Share

Chapter 14

Hindi maintindihan ni Gerald ang ikinikilos ng asawa. Ang mga halik at yakap nito, ang mga salita nito ay parang namamaalam. Pero ipinagwalang bahala na lang niya dahil baka napaparanoid lang siya. Malaki na talaga ang pinagbago ng kanyang asawa at labis na ikinasisiya niya ito. Sa pananamit at pananalita. Sa ugali. Lahat ay binago nito para sa kanya. Sa loob ng halos tatlong buwan nilang pagsasama ay twina na lang na pinipigil niya ang kanyang sarili. Dahil magkatabi sila ay lagi na nagtitimpi siyang huwag itong galawin. Gusto niya kasi na matanggap na niyang tuluyan ang nakaraan nito. Masakit para sa kanya na hindi siya ang unang lalaki para dito. Na marami ng nauna para sa kanya. Pero kailangan niyang tanggapin dahil mahal na niya ito, malaki na ang pinagbago nito kaya nararapat lang siguro na tanggapin na niya ng lubusan ang nakaraan nito.

Nung sinabi nito na kung maaring huwag na siyang pumasok bukas para masolo siya nito ay labis ang kasiyahan niya. Iniisip niyang posible kayang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status