Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa mga magnanakaw na ito o dahil sa lalaking nakatayo sa harapan ko.
He was holding one of my wrists. Mahigpit ang kaniyang pagkakahawak na tila ba ayaw niya akong bitawan. He was looking directly in my face. Ramdam kong pinagmamasdan niyang mabuti ang aking mukha. Sa kaniyang tingin ay wari ba’y inaaral niyang mabuti ang bawat anggulo nito.
“Ano? Hindi mo ba hahalikan ang asawa mo? Magtititigan lang ba kayo riyan dalawa?”
Nakagat ko ang aking ibabang labi nang marinig ang sinabi ng lalaki. Napaigtad ako nang itutok nito ang baril sa aking likuran.
“Mukhang hindi naman sila mag-asawa p’re,” sabat naman ng isa.
“Kung ganoon, imbes na itong lalaki ang gawin nating hostage, bakit ‘di nalang si Miss Ganda?”
Akmang hahawakan na sana ng lalaki ang aking kamay nang bigla akong hinila ng lalaking kaharap ko palapit sa kaniya. Nahigit ko naman ang aking hininga nang makita kong sobrang lapit na ng aming mukha sa isa’t isa. Mayamaya ay hinawakan niya ako sa beywang at hinila palapit sa kaniya at walang sabing hinalikan niya ako sa labi.
Sa pagkakataong iyon ay wala akong ibang marinig kundi malakas na tibok ng puso ko. Ramdam ko ang bawat galaw ng kaniyang labi sa akin. Bahagya kong naririnig ang ingay ng mga tao sa paligid pero binalewala ko iyon. Nang maramdaman ko ang pagbaba ng kamay ng lalaki sa aking beywang ay doon na ako napaatras sa kaniya.
Napayuko ako agad at napapikit nang mariin. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng isa sa mga hostage taker.
“Marunong naman pala kayong sumunod eh,” saad nito at pagkatapos ay tinulak ako nito sa lalaking nasa harapan ko. Agad naman ako nitong niyakap. Ilang sandali pa ay hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinila ako sa bandang sulok ng bangko. Inalalayan niya ako sa pag-upo sa sahig.
Dahan-dahan akong bumaling sa kaniya. Nakakunot ang aking noo habang matamang nakatingin sa kaniya. Malayo na sa kinaroroonan namin ang mga isang lalaki na may hawak na baril.
“Okay ka lang ba?”
Napalunok ako ng aking sariling laway nang marinig ko ang kaniyang tanong. Seryoso ba siya? Tinanong niya pa talaga ako niyon. Sino bang magiging okay kapag nasa ganitong sitwasyon ka? Magiging okay ka ba kapag nadamay ka sa isang hostage taking? Magiging okay ka ba kapag bigla nalang may umako na asawa ka niya at buntis ka? Magiging okay ka ba kung sarap ng maraming tao at hinalikan ka ng isang lalaki?
Alam kong malaki ang kasalanan ko sa kaniya. Lasing ako noon tapos hinalikan ko siya. Kasalanan niya naman! Tinawag niya akong bata. Kung hindi niya ako sinabihan ng ganoon, hindi ko naman siya hahalikan para patunayan na hindi na ako bata.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya.
“Tingin mo okay ako?” mahina ngunit mariin na tanong ko sa kaniya.
He must really be kidding me.
“Tingin ko naman ay okay ka.”
I scoffed a little. Ingat na ingat akong gumawa ng malakas na ingay dahil baka mapag-initan na naman ako ng nung isang kumag na lalaking iyon.
“Seryoso ka ba? Tingin mo talaga okay ako?”
Sunod-sunod naman ang kaniyang naging pagtango.
“Yes, I think you’re fine. Wala ka namang sugat o ano. You should’ve thanked me because I saved you.”
Ha! Talaga lang ha? Inirapan ko siya dahil sa sinabi niya. Talagang ako pa ang magpapasalamat? Wow naman talaga! Ang kapal din talaga ng mukha niya.
“I’m Jacob by the way.”
Sinamaan ko siya nang tingin.
“Ang ganda pa naman ng pangalan mo, tapos manyak ka.”
Nagulat naman siya sa sinabi ko. Agad siyang umupo sa tabi ko ay hinawakan ang braso.
“Ako? Manyak? Paano ako naging manyak? Seryoso ka ba sa sinasabi mo?”
