"Feever, lumaban ka," bulong ni Dustin habang nakasilip sa pinto ng ICU. Sari-saring aparato ang nakakabit sa katawan ng kaniyang stepbrother.Tinapik ni Celine sa balikat si Dustin at pagkatapos ay niyakap ito."Tumahan ka na. Hindi bagay sa'yo ang umiiyak. Magiging maayos din ang lahat," kumpiyansang sambit ni Celine habang hinahagod ang likod ng kaniyang asawa."Thank you, Celine. Siya nga pala, anong sabi ng OB? Okay lang daw ba si baby?"Tumango si Celine at ngumiti."Thanks God." Niyakap ni Dustin ang kaniyang asawa at saka pinupog ng halik sa noo."Ahm, Dustin, totoo bang maaaring makulong si papa?" nag-aalalang tanong ni Celine.Tumango si Dustin, "kailangan niyang pagbayaran ang kaniyang mga kasalanan, para sa ikatatahimik ng mga kaluluwa ng kaniyang mga naging biktima … kabilang na ang lolo ni Celestine."May diin ang bawat salita ni Dustin. Batid ni Celine na mayroong kinikimkim na sama ng loob ang kaniyang asawa sa kaniyang biyenan pero alam niya rin na may natatagong kalu
Nagulat si Dustin nang biglang mag-ring ang kaniyang cell phone. Tumatawag ang kanilang tauhan na nakatoka sa pagbabantay kay Shantal. Tahimik siyang nagdasal na sana ay may maganda itong balita. Hindi pa rin niya pinipindot ang accept button."Dustin, bakit hindi mo agad sagutin? Importante yata 'yan," ani Celine."Ang totoo kasi Celine … si Shantal …""Si Shantal ay?" salubong ang kilay na turan ni Celine.Pikit-matang sinagot ni Dustin ang video call dahil alam niyang nakaabang din si Celine.["ATE CELINE! ATE CELINE SORRY. SORRY SA LAHAT. SOBRANG SALAMAT DAHIL LIGTAS KA. MAHAL NA MAHAL KITA ATE CELINE! PATAWARIN MO AKO."]Humagulhol ng iyak si Shantal. Napaiyak na rin si Celine dahil makalipas ang maraming taon, ngayon na lamang ulit niya narinig ang mga katagang iyon kay Shantal."Nasaan ka ba? Umuwi ka na. Sorry rin bunso. Hindi ko alam. Hindi ko alam na nalulunod ka noon. Hindi ko alam. Patawarin mo rin si ate. Mahal na mahal din kita bunso. Umuwi ka na please," umiiyak na samb
Celine's POV Pinakasalan ko ulit si Dustin habang hindi pa gaanong malaki ang tiyan ko noon. It was one of the happiest day of my life. Akala ko, walang lalaking nakalaan para sa akin. Imagine, mawawala na sa kalendaryo ang edad ko pero nganga pa rin. Iyak ako ng iyak noon. Dumating din ako sa puntong tinatanong ko na ang worth ko bilang isang babae. Kinuwestiyon ko na rin ang buo kong pagkatao. Don't get me wrong. Okay lang na maging single until our hair turned gray basta kontento at masaya tayo sa buhay na mayroon tayo. We could also find happiness within ourselves. Nagkataon lang na gustong-gusto ko talagang magkaroon ng asawa at mga anak. Sobrang amazing ni Lord. Akala ko noong nakilala ko si Dustin, wala nang patutunguhan ang buhay ko lalo na noong sinabi niya sa akin ang tungkol sa kontrata. Natatawa pa rin ako kapag binabalikan ko iyon. Mukhang pera rin pala talaga ako noon. I couldn't imagine na sa totoong pagmamahalan mauuwi ang lahat. At first, I loathed Dustin. Sobra. He
Dustin's POV Bago tuluyang manganak si Celine ay kinausap ako ng kaniyang OB. Hindi raw niya kayang ilihim ang kondisyon ng aking mag-iina. Nagulat ako sa balitang nanggaling sa kaniyang bibig. "Doc, please. I'm begging you. Save my wife and my sons. I don't want to lose any of them. Please. I don't care if you will execute the most expensive method or way to do it. I'm willing to pay. Kahit maubos pa ang kayamanan ko, mabuhay lang ang asawa ko at ang mga anak ko," pagsusumamo ko habang nakaluhod sa harapan niya. "Mr. Saavedra, stand up. I don't want to get other people's attention," the OB said. Agad akong tumayo at tumingala. My tears were about to fall so I did my best to prevent it from gushing down pero…bigo ako. I ended up crying but who cares? A man can cry too. "Doc, please. Alam kong impossible itong hihilingin ko sa'yo pero pakiusap…para niyo na pong awa. Save them. Please," I pleaded. Bumuntong hininga ang OB at pumikit nang mariin habang ako naman ay abala sa pagpahid
