Share

Chapter 2: Scarlet's Intuition

Origin

HELP ME to get my powers back? Sounds intriguing. But, can I trust this guy?

“You see, the Student Council recruits youngsters with talismans to enroll in our school. Iyan ang paraan namin para ma-protektahan ang kabataan mula sa mga scientists at illegal organizations. Kapag nakita nila kayo, kukuhanin nila kayo para maging test subjects, o ‘di kaya’y gagamitin para magsilbi sa kanila, ang iba naman ay dinadala sa slave trade. It’s like child labor, but on a different level.”

I KNOW that more than anyone, pero hindi kayo ang tumulong sa'kin para makaalis sa sitwasyon na 'yan!

“Get my powers back? How can a mere student like you do that?” Inilabas ko ang blade na nasa dulong likuran ng black boots ko, sumipa ako patalikod papunta sa kaniya pero agad niya itong naiwasan. I caught him off guard, nakatakas ako sa mahigpit na hawak nito sa kamay ko.

“Ah, this is such a pain. Ang tataas talaga ng pride ng mga babae. Sana nakikinig ka muna,” sambit nito habang nagkakamot ng ulo. Nilabas ko ang katana ko at sumugod sa kaniya. Nakita na niya ang mukha ko, mahirap na ‘pag nagsumbong ‘to! He needs to be killed right away!

Sinangga niya ang katana ko gamit ang espada niya. That hilt, it has the shape of a red dragon’s head. Now it’s a swordfight, huh? Palayo na kami nang palayo sa mansyon habang naglalaban. I’m leading him on that path to reduce the risk of us getting caught.

Habang nakikipaglaban ay inilabas niya ang pocket notebook niya. Plain brown ang kulay nito. “Origin Laurier. Twenty years old. Former assassin working under Westside Dragons. The daughter of Edgar Laurier, the owner of Laurier Corporation under Westside’s protection. She was sold by her father to the mafia boss of the Westside Dragons in exchange for that, but unfortunately, the poor girl was kicked out due to her deteriorating power.”

P-paano niyang nalaman lahat ng ‘to? “You stalker!” sigaw ko. Mas lalo kong binilisan ang pag-atake sa kaniya dahil sa labis na inis. Bakit pati ang pagpapatalsik sa ‘kin ng Boss, alam niya? That’s supposed to be confidential, at hinding-hindi lalabas sa Westside!

Or else, there might be a traitor. Someone from Westside is spilling confidential information to them.

“Not really. I did a background check on you because of how you caught my attention yesterday. Fifteen people died that day, and ten as of today. Lahat ng ‘yon ay pinatay mo, wala ka mang naiwang bakas, hindi pa rin makakatakas ang amoy mo. All of the corpses I’ve seen have the same smell clinging to them. Naaamoy ko rin sa ‘yo ngayon ang dugo ng mga pinatay mo. You have a few blood stains on your kimono, including the female student you killed earlier.”

I clench my teeth as I tightly grip the handle of my katana. Umiwas siya pakaliwa kasabay ng paglabas ng apoy sa dalawang kamay niya na umakyat sa kaniyang espada. “Isn’t that right, Westside Dragon’s killing machine, Scarlet Beast?”

“Impossible, pinaagos ko na sa ilog ang katawan niya.”

“Don’t worry, that’s not a real student. She’s a death row inmate, and that is her execution. Atleast nagkasilbi pa siya bago mamatay. I won’t let you harm our students.”

So all of this was planned even before I decided to infiltrate Greendale. Sinasabi ko na nga ba.

Hindi inaasahang natamaan niya ang kamay ko, nabitawan ko ang katana nang mapaso ako. Kukuha pa sana ako ng ibang weapon sa loob ng damit pero masiyadong mabilis ang reflexes niya. Hahatawin niya ng espada ang kamay at paa ko sa tuwing susubukan kong kumuha. “Where’s Papa? Why is he not rescuing you in these times of crisis? Ipinagpalit niya ang buhay ng anak niya para lang ma-protektahan ang negosyo niya? Poor you, a child born just to be a puppet.”

