"Nahihilo na ako sa friend natin, Freya!" komento ni Celestine.
"Oo nga eh! Ako rin nahihilo na sa kaniya, sa true lang. Kanina pa siya pauli-uli riyan. In love na ba ulit ang lola natin?" pabirong tanong ni Freya.
"Pwede ba magsitigil kayong dalawa?" pagsaway ni Celine sa dalawa niyang kaibigan.
Celine was walking back and forth for about thirty minutes. Wala pa ring malay si Dustin matapos mapukpok sa ulo ng taong kumidnap sa kaniya. Kinakain siya ng kaniyang konsensya sa tuwing mapapatingin siya sa walang malay na si Saavedra. Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari dahil agad siyang nagtiwala sa lalaking iyon.
***Flashback***
Naglalakad na si Celine patungo sa sakayan nang biglang may lumapit na lalaki sa kaniya.
"Miss kilala mo po ba si Dustin Saavedra?" magalang na tanong ng lalaki.
"Opo. Papunta po ako ngayon sa kaniya eh. Kaibigan po ba niya kayo?" pag-uusisa ni Celine.
"Ano kasi miss ... naaksidente po siya eh!"
"ANO? NASAAN SIYA NGAYON? ALAM NA BA NG KANIYANG PAPA?"
Biglang nag-alala si Celine dahil naikwento sa kaniya ng kaniyang tatang na bukod sa cancer ay may sakit din sa puso si Don Alexander. Iyon ang dahilan kung bakit hindi na siya tumutol na magpakasal sa anak ng best friend ng kaniyang tatang.
Buong akala ni Celine ay totoo ang sinabi ng lalaki kaya sumama siya rito. Nang makarating sila sa lugar na walang kabahayan ay tinakpan ng lalaki ang kaniyang ilong ng panyo at nawalan siya ng ulirat.
***End of Flashback***
Natauhan si Celine nang batukan siya ni Freya. "Aray!" d***g niya.
"Ang lalim ng iniisip mo Celine! Kanina ka pa namin tinatawag ni Celestine eh!" sambit ni Freya habang naka-peace sign ang kaniyang daliri.
"Celine gising na si Dustin!" Celestine announced.
Mabilis na tinungo ni Celine ang pintuan sa silid ni Dustin para tingnan siya. Napaiwas siya ng tingin nang bigla siyang nginitian ng binata.
"Go na girl! Wag ka nang magpatumpik-tumpik pa!" sulsol ni Celestine.
"Ang yummy naman ng mapapangasawa mo! Sigurado ka bang hindi mo siya gusto? Sa akin na lang siya kapag ayaw mo talaga. Sabihan mo lang ako." Napatawa si Freya nang bigla siyang tiningnan ng masama ng kaibigan. Itinulak nila ni Celestine si Celine palapit sa kaniyang mapapangasawa.
Napasubsob sa dibdib ni Dustin si Celine. Babangon sana siya nang bigla siyang niyakap ni Dustin. Nakaramdam si Celine ng agarang pagbilis ng tibok ng puso niya.
"Don't move," ma-awtoridad na utos ni Dustin.
Halos kisayin sa kilig sina Freya at Celestine para sa kanilang kaibigan. Sinenyasan sila ni Dustin na lumabas muna ng silid. Nagbubulungang lumabas ang dalawa habang naghahampasan sa balikat.
Nang makalayo sina Freya at Celestine ay nagsimula nang magsalita si Dustin. "You are going to be my wife so you have to act like one in front of the crowd lalong-lalo na sa harap ni papa," bulong niya kay Celine.
Tumindig ang balahibo ni Celine nang maramdaman niya ang init ng hininga ni Dustin.
"But I am giving you the freedom to do anything you want kapag tayo lang dalawa ang magkasama. We should not meddle in each other's personal life. Don't stop me kapag gusto kong tumikim ng ibang putahe because our marriage will only last for five years. After that, I am going to give you fifty million pesos and you will be single again. In the span of five years, YOU CAN'T FLIRT WITH ANYONE unless I you give my permission."
