"Sweety, teka nasasaktan ako—"Alam kong mahigpit na talaga ang pagkakahawak ko sa braso niya. Kita ko yung pag ngiwi niya. "Masasaktan ka talaga dahil hindi Ikaw ang asawa na minahal ko!""Ako ang asawa mo!""Sinungaling!""Ako si Jessa!""Oo ikaw nga si Jessica, halata naman dahil hindi tumitibok ang puso ko para sayo! Galit at inis! Yun ang nararamdaman ko noon hanggang ngayon sayo! Kilala ng puso ko ang babaeng mahal ko! At hindi ikaw yun! Nasaan siya, Jessa? Sino ba talaga siya!" Alam kong natakot si Jessa, pero galit na galit na talaga ako this time. Naiinis ako. Niloko nila ako."Ako ang asawa mo, kalimutan mo na ang babaeng yon!"Natigilan ako sa sinabi niya. So totoo nga? Magkaiba sila ng babaeng minahal ko...?"Nasaan siya..""Bakit pa? Ako ang asawa mo! Pangalan ko ang nakarehistro bilang asawa mo!""Fuck! Nasaan siya, Jessa?! Huwag mo akong galitin. Alam mo ang kaya kong gawin. At asawa? Well sorry dahil hindi legal ang kasal." "Anong...""Tama ang narinig mo. Buti nalang
Tapos na yung pagpapanggap ko. Kasama niya na yung asawa niya. Hindi ko na maipararamdam yung pagmamahal ko sa kanya, kung alam ko lang na agad matatapos ang lahat ng ito, sana sinulit ko na ang mga panahong nasa tabi pa niya ako, sana ginawa ko ang lahat para maipakita sa kanya ang nararamdaman ko.Alam ko namang matatapos din lahat ito pero hindi ko inaasahan na biglaan nalang na kailangan ko ng umalis sa piling ng asawa ng kakambal ko.Ang sakit. Ang sakit-sakit na parang pinatay na rin ako...Bakit ba kailangang paglaruan kami ng tadhana? Bakit kailangan maaksidente ni Jessa? Tuloy ay kailangan ko pang magpanggap bilang siya, sana ay hindi kami nagkakilala ng asawa niya, sana'y hindi ko siya minahal.Tahimik ang buhay namin ni Papa noon. Masaya naman kami, pero ngayon, alam kong malaki ang magbabago. Ayokong umiyak gaya ng sabi ni Papa, ayokong umiyak sa harap niya. Kilala niya ako bilang matapang ayoko na rin na magalala pa siya sakin."Papa, okay nga lang po ako. Huwag niyo kong
Malungkot akong pauwi ngayon sa bahay namin mula sa dating restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Gusto man daw niya akong tanggapin muli kaso ay nakahanap na daw sila ng kapalit ko.Bakit hindi? Halos tatlong buwan akong nawala, tapos ngayon ay babalik nalang ako ng biglaan. Bakit ba kasi hindi ko naisip ang mangyayari sa amin ni Papa after magising ng kakambal ko?Bigla ko tuloy naalala si Gerald. Kahit kailan yata ay hindi ko na siya malilimutan. Siya lang ang tanging lalaking minahal ko. Siya lang ang una at huling lalaking iibigin ko.una at huling lalaking iibigin ko.Nakarating ako sa bahay na nanlulumo. Paano ko ito sasabihin kay Papa?Mabuti pa'y huwag ko ng sabihing wala na akong babalikang trabaho. Baka magisip pa iyon kung saan kami kukuha ng panggastos sa araw-araw pati na ipambibili ng mga gamot niya. Bukas na bukas ay kailangan ko ng humanap ng ibang mapapasukan."Papa?" Tawag ko pero napakunot ang noo ko nang may mapansin. Teka bakit parang walang tao? "Papa?"Bakit ba ang
I'm Jessica Ramos, twenty two years old. Akala ko tahimik na kaming mamumuhay ni Papa. Kahit mahirap, ayos lang basta magkasama kaming dalawa.Natanggal sa trabaho si Papa at dahil may edad na siya ay nahirapan ng makahanap ng trabaho kaya ng makahanap ng trabaho kaya naman third year high school palang ay naging working student na ako.Caregiver lang ang natapos ko, dahil hindi ko kayang pag-aralin ang sarili ko sa mahal ng tuition fee sa mga universities. Masaya ako sa trabaho ko bilang personal attendant."Papa? May bisita po tayo?" Nagmano muna ako kay papa bago ako umupo sa tabi niya.May babae kasing kausap si Papa pagdating ko galing sa trabaho."Anak..."Teka, anak?Ako ba ang tinutukoy niya?"Ah, ma'am sorry po pero wala na po ang mama ko." Tumingin ako kay Papa na naguguluhan."Anak, Jessica... siya ang mama mo," sabi ni Papa habang hindi pa rin tumitingin sakin."Nagbibiro ba kayo, Pa? Patay na si Mama, hindi ba? Sabi niyo bata pa lang ako namatay siya sa sakit?""Hindi ana