Inis na binawi ko ang aking braso sa pagkakahawak niya.
“Ang lakas ng loob mong halikan ako sa harap ng maraming tao.”
“Excuse me? I did that to save you. You should’ve been thanking me right now. Pero ano itong natatanggap ko mula sa’yo? Hate? Anger?”
Lumapit ako sa kaniya.
“I didn’t ask you to save me. Alam mo, pipiliin ko pang maging main hostage ng mga lalaking iyon kaysa magpanggap na asawa mo.”
Tumaas ang kilay niya.
“That’s the greatest insult I’ve ever received in my entire life. Baka nakakalimutan mo, may kasalanan ka sa akin, hinalikan mo ako noon sa bar.”
Sinamaan ko siya nang tingin.
“That’s because I was drunk.”
He scoffed. Sa totoo lang, hindi ko alam kung naiinis siya o nagkukunwari lang siyang napipikon sa akin. Sa buong oras kasi nang pakikipag-usapan niya sa akin ay nakangisi lang siya. Dinaig niya pang may sayad.
“May I know your name?”
Inismiran ko siya.
“Kita mo, hindi mo kilala yung taong hinahalikan mo.”
I heard him chuckled.
“You know why I kissed you? Gusto lang kitang bawian sa ginawa mo sa akin sa bar. Pagkatapos mo akong halikan, tinakbuhan mo ako. Panagutan mo ako.”
Nang muli akong bumaling sa kaniya ay bigla akong natigilan nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Ilang sandali pa ay nagulat ako nang bigla niyang hatakin ang bag ko. Hindi ko na nagawang umalma pa dahil biglang tumingin sa amin yung isang lalaki na may hawak ng baril. Sinamantala niya naman ang pagkakataon na halungkatin ang gamit ko.
Nang makita niya ang wallet ko ay agad niyang kinuha ito. Isinauli niya rin sa akin ang bag pero ang wallet ko ay agad niyang binuksan. Sinubukan kong hablutin sa kaniya iyon. Naroon kasi nakalagay ang ID ko sa UST.
“Leandra Anastasia S. Bernardo.”
Napapikit ako nang mariin nang marinig kong binanggit niya ang buong pangalan ko.
“Akin na iyan,” mariin kong sambit sa kaniya.
Ngumiti naman siya sa akin at inabot ang wallet ko.
“So, you’re an Architecture student in UST. It’s so nice to know that. By the way I am Jacob Xavier Castillo. I’m 29 and single. Ikaw nalang ang hinihintay ko para maging taken ako.”
Sinamaan ko siya nang tingin. Talagang nagawa niya pang sabihin iyon nang hindi siya nahihiya ha.
Ilang sandali lang ay nakarinig na kami ng police siren. Kahit paano ay nabawasan ang kaba ko. Bigla ko namang naalala ang pera na ibinigay sa akin ni Mama. Muli kong binuksan ang bag ko at nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang naroon pa ang isang makapal na sobre. Pasimple ko itong kinuha sa loob ng bag at inilagay sa secret pocket ng suot kong pantalon. Halos hindi iyon magkasya pero pinilit ko. Ilang beses kong inayos ang pagkakalagay niyon doon para hindi mahalata ng mga lalaki. Kinuha ko rin ang wallet ko at kinuha roon ang mga importanteng IDs at isiniksik sa likurang bulsa ng aking pantalon. Iniwan ko roon ang ilang bills.
“Lahat ng mga bag ng mga tao rito sa loob, kunin niyo,” sigaw ng isa sa mga lalaki.
“Nice move. Naisip mo pa talaga iyon ha?” tila amazed na sambit nitong si Jacob habang nakatingin sa akin at sa ginagawa ko.
Pagkalapit sa amin ng lalaki ay mabilis nitong hinablot ang bag ko. Kung wala lang siyang baril na hawak ay hindi ko talaga iyon ibibigay dahil isa iyon sa mga paborito kong pag-aari. Nakakainis lang at kailangan ko itong i-let go.
“Ikaw, cellphone mo!” saad naman nito kay Jacob.
Walang reaction na inabot ni Jacob ang kaniyang phone sa lalaki. Bahagyang nanlaki pa ang aking mata nang makita ang model na iyon. Last model ng iPhone tapos ibibigay niya lang? Sayang naman!
Nagpalipat-lipat pa nang tingin sa amin ang lalaki bago ito umalis.