Saglit na natahimik sa silid. Pinoproseso pa ni Celine ang mga salitang binitawan ni Dustin. When she was able to digest it, she complains.
"Parang ang unfair naman ng rules mo! You can flirt pero ako hindi? I am already thirty years old, Dustin. Paano ko hahanapin ang the one ko kung pagbabawalan mo akong makipag-fling? My goal is to have a child before I turned thirty six. 'Yong limang taon ko, masasayang na dahil matatali na ako sa'yo. Please let me enjoy it while being committed on our "fake" marriage," pakiusap ni Celine.
"Fake marriage? Eh 'di ba totoong ikakasal tayo?" pagka-klaro ni Dustin.
"Fake kasi hindi naman natin mahal ang isa't isa tapos ayon nga, need lang naman nating umaktong okay tayo, hindi ba? So fake pa rin kahit pa totoong mangyayari 'yong kasal," tugon ni Celine.
Binitiwan siya ni Dustin matapos marinig ang panig niya. Tinitigan lang siya nito habang nag-iisip ng itutugon.
"Oh okay. Regarding sa sinabi mo kanina, you also have a point. You can date anyone pero you have to make sure na walang makakakilala at magkikita sa iyo. Alam mo naman siguro kung sino ang pakakasalan mo. We value our name more than anything," ani Dustin.
"Okay, Dustin. I will be careful."
"So do we have a deal?" Dustin asked while smiling.
Celine leaned towards Dustin and maintained eye contact then she extended her right hand and waited for Dustin's hand. Dustin grasped her hand. They pumped their hands twice before they released it. Iyon ang unang beses na hinawakan nila ang kamay ng isa't isa.
"Siya nga pala Celine, sinabi sa akin ni papa na mas mapapa-aga ang kasal natin. Eight days from now, you are going to bear my surname. Are you ready? Can you resist my charm?" panunukso ni Dustin.
Tinitigan lang siya ni Celine at tumango. "I bet you are fine now. Aalis na ako. May personal nurse ka naman na mag-aasikaso sa iyo rito." Pagkasambit niya noon ay sabay pasok naman ng personal nurse ni Dustin. Nagsalubong ang mga kilay ni Celine nang makita kung gaano kapitis ang suot ng nurse. Hindi niya napigilan ang kaniyang sarili na punahin ang pananamit nito.
"Is that how you dress here? Hindi ba masyadong revealing ang suot mo compared sa mga nakasalubong kong nurse kanina?" Celine raised her eyebrows and gave the nurse a cold and penetrating gaze. Napangiti naman si Dustin sa sinabi ng kaniyang bride to be.
"This is not our standard uniform, miss. I only wore this upon the request of our VVIP." Tumama ang tingin ng nurse kay Dustin na ngayon ay nakatingin na sa kaniya ng malagkit.
"I really like how obedient you are, Nurse Ivy. I am excited to spend this night with you," mapang-akit na usal ni Dustin.
Nakita ni Celine kung paano kinindatan ng kaniyang asawa si nurse Ivy.
"Ahm ... Dustin, nagbago na pala ang isip ko. Since ako naman ang may kasalanan kung bakit ka nagka-ganiyan, ako na ang magbabantay sa iyo tonight. Kukuha lang ako ng gamit sa bahay pagkatapos ay didiretso na ako rito," saad ni Celine.
'Ano bang sinasabi mo Celine? Nasapian ka ba? Bakit mo aalagaan iyang lalaking 'yan eh ayaw mo sa kanya, 'di ba?' sigaw ng isip ni Celine.
"Ang bilis namang magbago ng isip mo, Celine!" Dustin gave a loud, silly laugh. "Sige, aasahan kita mamayang gabi ha," pagpapatuloy niya.
Lumapit kay Dustin si nurse Ivy para i-check ang pulse rate niya. Nanlaki ang mga mata ni Celine nang biglang hawakan ni Dustin ang pwet ni Ivy. Mas nagulat siya nang magustuhan pa ng nurse ang ginawang iyon sa kaniya ng binata.