Pagkalabas galing sa trabaho ay dumiretso si Celine sa kanilang bahay para humiram ng pera sa kaniyang Nanay Lyn. Mababakas sa mukha ng dalaga ang labis na kasiyahan at pananabik. Agad siyang nagbihis bago kausapin ang kaniyang nanay. Si Celine ay tatlumpung taong gulang na. Nasa hustong edad na siya para mag-asawa at bumuo ng kaniyang sariling pamilya. Palagi siyang tampulan ng tukso sa tuwing magkakaroon ng class reunion dahil siya na lamang ang nananatiling single sa kanilang batch. Hindi mawari ni Celine kung bakit palaging nauuwi sa hiwalayan ang bawat relasyong iningatan niya naman ng lubusan. Sa kaniyang angking kagandahan at halos kulay nyebeng balat, naging palaisipan sa kaniya kung bakit siya nabibigo sa pag-ibig. Magaling din siyang makisama at kahit kailan ay hindi siya naging sakit sa ulo ng sinuman, kabaligtaran ng kaniyang bunsong kapatid. "Nay! Pautang muna po ako ng isang libo ha?" nakangising sambit ni Celine habang inilalahad ang kaniyang palad. "Aanhin mo naman a
Napapangiti si Dustin sa tuwing maaalala niya ang nangyari kanina sa kinainan niyang restaurant. Napatunayan niyang hindi lang pala siya ang lalaking mahilig mambasted ng babae. Dinaig pa niyang nanood ng live shooting ng isang pelikula. Sa kabila noon ay hindi niya maitatangging nagandahan siya sa babaeng iyon. "Dustin, saan ka nanggaling?" tanong ng kaniyang amang si Alexander Saavedra. "Nanood lang ng sine, papa," Dustin laughs devilishly. Si Alexander Saavedra ang pinaka-mayamang business tycoon sa probinsya ng Batangas ngunit sa kabila nito ay hindi niya nakakalimutang magbahagi ng kaniyang blessings sa ibang tao. Tumutulong siya sa mga taong alam niyang walang kakayahang magbalik ng pabor. Mayroon siyang itinayong mga charities at foundations kung saan tinutulungan niyang matutong magnegosyo ang mga kababayan niyang walang trabaho. Nakakapagbigay din siya ng trabaho dahil sa kaniyang mga programa at kompanya. Sa kabutihan ng kaniyang puso ay nagawaran siya bilang "BEST CITIZEN
Namamaga ang mga mata ni Celine nang magising siya kinaumagahan. Tinitigan siya ni Shantal habang ngumunguya ng V-Fresh. Magkatabi lang ang kanilang higaan. "Pang ilang beses mo na ngang na dumped, Ate Celine?" mapang-asar na tanong ni Shantal. "Pwede ba Shantal, wala ako sa mood makipag-away. Ang aga-aga! Wala ka bang balak gawin sa buhay mo? Bakit ayaw mong maghanap ng trabaho? Sinasayang mo ang pinag-aralan mo sa ginagawa mong 'yan. Mag-iisang taon ka ng tambay ah." "Akala ko ba ayaw mo ng away?" Tumayo si Shantal sa harapan ni Celine. Nakataas ang kanang kilay niya. Hindi na pinansin pa ni Celine ang bunsong kapatid at bumaba na sa dining area para kumain ng umagahan. Nasa may hagdan siya ng marinig niyang may kausap sa cellphone ang kaniyang amang si Clenthon. Naka-loud speaker palagi ang cellphone ni Clenthon dahil medyo mahina na ang kaniyang pandinig. "Sa San Juan Nepomuceno na lang natin sila ipakasal. Maganda ang simbahan na iyon. Iyon eh dinarayo ng mga artista," sugges
"Nasaan na ba ang babaeng 'yon kanina pa siyang late! Pinakaayaw ko sa lahat bulok sa time management," reklamo ni Dustin habang nililinga si Celine sa paligid. Halos isang oras nang naghihintay ang binata. Kung hindi niya lamang talaga kailangang makausap si Celine ay kanina pa sana siyang umalis sa kanilang tagpuan. He loathed late comers the most. Inihahampas ni Dustin ang kaniyang sapatos sa paa ng silya habang ang kanang kamay naman niya ay paulit-ulit na nagta-tap sa lamesa. Inaliw niya ang sarili sa panonood ng mga balita sa kaniyang iPhone. "I hate this! Ngayon lang ako naghintay sa babae nang ganito katagal! Seryoso ba siyang darating siya o pinaghihintay niya lang ako sa wala?" Sa sobrang inip ni Dustin ay tinawagan na niya ang cellphone ni Celine. Laking gulat niya nang sagutin ito ng isang hindi pamilyar na boses. "Ikaw ba si Dustin Saavedra?" tanong ng lalaki sa kabilang linya. Nang marealized ni Dustin ang posibleng nangyari sa kaniyang fiance ay agad niyang sinagot