Share

Chapter 2

Author: SHYNNBEE
last update Last Updated: 2022-07-14 20:40:25

"Thank you po," nahihiyang pasalamat ni Beth sa daddy ni Kian. Pasimple din siyang lumingon kay Kian na dire-diretso nang pumasok sa kanilang gate. Tumango at ngumiti ang daddy ni Kian.

Agad na din siyang naglakad papunta sa kanilang bahay na tapat lang ng bahay nina Kian.

Pagpasok sa loob ng bahay ay muli niyang naalala ang bagay na maghapong gumulo sa kaniyang isipan.

"Nandito na po ako!" sigaw niya pagkatapos ay dumiretso na siya sa kaniyang silid. Nilapag ang bag sa kaniyang kama at agad ginalugad ang kaniyang study table na nasa may bintana nakapuwesto.

"Nasa'n ka na ba?" tanong niya habang isa-isang tinitignan ang naliliit na drawer.

"Wala!" impit niyang tili. Napasabunot siya sa kaniyang buhok. Sunod naman niyang nilapitan ang bed side table niya. At nang wala pa din siyang nakita.

Hinanap na niya sa kaniyang kama. Sa ilalim ng unan. Nagawa na din niyang tignan maging ang ilalim ng kutson niya at ilalim ng kama pero wala pa din.

Nasuyod na niya ang lahat pero wala pa din. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang may sumagi sa kaniyang isipan. Hindi kaya nakita ni mama 'yun? tanong niya sa sarili.

May pagmamadali ang bawat hakbang niya at agad pinuntahan ang kaniyang ina na sa mga oras na iyon ay abala sa pagluluto ng kanilang hapunan.

"Ma!" tawag niya dito.

"Anak, ano 'yun?" tanong sa kaniya ng ina na kasalukuyang naghihiwa ng gulay.

Nagkamot ng ulo si Beth. Nakaramdam siya ng kaba. Hindi alam kung itutuloy pa niya ang sasabihin.

"May nakita ka po bang pink na papel?" tanong niya sa kaniyang ina.

Tumigil saglit ang ina sa ginagawa at ginawaran siya ng tingin.

"Pink na papel?" Tumango si Beth at nag-iwas ng tingin.

"O-opo, Ma. Scented paper po," nag-alangan niyang sagot at agad nag-iwas ng tingin. Umiling ang kaniyang ina.

"Wala akong nakita." Tumango si Beth at tatalikod na sana nang muling magsalita ang kaniyang ina.

"Hindi naman siguro love letter ang hinahanap mo," anito. Nanlaki ang mga mata ni Beth. Marahan siyang umiling-iling.

"Okay," ani ng kaniyang ina. "Masyado ka pang bata para makipagpalitan ng love letter, okay?"

Tumango si Beth. "Opo, Ma."

Kinaumagahan...

Nagkakagulo ang kaniyang mga kaklase pagpasok na pagpasok ni Beth sa kanilang classroom. Nagtatawanan, hiyawan at mga ito. Ang ilan ay tumitili.

Bumuntong hininga siya at naglakad na papunta sa kaniyang assigned seat. Nang mapansin siya ng kaniyang mga kaklase ay biglang nagsipagtahimik ang mga ito.

At pagkaraan lang ng ilang segundo ay muling bumalik ang ingay. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito. Dumiretso na siya sa kaniyang upuan dahil ilang minuto na lang at magsisimula na ang kanilang klase.

Luminga-linga siya at napansin niyang wala pa si Kian sa upuan nito. Binuksan niya ang kaniyang bag at nilabas ang kaniyang assignment notebook. May assignment kasi sila sa unang klase nila ngayong umaga. Habang abala siya ay muling nabalot ng katahimikan ang buong silid.

At saglit pa ay naagaw nang tuluyan ang atensyon ni Beth.

"Kian, alam mo bang matagal na kitang crush."