Ramdam kong nag-iinit ang katawan ko sa galit, pero hindi ako nagpadaig. Emotions are a mere hindrance in achieving victory!

“You didn’t unsheathe your sword, yet you used your fire ability. Are you threatened but still wanna look cool? Hmm.” Nag-side flip ako ng one-eighty degrees, my hand stands on the ground, while my feet are up in the air. Inipit ko ang leeg niya sa magkabilang hita ko at hinawakan ko ang wrist niya kahit mapaluha na ako sa pagkapaso. Inikot ko ito na nagpawala ng balanse niya, I pinned him down the grass.

Nakadagan ang dalawang tuhod ko sa magkabilang kamay niya habang nakahawak ang kanang kamay sa back collar ng uniform niya. Nakatutok sa leeg niya ang dagger ko. “One wrong move, tatagas ang dugo mo na parang gripo,” bulong ko.

“That’s my line as well.” Laking gulat ko nang makita ang nakatutok na patalim sa leeg ko. It was the other dagger I dropped earlier! Hawak ito ng kanang paa niya na wala ng sapatos. “You die, I die?” he said while staring at me. At that moment, I somehow felt a cold, yet blazing fire in his dark purple eyes. As if he were gazing right into my quintessence through the eyes of a laboriously, intellectual prudent.

This guy...is something. His mere presence has no one I’ve seen before.

Napangisi na lang ako at binitawan siya. Binitawan ko rin ang hawak kong armas at itinaas ang dalawang kamay. “Fine, fine. I give up. Let’s put an end to this, Student Council President.”

Nanatili ang poker face niyang nakakabuwiset, nakatingin lang siya sa ‘kin habang bumabangon. “Nakita ko kasi ‘yong tarp ng Student Council sa may school gym kanina, kaya pala pamilyar ang mukha mo.” Hindi naman siya nagtanong, kaya sinabi ko na lang. Parang hindi manlang nagulat na kilala ko siya eh.

“I see.” Pinapagpag niya ang damit niya sabay hinawi ang itim nitong buhok na tumatama sa kaniyang mahabang pilikmata. Ang hirap naman na ganito ang kausap mo. Hindi mo malaman kung ano’ng nasa isip. Pa’no, iisa lang ang hitsura niya at paraan ng pananalita. Parang realistic robot ang kausap ko.

“You would help me get my powers back, right? Hindi rin naman ako papayag na dalhin mo ako sa pulis.”

Tumango siya. “Basta gagawin mo ang kondisyon ko.”

“Yup. Enroll at Greendale and join the Student Council, right? Pero para sa mga may special abilities lang ang Greendale. Edi bawal ako kasi wala na nga akong powers.”

“Puwede iyan. Counted ka do’n dahil pinanganak kang may talisman sa katawan.”

Tumayo ako at sinalubong ang malakas na hangin sa kagubatang ito. “So, what will I do? Help you with your paperworks, or in handling stubborn students? Spill it.”

Nope, it’s a bigger task...

“No, it’s a more complicated task.”

..because this guy, is surely a member of FEAR.

Inilabas niya ang ID niya mula sa kaniyang bulsa at itinapat sa ‘kin. “I’m from FEAR under Armed Division’s Seventh Platoon. The Student Council of Greendale are FEAR members who are tasked to protect and recruit students with talisman powers.”

Bingo!

Tama nga si Boss. Since FEAR has strong connections to government agencies and military personnel, it has a strong possibility that Archibald is backed up by them, kaya malakas ang loob niyang kalabanin ang Westside.

FEAR, a military agency that solves complex and violent enemies the normal police cannot handle, mostly supernatural ones. Kagaya sa Westside Dragons, karamihan ng miyembro nito ay mga talisman users. Malaking organisasyon ang FEAR, marami silang koneksyon sa malalaking organisasyon sa labas at loob ng bansa. I hate to admit it, pero sila ang grupong kayang tapatan ang Westside. The two groups have been clashing for so many years, pero hanggang ngayon, wala pa ring nakadadaig sa bawat isa.

