Tahimik at nakayuko ang ulo ko habang nakaupo dito sa couch nina Kian. Napapagitnaan ako ng upo nina mommy at daddy.
"Babae ang anak ko. Hindi ako makakapayag na hindi siya panagutan ni Kian," saad ni daddy. Hinahaplos Ni mommy ang braso niya upang pakalmahin siya.Naiiyak ako at isa lang ang tumatakbo sa isip ko. Ipapakasal kami ni daddy. Magiging asawa ako ni Kian..Pero si Kian, papayag ba siya? Tiyak na tatanggi yun. Worst ay kung tumakas siya.Tahimik lang ang magulang ni Kian. Hindi ko mahulaan kung galit ba ang daddy niya. Pero ang mommy niya ay nakangiti lang at kalmado.Narinig namin ang Pagdating ng sasakyan ni Kian. Bumilis ang pintig ng puso ko. Pinagapapawisan ang mga palad ko.Nang magbukas ang pinto ay nagyuko pa ako lalo. Hindi ko alam kung paano titignan si Kian.Oo may kasalanan siya sa akin at galit ako sa kaniya. Kaso ngayon ay natabunan iyon dahil sa bago na namang problema na kinakaharap namin. Kung minamalas ka nga naman.Naupo si Kian sa pang-isahan na couch. Narinig ko ang pagtikhim ng daddy."May relasyon pala kayo bakit naman naglilihim kayo sa amin?" tanong ng mommy niya.Gusto kong sagutin pero tinikom ko ang bibig ko dahil kung itatanggi ko mas lalaki pa ang issue at madadagdag pa yun. Baka magkagulo pa.At saka gusto ko ding malaman ang isasagot ni Kian. Itatanggi ba niya o sasabihin niya ang totoong nangyari."Kailangan mong pakasalan ang anak ko," diretsahang sinabi ni daddy. Dumoble pa yata ang tibok ng puso ko. Ano na Kian? Hindi ka ba sasagot.Bumuntong hininga siya. "Beth, ayos lang ba sa'yo na makasal sa akin?" tanong niya. Nag-angat ako ng mukha at tinignan siya.May pagtatanong ko siyang tinignan. Bakit ako ang tinatanong niya? At sa itsura niya wala akong mababanaag na pag-protesta sa gustong mangyari ni daddy.Hindi ako sumagot at nagbaba ulit ng tingin. "Papakasalan ko po ang anak niyo. Papakasalan ko po si Beth," seryodo niyang sagot kay daddy. Hindi nautal, hindi tunog natatakot, na-pe-pressure at hindi tunog napipilitan.Nagkaroon ng ilang minuto na katahimikan ulit. Ang mommy niya ang unang nagsalita."I am happy for you, son. Welcome to the family, Beth," masayang usal ng mommy niya."So, paano ang pagpapakasal nila? Anong gusto mong kasal, Beth?" tanong ng daddy niya. Nakangiti na siya at hindi na seryoso.Parang ang dali lang nilang natanggap lahat. Masaya pa sila. Ang daddy ang nagpumilit ng kasal pero mukhang siya pa ang bigo.Malamang nabigo sa'yo, wika ng utak ko."Magpakasal na muna sila sa huwes bago ang kasal sa simbahan.""Sige, tatawagan ko na agad ang kilala ko na judge." Alerto ang mommy niya na kinuha ang celphone at lumabas para tawagin ang kilala na judge.NAKASAL KAMI agad ni Kian. Sumunod lang kami sa gusto ng aming mga magulang. At hindi na kumontra pa.Pagsapit ng gabi ay dito na din ako sa kuwarto ni Kian matutulog. Wala pa din kaming imik sa isa't-isa. Bukod sa nakakabigla ang pangyayari, may kasalanan pa din siya sa akin. Ang babaeng b-in-lackmail niya at babaeng pinagpustahan nila ay ngayon ay asawa na niya.Napakabilis ng pangyayari.Tinuyo ko ang basang katawan ko at dito na din sa loob ng banyo nagbihis.Paglabas ko ng banyo ay nakahiga nasi Kian sa kama. Pinagmasdan niya ako, nakatingin siya sa bawat kilos ko. Naiilang man ay hindi ko na lang pinahalata.Kailangan ko ng masanay. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami magiging mag-asawa.Mag-aaral pa din naman kami kahit mag-asawa na kami. Siguro kapag may parehas na kaming trabaho sa future at kaya na naming gumastos para sa annulment doon kami maghihiwalay.Ngayon na umaasa pa din kami sa mga magulang namin ay susunod lang kami."Bakit ka pumayag na makasal sa akin?" tanong niya ng makaupo ako sa tabi niya.Nagkibit balikat ako. Hindi ba niya nakita kanina ang itsura nina daddy at mommy? Kaunti na lang ay mapagbubuhatan na nila ako ng kamay."Ikaw, bakit ka pumayag?" tanong ko sa kaniya sa halip na sagutin ang tanong niya.Nagkibit balikat siya. Kung ano man ang dahilan niya natitiyak kong parehas lang kami. Parehas kami na sumunod sa gusto ng mga magulang namin.Bumuntong hininga siya. Nahiga na ako at hindi siya pinansin. Nakatihaya lang ako. Nagulat ako ng tumagilid siya at humarap sa akin."I am sorry," aniya na kinagulat ko. Pero sa halip na matuwa sa paghingi niya ng tawad ay nakaramdam ako ng galit. Marahas akong nagpakawala ng hangin sa aking bunganga."Sorry? Sorry na pinagpustahan niyo ako, sorry na b-in-lackmail mo ako?" naiinis kong tanong sa kaniya. Sinamaan ko pa siya ng tingin."I am sorry kung kailangan pa kitang i-blackmail para mapansin mo ako." Lito ako sa sinabi niya pero hindi ako umimik."Sorry kasi natotorpe ako. Sorry dahil dinadaan ko sa pam-bu-bully mapansin mo lang ako."Tinignan ko siya ng may pagkalito."Kahapon, ng makita ko na may nagpuntang lalake sa bahay niyo. Natakot ako. Naisip ko agad na kapag nakipag-boyfriend ka na mas lalong hindi mo na ako mapapansin."Inikot ko ang mata ko. "Hindi mapapansin? Pansin na pansin ko nga eh, sa araw-araw ba naman na pang-aasar mo, hindi pa kita pansin sa lagay na 'yon?" masungit kong saad.Napatawa siya. "Matagal na kitang gusto.""Hindi convincing, matulog ka na. Galit pa din ako sa'yo.""Mag-usap pa tayo," aniya na parang bata. Malambing ang tono na ginamit at kulang na lang ay yakapin ako."Noong elementary tayo at nabasa ng mga kaklase natin ang love letter mo para sa akin, inis na inis talaga ako.""Pinagtawanan ako noon ng mga kaklase natin. Ikaw naman namumula ka sa galit at para bang kasalanan ko na mag-ka-crush ako sa'yo," sabi ko."Kaya ba hindi mo na ako tinitignan mula noon?""Galit na galit ka sa akin na nagka-crush ako sa'yo. Kaya naman naghanap na ako ng ibang crush." Pinahaba ko ang nguso ko."Naiinis ako sa'yo noong high school tayo.""Kasi may crush ako at hindi na ikaw 'yon?" Pinanliitan ko siya ng mata."Oo, nagseselos ako," sagot niya."Tssss. Ang galing mo ngang magselos eh. Dinaan mo sa araw-araw na pang-aalaska sa akin. Ang iba nililigawan ang babae na gusto nila, ikaw naman iba ang ginagawa mo." Tumawa siya sa sinabi ko."Sorry sa nangyari sa university kanina. Sinuntok ko si Harold ng makaalis ka. Hinabol kita kaso ang bilis mong nakasakay. Hinabol din ako ng guidance councelor," sabi niya at tumawa."Sorry. Sorry, Beth.""Wala na tayong magagawa nakasal na tayo eh.""Alam kong napilitan ka lang na pakasalan ako. Pero ako, Beth, hindi. Masaya ako. Masayang masaya.""Sana magustuhan mo ulit ako." Nagtitigan kami. Maya-maya'y naging masama ang timpla ng mukha. "Sino ang lalake kahapon na kasama mo? Anong ginawa niyo? Naghalikan ba kayo?""Ka-M.U ko siya," sagot ko. Gusto kong matawa dahil halatang selos na selos siya."Huwag mo akong maiisipang pagtaksilan, Beth," banta niya."Hoy, lalake. Ikaw nga itong napakadaming babae.""Nagseselos ka ba kapag nakikita mo akong may kasamang iba? Nagseselos ka ba?" Nakangiti siya.Tinampal ko siya sa balikat. So, pinagseselos niya ako kaya madami siyang mga babae na kaakbay sa university lagi?"Baby, promise araw-araw kitang liligawan. Babawi ako sa'yo, I love you."Nginitian ko siya."Thank you," sagot ko para inisin siya.Galit pa din ako dahil pinagpustahan nila ako. Pero kung hanggang kailan ang galit na 'to hindi ko alam.Pero isa lang ang alam ko. Sa lahat ng nangyari sa amin. Mula noong mga bata pa kami at hanggang ngayon, nasisigurado kong gusto ko pa din si Kian.Sana nga pang-habang buhay na kaming dalawa.Hindi ako gaano nakatulog sa magdamag dahil sa mga nangyari. Hindi ako makapaniwala na kasal na kami ni Kian. Ni hindi man lang kami dumaan sa ligawan or boyfriend-girlfriend stage. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Gusto ko lang matulog sa maghapon. Weekends naman ngayon kaya wala kaming pasok sa university. Naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan ng kuwarto ni Kian pero nanatili pa din akong nakapikit. Dinig ko ang paglapag niya ng kung anumang bagay sa bedside table at sunod kong naramdaman ay ang paglundo ng kama. Naupo siya sa aking tabi. Hindi ko sana siya papansinin ng maramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang mga daliri sa aking pisngi. "I know you're awake," aniya. Kailan kaya ako masasanay na gumising sa umaga na mukha niya ang unang makikita ko? At boses niya ang unang maririnig ko. Nagmulat ako ng mata at ang labi niyang may mga ngiti ang nasilayan ko. Nakakahawa ang ngiti niya. He bit his lower lip. 'Tapos ay dumukwang siya para halikan ako sa aking ulo. Napapikit
Sinulit namin ang buong araw namin sa resort. Halos lahat ng activities na offer ng resort ay ginawa namin. I enjoyed a lot. This is our first date together. He promised that he will take me out on a date often. Sunday ng hapon kami bumiyahe pabalik ng Metro. Back to reality ika nga. Pansamantala kong nakalimutan na mga estudyante pa lang pala kami. Nawala sa isip ko iyon. Akala ko adults na talaga kami. We are in a legal age now but still we needed to finish our studies for our future. ———Nagtanggal siya ng sapatos at hinubad ang kaniyang tshirt bago siya nagpatibuwal sa kama. Ako naman ay pumasok na muna ng banyo para makapaghilamos at makapagpunas ng basang bimpo sa aking katawan. Nanlalagkit kasi ang pakiramdam ko. Nagsuot ako ng komportable damit bago ko siya tinabihan sa kama. Umunan ako sa kaniyang dibdib. Agad naman niya akong niyakap at hinalikan sa aking noo. Napangiti ako. Didn't know that I could feel so happy being in his arms. Him beside me. ——Maaga akong gumi
"Hmmmm... How many children do you want?" he suddenly asked. I don't know if it's still early planning or talking about this thing. I shifted on my sit and to see his face. Okay. He was serious. I sighed and shrugged. "Since I was an only child. I wanted to have a big family. I like to have a big and happy family." I grew up lonely. I wasn't like the other kids who stay most often outside their house. Playing with other kids. I stayed mostly at our house. Play alone. I don't have someone to tell my secrets to. Don't have someone to share my toys to. Kian was also an only child, but we are totally different. He's friendly. People likes to be friends to him. He get along well with others. While I prefer to be alone. I just don't want to be judge. Childhood memories and trauma made me this way. I fear to socialize. I don't want people to be nice at me while I'm in front of them, then stabbed me and say ill things behind my back. So, why bother to be nice and to please people if the
"Beth, sasama ka ba?" tanong ng kaklase kong si Macy. I smiled weakly at her. I know she understand what I mean with it. The hope in her eyes fade. She sighed and nod her head later on. Ang grupo namin ang may pinakamataas na score kaya nag-aya silang mag-celebrate. May Ktv bar malapit dito at doon nila planong pumunta. Hindi naman ako mahilig na maglalabas kaya tinanggihan ko. And besides, may asawa na akong tao. Hindi maganda tignan na nasa labas ako at nagsasaya samantalang may asawa akong naghihintay sa bahay. Lumabas na ako ng room para magpuntang canteen. Kian texted me that he's already there. Pagdating ko ng canteen ay agaw pansin ang grupo nila. Nagkakatuwaan. Nang mapansin ako ni Kian ay agad siyang tumayo. Inakbayan ako at hinalikan sa aking pisngi. His friends are eyes are on us. Tinaasan ko sila ng kilay. Giniya na din ako ni Kian na maupo sa tabi niya. He already ordered food for us. Nakapagtataka ang katahimikan nila. Hanggang sa makalahati ko ang pagkain ay nag