“Sumuko na kayo, napaliligiran namin ang buong building na ito!” sigaw ng isa sa mga police na nasa labas ng establishment.
Humugot ako ng malalim na hininga. Nakita ko na ang ganitong eksena sa mga palabas. Ang nangyayari, palagi namang nahuhuli ang mga police sa pag-aksiyon.
“Sige, kapag pumasok kayo rito sa loob, sisiguraduhin kong sasabog ang bungo ng lalaking hawak ko ngayon.”
I winced upon hearing the hostage taker’s statement. Napaka-predictable ng sinasabi. Gayunpaman, lahat ng mga tao rito sa loob ay kabadong-kabado. Maliban sa akin at dito na rin sa kasama ko. Pareho lang kaming nakatingin sa mga ito.
“You seemed not afraid of them,” he said.
Lumingon ako sa kaniya.
“Mas takot pa ako sa’yo kumpara sa kanila. They look so easy to beat.”
Kumunot ang kaniyang noo.
“Really? How would you do that?” curious niyang tanong.
Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa.
“Mukha ka namang mayaman. Nakapagtataka, hindi ka ba in-enroll ng parents mo sa martial arts class?”
He laughed.
“They did. And I am a taekwondo black belter.”
Naningkit ang mga mata ko.
“Talaga lang ha. Kung ganoon, bakit hindi mo nalang nilabanan yung mga lalaking iyan?”
“I’m not stupid to do that. If I did it, paniguradong may mga kasama na tayo rito nabaril. You should know that.”
At pinangaralan pa talaga ako.
“But you know, we can actually do that. We can save this people and this bank. We just have to wait for the right timing.”
He has a point. I know how to fight. He said he’s a black belter in taekwondo. We have a chance to win against these people. Napatingin ako sa mga taong kasama namin sa loob. Napansin ko ang isang matanda na nakaupo sa sahig at mukhang giniginaw dahil sa lakas ng aircon ng lugar. Kahit ako ay nakakaramdam na rin ng pagkaginaw.
Dahil lahat ay kabado sa nangyayari, halos lahat ay hindi na gumagalaw sa kanilang puwesto. Gustuhin ko mang mawalan ng pakialam sa mga tao sa paligid, hindi ko naman maiwasan na maawa sa matandang babae na yakap-yakap ang sarili.
Sana naman matapos na ito. Ang kaso, mukhang matatagalan pa sa pakikipagnegosasyon ang mga lalaking ito sa mga police na nasa labas.
Bumaling ako kay Jacob at pinagmasdan ang suot niya. He was wearing a coat and a longsleeves inside. Napansin niya namang nakatingin ako sa suot niya kaya kumunot ang kaniyang noo.
“What?”
“Puwede ko bang hiramin ang coat mo?”
“Para saan?”
Itinuro ko sa kaniya ang matandang hirap na hirap na sa kaniyang posisyon. Gaya ko ay tiningnan niya rin iyon.
“And what do I get in return if I lend her my coat?”
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
“Can’t you do it for free? Wala ka bang awa sa matanda?”
He smirked.
“Wala nang libre sa panahon ngayon, Leandra.”
Nakagat ko ang aking ibabang lab isa sobrang inis.
“What about, give me another kiss. Here.”
Nakangisi niyang itinuro ang kaniyang labi sa akin. Nagsalubong naman ang kilay ko sa ginawa niya. Now he’s proving to me na manyak nga siya.
“Baliw ka ba?”
He shrugs.
“I think so. Baliw sa’yo.”
Parang gusto kong masuka sa sinabi niya. He’s too corny!
“Give me a peck on my lips and I’ll give you this coat para maibigay mo sa matandang iyon.”
Hindi sinasadyang napatingin ako sa kaniyang labi. Mapula-pula iyon at manipis. If I want to have a boyfriend, isa sa mga quality na hahanapin ko ay ang manipis na labi. Iyong tipong masarap at hindi nakakasawang halikan.
“Napapaisip ka na ba?” nakangising tanong niya sa akin.
He bit his lower lip and raised one of his brows.
“Come on, Leandra. Don’t think, just kiss me.”
Humugot naman ako ng malalim na hininga. I closed my eyes for a while and think of the old lady who needs his coat.
Okay Leah, gagawin mo lang ito para matulungan mo iyong matanda. Wala lang ito, okay?