But boy, this is so easy. Kitang-kita sa mga galaw niya ang signature moves ng FEAR soldiers. Since he’s still a student, expect ko na wala pa siyang official rank at member pa lang siya ng isang platoon. Ibig sabihin, kalalabas lang niya sa military school ng FEAR. Lahat ng bagong labas doon ay may tattoo sa tagiliran, kaya inaasahan kong meron pa siya, itinuro kasi sa ‘min ito sa Westside. Patago kong sinilip ang tagiliran niya kanina habang naglalaban kami, nakita ko ang number 004, malapit na itong mahulas.

Pero hindi ko pa rin dapat maliitin ang lalaking ito. His moves are too advanced for a platoon member, sigurado ako d’yan. Hard to admit but he kinda intimidated me on our first meeting.

Mas okay na ‘to kaysa sa Special Police ako mapunta, mas madaling makalusot dito. At the same time, makakakuha rin ako ng mahalagang impormasyon. Sabi nga sa librong nabasa ko: “The probability of defeating the enemy is provided by the enemy himself.” It’s from one of my favorite books, The Art of War by Sun Tzu.

Bonus na lang kung talaga bang matutulungan niya akong ibalik ang talisman ko. Pero sana nga, ‘di ba? Mas malaki ang chance na makapagsislbi pa akong muli kay Boss ‘pag nangyari iyon.

“Hoy, kung alam mo naman pala ang tungkol sa pagkatao ko, bakit nire-recruit mo pa ‘ko sa Student Council? Hindi ka naman tanga para isiping magbabago pa ako, ‘di ba?”

“Isa lang ang dahilan ko. I need your powers, Origin. As I said, you caught my attention. I want you to lend your power to us.”

I don’t understand this guy. Bakit niya kakailanganin ang isang kagaya ko?

“By joining the Student Council, does that mean that I’ll be a member of FEAR, too?”

“Hindi, may prosesong pagdadaanan para maging isang ganap na member. As of now, I am just asking you to form an alliance with us, the Student Council. Pero kung gugustuhin mong maging isang member, hindi naman kita pipigilan. But as I said, there is a due process.”

Who the hell would want to join your trash agency?!

Naningkit ang mata ko habang binabasa ang pangalan niya sa ID. “W? Is that even a name?”

“Yes, are you jealous that I have a unique and badass name?”

“Excuse me?!”

“Let’s get out of here. This is not the right place for talking.” Kinuha niya ang stuffed toy na napansin ko kanina sa bulsa niya, binato niya ito pataas, biglang naging malaking bear ito na may buhay, may suot pa siyang denim jumper at head fan. “S-sino ‘yan?” Napaatras ako. Halos kasing-laki na niya ang mga puno rito.

“This is Bruce, my familiar. He will serve as our transportation in returning to Greendale.”

Humalukipkip ito at tumingin nang masama sa ‘kin. “I think that bear wants to kill me.” Laking gulat ko nang kinuha niya ako at inihulog sa bulsa ng jumper niya. Sakop na sakop ang katawan ko ng malaking kamay nito.

~

“SA WAKAS, nandito na rin!” Tumalon ako sa bulsa niya at nagdire-diretso sa mahabang lababo sa likod ng campus. Nagsuka ako nang bongga, nahilo ako sa biglaang paglipad niya. Buwiset na bear ‘yan, akala mo may lakad eh! Napakabilis umandar, nakahead fan lang naman! Pinagtatawanan pa ako ngayon.

“Thank you, Bruce. You can now go.” Bumalik na siya sa pagiging laruan ‘gaya kanina.

“Even a strong assassin has its petty weakness, huh?” Nakahalukipkip na sambit ni W habang nanonood sa paghihirap ko. Is he praising my strength to make fun of my weakness? What an evil tactic!

Binuksan ko ang gripo at nagmumog ng tubig pagkatapos magsuka. “Don’t tell me, isa ‘to sa paraan ng pagpatay niyo sa ‘kin? How unfortunate. I won’t be killed just like that!”

“Pinagsasabi mo? Huwag mong isisi sa ‘kin ang pagkakaroon mo ng motion sickness. Bilisan mo na d’yan sa ginagawa mo at hindi pa tayo tapos mag-usap.”

