may pintuan.

"You may start tomorrow"

Habang ako, naiwang tulala. What in the earth just happened?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Djames Gonijorap
ang kanyang x
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status