Tumingin pa ako sa paligid para tingnan kung may nakatingin ba sa amin. Nang makita kong lahat ay nakatingin sa mga lalaking hanggang ngayon ay nakikipag-usap sa mga pulis ay nagmadali ako sa paglapit kay Jacob para halikan siya sa labi.
I did it as fast as I could. Pagkadampi ng labi ko sa kaniya ay agad din akong lumayo.
“Done.”
Ngumiti naman siya sa akin at mabilis na hinubad ang kaniyang coat at inabot ito sa akin.
“Madali ka naman palang kausap,” komento niya. Inirapan ko nga siya.
“Aminin mo, gusto mo lang akong halikan ‘no?” pang-aasar niya.
“Isipin mo kung anong gusto mong isipin. Bahala ka sa buhay mo.”
Pasimple akong umusod palapit sa isang babae at nakisuyo na iabot iyon sa matanda. Ang akala ko ay susungitan pa ako nito. Mabuti nalang at tinanggap nito ang coat. Pinasa-pasa nila iyon hanggang makarating ito sa matandang babae. Bumaling sa amin ang matanda at marahang tumango. I can see the gratefulness in her face.
“You have a good heart.”
“I know. And so are you.”
I have to admit that he has a good heart for lending his coat. Mukha pa namang ang mahal niyon tapos pumayag siyang ipahiram iyon.
“I don’t have a good heart, Leandra. But I have a good sex appeal.”
Mahina akong natawa at marahang napailing.
“Alam mo Jacob? Guwapo ka sana eh. Mukhang mayaman ka rin. Ang kaso, ang yabang mo.”
Pagkasabi ko niyon ay inirapan ko pa siya para makita niyang hindi ako ganoon ka-intresado sa kaniya.
“But admit it, you like me.”
Umiling ako.
“Hindi ako nagkakagusto sa taong hindi ko kaedad. You’re twenty-nine while I’m just twenty-one. Our age gap is too far. So no, I don’t like you.”
Tiningnan niya ako nang nakakaloko.
“Sigurado ka? Baka bawiin mo iyang sinabi mo. Baka dumating ka rin sa punto ng buhay mo na hahanap-hanapin mo ako at ang labi ko,” aniya saka kinindatan ako.
Hello to the readers of this story. I am asking for a very simple favor. After you read this chapter, please a comment on the comment section up there. Tell me if you liked my update para alam ko kung dapat ko bang ituloy ang story na ito. Thank you so much! Love you guys :>
JACOB’S POV“Aminin mo na pare, kaya mo siya gusto kasi nakikita mo sa kaniya si Gabriella,” saad ni Martin habang kasalukuyan kaming nag-iinuman sa labas ng condo niya. May balcony roon na maliit at iyon ang ginagawa naming tambayan sa tuwing magyayaya siya ng inom.Gustuhin ko man siyang yayain na uminom sa labas, tumatanggi siya dahil ayaw niyang mag-alala si Kathy sa kaniya. Such a loyal man to her woman. Like I am for my first love, Gabriella Mari Benitez Del Rio.Umiling ako sa sinabi ni Martin at inabot ang panibagong bote ng alak at binuksan iyon.“Ang tagal na noon, pare. Hindi ka pa talaga nakaka-move on? Have you even bed other women? Kasi ako, hindi ako naniniwala sa mga balita lalo na yung galing lang sa mga tabloids. Laman ka palagi no’n eh.”Mahina akong tumawa.“Yung totoo, pare? Virgin ka pa yata eh!”Inis na kumuha ako ng piraso ng popcorn at binato ko iyon sa kaniya.“Siraulo. Siyempre hindi na. I had tried that too.”Umangat ang kilay ng kaibigan ko.“Oh, bakit par
“Ang sabi ko, gusto kong umuwi ng Siargao. Bakit tayo nandito?” kunot-noong tanong ko nang lumanding ang private chopper na sinakyan namin sa isang isla sa Palawan.Hindi ko mapigilang mainis dahil nililipad ng hangin ang buhok ko. Nasa bag ko pa naman ang mga ponytails ko. Parang walang narinig si Jacob sa mga sinabi ko at ipinagpatuloy lang niya ang pagbababa ng mga gamit namin sa chopper.“Hello? May kausap ba ako? Jacob, ano na?”Nang marinig niyang tinawag ko ang kaniyang pangalan ay kumunot ang noo niya. Tinuro niya ang kaniyang tenga at umiling. Sumesenyas na hindi niya naririnig ang sinasabi ko dahil maingay ang ingay ng elesi ng chopper. Hindi pa rin kasi ito humihinto, o mas tamang sabihin na wala itong planong huminto.Masama ang aking hitsura na nakahalukipkip sa isang tabi. Hinayaan ko lang na siya ang mag-asikaso ng mga gamit namin. Inikot ko naman ang aking paningin sa paligid. Halos walang bahay sa lugar na iyon maliban sa malaking rest house na sigurado akong pag-aari
