Share

Chapter 3: Memories in Hell

Origin

DOES EQUALITY really exist in this world?

People kept striving for that so-called equality. But is it worth fighting for?

The moment I found my own answer to this, is the moment I lost my humanity.

I don’t need a long life, or to be a grown-up to find an answer to this, because I am the living evidence for this answer since the day I was born: People’s lives aren’t created equal. As human beings, some of us may have our similarities, but one thing is for sure. We cannot be equal. A living being’s fate is inequality itself.

That’s why there are heaven and hell. There are job and social positions that will make the public decide on how they will treat you. The world is a big triangle more than a circle, I guess.

Ano bang kinahihinatnan ng mga taong lumalaban para sa pagkapantay-pantay? Edi kamatayan. Kaya pinipili na lang manahimik ng nakararami. Pero kahit manahimik sila, hindi ba’t kamatayan pa rin ang kahahantungan nila?

Injustices may rule the world, but only two things made us all equal: Birth and death.

The moment you are born, your end game will always be death. No matter who you are in this world, you cannot escape such. Be it the rich, the poor, the innocent, the evil.

That is my job, to make humanity reach their desired equality. To lead them to the end of the line: Death.

TWELVE YEARS ago, I woke up completely drenched in the mud, without any memories at all. The next thing I saw was wild beasts surrounding me, drooling at the sight of their helpless prey.

Sobrang dilim sa paligid. Natatakpan pa ng malalaking puno ang buwan na kaisa-isang nagbibigay ng liwanag sa masukal na lugar na ito. I can hear their growl and the sound of the crickets echoing.

Hindi ko alam ang gagawin, para bang naging paralisado ang buong katawan ko na walang ginawa kundi ang manginig at maglabas ng luha sa mga mata. Gusto kong sumigaw para humingi ng tulong, pero walang boses na lumalabas mula sa bibig ko. I close my eyes as I wait for the brutal death to come at me.

I thought that I would die that day, but someone saved me from that misery. Nang buksan ko ang mga mata ko, nakita ko na wala ng buhay ang mga mababangis na hayop. Kasama ng makakapal na usok, may nakita akong isang matangkad na lalaki, he’s wearing a long brown coat and a brown hat. Nanlalabo na ang paningin ko hanggang sa tuluyan na itong nandilim.

I WOKE up in an unknown place. Bigla na lang kasing may nagbuhos ng malamig na tubig sa ‘kin.

“Sorry, nabigla ka ba? Wala na kasi kaming gas ngayon kaya hindi ako makapagpainit ng tubig. Kailangan mo na kasing malinisan, eh. Puro putik ang buong katawan mo!” sabi ng isang babae na sa tantsa ko ay nasa kinse anyos. May bandana pa siya sa ulo.

Hindi ko pa ma-process sa utak ko kung ano‘ng nangyayari. Tumingin ako sa paligid at nakita ang tiled area na pinaroroonan ko. May mga timba, tabo, at umaagos na tubig. Nasa banyo ako.

“Okay lang bang tanggalin ko ang damit mo? Ang dumi-dumi na, oh. Huwag kang mag-alala, kapag nalinisan ka, makakapagpahinga ka na sabi ni Sister,” nakangiting sambit nito hawak-hawak ang pulang sabon. Tumango na lang ako para matapos na. Nagsimula na siyang paliguan ako.

“Ikaw ba ang nagligtas sa ‘kin?” Hindi ko na napigilan kaya’t nagtanong na ako.

“Nagligtas? Hindi. Pero ako ang nakakita sa ‘yo, nakita kita sa tapat ng orphanage. Wala kang malay at marumi. Kaya agad kang pinalinisan sa ‘kin ni Sister. Ano bang nangyari sa ‘yo? Nga pala, ako si Mayi!”

“Hindi ko rin alam,” nanlulumong sagot ko.

The orphanage took me in after that incident. Sinabi ko sa kanila na wala akong maalala maliban sa gabing iyon na inatake ako ng mababangis na hayop.

“Sister Therese, talaga bang tatanggapin mo ang batang ‘yan? Hindi naman sa ayaw ko, pero hindi tayo sigurado sa batang ‘yan na bigla na lang sumulpot dito.”

“Tama si Sister Amelia. Alam naman nating kalat na ngayon ang mga kampon ng kasamaan, paano kung ginagamit lang nila ang batang ‘to para makalusot sa orphanage?”

“Tumigil kayong dalawa! Nasa harapan niyo ang bata!” Lumapit sa ‘kin ang tinatawag nilang Sister Therese. “Huwag mo silang pansinin, hija. Ituring mo itong bagong tahanan mo habang wala pa ang alaala mo,” nakangiting wika nito.