"Malalandi," bulong ni Celine.
"What did you say? Pwedeng lak'san mo ng kaunti kasi hindi namin marinig ni Ivy?" nang-aasar na sabi ni Dustin.
Padabog na lumabas ng silid si Celine. Agresibo niyang isinara ang pinto na siyang ikinagulantang nina Dustin.
Nagtago si Celine sa may pintuan at palihim niyang sinilip ang room ni Dustin. Napaawang ang kaniyang bibig nang makita niyang naghahalikan na ang dalawa. Ikinalma niya ang kaniyang sarili sa kaniyang nasaksihan.
"Pwede pa akong umatras sa kasal namin pero anong ira-rason ko kay tatang? Paano si Don Alexander? Jusko po! Sumasakit na agad ang ulo ko sa lalaking iyon!" ani Celine habang nakahawak sa kaniyang sintindo.
Dustin's POV Bago tuluyang manganak si Celine ay kinausap ako ng kaniyang OB. Hindi raw niya kayang ilihim ang kondisyon ng aking mag-iina. Nagulat ako sa balitang nanggaling sa kaniyang bibig. "Doc, please. I'm begging you. Save my wife and my sons. I don't want to lose any of them. Please. I don't care if you will execute the most expensive method or way to do it. I'm willing to pay. Kahit maubos pa ang kayamanan ko, mabuhay lang ang asawa ko at ang mga anak ko," pagsusumamo ko habang nakaluhod sa harapan niya. "Mr. Saavedra, stand up. I don't want to get other people's attention," the OB said. Agad akong tumayo at tumingala. My tears were about to fall so I did my best to prevent it from gushing down pero…bigo ako. I ended up crying but who cares? A man can cry too. "Doc, please. Alam kong impossible itong hihilingin ko sa'yo pero pakiusap…para niyo na pong awa. Save them. Please," I pleaded. Bumuntong hininga ang OB at pumikit nang mariin habang ako naman ay abala sa pagpahid
Celine's POV Pinakasalan ko ulit si Dustin habang hindi pa gaanong malaki ang tiyan ko noon. It was one of the happiest day of my life. Akala ko, walang lalaking nakalaan para sa akin. Imagine, mawawala na sa kalendaryo ang edad ko pero nganga pa rin. Iyak ako ng iyak noon. Dumating din ako sa puntong tinatanong ko na ang worth ko bilang isang babae. Kinuwestiyon ko na rin ang buo kong pagkatao. Don't get me wrong. Okay lang na maging single until our hair turned gray basta kontento at masaya tayo sa buhay na mayroon tayo. We could also find happiness within ourselves. Nagkataon lang na gustong-gusto ko talagang magkaroon ng asawa at mga anak. Sobrang amazing ni Lord. Akala ko noong nakilala ko si Dustin, wala nang patutunguhan ang buhay ko lalo na noong sinabi niya sa akin ang tungkol sa kontrata. Natatawa pa rin ako kapag binabalikan ko iyon. Mukhang pera rin pala talaga ako noon. I couldn't imagine na sa totoong pagmamahalan mauuwi ang lahat. At first, I loathed Dustin. Sobra. He
Nagulat si Dustin nang biglang mag-ring ang kaniyang cell phone. Tumatawag ang kanilang tauhan na nakatoka sa pagbabantay kay Shantal. Tahimik siyang nagdasal na sana ay may maganda itong balita. Hindi pa rin niya pinipindot ang accept button."Dustin, bakit hindi mo agad sagutin? Importante yata 'yan," ani Celine."Ang totoo kasi Celine … si Shantal …""Si Shantal ay?" salubong ang kilay na turan ni Celine.Pikit-matang sinagot ni Dustin ang video call dahil alam niyang nakaabang din si Celine.["ATE CELINE! ATE CELINE SORRY. SORRY SA LAHAT. SOBRANG SALAMAT DAHIL LIGTAS KA. MAHAL NA MAHAL KITA ATE CELINE! PATAWARIN MO AKO."]Humagulhol ng iyak si Shantal. Napaiyak na rin si Celine dahil makalipas ang maraming taon, ngayon na lamang ulit niya narinig ang mga katagang iyon kay Shantal."Nasaan ka ba? Umuwi ka na. Sorry rin bunso. Hindi ko alam. Hindi ko alam na nalulunod ka noon. Hindi ko alam. Patawarin mo rin si ate. Mahal na mahal din kita bunso. Umuwi ka na please," umiiyak na samb
