Home / Romance / Stuck With The Billionaire / CHAPTER 03- THE UNEXPECTED TURN OF EVENTS

Share

CHAPTER 03- THE UNEXPECTED TURN OF EVENTS

Author: Iya Perez
last update Last Updated: 2022-01-05 15:30:29

Napuno ng hiyawan ang paligid nang halikan ko ang lalaking sumalo sa akin kanina. Karamihan sa mga nag-iingay ay mga kasama nito. Tila nabigla ito sa aking ginawa kaya hindi ito nakagalaw nang maglapat ang aming labi.  Nang ma-realize ko kung anong ginagawa ko ay agad akong lumayo sa kaniya saka mabilis na naglakad palayo rito.

Kahit nahihilo ay nagmadali ako sa paglalakad para makalabas na ng bar na iyon. Nang makarating ako sa parking area ay sinampal ko nang paulit-ulit ang aking pisngi. Anong naisip ko kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon? Parang gusto ko tuloy sabunutan ang aking sarili sa nangyari.

“Arghhhh!”  Inis na nagpapadyak ako at nagmadaling hinanap ang aking sasakyan. Mabuti nalang at nasa bulsa ko ang wallet ko at susi ng sasakyan. Kung hindi, paniguradong mayayari ako kay Mama pati na rin kay Yaya Gina.

“Nakita niyo ho ba yung babaeng lumabas ng bar?”

Nang marinig ko ang boses nung Jacob ay agad akong yumuko para magtago sa mga nakaparadang kotse.

“Ah yung magandang babae, Sir? Yung mukhang bata?”

Napasimangot naman ako nang marinig ang sinabing description nung guard.

“Oo, yung nakakulay puting t-shirt.”

“Ah, doon Sir sa parking area.”

Nagpasalamat naman ito sa mga guwardiya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang makita ito na patungo sa kinaroroonan ko. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng aking sasakyan habang nakayuko. Tsk. Saan ko ba kasi iyon ipinarada? Muli kong tinapik-tapik ang aking pisngi para magising ako. Nang makita ko ang aking sasakyan sa hindi kalayuan ay mabilis akong tumayo at tumakbo.

“Hoy Miss!” sigaw nito sa akin.

Lumingon ako sandali sa kaniya. Nakita kong nakapameywang ito. Pero hindi ako nagpatinag. Binilisan ko pa lalo ang aking pagtakbo kahit na halos sumabog ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Nang makarating ako sa kinaroroonan ng aking sasakyan ay mabilis kong binuksan ang pinto ng driver’s seat nito.

Pagkapasok ko ay mabilis kong inilagay ang susi sa keyhole nito at agad na pinaandar ang sasakyan. Dalangin ko lang na hindi ako maaksidente.

Dali-dali akong umalis sa lugar na iyon. Hindi ko na ito nilingon pa. Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang sa makalayo ako. Wala nang traffic kaya nakauwi ako agad. Hanga rin ako sa sarili ko dahil nagawa kong umuwi nang hindi naaaksidente kahit na nahihilo pa ako. Nanatili ako sa sasakyan ng ilang minuto para kalmahin ang aking sarili. Nang sa tingin ko ay ayos na ako, kinuha ko na ang paperbag na pinaglagyan ng aking pinamiling gamit at lumabas na.

Bago ako pumasok ay sumilip muna ako kung mayroon bang tao sa living room. Nang wala akong makita ay dahan-dahan ang aking paghakbang para hindi ako makagawa ng ingay. Nang nasa hagdan na ako ay sakto namang lumabas mula sa kusina si Yaya Gina.

“Oh, nariyan ka na pala.”

Alanganin akong ngumiti rito.

“Opo, marami po akong pinamili saka traffic po kaya ako natagalan. Sige po, pasok na po ako para makapagsimula na ako.”

Nakangiti naman itong tumango at sinabing ipahahatid niya nalang daw ang pagkain ko. Nang makapasok ako sa loob ng aking kuwarto ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Naglakad ako patungo sa aking lamesa at inilapag doon ang mga gamit na pinamili ko pagkatapos ay marahan akong nagtungo sa aking kama at humiga roon. Nang ipikit ko ang aking mga mata ay malinaw na rumehistro sa aking isipan ang nangyari kanina sa bar. Nailagay ko ang aking palad sa aking mukha at impit na tumili.