Tumaas ang kilay ko sa kaibigan ni Kian. Na naman? Napatingin ako kay Kian. "It's okay if you don't want me to go," aniya. Samantalang ang kaibigan niya ay nagpa-puppy eyes sa akin habang pinagpapaalam si Kian na um-attend ng birthday party niya. "Sino naman ang mag-birthday next month?" tanong ko sa kanila. Halos sabay-sabay pa silang napakamot ng ulo. Last year, hindi naman nila pinagpapaalam ng ganito si Kian. And Kian refused to go last year. Bumuntong hininga ako. "Saan kayo pupunta?" tanong ko. Naalala ko ang birthday ni Raul nang nakaraan, ang sabi sa bahay lang nila pero malaman-laman ko kina Macy na sa bar pala sila nagpunta. "Sa bahay lang. All boys gaya lang din sa birthday ni Raul," tugon niya habang ang mata'y hindi mapirmi. Hindi siya makatitig sa akin na mariing nakatingin sa kaniya. Liar! I know where you guys went. "Please, payagan mo na. Huling taon na natin ngayon sa kolehiyo. Kapag nakapagtapos na tayo baka hindi na kami magkita-kita." Bumuntong hininga ak
Gumising akong mag-isa lang sa kama. It's only six thirty in the morning. It's saturday kaya wala kaming pasok sa university. Napatulala pa ako bago pinilit na bumangon at hanapin si Kian. Nadatnan ko siya sa kusina. May kawali na nakasalang sa kalan. Mukhang nagsisimula pa lang magluto. The kitchen was a bit messy. May mga ingredients at kung ano-ano pang mga pagkain na nasa counter top. When he notice my presence he glance at me. Sumandal ako sa pinto ng kusina at ngiting-ngiti siyang pinagmasdan. "Ang aga mo yatang bumangon at magluto." Tipid lang siyang ngumiti. Hininaan niya ang apoy sa kalan bago inilang hakbang ang pagitan namin. Hinalikan niya ako sa labi. "Sorry about last night. I came home late due to traffic," seryosong paliwanag niya. Tumango ako. "It's okay. I just hope you have texted me. Your wife was so worried." Bumuntong hininga ako. "Sorry..." He kiss me again. It last for few seconds dahil kung hindi pa siya titigil masusunog na ang kawali. "While I'm coo
Hindi kami nakapag-usap ni Kian pagdating ng umaga dahil mas maaga ng isang oras ang klase ko kaysa sa kaniya. Ininit ko na lang ang niluto kong pagkain kagabi. Ang cake na b-in-ake ko ay nasa ref lang. Pagkatapos kong magbihis ay sakto namang gising na siya. Tahimik siya at alam kong pinagmamasdan ako. Madami akong gustong sabihin at may mga bagay ako na gustong itanong sa kaniya pero ayaw kong simulan ang araw na ito sa away. Sa inis na naramdaman ko kagabi at hanggang ngayon ay natitiyak kong pagmumulan lang ng away. Hangga't maari gusto kong maging kalmado. Ayaw kong magulo ang aking isip lalo na at may mga quizes kami na dapat kong paghandaan this week. Naninikip ang dibdib ko. Wala akong halos tulog. Inis na inis ako habang nakikinig sa kaniyang paghilik. May impluwensya siya ng alak kaya naman himbing na himbing ang tulog. Walang kaalam-alam o mas tamang sabihin na walang pakialam sa asawa na inis na inis at masama ang loob sa kaniya. "I'm going," malamig kong paalam sa
Hanggang mag-lunch break ay hindi na kami ulit nakapag-usap ni Macy. Alam kong maya't maya siyang tumitingin sa akin pero dahil sa tindi ng emosyon na nararamdaman ko, sinikap kong iignora siya. Baka kapag makita ko ang awa sa kaniyang mga mata ay maiyak lang ako. Saksi siya sa nangyari. Saksi siya sa pagsunggab ni Kian sa tukso. Ayaw kong umiyak. Kahit sabihin pa na halik lang iyon o make out masakit, e. Pero paano kung hindi lang iyon halik? Paano kung mas higit pa doon?No. Kahit smack o ano pa man yan, it is still an act of cheating. Nang mag-lunch break sinundo ako ni Kian sa labas ng room ko. Nakangiti siya at agad akong niyakap at hinalikan. Bumuntong hininga ako at tamad siyang nginitian. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Nag-aalboroto na ang damdamin ko. Kanina pa ako hindi pinapatahimik ng aking puso. Pero nasa university kami. Hindi kami dapat nakikita ng iba na nag-aaway. Ayaw kong makita o malaman ni Jewel na may hindi kami pagkakaunawaan. It will