Siya ang pinakamatanda sa mga madre rito, mga nasa edad sixty na rin. Siya rin ang kaisa-isang tumanggap sa ‘kin sa kabila ng mga paratang nila. Dahil siya ang head, wala nang nagawa ang iba kundi tanggapin ako rito sa orphanage.

But it was not the warm welcome they gave me.

I became an outcast, iyon bang ‘pag tinitignan nila ‘ko ay para silang nakakita ng halimaw. Kapag may lalapit sa ‘king mga bata ay agad silang hinihila palayo ng mga nagbabantay. Kaya kalaunan ay wala na talagang lumapit sa ‘kin, marahil ay kung anu-ano na ang itinanim nila sa utak ng mga batang kasama ko na kulang na lang ay isuka na ako.

Pero kahit papaano ay ginagawa ko pa rin ang makakaya ko sa lahat, umaasa na balang araw ay babalik ang alaala ko at makakasama ko nang muli ang mga magulang ko. Sister Therese promised she will help me find my parents and my lost identity.

Yes, I’ve had a miserable life there, but everything drastically changed when Sister Therese had Cancer and eventually, died.

My life became hell itself. Mas matatanggap ko pa kung itinuloy na lang nila ang binabalak nilang itapon ako dahil wala naman na si Sister Therese, pero hindi natuloy iyon dahil sa isang pangyayaring nagbigay ng pagkakakilanlan sa blankong pagkatao ko.

“DEMONYO!”

“Sister Janice? Ano’ng nangyayari rito?!” sigaw ni Sister Amelia na nagmadaling pumasok sa silid na pinaroroonan namin. Sa sandaling iyon na nabaling ang tingin niya sa ‘kin, nagkapareho na sila ng reaksyon ni Sister Janice, halos mabingi na ako sa malakas nitong sigaw. Tumalikod ito at nagsuka sa sahig.

Ano’ng nangyayari? Bakit kalat-kalat ang laman-loob ng tatlong batang kanina lang ay kasama ko rito sa silid-aklatan? Nakikipagkaibigan lang naman ako sa kanila, tapos bigla na lang sumabog ang buong katawan nila.

I just wanted to make friends. I just wished to play with someone, too, like everyone else.

Wala na akong halos makita dahil sa dugo na nagsitalsikan sa mukha ko. Pinunasan ko ito at laking gulat ko nang makita na ang kamay na ipinangpunas ko ay naging mistulang malinaw na salamin. Kung walang dugo sa kamay na iyon, iisipin kong naputulan na ako ng kamay.

“Sister? Ano pong nangyayari d’yan?!” sambit ng isang boses galing sa labas, tuloy-tuloy ang pagkatok nito sa pinto at tila natataranta.

“Huwag kayong papasok! D’yan muna kayo, Mayi! Ilayo mo rito ang mga bata at tawagin si Padre!” Tumingin itong muli sa ‘kin habang pinupunasan ang labi. Nakakaramdam ako ng nagbabagang apoy sa talim ng mga titig niya.

“Tignan mo ang iilang parte ng katawan niya!” Tinuro ako ni Sister Amelia. “Sinasabi ko na nga ba, hindi ko guni-guni iyon! Dati ko pa nakikita sa batang ‘yan na parang napuputol ang ilang bahagi ng katawan niya!”

Hindi, hindi ito napuputol! Nandito pa rin ang kamay ko, nararamdaman ko pa rin siya! Pero nagiging kakulay niya ang paligid- iyan ang gusto kong sabihin pero tila umurong ang dila ko. Nakatulala lang ako sa kawalan sa labis na pagkagulat.

“Anong gagawin natin? Kailangan na natin siyang patayin bago pa dumami ang biktima!” sambit ni Sister Janice.

“Hindi. Kapag ginawa natin iyon, madudumihan ang sagradong kamay natin! Nasa utos ng Diyos na bawal ang pumatay, kahit saang anggulo mo tingnan, bata pa rin ito.”

Itinuloy pa niya, “Magaling manlinlang ang demonyo. Alam niya ang kahinaan natin at kung paano iyon gagamitin laban sa atin.”

Before I knew it, Sister Janice from behind grabbed a flower base and aimed it at me. Kasunod no’n ay ang tunog ng pagkabasag nito kasabay ng pandidilim ng paningin ko.

“PADRE, GISING na siya! Gising na ang demonyo!”

Bago ko pa man maidilat nang husto ang mata ko, nararamdaman ko na agad ang labis na pagsakit ng kamay at paa ko. Bumungad sa ‘kin ang dalawang madre at isang padre na nasa gitna nila, what’s worse is- there are jail bars separating me from them.