"Feever, lumaban ka," bulong ni Dustin habang nakasilip sa pinto ng ICU. Sari-saring aparato ang nakakabit sa katawan ng kaniyang stepbrother.Tinapik ni Celine sa balikat si Dustin at pagkatapos ay niyakap ito."Tumahan ka na. Hindi bagay sa'yo ang umiiyak. Magiging maayos din ang lahat," kumpiyansang sambit ni Celine habang hinahagod ang likod ng kaniyang asawa."Thank you, Celine. Siya nga pala, anong sabi ng OB? Okay lang daw ba si baby?"Tumango si Celine at ngumiti."Thanks God." Niyakap ni Dustin ang kaniyang asawa at saka pinupog ng halik sa noo."Ahm, Dustin, totoo bang maaaring makulong si papa?" nag-aalalang tanong ni Celine.Tumango si Dustin, "kailangan niyang pagbayaran ang kaniyang mga kasalanan, para sa ikatatahimik ng mga kaluluwa ng kaniyang mga naging biktima … kabilang na ang lolo ni Celestine."May diin ang bawat salita ni Dustin. Batid ni Celine na mayroong kinikimkim na sama ng loob ang kaniyang asawa sa kaniyang biyenan pero alam niya rin na may natatagong kalu
Sumikip ang dibdib ni Don Alexander. Unti-unti siyang nauubusan ng hangin. Nakahawak siya sa kaniyang dibdib habang pinapanood ang lahat. Umiiyak na rin ang iba pang bihag. Maging si Celestine ay nabigla sa ginawang iyon ni Peter. Wala iyon sa kanilang plano."Iisa-isahin ko kayo at aangkinin ko lahat ng kayamang mayroon kayo!" Umalingawngaw ang nakakatakot na tawa ni Peter sa buong silid. "Sino kaya ang isusunod ko? Ikaw? Ikaw? O ikaw?""P*tanginamo! Huwag mo silang sasaktan! Sinisigurado ko sa'yo hahabulin kita kahit sa impyerno!" sigaw ni Dustin."ITIGIL NIYO NA ANG KAHIBANGANG ITO! KUNG PERA LANG ANG DAHILAN KUNG BAKIT NIYO ITO GINAGAWA, HANDA AKONG IBIGAY ANG LAHAT NG MAYROON AKO. HINDI AKO NATATAKOT NA BUMALIK SA PAGIGING EMPLEYADO. PAKAWALAN NIYO NA KAMI!" sigaw ni Clark.Lumakad palapit kay Clark si Peter. Ikinasa niyang muli ang kaniyang baril at itinutok sa panga ni Clark."Gusto mo bang ikaw ang isunod ko?" nakangiting tanong ni Peter.Namutla si Glydel sa ginawang iyon ng
Ang sabi nila hindi mo na kayang sirain ang isang bagay na matagal nang sira. Totoo nga naman pero para kay Dustin, hindi ito applicable sa ngayon. Buong akala niya, wala nang mas sasakit pa sa pagkakaroon ng isang broken family, mayroon pa pala. Ang taong naging sandalan niya, ang taong tinitingala at nirerespeto niya nang buong puso, nagawa siyang paglaruan. Matagal niyang kinamuhian ang kaniyang Mama Kendal. Ipinagkait niya rito ang kaniyang oras at pagmamahal sa pag-aakalang ito ang sumira ng larawan nang masaya nilang pamilya. Nagkamali siya at ngayon ay walang habas ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Hindi niya alam kung paano siya makakabawi sa babaeng nagbigay ng ilaw sa madilim nilang tahanan, na akala niya ay kusang napundi at hindi na muling iilaw pa."Mama Kendal, I'm sorry," bulong ni Dustin habang nakatitig sa kaniyang mama."Enough of the drama," ani Glydel. Tumingin siya kay Kendal. "Mom, aren't you happy to us together? We got your favorite child for you! Mahal ka na