Nanlaki ang mga mata ni Beth nang  marinig niya ang kaniyang lalakeng kaklase na si Alden.

Ang hinahanap niyang pink na papel simula kahapon ay hawak-hawak ng lalakeng kaklase..

Nagtilian ang kanilang mga kaklase. Inaawat naman sila ni Alden para maipagpatuloy niya ang pagbabasa. As usual hindi sila pinansin ni Kian.

Dumiretso ito sa kaniyang upuan. Hindi malaman ni Beth ang kaniyang gagawin. Hindi niya alam kung susugurin. Alumpihit ito sa kaniyang kinauupuan. Nagyuko siya habang ang kaniyang kamao ay madiin ang pagkakasara.

"Summer noon at napakaganda ng sikat ng araw. Nasa labas ako ng aming bahay at nagdidilig ng mga halaman ng huminto ang isang sasakyan sa tapat naming bahay," pagpapatuloy ni Alden sa binabasang sulat.

Nagkakagulo na ang kaniyang mga kaklase.

"Sino ba 'yang nagsulat na 'yan?" tanong ng iba pero tanging tawa lang ang sagot ni Alden.

"Doon kita unang nakita. Nakasuot ka ng marvel tshirt na kulay pula. Ang guwapo-guwapo mo sa suot mong iyon. Pakiramdam ko ikaw ang aking hero na magsasagip sa akin laban sa mga monsters."

Hindi na nakatiis pa si Beth. Tumayo siya at mabilis na nilapitan si Alden na nasa harap at hawak-hawak ang kaniyang sulat.

Akmang hahablutin na niya ito pero naiwas ni Alden ang kaniyang kamay. Tumawa ito.

"Oh, bakit?" tanong ng lalake sa kaniya. Ngiting-ngiti pa ito.

"Itigil mo 'yan. Akin na 'yan!"

"Bakit, Beth, ikaw ba may-ari niyan?" tanong ng isa nilang kaklase na agad ding sinundan ng iba pa nilang kaklase. Napalunok siya at hindi agad nakasagot.

Nagsimula na silang mangantiyaw. Bagay na ikinapula ng mukha ni Beth.

Pero hindi niya ito pinansin. Muli niyang binalingan si Alden. Tawang-tawa din ang lalake.

"Akin na!" matigas nitong sigaw sa kaniya.

Imbes na ibigay nito sa kaniya pinagpatuloy lang nito ang pagbabasa.

"Araw-araw kitang sinisilip sa may bintana. Mahal na yata kita, Kian." Pulang-pula ang mukha ni Beth. Hiya, kaba at galit ang magkahalong nararamdaman niya.

"Love, Beth," pagtatapos nito sa pagbabasa ng kaniyang sulat.

"Ano'ng masasabi mo, Kian?" tanong ni Alden kay Kian na ngayon ay pulang-pula din ang mukha. Hindi niya alam kung dahil sa pagkapahiya ito o dahil sa galit na para sa kaniya.

Mabilis na naglakad si Kian palabas ng kanilang classroom. Nadagdagan pa ang galit na nararamdaman ni Beth. Pakiramdam niya ang umuusok na ang kaniyang tenga at butang ng ilong sa inis kay Alden.

Personal na bagay ang love letter at hindi ito dapat pinapakialaman. Ano ang karapatan nito na isapubliko ang nilalaman ng kaniyang sulat para kay Kian.

Gayong si Kian lang ang dapat makabasa nito.

"I hate you! I hate you!" sigaw ni Beth kay Alden.

Simula noon, hindi na siya pinapansin ni Kian. Kahit sulyapan ay hindi na nito ginagawa.

Kahit magkapitbahay sila ay walang tiyansa na makapag-usap man lang sila.

Naisip niya na marahil ay abot langit ang galit nito sa kaniya. Kaya naman napagpasiyahan niyang balewalain na lang din ito.

Pagtunton nila ng high school. Parehas pa din sila ng eskwelahan na pinapasukan ni Kian.

