"Mag-ingat ka Ivory," bilin ni Tita habang bumababa ako ng hagdan."Bakit kasi may takong pa ang dapat isuot? Hindi ba pwedeng rubber shoes na lamang?!" pagmamaktol ko sa sarili.Natawa naman si Tita na nangunguna sa pagbaba ng hagdan."Seriously Ivory?! Rubber shoes on debut? You're so funny! Ano naman itsura mo no'n? Naka gown ka nga tapos naka rubber shoes?!" saad ni Tita sabay tawa nito."Ang hirap po kasi maglakad Tita,""Masanay ka na iha, dapat gan'yan ang isinusuot ng mga dalaga ngayon," sabi pa nito.Hindi na lamang ako sumagot. Inalalayan ako ng mga nag make-up sa'kin hanggang sa likod ng stage na paggaganapan."You look gorgeous."Isang baritonong boses ang aking narinig sa lalaking tumabi sa akin."Ikaw pala boss,"Gwapong gwapo ito sa suot niyang tuxedo, nakagayos pa rin ang buhok nito palikod."Gwapo n'yo ngayon a!" ani ko."Tss! Ang tagal na Ivory Belle, ngayon mo lang talaga napansin?! Malabo ba mata mo?" iritado nitong tanong."Ha? Malinaw mata ko boss, sa bata ko pan
Aaminin kong kinabahan ako sa sinabi ni boss kahit hindi ko alam kung bakit.Unforgettable? Hmm? Hindi pa ba unforgettable 'yong party kanina? Teka... Jusko! Baka i-torture ako ni boss!! Hindi ko talaga malilimutan 'yon—"Hey! Belle, are you listening?""P-Po?" Napakurapurap ako sa gulat.Nagbuntong hininga ito, doon ko pa lamang napansin na tumigil pala kami sa paglalakad."I said, do you have any idea or prefer food you want? Specific food?""A-Ah... W-Wala boss. Wala..""Sure?""Sure na!" Sagot ko habang itinataas ang kamao sa ere. Nagtataka naman akong tinignan ni Boss."What was that for?" Turo nito sa kamay ko. Tinignan ko naman ito at napapahiyang ibinaba."A-Ano.. Gano'n po kasi dati sa game ka na ba ni Kris hindi ba?""I dunno,""Tss! H'wag n'yo na lamang ako pansinin boss. Tara na. Saan ba tayo?" Aya ko rito."Come here," hinila ako nito sa kamay at nagpatuloy sa paglalakad.Diretso ang lakad namin patungo sa likod bahay. Doon bumungad sa akin ang isang malaking puno. Sa bab
Akala ko hanggang doon na lang ang gagawin namin. Pero si boss ay naglabas pa ng cake, may dalang regalo at nilagyan pa ako ng party hat tulad ng kanya."Happy birthday to you~ Happy birthday to you~ happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you~~"Kinakanta n'ya 'to habang naglalakad palapit sa'kin dala ang cake. May sindi na rin ang kandila sa gitna nito. Pareho kaming naka party hat na hindi ko alam kung saan pa n'ya kinuha. Pero ang ganda pala ng boses n'ya kapag kumakanta.Mas magarbo naman 'yong hinanda ni Tita sa bahay, pero bakit mas parang naiiyak pa ako sa ginawa ng boss ko? Sa simpleng ganito na touch ako. Siguro dahil, ganito ang taon-taon kong nakasanayan kasama ang pamilya ko. Ganito namin i-celebrate ang birthday ko sa amin.Tumigil ito sa harap ko at ngumiti sa'kin.“Make a wish Belle,” mahinang saad nito.Pumikit ako habang magkadaop ang aking mga palad.Sana... Mai-ahon ko sa hirap ang pamilya ko. At sana, sa susunod na mahalagang araw sa buhay ko, kasama k
Nagising ako sa kumikiliti sa'king tainga.."Hmmm..." Ungol ko sabay hawi sa bagay na tumatama sa'kin habang nakapikit."Hey..." Malambing na tinig na aking narinig.Anghel ba 'yon? Teka?! Na salvage na ba ako ni Boss?!"Wake up sleepyhead..." Mahina at may lambing na sabi muli ng anghel.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakangiting lalaki ang bumungad sa'kin."May lalaki pa lang anghel?" Ani ko.Natawa naman ang lalaking anghel sa aking nasambit."Still in Dreamland huh..." Sabi nito binugahan ako ng kaniyang mabangong hininga sa mukha. Napapikit-pikit naman ako at nagising ang diwa. Doon ko lamang napansin na ang boss ko pala ang nang gigising sa'kin."B-Boss?! Gising ka na pala?""Kanina pa po, at kanina pa kita ginigising..." Sagot nito.Napaupo ako sa kama na aking hinihigaan. At nakitang bagong ligo na nga ito. Ready na talagang umalis. "Ano po ba oras na?""10 am,""Hala!" Nagmadali akong umalis sa kama at tarantang pumasok ng banyo. Pero agad din napatigil nang