Inilabas nito ang rosaryo niya kalakip ng isang makapal na libro. “Any evil spirits connected to curses, pacts, spells, seals, demonic blessings, or other demonic bonds delivered against this child. I bind you separately and break all seals in the Name of Jesus, by His Precious Blood and the authority of my priesthood, with the authority given to me by Jesus Christ and His Church, you and all of your companion spirits, or myself, or any of our possessions.” Mula sa labas ng kulungan, tinapunan nila ako ng mga tubig na nagmumula sa malaking boteng hawak nila.

Sinusubukan kong kumawala, pero nakaposas ang kamay at paa ko. Wala akong nagawa kundi ang sumigaw at umiyak, bilang isang bata.

“You are bound and the seals are broken in the Name of the Father, of the Son, and of the Holy Spirit.”

Hours, days, and months have passed...I don’t know, and I am still locked in this dark dungeon. Pakiramdam ko, mas masahol pa ako sa isang hayop na kinukulong at pinapakain ng kaning-baboy. The sisters and priests would come to visit me every other day, performing that same ritual over and over again. If not, I’d be hearing the Sisters badmouthing me- calling me a demon, a pest, a monster, a f*cking murderer who is nothing but a curse to everyone she will stumble upon.

At dahil parati akong mag-isa do’n, hindi ko maiwasang isipin- paano kung totoo nga ang sinasabi nila? Paano kung demonyo nga talaga ako?

“Nasaan na po kayo? Please, tulungan niyo ako.” Hindi ko namalayang mahinang lumalabas na pala sa bibig ko ang mga salitang iyon habang tumutulo ang luha sa aking mga mata.

Imprisoned in this dungeon, my eyes see nothing but darkness as I hear the dripping water which turns out to be my own sweat. No single window is present in the four stone walls that could somehow give me the light and fresh air my body is yearning for. The only air I can feel is my breath as I struggle to inhale the strong smell of a decaying egg.

Nakakita akong muli ng ilaw nang marinig ang mahinang yapak ng paa papalapit sa pinaroroonan ko. I thought it was the Sisters, but it is someone else. A familiar, respectable-looking guy. He is tall, has fair skin, blonde hair, a brown coat, and a brown hat. I feel like I’ve seen him before, the guy looks like someone that everyone would respect, someone who has a high reputation, a complete opposite of myself.

 “Oh, didn’t expect to see an imprisoned child here.” Umalingawngaw ang boses nito sa paligid. May hawak itong cellphone na pinanggagalingan ng ilaw na nakita ko.

The one that bothered me is his face upon seeing me. Normally, someone would panic, get terrified, or be shocked the moment they witness something like this. But to him, I see nothing of that sort. Nothing. It’s as if everything he sees is completely normal to him. A child in a dungeon behind bars hugged by chains.

“S-sino ka?” tanong ko.

“Nagulat ba kita? The name’s Edgar,” he answered calmly.

Tall, brown coat, brown hat....! I remember this look very well...

“You...will you save me again?” words carelessly came out of my mouth as that thought circulates through my fuzzy brain.

“Again? What do you mean? Nagkita na ba tayo noon?” nagtatakang ani nito. Did I get the wrong guy? Or he’s just a sick, rich old man who has difficulty remembering things?

Without giving him a proper response, he asked, “What’s your name?”

“I don’t have one.”

“They didn’t give you one, huh?” Naniningkit ang mata ko sa maliwanag niyang ilaw. “Narinig kita kanina. You’re calling for someone. Sinong hinahanap mo?”

“Ang pamilya ko.”

“Ang pamilya mo? Bakit, nasaan ba sila?”

“Hindi ko rin alam. Teka, bakit ba ang dami niyong tanong? Interviewer ba kayo? O gusto niyo lang akong pagtawanan dahil sa kapaitan ng buhay ko?”

Natawa ito nang kaunti. “Hindi ganoon ‘yon. Let’s just say I am an aspiring father who can’t reproduce his own offspring and decided to adopt a child from an orphanage but found something much more interesting.”

Much more interesting? Does he see my situation as some entertainment?

The light beaming from his ocean-like eyes emits something I can only explain with two words- pure evil.

“W-wait, Mr. Laurier! This place is forbidden!” sigaw ng isang madre na tumatakbo papalapit sa kaniya. May hawak pa itong lampara.

“Hey, Sister. Tinatanong mo ako kanina kung sino sa mga bata ang a-ampunin ko, ‘di po ba? May sagot na ako.”

Sister Amelia looks like she’s out of breath from running down this dungeon, but her breathing immediately stopped as she hears those words from this man. Though far from me, her fast heartbeat is heard.

“Itong batang ‘to. Siya ang kukuhanin ko.”

At first, I thought I was wrong about this man; that he is not evil and instead, he’s the hero who saved me before and will save me again from this tragedy. But just like that day...

He will once again, bring me into the life of chaos disguised in serenity.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status