Share

Chapter 5

I stayed in his house overnight. We stay awake late night having fun, and moaning each others name. Mag-umaga na yata kami nakatulog.

Kinaumagahan ay sabay pa kaming  pumasok ng university. Sinabay niya ako sa kaniyang sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan ng makarating kami sa parking lot ng university.

Pinagtitinginan kami  ng ibang mga estudyante habang naglalakad kami. Kunot ang noo at may pagtataka sa kanilang mga mukha habang nakatunghay sa amin. Tila mali sa kanilang mga mata na magkasabay kami ni Kian ngayon.

Mali nga naman talaga.

Tila hindi din normal sa akin ang araw na 'to. Walang nagtangkang mam-bully sa akin. Lalo na ang mga cheer leaders na madalas mambato sa akin ng mga nilukot na papel.

Napangiti ako sa loob-loob ko. Hindi na din masama. The perks of being Kian's woman.

Hinatid ako ni Kian hanggang sa pintuan ng unang subject ko. Hindi kami magkaklase sa mga major subjects ko dahil magkaiba kami ng kurso.

Natahimik ang mga kaklase ko ng makita ako. Hindi nila ako pinagtawanan athindi din sinabihan ng mga nakakainsultong salita.

Naging tahimik ang klase hanggang sa dumating ang lunch break. Nagpunta ako ng cafeteria.

Siguro naman tahimik na akong makakakain ngayon..Hindi ako nakapagbaon ng lunch na nakasanayan ko ng ginagawa.

Sa mga lilim ng puno ng mahogany ako lagi kumakain ng tanghalian mag-isa.  Wala kasi akong kaibigan na nakaksabay.  Kapag sa canteen naman ako kakain ay walang gustong makipag-share sa akin ng lamesa. Para akong isang virus sa kanila.

Nakabili ako ng pagkain na walang nagtangkang kumausap sa akin. Malaya din akong naupo sa isang mesa upang doon kumain.

Tahimik ang paligid. Tanging mga ingay ng kubyertos lang ang maririnig.  Pero paglipas ng ilang minuto ay naging maingay.

Papasok ang grupo ng mga cheer leaders. Napabuntong hininga ako lalo ng tumingin sila sa banda ko.

"Kumusta ka naman kahapon?" tanong nila sa akin. Hindi ako sumagot, pinagpatuloy ko ang pagsubo ng pagkain ko.

"Masaya ba?" Hindi ko alam kung ano ba ang gusto nilang ipahiwatig.

Nakahinga ako ng maluwag ng umalis sila at naupo sa ibang mesa..

Patapos na ako sa pagkain ko ng pumasok ang grupo ni Kian. Napatingin ang mga kaibigan niya sa banda ko. Gano'n na lang ang pagkalabog ng dibdib ko ng ngisihan nila ako.

Humakbang sila papunta sa kinaroroonan ko.

"Kumusta? Did Kian make your body sore?" tanong ng isang kaibigan niya sa akin.

Nagsipagsinghapan ang ibang mga estudyante na nakarinig. Ang iba na na-curious at gustong maki-chismis ay  lumapit pa sa amin.

Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Kian na tahimik lang at sa iba ang tingin.

"Akala ko pa man din hindi mo papatulan si Kian, dahil cinservative ka. Natalo tuloy ako sa pustahan," aniya at mahinang tumawa.

Nanlabo ang mata ko dahil sa nangingilid kong mga luha. Hindi ako makapaniwala na tinignan si Kian.

I stare at him with my questioning look. "You blackmailed me so that you can bed me. For what? For money?"

Hindi nga napakalat ang video namin ni Dave na naghahalikan pero heto naman ang kapalit. Tiyak na kakalat sa buong university na nakuha ako ni Kian.

Nilaolpitan ko si Kian. "Akin na ang video, burahin mo ang video!" sigaw ko sa kaniya.

"There's no video," sagot niya na nagpagimbal sa akin. Mabilis kong pinadapo ang palad ko sa kaniyang pisngi.

Matalas ko siyang tinignan saka nagmartsa palabas ng canteen. Hindi ako makapaniwala na nauto ako ng gano'n kadali.

"I like you. Mula ng high school pa lang tayo, gusto na kita. Napakailap mo kaya naman inaasar kita para mapansin mo ako." Those words. Naniwala ako. Naniwala ako sa kasinungalingan niya.

Pigil ko ang sarili na huwag mapahikbi. Nang makalabas ako ng gate ay sakto namang may taxi.

Hindi ko na kayang pumasok. Nasa sukdulan na ako ng pagtitiis.

Hindi ko alam pero naisip ko na baka may sex video kami ni Kian. Hindi ko na talaga pa kakayanin ang kahihiyan kung meron nga at kakalat iyon sa buong university.

Pagkarating ko ng bahay ay nakita ko ang sasakyan nina mommy at daddy na nakaparada sa labas ng bahay.

Nagpunas muna ako ng luha at siniguradong maayos ang istura ko bago ako pumasok ng bahay.

"Mom, dad," masigla kong bati sa kanila. Humalik ako sa pisngi nila. Hindi sila makikitaan ng humor habang nakatingin sa akin kaya naman nakaramdam ako ng pangamba.

"Ahm, masama po ang pakiramdam ko kaya umuwi ako," palusot ko hindi pa man nila ako tinatanong.

"Sino ang lalakeng nagpunta dito kahapon," seryosong tanong ni mommy. Si daddy ay tahimik lamang pero makikita mo sa kaniyang mukha na galit siya.

"Si  D-Dave po," sagot ko. Ang kinakatakot ko ay kung niloko lang ako ni Kian ng sinabi niyang wala kaming video ni Dave. Tapos nakarating kina mommy ang video na 'yon.

Lagot ako nito.

"Okay. Bakit ka nagpunta sa bahay nina Kian at doon natulog? May relasyon ba kayo? Ano'ng ginawa niyong dalawa? Gaano katagal na kayong gumagawa ng gano'ng bagay?" pataas na ng pataas ang boses ni mommy.

Kulang na lang ay hampasin niya ako ng kung ano mang bagay na madampot niya.

"M-Mommy," tawag ko sa kaniya sa naiiyak na tono. Paano ko ba sasabihin sa kaniya.

"Answer me, Beth." Maawtoridad na tinig ni mommy.

"K-kagabi po ang fi-first time," takot kong sagot. Napapikit ako.

Hinihintay ko ang sasabihin pa nila pero wala na ulit sinabi si mommy. Binalingan ko ng tingin si daddy ng marahas siyang tumayo.

"Hindi ako makakapayag na maagrabyado ang nag-iisa kong anak," aniya. Nanlaki ang mata ko.

Ano'ng ibig sabihin ni daddy? Ipapakulong ba niya si Kian? Pero 19 na ako at hindi menor de edad. Hindi naman ako ni-rape. At kung sabihin ko man na blackmail ang nangyari wala naman akong ebidensya. Mas malakas ang salaysay ng biktima kapag menor de edad siya.

Sinundan namin si daddy ng lumabas siya ng bahay. Akala ko sa sasakyan niya sa didiretso pero sa bahay nina Kian siya nagpunta.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Acaly JEan D Garci
suddenly married
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status