Matagal kong pinag-isipan kong pinag-isipan kung paano ako makakaganti kay Sabrina. Pinag-aralan kong mabuti ang bawat detalye ng gagawin ko, tinitingnan ko kung magiging epektibo ba ito.“Sigurado ka bang kaya mong mag-isa? Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng back-up ha?”Umiling ako kay Lara nang sabihin niya iyon.“Why not? Hindi ba nga may kasabihan na two is better than one.”Mahina akong tumawa na ikinakunot ng kaniyang noo.“You think I will let you do this with me? Come on, Lara. We’re both pregnant. Isa pa, plano ko ito. Ayokong idamay ka rito. Mamaya itakwil pa ako ni Jace bilang kaibigan kapag may nangyaring masama sa’yo.”She grinned.“You care for me but you don’t care for yourself, huh?”“Sino namang nagsabing hindi ko iniingatan ang sarili ko? Come on, you know better, Lara.”Katatapos lang namin magtrabaho sa araw na iyon at hinihintay nalang namin ang aming mga sundo. As usual, mas maarte pa sa aming dalawa ang mga tatay ng aming mga anak. They won’t let us drive
“Are you okay?” tanong sa akin ni Jacob nang mapansin niyang hindi ako mapakali sa aking puwesto. Kanina pa kasi ako galaw nang galaw. Panay rin ang tingin ko ng oras sa suot kong wristwatch.It took me five full days to decide if I’ll be visiting Papa in the hospital or not. Halos isang taon ko rin siyang hindi nakita. Wala akong alam tungkol sa kalagayan niya. Wala ring alam ang pamilya ko kung saan siya nagpunta. Kaya lahat kami ay nagulat nang malaman ang tungkol sa kalagayan niya.“Have you read the news about Sabrina Acosta?”Kumunot ang aking noo nang marinig ang pangalang binanggit ni Jacob.Umiling naman ako at tumitig sa kaniya, hinihintay na ituloy niya ang kaniyang sasabihin. Nang huminto sandali ang sasakyan ay tumingin siya sa akin.“She left the country after your father collapsed. Iyon lang ang sinabi sa akin ng isa sa mga kaibigan kong malapit din sa pamilya Acosta. Mukhang may malaking dahilan kung bakit inatake ang Papa mo. At naniniwala ako na isa sa mga dahilan no
After losing my first child last year, I never thought that it’d be possible for me to bear another child in my stomach. Hindi ko ito inasahan, lalo na si Jacob.Hawak namin ang papel na naglalaman ng test results na ginawa ng doctor ilang oras na ang nakalilipas. Nakatitig lang kami roon, parehong nanginginig ang aming mga kamay. Hinawakan niya ang akin at dinala ang likuran nito sa kaniyang labi para halikan.Napansin ko rin na halos maluha-luha siya. Dala siguro ng kaniyang emosyon na nararamdaman sa kasalukuyan. Nasa kaniyang sasakyan kaming dalawa at tahimik na nakaupo.“I can’t believe this,” he said and kissed the back of my hand once more.“Me either. Hindi ko alam kung dapat ko bang tawagan agad sina Mama at Kuya o hindi muna.”“I think it’s better if we surprise them.”His idea was good. Kaya ng sumunod na araw ay pareho kaming nag-take ng leave sa aming mga trabaho. We organized a little party for just for our family and close friends. We sent invitations na kami mismo ang