Alam na alam niya kung ilang beses magpalit ang binatilyo ng nobya. Habang lumalaki sila ay mas lalo pa ata itong gumaguwapo.

Sinikap niyang balewalain at kalimutan na lang si Kian.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Acaly JEan D Garci
kakulit lng hehe naalala ko kapatid ko noon basta may crush binibigyan nya ng loveletter nung 10 ata sya nun tas high-school ulit my binigyn sya na naging kaklase ko haha naalala lng po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Suddenly Married   Chapter 25

    Isang buwan lang ang naging preparasyon ng kasal namin ni Kian. Naghati ang aming mga magulang sa gastos para sa kasal namin, kahit pa ang gusto nina Kian at mga magulang niya na sila ang gumastos. Our parents insisted that he'll just use his money for the construction of our dream house. While I was away, sinimulan niyang ipatayo ang dream house namin. Malakas talaga ang kompyansa niya na hindi kami maghihiwalay, dahil tinuloy pa din niya. Pinadisenyo namin ito noon sa isang architecture student sa university na pinapasukan namin. Kaunting finishing na lang at puwede na naming tirhan. After the wedding ang interior design naman ng bahay ang aayusin namin, bago kami umalis ng bansa para sa honeymoon. We'll spend a month traveling abroad, before going back to the country. Balik sa trabaho, negosyo at sa pagsisimula namin ng pamilya. It's our mutual desicion to have a baby. ANG MALAKING simbahan dito sa siyudad ay pinalamutian ng iba't ibang kulay ng fresh na bulaklak.Napuno din

  • Suddenly Married   Chapter 24

    "Wake up, Moo. May lakad ka ngayon, 'di ba?" Ang malambing na boses ni Kian ang gumising sa akin. Mabigat ang aking talukap—gusto ko pang matulog. Kung hindi pa ako sumuko hindi ako titigilan ni Kian sa buong magdamag. Wala siyang kapaguran sa pag-angkin sa akin. Tuloy ang sakit-sakit ng katawan ko lalo na ang aking panggitna na pakiramdam ko nagkagasgas na. Inayos ko ang kumot na nakabalot sa aking katawan pagkaupo ko sa kama. "I made us breakfast," aniya bago nilapag sa aking hita ang tray na naglalaman ng hinanda niyang umagahan namin."Ang sakit ng katawan ko. Lamog na lamog ang pakiramdam ko," reklamo ko habang nakasimangot sa kaniya. Ngumisi siya at nagkamot ng kaniyang ulo. "Tinatanong kita kung kaya mo pa, sabi mo oo." Mas lalo akong sumimangot. Pinisil niya ang ilong ko at tumawa."As if you didn't enjoy it. You keep on screaming my name the whole night. You're even asking me to move faster on top of you..." Tumawa siya ng malakas ng hampasin ko siya ng unan. "I was

  • Suddenly Married   Chapter 23

    Nag-uumapaw ang kaligayahan na aking nararamdaman habang sinusuklian ang bawat hagod ng kaniyang labi sa aking mga labi. We stop kissing to catch our breath. Maalamlam ang kaniyang mata habang pinagmamasdan ako. Pinunasan niya ang tumulong luha sa aking magkabilang pisngi, bago muling dumampi ang kaniyang labi sa aking labi. This time it didn't settle there. Naglakbay pababa ang kaniyang labi papunta sa aking tenga. Huminga ako nang malalim sa kaniyang ginawa. "Kian..." anas ko ng bahagya niyang dilaan ang likod ng aking tenga pababa sa aking leeg. He just answer me with a hmmm. I begin to bit my lower lip when he trailed of his hot and wet tongue on my skin. His kisses and his touch fuel my lustful desire. I gasped when I felt his calloused hand inside my shirt, gently carressing my stomach up to my breast. I moaned and move my hips upward. He stop kissing my neck. He look at me and chuckled. Binigyan niya ako ng madiin na halik bago inangat ang suot kong tshirt. Ako na ang