“ILANG araw ka ring hindi bumalik dito. Hindi ka na ba galit sa akin?” tanong ni Mama nang makita niya akong nakaupo sa sofa ng kaniyang opisina nang sumunod na linggo. Napatingin ako sa aking hawak na folder bago ako tumayo at nilahad sa kaniya.

Kumunot ang kaniyang noo nang makita ang hawak ko.

“At ano na naman iyan?”

“Galing sa Dean, pinaaabot niya sa iyo. Nakalimutan mo raw pirmahan noong pumunta ka ng University.”

Tinanggap niya naman ito at mabilis na binuksan at binasa ang nakasaad sa papel. Binasa ko na rin iyon kanina. Ang nakalagay roon ay hindi ako aalisin ng faculty sa listahan ng mga Cum Laude, basta makikipag-usap si Mama sa mga magulang ni Karina para ma-settle ang issue.

“I already settled it kaya wala ka nang kailangang problemahin,” aniya.

Hindi niya naman kailangang gawin iyon. Gaya naman ng sabi ko, kahit na maalis ako sa list ay wala akong pakialam. Pero hindi naman ako ganoon kasamang anak para hindi magpasalamat sa ginawa niya. Nag-effort pa rin siya sa pakikipag-usap kahit sa mga magulang ni Karina. Noong nasa school ako kanina ay halos lahat ng mga nakakasalubong ko na nakakakilala sa akin ay umiiwas na. Pati yung mga taong walang ibang ginawa kundi magpakalat ng chismis ay hindi na rin umiimik kapag nakakasalubong nila ako. Kung ikukumpara ko kung anong mas okay kung noon ba o ngayon, mas okay ako ngayon. Hindi naman importante sa akin ang pagkakaroon ng kaibigan. Mas masaya ako kapag tahimik at payapa ang paligid ko.

“Siya nga pala, Andra. Maaga pa naman ngayon, puwede ba kitang utusan kung maaari kang magtungo sa bangko para mai-deposit itong pera sa account ko? Hindi ko kasi maharap dahil may meeting pa ako. Yung secretary ko naman ay mayroong sakit. Ilang araw na nga iyong hindi nakakapasok.”

Tumango naman ako bilang pagpayag.

“Akin na po yung pera at passbook niyo, ako na po ang bahala.”

Agad naman niyang kinuha ang hinihingi ko sa kaniyang bag at inabot iyon sa akin.

“Tatawagan ko nalang po kayo kapag okay na.”

“Sige, anak.”

Dahil wala na rin naman akong kailangan pa ay nagpaalam na ako. Dahil wala akong dalang sariling sasakyan ay pumara nalang ako ng taxi para mas mabilis ang biyahe ko patungong bangko.

Habang nasa biyahe ay inayos ko ang kuwelyo ng aking suot na peach-colored longsleeves at pinagpag ang dumikit na alikabok sa aking slacks na kulay light gray. Sinuklay ko rin nang maayos ang aking buhok dahil ayoko namang magmukhang nasabunutan. Kailangan kong magmukhang presentable kapag pumasok ako sa bangko. Iyon ang palaging turo sa akin ni Mama. Kahit hindi ganoon kaganda ang suot mo, basta mukha kang malinis, igagalang ka ng mga tao.

Nang huminto ang sasakyan ay agad akong nagbayad sa driver. Pagbaba ko ay agad akong dumiretso sa entrance. Pinagbuksan naman ako ng guard. Halos bumagsak ang aking balikat nang makita ko kung gaano karaming tao sa loob. Parang gusto ko nalang tuloy na lumipat ng ibang branch, kaso malayo-layo pa ang sunod na branch na puwede kong puntahan.

“Ano po ang sa inyo, Ma’am?” nakangiting tanong ng guard sa akin nang lumapit ito.

“Ah, magde-deposit po sana. Kaso, puno po at wala nang available na upuan,” nag-aalangang sagot ko rito.

Inilibot naman nito ang kaniyang paningin.