Makalipas ang ilang araw ay balik trabaho na muli. Naging busy na kami sa opisina. Pinilit rin akong mag-enroll sa college ni Boss. Sa totoo lamang ay ayaw ko pa dahil hindi pa sapat ang ipon ko. Nagpapadala pa rin ako kina Nanay. Pero hindi ito pumayag kaya wala rin akong nagawa. Napag alaman kong isa pala sila sa may ari ng kolehiyong papasukan ko.Ngayon ang unang araw ko, kaya sobrang kabado ako. Pangarap ko lamang noon, at ngayon, isa na akong kolehiyala. Nakaka-proud pala.Tuwang-tuwa rin sina Nanay nang ibalita ko sa kanila ang pagpasok ko. Panay pa ang habilin nila sa'kin ng kung ano-ano. Oo lang naman ako ng oo para hindi na humaba pa ang habilin. Pagkarating ko sa tapat ng campus ay napahinga ako ng malalim. Eto na... Eto na ang magiging simula ng lahat. Kaya ko 'to!College High University (C.H.U)Basa ko sa pangalan ng university. Naninibago pa ako sa suot kong palda na hanggang ibabaw ng aking tuhod. Naka blazer na black na may long-sleeved blouse na white sa loob. May h
Sobrang mag-inarte ang boss ko, hanggang sa makarating kami sa office ay hindi ako iniimikan. Daig pa ang babaeng may regla sa kaartihan."Uy boss!" Kulbit ko rito habang napasok kami ng office n'ya."What?" Magkasalubong na kilay na sagot nito."Luh! Galit ka pa rin?! Ay grabe!" Sabi ko at umupo na sa spot ko. Nilampasan ko lamang ito na nakatayo malapit sa table n'ya."Wait... Are you mad? It supposed to be me not you.""Hindi po. Magta-trabaho na po ako. Pasensya na po ulit." Walang gana kong sabi. Kunwari nagtatampo ako. Para hindi na s'ya magalit. Tsk! Talino ko talaga!Umupo ito sa swivel chair n'ya at pinaka titigan ako. Kahit hindi ko man s'ya tignan ay kita ko pa rin s'ya sa gilid ng mga mata ko. Ramdam ko rin na may nakatingin sa'kin. Pero hindi ko ito pinansin at inabala kunwari ang sarili sa harap ng desktop ko."Hey!" Tawag pansin nito sa'kin pero hindi pa rin ako natingin."Belle," "Hmm?" Sagot ko pero hindi pa rin lumilingon."Tell me, are you mad?" Mahinahon nitong ta
Simula ng mag-aral ako ay palagi na lamang kami nag-aaway ni boss. Nagsimula rin ang inis ko sa kanya dahil sa ginagawa n'ya.Hindi biro ang mag-aral habang nagta-trabaho, ngunit nakatulong ito upang mabago ang kainosentihan ko sa bagay-bagay. Marami akong natutuhan sa buhay, pati na rin ang pagpapahalaga sa bawat sentimo. Pati sina nanay ay tuwang-tuwa sa aking pag-aaral. Pero araw-araw akong naiinis sa aking boss na sira ulo!"Boss! Ilang buwan na akong nag-aaral, at ilang buwan ko na rin po sinabi sa'yo na hindi mo na ako kailangan sunduin pa?! Hindi ko naman tatakasan ang trabaho ko sa'yo!" pagmamaktol kong bungad dito pagpasok ng sasakyan.Paano ba naman, sinundo na naman ako. Hindi na tuloy ako makapag fishball kasama ng mga kaklase ko. Sa ilang buwan kong pag-aaral ay nagkaroon na ako ng mga kaibigan."Bakit ba palagi kang galit sa tuwing sinusundo kita? Aren't you thankful? Not all the boss doing this." "Pero hindi ko naman sinabi boss na gawin mo 'to-""Because I want to," p
Simula nang mangyari 'yon ay palagi kong tinatanong ang sarili ko. Ano ba kami? Bakit naghahalikan na kami? Bakit ako pumapayag?!"Argh!!!" Nagpagulong-gulong ako sa aking kama dahil sa inis. Kahapon pa nangyari 'yon pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin. Buti na lamang at Linggo ngayon hindi ko s'ya makikita.Napabalikwas ako nang bangon dahil sa tunog ng cellphone ko. Nanlambot naman ako sa pangalan na bumungad sa'kin kung sino ang caller. Linggo ngayon, pahinga ko dapat pero eto s'ya at tumatawag! Jusko! Napabuntong hininga muna ako bago sinagot ang tawag niya."H-Hello?" Bakit ako kinakabahan?![Hey. Good morning.] Bruskong bati nito sa kabilang linya."G-Good morning boss, bakit po kayo napatawag?" [Pack your things for two days. We're going somewhere.] Nanlalaki naman ang mata ko sa pinagagawa n'ya. "S-Sandali boss, sandali ha. At saan na naman 'yan? Pahinga ko ngayon boss! At... Kung makautos ka naman, hindi mo muna ako tinanong kung pwede ako ngayon." Pagbagsak akong na