Ang lakas mang-utos. Feeling entitled na agad? Kung hindi lang para kay Boss, hindi ko na sasakyan ang trip ng robot na ‘to.

“My, my, that’s not the right way to talk to a lady, President.” Napalingon ako nang marinig ang malumanay na boses ng isang lalaki. Nagdidilim na sa paligid, sasapit na ang gabi, pero ang maganda nilang mga mata ang nagbigay liwanag at papuri sa kadilimang bumabalot sa paligid.

Nakita ko ang dalawang lalaking naglalakad palapit sa ‘min. Ang isa ay nakangiting naglalakad habang nakatingin sa ‘kin. He has pale gray eyes and dark gray hair at nape length, styled in straight bangs that frame his eyes, with two longer strands flowing down at either side of his face, all the way down to his lower chin. Ang isa naman ay naglalakad habang nagbabasa ng libro, he has messy vermillion hair and golden round eyes, may kahabaan din ang side bangs niyang halos takpan na ang maganda nitong mukha. Nakasuot din ito ng makapal na pulang salamin. Both of them are wearing Greendale’s uniform, they are tall, and has white skin that is almost transparent.

Wait, these people are familiar to me.

They are the members of the Student Council! Kasama sila ni W do’n sa tarp na nakita ko, pero bakit kulang ‘ata sila? Apat sila, eh. May isa pang lalaki, moreno iyon sa pagkakatanda ko.

Ang cool na sana ng paglalakad nila, kaso biglang nauntog sa poste ‘yong lalaking nagbabasa ng libro. They all acted as if it was nothing.

“Is this the girl you’ve been talking about? Hindi ko akalaing magkakaro’n ka pala ng interes sa babae, Pres! Ang damot, hindi mo man lang kami sinama sa pag-recruit sa kaniya!” sambit ng silver-haired guy nang makalapit sa ‘kin. They also know something about me?

Tinitignan-tignan niya ako mula ulo hanggang paa. “But you should be nicer to her, kung hindi, ako ang mag-aalaga sa kaniya.” Laking gulat ko nang hawakan niya ang wrist ko, tinignan niya ang kamay ko. “It’s severely burned. Pres, did you go too far?”

“She’s the one who held my hands,” sagot ni W.

For some reason, my heart skipped a beat when this silver guy looked at me from closer glance while holding my wrist.

Yuck! They may be handsome, pero loyal ako kay Boss!

Tinapik ko ang kamay niya at nagtago sa likod ni W. Hindi ko alam kung bakit sa kaniya pa ako nagtago e halos magpatayan na kami kanina. Pinalo naman ng nakasalamin ang ulo ng kasama niya. “Hey, Jordan! Tigilan mo nga iyan, she’s not comfortable with a playboy like you!”

“Lieutenant Carlton, nakauwi na ba ang lahat sa mga dorms nila?”

“Y-yes, Pres. Clear na ang buong building,” sagot nito habang hinihimas ang noo na tumama sa poste kanina.

They’re waiting for the building to be cleared? I wouldn’t be shocked if they’re plotting something dirty. Hindi puwedeng trip lang ng robot na ‘to ang pagpapasali sa ‘kin dito. He knows everything about me, kaya hindi niya hahayaang makapasok ang isang kalaban sa puder nila. This was all obvious from the start, yet I agreed to his offer. What am I expecting?

Nawawalan na lang talaga ako ng pag-asa. For someone like me who only knows how to kill and rely on orders, ito na lang ang best option ko kung gusto kong umabante. Pero kung tama nga ang kutob ko na may masama silang gagawin para makakuha pa ng impormasyon sa Westside sa pamamagitan ko, like what the Special Police does..

..it will not be a problem, because when the time comes that I am unable to fight anymore...

I’ll gladly kill myself. I have tons of poison placed in my molars. Isang kagat lang, sasabog ang buong katawan ko. I’d rather die than be used by the enemies.

Mamatay sa paraang lumalaban para sa Westside. Right, Bisca?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status