“Doon po, Ma’am may available pang upuan,” sabi nito. Mayroon itong pinindot sa automated machine at may binigay na number sa akin bago ako sinamahan na magtungo sa bakanteng upuan.

“Pasensiya na po Ma’am ah, sahuran po kasi ngayong araw kaya maraming kumukuha at nagde-deposit ng pera.”

Nagpasalamat naman ako rito bago ako umupo. Mukhang matatagalan ako rito.  Bumuga ako ng hangin at inilabas na lamang ang notebook na lagi kong dala at mechanical pencil na ginagamit kong pang-drawing. Dahil sobrang dami pa ang nasa pila, isinuot ko muna ang aking earphones habang nagdo-drawing.

Ilang minuto lang ang lumipas nang maramdaman kong naiihi ako. Inalis ko ang aking suot na earphones at inilagay iyon sa bag, gano’n din ang ginawa ko sa aking ibang gamit bago ako tumayo at naglakad patungong CR.

Hindi ako nagtagal sa loob. Pagkatapos kong umihi ay naghugas lang ako ng kamay. Habang naglalakad ako pabalik ay narinig ko ang tilian sa bandang labas. Nagmadali ako sa paglalakad, ngunit napahinto ako nang makita ang isang guwardiya na nakahandusay sa sahig at may tama ng bala sa balikat.

“Dapa! Dumapa kayong lahat! Huwag kayong lalapit kung ayaw niyong barilin ko kayo isa-isa!”

Kumabog ang aking dibdib dahil sa labis na kaba nang marinig ang sinabi ng lalaki. Pero ang labis na nagpakaba sa akin ay nang maramdaman kong mayroong tumutok na matulis na bagay sa aking likuran.

“Huwag kang gagalaw, kung ayaw mong bumaon ang kutsilyong ito sa likuran mo!”

Hinawakan ako nito sa aking braso at puwersahang kinaladkad patungo sa karamihan.

“P’re, may nakita akong magandang babaeng pagala-gala. Puwede na ba nating itong gawing hostage?”

Nang akmang lalapit na sa akin ang isang lalaki ay nabigla ako nang mayroong humawak sa braso ko at hinila ako palayo sa lalaking may hawak na kutsilyo. Dahil sa pagkabigla ko ay sumubsob pa ako sa dibdib ng lalaking humila sa akin.

“Huwag ang asawa ko.”

Nanlaki agad ang aking mga mata sa aking narinig. Anong pinagsasasabi nitong lalaking ito? Nang bahagya akong lumayo sa kaniya ay dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Halos malaglag ang aking panga nang makita kung gaano ito kaguwapo. Bumaba naman ang kaniyang tingin sa akin.

“At bakit naman hindi?” mapang-asar na tanong ng isa sa mga hostage taker.

Muling tumingin ang lalaki sa lalaki.

“Dahil buntis siya. At handa akong magbayad ng malaki para lang hindi niyo siya saktan.”

Tumawa naman ang isa sa kaniya.

 “Hindi kami agad na naniniwala sa mga ganyan. Paano kung palabas mo lang iyan para iligtas ang babaeng ito? Patunayan mo muna na mag-asawa kayo.”

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ng lalaki. My gosh! I’ve never been in this kind of situation in my life. Saka isa pa, hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend sa tanang buhay ko, tapos magkakaroon ako ng asawa sa isang iglap? The guy’s face is familiar to me. Saan ko nga ba ito nakita? Magkakilala ba kami?

“Halikan mo siya, kung talagang asawa mo siya.”

Muling napatingin sa akin ang guwapong lalaki. Nakapagtataka dahil sa paraan ng kaniyang pagtingin sa akin ay parang kilalang-kilala niya ako, samantalang sa pagkakaalam ko ay ngayon lang naman kami nagkita.

“Halik?” tanong ko sa mga lalaki.

Nakangisi naman ang mga ito na tumango.

“Oo, halik. Para sigurado akong nagsasabi ng totoo ang lalaking ito. Ano, mag-asawa ba talaga kayo? Baka naman, niloloko niyo kami?”

Napalunok ako nang ilang beses. Muli akong tumingin sa guwapong lalaki. Kung sa tutuusin, hindi rin naman ako malulugi. Mukha itong mayaman at maayos naman ang kasuotan. Guwapo rin at hindi naman siguro mabaho ang hininga nito ano?