Nanlilisik ang mga mata ni Dustin habang pinagmamasdan ang nakaupong si Ronan. Gusto niyang paputukin ang labi nito. Gusto niyang baliin ang bawat buto nito sa katawan. Kung hindi lang siya nakatali, siguro ay wala na itong buhay."Matatapang lang kayo dahil may mga armas kayo. Ang totoo, bahag ang mga buntot niyo! Pwe!" Dustin wanted to provoke Ronan para mapalitan itong alisin ang mga nakatali sa kanila ni Clark."Hindi mo ako maiisahan Saavedra. Alam ko na ang style mong 'yan. Kung naging mabuting kapatid este amo ka sana kay Peter, wala ka sana sa sitwasyon mo ngayon," ani Ronan."Personal bodyguard ko lang si Peter. Hindi ko siya kapatid! Huwag nga kayong mag-imbento ng kuwento!" gigil na gigil na sambit ni Dustin.Kinuha ni Ronan ang sigarilyo sa mesa at sinindihan iyon. Matapos hithitin ay ibinuga niya ang usok sa mukha nina Dustin at Clark."Dustin. Dustin. Dustin. Sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw ang pinakamadaling paikutin. Madali kang utuin!" Tumawa nang malakas si Ronan
“Celine,” mahinang sambit ni Celestine. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Bakit humihingi ng tawad si Celine sa kaniya? Naalala na ba niya lahat o narinig niya ang usapan nila ni Glydel noon?Maingat na umupo si Celine sa kaniyang kama. Napatingin siya sa kaniyang tiyan. Nararamdaman niya ang buhay sa loob noon. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan at saka niya ulit hinarap si Celestine.“Patawarin mo ako Celestine. Hindi ko alam na ikaw pala ‘yon,” nangingilid ang luhang turan ni Celine.“Teka nga! Bakit ba panay ang sorry mo sa babaeng ‘yan ha, Celine? She kidnapped you for Pete’s sake! Muntik nang malagay sa alanganin ang buhay mo at ang buhay ng anak mo tapos … tapos ikaw pa ang humihingi ng tawad ngayon? Celine, minsan naman iwasan mong maging mabait! Baka lumampas ka na sa langit niyan!” litaniya ni Freya. Pulang-pula na ang mukha niya dahil sa sobrang inis.“Freya, relax ka lang. Hind —”Naputol ang sasabihin ni Celine nang bigla na namang nagbunganga si Freya.“Celine, how c
TCC #37.2 BestFrienemy“Celine, please gumising ka na,” nagsusumamong sambit ni Freya. Hawak niya ang mga kamay ni Celine habang pumapatak ang kaniyang mga luha. Napalingon siya sa may pintuan nang bumukas iyon. Ang kaniyang pangamba ay napalitan ng poot at pagkamuhi.“Ow. The CEO’s consort is still sleeping. Masama niyan, baka hindi na siya magising,” nakangiting turan ni Glydel habang ngumunguya ng V-Fresh.“Ano bang kasalanan ng kaibigan ko sa inyo? Bakit niyo siya pinapahirapan ng ganito?” matapang na sigaw ni Freya.Mabilis na naglakad si Glydel papunta sa kinaroroonan ng dalawa at agad na hinawakan ang buhok ni Freya. Nakaposas ang mga kamay nito sa kama ni Celine.“Marami kang hindi nalalaman kaya kung ako saýo, ititikom ko na lang ang bibig ko,” ani Glydel. Binitiwan niya nang marahas ang buhok ni Freya.Napalingon sina Freya at Glydel nang magsalita si Celestine. Kakapasok niya lamang ng silid. Nakatayo lang ito sa may tabi ng pinto.“Wala pa rin palang malay si Celine,” ani