Mahigpit akong niyakap ni Jacob pagkahiga niya sa tabi ko. Kumpara sa aming dalawa, alam kong siya ang mas pagod, dahil kinailangan pa niya akong linisan pagkatapos naming magniig. Matagal din naming hindi nagawa ang bagay na iyon dahil sa dami na ring nangyari. And when we do it this time, pakiramdam ko ay unang beses namin iyong dalawa. Jacob is always subtle with his moves. Kaya hindi ako nahirapan.We did it three times this time. Binabawi ang mga pagkakataong hindi namin nagawa iyon.“You really don’t have to do it, Jake,” sabi ko saka bumaling nang tingin sa kaniya. Kababalik niya lang sa kama dahil itinapon niya ang wet wipes sa basurahan sa banyo.Wala pa rin akong suot na damit sa ilalim ng kumot kaya bumangon siyang muli para hinaan ang aircon. Pagkahiga niya, yumakap siya sa akin at hinalikan ako muli sa labi. Matagal ang halikan naming dalawa. Iyong tipong kahit na kanina pa namin ginagawa iyon, wala pa ring nagbabago sa alab na nararamdaman namin sa isa’t-isa.“Halos hind
Malaki ang nagbago sa akin magmula nang bumalik ako sa kumpanya. May mga pagkakataong hindi ako makapag-focus sa trabaho kaya palagi akong napapagalitan ng pinsan ko.Ako pa rin naman ang humahawak sa mga malalaking meetings. Ako pa rin ang nag-aasikaso ng karamihan sa kumpanya. Pero hindi na ako katulad ng dati na binibigay ko lahat ng oras na mayroon ako para sa trabahong iyon.May mga pagkakataon na naiisip kong pansamantalang lumiban muna sa Centre Point para mabigyan ko ng mas maraming oras ang DRH pati na rin ang chains of bars na iniwan sa akin ni Mama. Ang kaso, wala pa akong lakas ng loob na sabihin kay Lolo ang tungkol doon.“Are you happy right now?” tanong ni Kathy habang kasalukuyan ko siyang tinutulungan sa pagbe-bake ng ginagawa niyang cookies. “Generally, I am. Wala namang raso para hindi maging masaya, hindi ba?”Huminto siya sa paglalagay ng mga lutong cookies sa Tupperware container at tumingin sa akin nang diretso.“Okay, you’re happy generally. Pero kumusta naman
Noong nasa college ako, akala ko ang isa sa mga pinakamasakit na mararanasan ko ay ang ma-bully ng mga kaklase ko. Iyong palaging pinagtatawanan. Dahil ang sabi nga nila, bayarang babae ako dahil nakikita nila akong pumapasok sa bar na pagmamay-ari ni Mama. Akala nila, doon ako nagtatrabaho bilang waitress o bilang isang pick-up girl.Isa lang ang kaibigan ko noon na nagtatanggol sa akin. Si Angelo na hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kung nasaan na.Palaging sinasabi sa akin ni Mama na sa akin niya ipapamana ang mga negosyo niya kapag nawala siya. Dahil bukod sa akin, wala naman siyang ibang anak o pamilya na puwedeng mag-asikaso nito.Ilang beses akong tumanggi noon dahil ang plano ko ay sumunod kay Papa sa UK. Pero iba ang nangyari sa akin. Sa ibang landas ako dinala ng aking tadhana.Sakay ng wheelchair na tulak ng kaniyang personal nurse, napansin ko ang mga folders na nakapatong sa ibabaw ng binti ng aking ina. May maliit din na kahon doon.“Oh, Ma. Para saan ang mga i
Sa loob ng kalahating araw ay nanatili si Papa sa bahay. Masaya itong nakipagkuwentuhan sa amin nina Yaya Gina habang si Mama ay masaya lang na nakamasid sa amin. Bago gumabi ay nagpaalam na rin ito. Nabanggit ni Papa na kasama niya ang kaniyang asawa at ang dalawang anak nila sa kanilang bakasyon dito sa Pilipinas.“Hanggang kailan po kayo mananatili rito sa Pilipinas?” tanong ko nang ihatid ko sa labas ng gate si Papa.“Isang buwan lang kami rito. Pinuntahan lang namin ang Lolo at Lola ng Tita Maya mo. Babalik din kami agad dahil magsisimula na muli ang pasukan. Yung dalawang kapatid mo, masyadong masipag sa kanilang pag-aaral at ayaw lumiban sa klase. Plano ko ngang magtagal sana.”Napangiti ako nang marinig ang kaniyang sinabi. I’m glad that even though we’re not blood related, he’s still treating me as his daughter.“I’ve heard a lot about you. Diana told me what happened years ago. Masaya ako na lumaki ka na isang mabuting bata at hindi mo pa rin tinalikuran si Diana sa kabila n