“H-hahalikan mo ako?” nauutal na mahinang bulong ko sa kaniya.

Tumaas naman ang kilay nito sa akin.

“Bakit hindi? Hinalikan mo rin naman ako hindi ba?” mahina rin nitong sagot. Sapat lang na kami dalawa ang magkarinigan.

Kumunot ang aking noo nang marinig ang sinabi nito. Paano ko siya n*******n kung ngayon ko palang siya nakita? Sandali naman akong natigilan nang may bigla akong naalala. Agad kong naitakip ang aking palad sa aking bibig nang maalala kung sino siya.

Dahan-dahan kong naibaba agad ang aking kamay. Ayoko namang mahalata kami ng mga lalaki na nagsisinungaling lang. Kung minamalas nga naman ako. Bakit sa dinami-rami ng lugar, dito pa kaming dalawa magkikita?

He smirked.

“Mukhang naalala mo na ako,” sambit nito at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Stuck With The Billionaire   EPILOGUE

    JACOB’S POV“Aminin mo na pare, kaya mo siya gusto kasi nakikita mo sa kaniya si Gabriella,” saad ni Martin habang kasalukuyan kaming nag-iinuman sa labas ng condo niya. May balcony roon na maliit at iyon ang ginagawa naming tambayan sa tuwing magyayaya siya ng inom.Gustuhin ko man siyang yayain na uminom sa labas, tumatanggi siya dahil ayaw niyang mag-alala si Kathy sa kaniya. Such a loyal man to her woman. Like I am for my first love, Gabriella Mari Benitez Del Rio.Umiling ako sa sinabi ni Martin at inabot ang panibagong bote ng alak at binuksan iyon.“Ang tagal na noon, pare. Hindi ka pa talaga nakaka-move on? Have you even bed other women? Kasi ako, hindi ako naniniwala sa mga balita lalo na yung galing lang sa mga tabloids. Laman ka palagi no’n eh.”Mahina akong tumawa.“Yung totoo, pare? Virgin ka pa yata eh!”Inis na kumuha ako ng piraso ng popcorn at binato ko iyon sa kaniya.“Siraulo. Siyempre hindi na. I had tried that too.”Umangat ang kilay ng kaibigan ko.“Oh, bakit par

  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 135: THE BEACH TRIP

    “Ang sabi ko, gusto kong umuwi ng Siargao. Bakit tayo nandito?” kunot-noong tanong ko nang lumanding ang private chopper na sinakyan namin sa isang isla sa Palawan.Hindi ko mapigilang mainis dahil nililipad ng hangin ang buhok ko. Nasa bag ko pa naman ang mga ponytails ko. Parang walang narinig si Jacob sa mga sinabi ko at ipinagpatuloy lang niya ang pagbababa ng mga gamit namin sa chopper.“Hello? May kausap ba ako? Jacob, ano na?”Nang marinig niyang tinawag ko ang kaniyang pangalan ay kumunot ang noo niya. Tinuro niya ang kaniyang tenga at umiling. Sumesenyas na hindi niya naririnig ang sinasabi ko dahil maingay ang ingay ng elesi ng chopper. Hindi pa rin kasi ito humihinto, o mas tamang sabihin na wala itong planong huminto.Masama ang aking hitsura na nakahalukipkip sa isang tabi. Hinayaan ko lang na siya ang mag-asikaso ng mga gamit namin. Inikot ko naman ang aking paningin sa paligid. Halos walang bahay sa lugar na iyon maliban sa malaking rest house na sigurado akong pag-aari

  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 134: GETTING THE FINAL REVENGE