  • Suddenly Married   Chapter 22

    Taas kilay kong sinalubong ang kaniyang mga titig, pero ako din ang unang umiwas ng tingin. Para akong teenager na pulang-pula ang mukha dahil nakatitigan ko ang aking crush. Bumuntong hininga ako at muling nagsubo. Nagutuman ako ng husto kaya wala akong pakialam kahit pa pinapanood ako ni Kian. Ramdam ko ang mainit na titig niya sa akin, at sinikap kong huwag maapektuhan. "Mas lalo kang gumanda, Moo..." He giggled like a teenager. I rolled my eyes. "Ang swerte ko sa'yo. Buti na lang talaga naitali na kita sa akin," he said proudly. Umiling-iling ako. Pinulot ko ang baso ng ice tea at ininuman. Titig na titig pa din siya sa akin. I can see the amusement and love in his eyes. Pagkalapag ko ng baso ay hinuli niya ang aking kamay. Magaan niya itong hinawakan at dinala sa kaniyang labi. Magaan niya itong hinalikan. I blushed, lalo na ng marinig ko ang pagsinghap ng mga estudyante na nasa kabilang lamesa. Kita ang kilig sa kanilang mga mukha habang nakatingin sa amin. "Ang sweet..

  • Suddenly Married   Chapter 21

    "I'm sorry! Kasalanan ko dahil nagsinungaling ako sa'yo. Hindi ako nagsabi ng totoo. But I didn't cheat!" Sinundan pa talaga niya ako. Saglit akong natigil sa paglalakad dahil sa sinabi niya. "Believe me, I didn't cheat."Yeah, I know you didn't cheat. Pero mababago pa ba natin ang mga nangyari? Our marriage was annuled now. At isa pa may mahal ka na ding iba. Hindi ko alam kung para saan ang usapan na ito. Gusto ba niya ng closure? Pinirmahan niya ang annulment namin. That is the closure.Huminga ako ng malalim at mabilis na pinunasan ang tumakas na luha. Muli akong humakbang at muli ding napatigil nang magsalita ulit siya. "Diyan ka naman magaling, e. Sa halip na makipag-usap, lagi ka na lang umiiwas, tumatakas at lumalayo." "What do you want me to do, huh?!" Nilingon ko siya. "Fight for me..." nanghihina niyang sagot. "How? Paano kita ipaglalaban kung sa huli ako naman pala ang talo. Kung siya ang piliin mo. Gusto ko lang namang ibangon ang sarili ko dahil nasagad na ako,

  • Suddenly Married   Chapter 20

    Malalim na ang gabi pero mas lalo pang dumagsa ang mga tao dito sa bar. Napagod na din akong magsayaw dahil halos magdikit-dikit na ang balat sa dami ng tao sa dance floor. Inaya ko na sina Macy na bumalik sa table namin. Iinom lang ako ng kaunti tapos uuwi na ako. Sa condo ni Macy muna ako pansamantalang tutuloy habang wala pa akong nahahanap na unit. Ang bahay namin dito sa Manila ay pinaupahan kasi nina Mama at Papa kaya naman hindi din ako puwede doon. "Sayaw pa tayo," aya sa akin ng lalake na kanina pa sunod nang sunod sa akin sa dancefloor, nang makitang tumalikod na ako at nagsimulang humakbang paalis ng dancefloor.I smiled politely at him. "Pagod na ako, e," tugon ko nang nakangiti. Patuloy siya sa pag-indak sa harap ko. He's tempting me but I shook my head. "Tara na!" aya ko sa mga kasama ko. Ang kulit ng lalake dahil sinundan pa din niya kami. Naiinis na sina Macy at Barbara."Next time naman ulit," sabi ko sa lalake para tigilan na niya ako. Mukhang madami na din kasi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status