"Anak, sigurado ka na ba sa gagawin mo?" tanong sakin ni Papa. Ano pa bang magagawa ko kailangan ng kapatid ko ng tulong."Gusto niyo rin namang tulungan ko ang kakambal ko, hindi ba?""Anak, patawarin mo ako. Nilihim kong may kapatid at buhay pa ang mama mo. Ayoko lang kasing masaktan ka kung bakit niya tayo iniwan, ayokong mamuhi ka sa kanya dahil ipinagpalit niya ang buhay kasama ko sa buhay na mayroon siya noon."Ang totoo, hindi naman ako galit kay papa. Naiintindihan ko siya. Kay Mama? Galit? Siguro, masama ang loob dahil natiis niyang maghirap kami—ako. Lumaki akong salat sa yaman. Naiinggit ako kay Jessa, hindi niya naranasan ang mga naranasan ko, sigurado akong sa Pribadong Unibersidad siya nakapag-tapos. Samantalang ako? Isang Caregiver lang. Pero kahit ganun ay masaya ako, at proud ako sa sarili ko. Kung mayaman talaga sila mama, bakit hindi siya umupa ng private investigator para mahanap kami ni papa? Bakit nasaktong kung kailan niya kailangan ng tulong ko ay tsaka siya na
Ang hindi alam ni Jessica ay nabigla si Gerald sa mga kinikilos niya. Kilala ni Gerald si Jessa bilang isang bitch at slut. Kung hindi nga lang sa utos ng kanyang lola ay hindi niya ito pakakasalan. Kung sino-sino na ang nakatikim dito kaya nagtataka siya kung bakit parang may nag-iba sa kanya. Usually ay agad nakakapit sa kanya ang babae at hahalikan agad siya ng marin. Pero this time inilapat lang nito ang mga labi sa kanya at ang nakapagtataka ay pinamulahan ito ng pisngi na hindi kahit kailan niya nakita rito. Pero ang nakakabiglang lalo ay kung bakit parang may naramdaman siyang kuryente sa pagdampi ng labi nito sa labi niya?Anong nagyari?Samantala noon ay pinagbibigyan niya lang itong halikan siya dahil nagsusumbong ito sa lola niya. At ayaw niyang sumama ang loob ng kanyang lola.Isa lang ang nasa isip ni Gerald, kung ano man ang binabalak nito ay tiyak na pipigilan niya.**"Isang buwan lang ako sa England pero pagbalik ko ay ang laki ng pinagbago mo, at nagpaitim ka pa tala
Sakay na kami ngayon ng sasakyan ni Gerald. Ano kaya ang tawag ni Jessa sa lalaking ito? Nakakailang naman kung tatawagin ko siyang hon? Babe? Bhe? Sweetheart?Parang kinilabutan ako! Mas mainam pa sigurong Gerald nalang!"Gerald, ibaba mo nalang ako sa mabini stree—"Teka, may mali na naman ba kong nasabi? Bakit ganyan niya ako tingnan?"Gerald?! At kailan mo pa ko tinawag sa pangalan ko?"Patay, ano ba kasing tawagan nila, o mas tamang sabihing tawag ng kakambal ko sa kanya? Sa tingin ko ay hindi sweet si Gerald sa kanya dahil mukhang namumuhi pa ito sa kakambal ko.Marami akong dapat itanong kay mama!"Bakit, masama na bang tawagin ka sa pangalan mo?" Shete kinakabahan ako."Okay lang naman, mas okay nga. Nakakairita kasi kapag tinatawag mo kong sweet, sweety." Seryoso niyang sabi habang nakatutok sa daan.Sweety? Ganun ka-corni ang kakambal ko?Shit lahat naman kasi nagiging corni kapag in-love, yun ang sabi nila.Hindi nalang ako kumibo."Anong gagawin mo sa mabini street?""May
After akong ihatid ni Gerald sa bahay ay pumanik agad ako sa kwarto ni Jessa, agad kong hinanap si Mama pagkabihis ko. Marami akong gustong itanong tungkol sa kakambal ko. "Mama pwede ba tayong mag-usap?" "Oh, anak, nakauwi ka na pala? Hinatid ka ba ni Gerald?" "Ma, totoo ba lahat ng sinabi ni Gerald?" "Alin, anak?" Halatang parang natense si Mama dahil sa tanong ko. "Ma, parang malandi ang pagkakilala niya kay Jessa!" "Anak... Kasi si Jessa, ang kakambal mo ay totoong spoiled siya sakin. Laman siya ng bar gabi-gabi. Marami narin siyang nakasamang lalaki, alam lahat yun ni Gerald kaya ayaw niya sa kakambal mo. Pero si Jessa... mahal niya talaga si Gerald college days pa lang sila. Pero dahil kilala niya si Jessa bilang isang maarte, spoiled brat, at marami ng naging nobyo ay binalewala lang niya ang kapatid mo." "Ma, naman! Bakit hindi niyo sinabi agad? Muntik na akong mabuko kanina!" "Anak, natatakot kasi ako, baka umatras ka..." "Bakit? Saan ba kayo natatakot, Ma? Na hindi