    Matagal kong pinag-isipan kong pinag-isipan kung paano ako makakaganti kay Sabrina. Pinag-aralan kong mabuti ang bawat detalye ng gagawin ko, tinitingnan ko kung magiging epektibo ba ito.“Sigurado ka bang kaya mong mag-isa? Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng back-up ha?”Umiling ako kay Lara nang sabihin niya iyon.“Why not? Hindi ba nga may kasabihan na two is better than one.”Mahina akong tumawa na ikinakunot ng kaniyang noo.“You think I will let you do this with me? Come on, Lara. We’re both pregnant. Isa pa, plano ko ito. Ayokong idamay ka rito. Mamaya itakwil pa ako ni Jace bilang kaibigan kapag may nangyaring masama sa’yo.”She grinned.“You care for me but you don’t care for yourself, huh?”“Sino namang nagsabing hindi ko iniingatan ang sarili ko? Come on, you know better, Lara.”Katatapos lang namin magtrabaho sa araw na iyon at hinihintay nalang namin ang aming mga sundo. As usual, mas maarte pa sa aming dalawa ang mga tatay ng aming mga anak. They won’t let us drive

  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 133: THE REAL VILLAIN  

    “Are you okay?” tanong sa akin ni Jacob nang mapansin niyang hindi ako mapakali sa aking puwesto. Kanina pa kasi ako galaw nang galaw. Panay rin ang tingin ko ng oras sa suot kong wristwatch.It took me five full days to decide if I’ll be visiting Papa in the hospital or not. Halos isang taon ko rin siyang hindi nakita. Wala akong alam tungkol sa kalagayan niya. Wala ring alam ang pamilya ko kung saan siya nagpunta. Kaya lahat kami ay nagulat nang malaman ang tungkol sa kalagayan niya.“Have you read the news about Sabrina Acosta?”Kumunot ang aking noo nang marinig ang pangalang binanggit ni Jacob.Umiling naman ako at tumitig sa kaniya, hinihintay na ituloy niya ang kaniyang sasabihin. Nang huminto sandali ang sasakyan ay tumingin siya sa akin.“She left the country after your father collapsed. Iyon lang ang sinabi sa akin ng isa sa mga kaibigan kong malapit din sa pamilya Acosta. Mukhang may malaking dahilan kung bakit inatake ang Papa mo. At naniniwala ako na isa sa mga dahilan no

  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 132: THE NEW BLESSING IN THE FAMILY  

    After losing my first child last year, I never thought that it’d be possible for me to bear another child in my stomach. Hindi ko ito inasahan, lalo na si Jacob.Hawak namin ang papel na naglalaman ng test results na ginawa ng doctor ilang oras na ang nakalilipas. Nakatitig lang kami roon, parehong nanginginig ang aming mga kamay. Hinawakan niya ang akin at dinala ang likuran nito sa kaniyang labi para halikan.Napansin ko rin na halos maluha-luha siya. Dala siguro ng kaniyang emosyon na nararamdaman sa kasalukuyan. Nasa kaniyang sasakyan kaming dalawa at tahimik na nakaupo.“I can’t believe this,” he said and kissed the back of my hand once more.“Me either. Hindi ko alam kung dapat ko bang tawagan agad sina Mama at Kuya o hindi muna.”“I think it’s better if we surprise them.”His idea was good. Kaya ng sumunod na araw ay pareho kaming nag-take ng leave sa aming mga trabaho. We organized a little party for just for our family and close friends. We sent invitations na kami mismo ang

  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 131: THE NEW CHAPTER

    Mahigpit akong niyakap ni Jacob pagkahiga niya sa tabi ko. Kumpara sa aming dalawa, alam kong siya ang mas pagod, dahil kinailangan pa niya akong linisan pagkatapos naming magniig. Matagal din naming hindi nagawa ang bagay na iyon dahil sa dami na ring nangyari. And when we do it this time, pakiramdam ko ay unang beses namin iyong dalawa. Jacob is always subtle with his moves. Kaya hindi ako nahirapan.We did it three times this time. Binabawi ang mga pagkakataong hindi namin nagawa iyon.“You really don’t have to do it, Jake,” sabi ko saka bumaling nang tingin sa kaniya. Kababalik niya lang sa kama dahil itinapon niya ang wet wipes sa basurahan sa banyo.Wala pa rin akong suot na damit sa ilalim ng kumot kaya bumangon siyang muli para hinaan ang aircon. Pagkahiga niya, yumakap siya sa akin at hinalikan ako muli sa labi. Matagal ang halikan naming dalawa. Iyong tipong kahit na kanina pa namin ginagawa iyon, wala pa ring nagbabago sa alab na nararamdaman namin sa isa’t-isa.“Halos hind

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status